Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang pangalan na iyon. Kung hindi ako nagkakamali siya ang anak ng mag asawang Chauser at halata naman yun sa apelyido niya.
Ano ba naman yang nararamdaman ko? Marahan kong minamasahe ang bandang dibdib ko sa tapat ng puso ko. Sa pag aakalang mababawasan ang bilis ng t***k ng puso ko. Pati ata puso ko nadadamay sa ka-weirdo-han ng mga tao ngayon.
Siguro kinakabahan lang ako kasi makikita ko ang mga mahahalagang tao sa school bukas. Naglakad na ako palabas ng school. Kailangan kong makauwi bago pa magdilim.
Natatakot na rin akong magpalakad lakad tuwing gabi dahil sa hindi magandang karanasan nitong nakaraan.
Dun ko lang napatunayan na napakatanga ko. Biruin mo nang stalk ako at ano naman ang napala ko muntik ko nang ipahamak ang sarili ko. Mabuti na lang at may sumagip sa akin kung hindi pinaglalamayan na ako. Kaya nag papasalamat ako kasi may nagligtas sa kin ang kaso nga lang ka uri rin ng muntik ng pumatay sakin.
Akala ko ay panaginip pa rin ang nangyari. Pero ilang linggo na simula ng mangyari yun ay mas lalo kong napatunayan na hindi yun panaginip.
Yung lalaking sinusundan ko ng araw na iyon ay isang estudyante sa isang university na malapit lang dito. Nitong pasukan ko lang siya nakilala at iyon simula ng pagkaka crush ko sa kanya. Matalino ang lalaking iyon at mahilig din sa sport pero hindi ko inaasahang ganun pala siya, isang asong lobo at ako pa ang napili niyang kainin. Bagaman kung hindi dumating ang kulay abong isa pang lobo ay patay ako. Kaya nagpapasalamat ako sa kaniya. Wala akong maramdamang takot man lang ng makita siya.
Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat ng bumusina ang isang sasakyan sa likod ko. Handa na sana akong sigawan ang kung sino mang hinayupak ang nagdadrive ng makita ko ang nag mamay ari ng sasakyan.
Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa na lalaking to?
"I'll take you home." Fin said.
"Hindi ko kailangan ng maghahatid. Kaya ko namang bumiyahe mag isa."
"I know pero hindi kita pwedeng pabayaan na lang lalo na't utos sa kin na ihatid kita at kung mapahamak ka ako ang mayayari niya." Paliwanag niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to? E kaklase ko lang naman siya.
"Nababaliw ka ba? Bigla bigla ka na lang sumusulpot. Tapos ang weird weird mo pa at ihahatid mo pa ako."
"Oo na, Oo na. So sasakay ka na?"
Tanong niya. Ano bang trip ng lalaking ito?
' Just go with him. You'll be safe with him."
Gusto kong alogin ang ulo ko. Tama ba ang narinig ko. May nagsalita sa utak ko o imahinasyon ko lang yun kaya kung ano anong boses ang pumapasok sa utak ko. Aish. Kastress.
"Sumakay ka na para maihatid na kita may kailangan pa akong gawin." Wala na akong nagawa kundi sumakay dahil alam ko namang pipilitin niya pa rin ako kapag humindi ako.
Halos 25 minutes din ang naging byahe namin. Nakapagtataka lang na hindi niya tinanong sa akin kung saan ako nakatira at halos alam na alam niya pa ang daan papunta sa bahay.
"Pinapasabi niya nga pala, lock the doors and make sure you're safe kapag wala ang mga pinsan mo." Sinasabi niya yun habang nakatingin sa cellphone niya. Nangunot ang noo ko. Ano na namang pinagsasabi nito?
"Sino namang nagsabi niyan?"
"Wala, wala. Just make sure na safe ka, okay? Malalaman mo rin." Bumaba na ako sa sasakyan.
"Salamat na lang."
Akala ko ay aalis na siya pero mukhang hihintayin niya pang makapasok muna ako sa loob ng bahay. Kahit na may pagaalangan ay pumasok na rin ako. Wala pa ang mga pinsan ko kasi kadalasang Alas diyes o alas nuebe ang out nila sa trabaho.
Hindi ko alam kung anong mayron pero parang may nagtutulak saking sundin ang pinapasabi ng kung sino man iyon kaya ini lock ko ang pinto.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit ay kinuha ko ang mga gamit ko at nagtingin tingin ng mga notes para ma review ko na din.
After nang pag rereview ay nahiga na ako. Pinatay ko na din ang ilaw di kasi ako sanay na may ilaw.
Ang liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko na lamang kaya nakikita ko ang ilang parte ng kwarto ko.
Paiba iba ako ng posisyon sa paghiga dahil hindi ako makatulog. Kailangan ko pa namang gumising ng maagap para sa pag salubong sa may ari ng school. Hindi ako pwedeng mapuyat.
Kung ano ano nang ginawa ko pero di ako dinadalaw ng antok.
Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.
Mabilis akong bumaba ng hagdan. Hindi pa ako nakakababa sa huling baitang ay nakarinig ako ng tila may nabagsak na kung anong stainless sa loob ng kusina.
Kinabahan ako. Nitong mga nakaraang araw parang palagi akong minamalas. Kung ano anong nangyayari sa akin masasama. Huwag naman sanang magnanakaw to o.
Kinuha ko ang tambo na nakasabit sa may likod ng pintuan. Para kahit papaano ay may pang protekta ako sa sarili ko.
Nang makarating ako sa may pintuan ng kusina ay hinanda ko na ang walis na ipanghahampas ko. Nang maramdaman kong papalabas na siya ay hinanda ko na ang sarili ko.
"MAGNANA--kaw!"
"Ahhhh!"
Naiwan sa ere ang huling pantig ng salitang sinasabi ko ng makita kung sino ang muntik ko nang mahampas.
"Ano bang pinaggagawa mo, Ali!? Aatakihin ako sa gulat sa mga pinaggagawa mo." Napayuko ako sa hiya. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Nakakahiya.
"Sorry, Ate Claire. Ikaw naman kasi e hindi ka nagbubukas ng ilaw. Napagkakamalan tuloy kitang magnanakaw."
"Sige na nga umakyat ka na ulit at matulog."
"Kuha lang ako ng tubig." Paalam ko.
Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay umakyat na akong muli sa kwarto. Kumunuot ang noo ko ng makitang bukas ang bintana ng kwarto ko.
Siguradong akong sarado to kanina pa. Papaano to nabuksan?
Nanayo ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa loob ng kwarto dahil sa naka bukas na bintana. Agad akong lumapit dito at isinarado pero bago ko tuluyang isarado ay tumingin muna ako sa ibaba.
Gusto kong tumakbo sa kama at magtalukbong ng kumot ng makita ko ang anino ng isang nakatalikod na hayop na sa tingin ko ay mas matangkad pa sakin at may mabalahibong katawan. Isinarado ko ang bintana ng may pag mamadali.
Nanaginip na naman ba ako. Kung di ako nagkakamali ay isang lobo iyon.
Hinahunting na ba ako dahil sa may nalalaman ako tungkol sa mga uri nila?! Papatayin ba nila ako?! Oh, God!!
Pabalik balik akong naglalakad. Di ako mapakali. Ano bang nangyayari sa akin?!
Napatalon ako sa gulat ng makarinig ng tahulan ng mga aso sa may kapitbahay. Mabilis pa sa alas cuatro na humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.
---
Napapahikab na lang ako habang naglalakad papasok sa school. Inaantok pa rin ako hanggang ngayon. Kunting oras lang ang itinulog ko dahil sa takot. Sa malaking aso na nakita ko kagabi. Hindi ko man literal na nakita kundi yung anino lang pero kinikilabutan pa rin ako. Ang mas ikinakatakot ko ay baka may kaugnayan ito sa nangyari noong nakaraang muntik na akong lapain ng isang lobo. Bakit sunod sunod ang mga ganitong pangyayari? Bakit?
Dumiretso ako sa classroom. Masyado akong maagap ngayon. 30 minutes pa bago mag simula ang klase.
"Ali, Tara na kay Ma'am Castro." Tawag sakin ni Wenna.
"Huh? Bakit?"
"Nakalimutan mo? Bibisita ngayon ang may ari ng school."
Halos nakalimutan ko na ang tungkol dun. Buti na lang ay pinuntahan ako ni Wenna kung hindi lagot ako.
Pagkarating namin dun ay naghahanda na ang iba pa naming mga kasama.
Marami rami na rin ang pumapasok. Excuse na din kami sa mga klase namin na masasagasaan dahil sa pagsalubong namin. Siguro sobrang importante talaga nila kasi may pagsalubong pang magaganap. Sasabitan pa sila ng garland. VIP. Akala mo Mayor o Gobernador ang parating.
Napapangiti na lang ako sa mga pinag iisip ko. Haay Ano ba naman to?
Natapos namin ang paghahanda na tamang tama lang sa plano. Parating na rin ang pamilya ng mga Chauser.
Humanay na kami. Dahil isa ako sa may hawak ng garland. Ako ang naatasang magsabit nito sa anak nila.
Nakita na namin ang sasakyang gamit nang pamilya. Para namang tinatambol ang dibdib ko dahil sa kaba. Alam kong hindi lang kaba ang nararamdaman ko di ko lang matukoy kung ano. Nanginginig na din ang kamay ko.
Pumara ang sasakyan sa harapan at lumabas ang sa tingin ko ay body guard. Pinagbuksan nito ang nakasakay sa backseat.
Lumabas ang isang hindi naman katandaang lalaki pero kita pa rin ang pagiging magandang lalaki nito nung kabataan kasunod nito ay ang isang babaeng sa tingin ko ay asawa nito na may kagandahan din kahit may mga wrinkles na ito. Pero sa galaw nilang dalawa ay parang kay lakas lakas pa nila.
Umalis sa harap namin ang sasakyan at may isa pang itim na sasakyan ang pumara sa harap namin. Lumabas dito ang isang pamilyar na lalaki na nakita ko na. Hindi ko napansin na pigil pigil ko pala ang hininga ko. Parang gusto ko na lang maglaho dahil baka nakikilala niya ako.
Bumalik ako sa katinuan ng umimik na ang mga kasamahan ko.
"WELCOME TO CU, CHAUSER FAMILY."
Lumapit na ang dalawa pang naatasan kina Mr. and Mrs. Chauser. Sumunod na din ako. Sa nanginginig na kamay ay isinabit ko sa leeg ang garland na hawak ko sa anak nina Mr and Mrs Chauser. Habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. Umiwas ako ng tingin .
"Welcome to CU, Sir." Bulong ko na tama lang para marinig niya.
Halos matumba ako sa pagkakatayo ko ng bigla niya akong halikan sa pisngi ko. Parang lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko at sigurado akong namumula na ako.
"Thank You."