(3rd Person's POV)
"It's been years since you saw your mate, Alpha. You even stalked her and if I'm not mistaken until now. Now that you're back. What are you planning to do?" Jack asked the Alpha. Jack's the Beta kaya natatanong niya ito ng mga personal na bagay tulad na nga lang ng sa Mate ng Alpha dahil malaki ang tiwala sa kaniya ng alpha.
"I'm just trying to protect what's mine. After all I'm planning to reveal myself." Sagot ng Alpha.
"As her Mate?" The Beta asked again.
"There's time for that. Kailangan ko lang munang gawin ay makuha ang loob niya sa ganoong paraan ay madali niya tayong pagkatiwalaan at kapag nangyari yun. I can tell what we were."
"But how can you do that?"
"I'm not an Alpha for nothing."
Tumayo na silang dalawa mula sa pagkakaupo pagkatapos mag usap. There'll be a meeting na kailangan nilang puntahan lalo na't marami-rami na ring na kakaalam na nahanap na niya ang kaniyang mate.
Halos lahat ng may matataas na posisyon tulad ng Beta, Deltas and some high positioned Epsilon.
Lahat yumuko ng pumasok ang isang pamilya na ilang libong taon na rin namumuno sa kanilang Pack simula pa sa kanunununuan ng pamilyang ito.
Lahat napayuko ng pumasok na ang kasalukuyang Alpha ng Pack.
Isang taon pa lang mula ng manungkulan ang binata pero kita ang progress ng mga desisyong kaniyang ginagawa para sa kaniyang nasasakupan.
Yumuko sila bilang paggalang. Umupo ang Alpha na may kumpiyansa at kapurihan. Gayon din ang ibang nasa loob ng silid.
"Karamihan na ng nasasakupan na ang ating pangkat ang nakakaalam tungkol sa babaeng nakatakda para sa iyo. At nagagalak silang makilala ang babae." Panimula ng isang Delta.
"I know. Isang tao ang itinakda para sakin at hindi kapwa lobo. Kaya kailangan nating mag ingat. Alam naman niyung mayroon paring iilang bampirang pakalat kalat dito sa siyudad at may planong pabagsakin tayong mga lobo."
"Alam namin iyon. Kaya mas pinahigpit namin ang seguridad ng lupaing ating tinitirhan." Sabat ng isang Epsilon.
"Good." Tanging sambit ng Alpha.
Ang pagpupulong ay nagtuloy tuloy. Sinulit na nila ang pagkakataong iyon para mapag usapan ang mga bagay bagay at mga problema na susulungin ng pangkat sakaling magkaroon ng komplikasyon sa pagiging Luna ng itinakdang babae para sa Alpha.
Natapos ang pulong at marami rin silang napag usapan. Lumabas ang buong pamilya ng mga Chauser sa loob ng silid.
"Laver, anak dumiretso ka sa opisina ng daddy mo at may pag uusapan tayo." Utos ni Mrs Rina Chauser sa anak.
"Yes, Mom. I'm just going to talk to someone."
Naunang umakyat ang mag asawa. Si Laver naman ay dumiretso sa Kwarto niya upang may tawagan. Idinial niya na ang numero ng kaniyang pinsang si Fin.
"Hello, Bro. Napatawag ka?"
"Where are you? May meeting kanina, wala ka." Walang emosyon namang bungad niya sa pinsan.
"Sorry, may pasok kami e. Andito ako sa school. Bakit mo na itanong?"
"You know the girl I told you right? I want you to watch and guard her. Pero siguraduhin mong hindi ka niya mahahalata."
"Si Ali ang tinutukoy mo diba? Na usap usapang mate mo diyan."
"Yes. And do what I told. That's an order."
Hindi na niya hinayaang sumagot ang nasa kabilang linya at pinatay na ang tawag. Lumabas na siya ng kuwarto niya at pumunta sa opisina ng ama.
"So what are you planning to do?" Like his Beta. Yun din ang tinanong nang kaniyang ama pagkaupong pagkaupo niya.
"You know, anak. Bibisita tayo sa CU within this month, right?"
Tumango lang si Laver bilang sagot. Isa yun sa dahilan kung bakit umuwi ang buong pamilya nila dito sa Pilipinas.
"I heard dun nag aaral si Keith."
Dagdag ng Mommy niya.
"Keith?" Tanong niyang nakakunot ang noo.
"Your mate. She's Ali Keith Reyes." Sagot naman ng Ama niyang si Mr James Chauser.
"What if you transfer at CU to be with her and start making a move?" Suggestion ni Mr Chauser.
"What a great idea , Dad."
----
(Ali Keith's POV)
Boring. Boring. Boring.
Wala na akong ibang magawa kundi isipin yung lalaki nitong nakaraang ma snatch-an ako. Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya kundi yung mag ingat daw ako. Yun lang ang narinig. Damn! Bakit ko ba iniisip yun? Baka naman pinagsasabihan lang ako.
P*ta nabuburyo na ako. Wala na namang klase. Ikalawang araw na ito ngayong linggo na walang klase dahil sa mga sudden meetings ng mga school personnel. Lalo tuloy akong tinatamad na pumasok. Sayang lang talaga at maaabsentan ako.
Nagpalinga linga ako para naman maka kita ng kaaya aya sa loob ng classroom. Pero ano namang kaaya aya ang makikita ko sa loob ng classroom na ito kung puro naglalambingan na magjowa, naghaharutan, nagbabatuhan at nag-aasarang mga kaklase ang makikita ko dito at ang ingay pa, a typical classroom filled with noise.
Pero may isang nakakuha ng pansin ko. Si Fin ay matamang nakatitig sa akin. Ito na naman tayo sa weirdness ng lalaking ito.
Kakaiba ang titig niya ngayon kesa nong weekend dahil yung mga titig niya ay parang binabantayan niya ako at baka kung ano mang oras ay mawala ako sa paningin niya.
"Weird ng lalaking to." Bulong ko sa sarili ko.
"Sinong weird?"
"Ay WEIRD!" Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla bigla na lang sumusulpot si Siti sa kung saan saan kasama ang isa pang bruha na si Addison.
"May lahi ba kayong multo at bigla na lang kayong sumusulpot?" Tanong ko sa kanilang dalawa ng may inis sa tono.
"Grabe siya o. Pero sino yung weird na tinutukoy mo?" Balik tanong ni Addison.
"Wala. Kausap ko lang yung sarili ko. E kayong dalawa saan kayo nagsususuot , ha!?"
"Pagala gala lang sa buong Campus. Alam mo may chika kami sayo." Ani Siti at nag gesture pa na parang pinapalapit ako dahil may sekreto siyang sasabihin.
"Ano yun?" Tanong ko.
"May nakita kami ni Addison sa Garden. May nag aano sa Garden, Bes." Sagot ni Siti.
"Nag aano? Diretsuhin niyo kasi ako!" Kaasar naman itong dalawa di pa diretsohin.
"Alam mo na yung ginagawa ng mag-jowa." Ani Addison. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nila. Yuck. Ano na bang pumapasok sa utak ngayon ng mga kabataan? Seriously? Sa Garden talaga?
Habang diring diri ako ay tawa naman ng tawa ang dalawang bruha. Aish.
Dahil alam nilang ayaw ko ng ganong topic dahil na rin sa mood ko ay mabilis na idinivert ni Addison ang topic sa ibang bagay. Hindi naman a ayaw ko ng topic nagkataon lang na parang ayaw kong pag usapan ang mga ganoong bagay.
Kung saan saan napunta ang mga pinag uusapan namin. Meron pa yung pati yung mga kaklase naming andiyan lang sa gilid ay napag chichismisan namin dahil sa pagka bored.
Nang oras na ng uwian ay tulad nung isang linggo ay nauna ulit na umuwi yung dalawa kasi pinapatawag kaming mga scholars ng mga Chauser.
Nang dumating ako ay magsisimula na, ako na lang pala ang iniintay.
"Alam niyo na naman na bibisita ang mga Chauser dito , diba?" Tumango kami bilang sagot.
"Well sa hindi inaasahan e mapapaagap sila ng bisita. So we need to prepare tomorrow to welcome them in our school. "
Lahat ng mga kakailanganin namin para bukas sa pagsalubong bukas sa pagdating ng buong pamilya ng mga Chauser. Dahil free-cut naman daw bukas sabi ni Ma'am ay may oras pa kaming magagamit sa pag aayos ng iba pang kakailanganin. Pinauwi na rin kami ng katapos pag planuhan ang magaganap para bukas. Pero bago pa ako umalis ay muli akong tinawag ni Ma'am.
"Ms Reyes. Can we talk for a while?"
"Sure , ma'am."
"Siguraduhin mong nandidito ka habang sinasalubong natin ang buong pamilya nila, okay?"
"Okay po. Pero bakit po?"
"Isa ka kasi sa napili kong magsabit ng garland sa isa sa kanila na sabihan ko na ang dalawa mo pang makakasama. So, I'm expecting that you'll be able to do it tomorrow."
"Makakaasa ka po , Ma'am." Magpapaalam na sana ako ng muli niyang tawagin ang pangalan ko.
"And one more thing, Ms Reyes. I'm appointing you and Wenna to be their guide tomorrow. Lalong lalo na si Mr. Laver Eliot Chauser. Kakailanganin ka niya."