Chapter 5

1851 Words
Namula ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Ano tong nararamdaman ko? Hindi na normal to.  Unang una sa lahat bakit ba niya ako hinalikan? Tss. Nang lingonin ko ang ibang kasamahan ko ay lahat sila nakatingin sa akin at nanlalaki ang mata maliban kay Mrs Castro at sa mag asawang Chauser na akala mo ay normal lang ang ginawa ng anak nila sa akin.  "Ahem!" Pekeng tikhim ni Mr. Chauser.  "Dito po tayo sa loob Ma'am, Sir." Iginiya niya papasok ang mga bisita habang ako naman ay parang nabato sa kinatatayuan ko. Nang maka recover ang iba ay sumunod sa loob. Habang ako naman ay hinigit na lang ni Wenna. Kaya nagpatianod na lang ako. Ramdam ko ang kakaibang titig ng karamihan sa kanila. Pero may nangingibabaw sa kanilang lahat. Yun ay nagmumula sa titig ng isang Laver Eliot Chauser na ngayon ay naka upo na.  Isang mahaba at malaking Mesa ang nandito sa loob ng Conference Hall na ito. May mga pagkaing nakahanda para sa kanila. Lahat yun ay nasa isa pang lamesa na naka buffet style. Inanyayahan kaming maki salo sa kanila at hindi naman namin tinanggihan iyon. Nasa 16 lang kaming mga scholars na college na at meron din ang pamilya nilang scholars na sa ibang school nag aaral at iba iba ang grade level. Ang mesa ay ma o- occupy ng mga 22 ka tao sa laki nito. Dahil may iba pang kasama sila na mahahalagang tao ay yung iba ay sa iilang maliliit na lamesa na hindi nalalayo sa lamesa. Pinaupo naman ako ay sa tapat mismo ng pamilya Chauser. Kaya masyado akong naiilang sa mga bawat kilos ko. Nagsimula na silang mag usap habang ako ay tahimik lang na kumakain. Hanggang sa natigil ako sa pagnguya ng marinig ko ang pangalan ko. " Matalinong bata to si Ali. Magaling pagdating sa academic. At hindi niya pinababayaan ang pag aaral niya." Puri sakin ni Maam Castro na may kasama pang pagtapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya at sa kausap niya. Sina Mrs. Rina Chauser at Mr. James Chauser. Habang ang anak nila ay matiim lang na nakikinig sa pinag uusapan nila. "So graduating ka na this year, right hija?" Tanong sakin ni Ma'am Rina. "Opo" Sagot ko na may kasamang tango. "What are your plans after your graduation?" Tanong naman ni Sir James. " Umm.. Planong ko pong magtrabaho agad after graduation para makatulong kay Mama at Papa." Magalang kong sagot. "How about your love life?" Tanong ni Sir Eliot , mas gusto ko siyang tawagin sa second name niya di ko alam kung bakit at mukhang interesadong interesado siya sa topic about sa lovelife ko. "Hindi ko po gaanong pinag tutuunan ng pansin yun. Wala pa po sa isip ko." "But hindi ba tama lang na magkaroon ka na ng boyfriend at your age right now para mas makilala mo siya." Suhestiyon ni Ma'am Rina. Napatango na lang ako bilang pag sang ayon. Sabagay tama naman si Ma'am. I'm already 22 pero parang wala pa rin akong balak mag kaboyfriend. Na divert ang topic sa ibang bagay.   Lumipas ang mahigit dalawang oras ay nag sitayuan na ang lahat. Sina Mr. And Mrs. Chauser ay napiling mag ikot ikot sa buong university. Ako naman ay dumiretso sa Comfort Room para umihi. Paglabas ko sa isang cubicle ay halos mapatalon ako sa gulat ng madatnan ko si Sir Eliot sa loob ng banyo.  "Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. "Drop the po. And hindi ka ba nasabihan about you being my tour guide?" Nakakunot noo niyang tanong. Parang gusto kong burahin ang pagkakakunot ng noo niya ng bigla kong maalala ang isa ko pang tungkulin na nakalimutan ko na. "Sorry, sir. Nakalimutan ko. Gusto niyo bang ilibot ko kayo?" Magalang kong tanong muli. Tumango siya bilang sagot. "Let's go." Hinikit niya ako palabas ng CR. May nagulat pang isang babae na papasok sa CR dahil sa paglabas namin at sisiy na rin ay dahil sa may lalaking galing sa loob. Isinawalang bahala ko na lang ang kung ano mang nasa isip ng babaeng iyun. Hinila niya ako hanggang  sa makalabas kami sa building kung saan naganap ang isang salo salo.  "Saan niyo po ba gustong pumunta?" Magalang na tanong ko sa kaniya. "Wag mo kong kausapin na parang ang tanda tanda ko sayo. I'm just a year older than you." "Okay." "Good. Gusto kong libutin ang buong school." "Sige po. Tara na."    Nauna na siyang maglakad sa akin kaya sumusunod lang ako. "Alam niyo na po ba yung mga gusali dito?" "No. Kailangan ko ding malaman yun kasi dito na ako mag aaral." Sagot niya sa akin. Naglakad lakad kami para maituro ko sa kaniya yung mga pangalan ng bawat building dito sa loob ng campus. Kung anong department ang nandoon. Kung anong course ng mga nagkaklase sa partikular na building na iyon. "Yun po ang Admin. Yun pong Isa na katabi ay Office ng mga head teachers. Yung katabi pa ay sa personnel ng school." Habang sinasabi ko yun ay tinuturo ko ang bawat gusali.       Halos nalibot na namin ang buong school at masakit na rin sa paa dahil sa laki ng school.       Nakarating kami sa Field kung saan may roong ibang estudyante ang nag jojogging at naglalaro ng soccer. Umupo muna kami sa bench na naandon.         Napahinga akong malalim dahil napagod talaga ako. "Okay ka lang?" Nagulat ako sa tanong niya at sa tabi ko pala siya umupo. "Uhuh. Medyo napagod lang." Sagot ko sa kaniya na may kasamang pagtango. "Sige magpahinga ka muna." Sabi na lang niya.         Kalahating oras kaming nagpahinga. Si Sir Eliot ay nanonood sa mga naglalaro. Bigla akong inantok dahil na rin siguro masyado akong napagod kanina kahit na naglalakad lang kami. At nakakangalay din. "You want to rest?" Mahinahong tanong niya sa akin. "Hindi na, Sir Eliot. Ituloy na muna natin ang paglilibot." Sagot ko.          Napatingin siya sa akin. Dahil siguro sa sinabi ko. Bakit may mali ba sa nasabi ko sa kaniya? He looked at me with amusement. Medyo naka feel ako ng awkwardness toward sa kaniya dahil sa tingin niya ngayon sa akin. "Sir Eliot, May mali po ba sa sinabi ko?" Umiling siya habang may naglalarong ngiti sa mapupula niyang mga labi. "Nothing's wrong. You just called me Eliot." "Ayaw niyo po bang tinatawag kayo sa pangalang yun? Hala, Sorry po. Di ko po alam." Hinging paumanhin ko. "No. Don't be sorry. It's okay and I like it when you say my name." "Talaga po? Di kayo galit?" Nababahalang tanong ko pa rin. "Seriously, It's okay. Nakakapanibago lang kasi ikaw lang ang tumatawag sakin gamit ang second name ko." Nakangiting sagot niya sa akin. "One more thing. Don't call me Sir, just Eliot." Tumango ako sa sinabi  niya.      Tumayo na ako mula sa pagkaka upo. At inakit na si Sir Eliot na maglakad lakad ulit. "Saan niyo pa po gusto pumunta , Sir?" "I told you. Huwag mo na akong tawaging Sir.  Atsaka san na lang ba tayo di nakakapunta?"  "Dun po sa may part ng Garden ng school."       Napagdesisyonan naming pumunta sa Garden ng School. Ang Lycanthrope Garden named after a werewolf. Ang sabi kasi ang ibig sabihin daw ng Lycanthrope ay werewolf din. Di naman ako gaanong mahilig mag research kaya di ko din alam kung totoo. Pero kung totoo bakit naman yun ipapangalan sa werewolf?  Aish ba't ko pa ba iniisip yun? Malay mo trip lang nila na yun ang ipangalan. ' She is really my mate.'  Napabaling ako sa likod ng marinig ko ang boses ni Eliot sa utak ko o bulong lang niya yun. Di pa rin ako sanay na tawagin siyang Eliot lang. Tsk.. "May sinasabi ka po?" Tinanong ko na lang siya kesa sa mag isip ako ng mag isip ng kung ano ano. "Huh? No."  Tumahimik na lang ako. Baka guni guni ko lang yun. Kung ano ano na lang naririnig ko.  ' Mind link, huh. So she already can read my thoughts.' Napalingon akong muli. Pero sa ibang direksyon nakitingin si Sir Eliot. Imahinasyon ko lang siguro yun. Di ko na lang yun pinansin.     Ilang sandali lang ay nakarating kami sa garden ng school. Medyo may kalakihan din itong garden. Para itong isang bakuran na pagkalaki laki. May fences din dito na nakapalibot pero sa bawat side  ay malabasan. Sa kabilang dulo o sa timog na bahagi naman ay gubat na. Merong benches na nasa loob ng garden katabi ng mga punong nakapalibot dito. Mas presko dito at masarap sa pakiramdam dahil sa sariwang hangin. Kaya nakakatuwa ding tumambay. Sa silangang bahagi ay nasasakop rin ng kagubatan pero may isang maliit na bahay o kubo ang matatanaw pagpunta mo dun. Hindi kalayuan sa bakod kung saan sa paligid nun ay may tanim na mga gulay. Parang bahay kubo.      Hinila ako ni Sir papunta doon. Pumasok kami sa kubo. Hindi mainit sa loob dahil sa mga halaman at puno sa paligid.        Mayroong maliit na hapag kainan na kasya sa apat na katao. Isang bahagi naman ay may kama na kasya sa dalawang tao sa tabi nun ay table na maliit at bangko.       Dinala niya ako sa kama at Pina upo dun. "You can rest now." "Ngayon na? Dito?" Gulat na tanong ko. "Yes. May problema ba? Hindi ka ba komportable?" "Wala naman. Pero hindi ko naman kailangang magpahinga e. Itutulog ko lang to mamaya pag uwi okay na. "You're exhausted. Mukha ngang kulang ka  pa sa tulog. Go on sleep. Babantayan kita.."        Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Humiga ako sa kama habang siya ay naka upo sa tabi ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko ay di ako makatulog. May kakaiba akong nararamdaman lalo na at nasa malapit lang siya. Kanina ko pa to nararamdaman pero isinawalang bahala ko na lang. Hindi ko mapangalanan kung ano to pero isa lang ang alam ko bago to sakin at hindi ko din alam kung ikakatuwa ko ba it o ikakatakot.        Ilang minuto na ang lumipas pero ganon pa rin pa baling baling lang ako at pa iba iba ng posisyon sa pagkakahiga.           Umupo na lang ako tulad ng pagkaka upo ni Eliot. Iimik na sana ako ng bigla siyang mawala sa tabi ko at napasinghap ako ng  makita ko na lang siyang nakatayo sa harap ng bintana sa tapat ng maliit na lamesa nakatanaw sa labas. Sobrang bilis ng pangyayari at di ko maintindihan kung paano yun nangyari. Ang bilis ng kilos niya ay nakakapanindig balahibo lalo na ang pakiramdam na hindi lang kaming dalawa ang tao sa gubat na ito. Nakakaramdam ako ng presensiya mula sa labas di ko din alam kung paano. "We need to get out of here. Binabantayan na nila tayo. Masyadong delikado kapag nanatili pa tayo dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD