Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. Medyo natakot ako para sa kaligtasan naming dalawa. These past few days masyadong lapitin ako ng kung ano anong kapahamakan.
"Don't worry as long as you're with me you'll be safe."
Sabi niya sa akin. As if narinig niya kung ano and tumatakbo sa utak ko. Pinabayaan ko na lang at least handa niya akong protektahan.
Naglakad ako papalapit sa kanya nangg makarinig ako ng alulong. Kinilabutan ako.
Anong nangyayari? At alulong sa gitna ng gubat?
"Anong meron?" Curious kong tanong na may bahid ng takot sa boses. Dahil kung sino mang nasa kinatatayuan ko ay matatakot din.
Kung hindi lang magtatanghali ay iisipin kong inaaswang kami dito.
"Wag ka nang magtanong. We need to get out of here as soon as possible." Sagot niya lang sa akin.
Hinawakan niya ng mahigpit ang palapulsuhan ko na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin dahil sa pagkakalapat ng mga balat namin.
Hinila niya ako palabas ng kubo. Pero pabalik pa lang kami sa garden ng may bigla na lang sumulpot na lalaki sa harapan namin.
Tinitingnan niya kami na parang sinusuri lalo na ako. Humarang si Eliot sa harap ko na parang pinoprotektahan ako pero kita ko pa rin ang lalaking may maputlang balat dahil sa pag silip ko dito mula sa likuran ni Eliot.
Hindi ko kilala any lalaki pero wari ko ay kilala nila ang isa't isa dahil sa klase ng mga titig nila.
"Sino siya? Medyo natatakot ako sa kaniya.." Bulong ko sa Kay Eliot.
Nakita ko ang pagngisi ng lalaki sa harapan namin na tila narinig ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Oh Darling, you don't have to be scared. Hindi kita papatayin." May ngisi sa mga labi nito na hindi mawala wala.. Sino ba siya?
"Don't call her that, A*sh*le." Mariing sambit ni Sir sa lalaki na may bahid ng galit sa tono.
Ramdam ko na din ang tensyon sa pagitan namin. Wala akong kamuwang muwang sa mga nangyayari. Basta ang alam ko lang ay maayos pa ang lahat kanina.
"Jealous, huh? Kaya isinumpa kong minsan nang naging katulad niyo ako. Masyado nakatali sa mga kapareha. Nagmumukha kayong mga aso. Oops... Aso na nga pala talaga kayo." Sabay tawa nang may panguuyam.
Kahit hindi ko gaanong makita ang mukha ni Eliot ay alam kong nagpupuyos na ito sa galit dahil sa mga pinagsasasabi ng lalaki. Pero wala pa rin talaga akong maintindihan sa mga pinag uusapan nila. Kauri? E pare parehas lang naman kaming mga normal na tao.
"You were once like us. Ipinanganak ka ding kagaya namin. Kaya pagbali baliktarin man ang mundo naging ISA ka SAAMIN." May diing bigkas ni Eliot. Na parang nag trigger sa lalaki upang ipakita ang galit nito. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko at nagiging nerbyosa na din ako.
"Hinding.hindi.ako.magiging.kaisa.ng.lahi.niyo." May diin sa bawat salita nito.
"AHHH!" Napasigaw na lang ako ng bigla itong sumugod saamin. Na madali lang namang nasangga ni Sir. Ngunit ramdam ko ang pag atras ni Eliot lalo na't nasa likod niya lang ako.
Umatakeng muli ang lalaki pero naunahan niya ito ng malakas na suntok sa sikmura. Hindi ko masundan ang mga pangyayari. Ang mabilis nilang mga galaw, nag aapoy na mga mata at nag aalab na atake na pilit pinapatama sa isa't isa.
Sa unay di mapapansin dahil aakalain mong sadya lang ang kakaibang kulay ng mata nang lalaki. Pero sa pagkakatanda ko ay itim ang mga mata nito at hindi kulay dilaw na bihira lang makita o may ganito bang mga matang makikita sa isang normal na tao. Mas nagimbal ako ng lumingon ng bahagya sa akin si Eliot at makita ang mga mata nitong hindi na kulay brown kundi kulay ng isang uri ng metal with a deep yellow color. An intense gold.
Parehas nang nag iba ang mga kulay ng kanilang mga mata. Iba nga sila. Iba ang uri nila. At hindi ko alam kung ano sila. Mas lalo lang akong kinilabutan. Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa garden.
Halos mapatakbo ako papalayo ng bigla na lang may lumabas na isang lobong kulay kape ang mga balahibo. My kalakihan ito. Mas malaki sa nakita ko dating muntik ng lumapa sa akin pero kasing laki lang ng kulay abong lobong tumulong sa akin.
Tumingin muna ito sa akin ng may pag aalala sa mga mata........
Mga mata nitong kulay ginto.......
Napatakip ako ng tenga ng makarinig ng malakas na alulong na nag mumula sa isa pa. Ang lalaking nakikipag laban kay Sir Eliot ay nag si-shift na nakagaya din nang lobong nasa harapan ko. Ang pinagkaiba lang ay kulay itim ito..
Kung titingnan ay mas nakakatakot ito kesa sa kulay kapeng lobo na animoy maamong aso lamang pero ramdam mo ang lakas nito.
Muling sumugod ang itim na lobo patungo kay Eliot. Dahil sa pag shift nito sa tunay na anyo nito ay mas naging malakas it at halos tumalsik na si Eliot. Paano niya malalabanan ang lobong yun?
Mabilis na umatake ang kulay kapeng lobo na hindi naman naiwasan ng lalaki dahil nakatuon ang atensyon nito kay Eliot na parang gustong gusto nitong patayin ito..
Napuruhan ang itim na lobo. At halos manghina ito dahil sa nangyaring pag sugod.
Tumakbo ako papalapit kay Eliot upang matulungan itong makatayo.
"Okay ka lang ba?" Mabilis na nawala Ang pagkukulay ginto ng mga mata nito at bumalik sa dati ang kulay ng mga mata nito.
"Ano bang nangyayari? Anong? bakit may mga ganito dito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Kunti na lang ay mapapaiyak na ako sa takot.
"Mamaya ko na sasabihin. Kailangan na nating makaalis dito." Hinigit na niya ako papalayo sa lugar na iyon. Kahit hindi ko pa rin alam ang nangyayari ay nagpatianod na lang ako. At least alam kong di niya ako iiwan doon.
Nagdire diretso kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng Principal's Office. Pumasok kami sa loob non. Nagulat pa ang mga taong nandoon sa bigla naming pagpasok ng walang pasabi.
"Mom, Dad, we have a problem."
Nangunot ang noo ng mag asawang Chauser dahil sa panimula nito at dahil na rin siguro sa itsura ng anak nilang may galos pero wala namang malalalang sugat sa anumang parte ng katawan niya.
"What happened, Son?"
"We were attacked. Jack is still there. Fighting." Jack? Who's that? Yung lobo kanina?
"At kasam mo si Keith kanina habang nakikipaglaban?" Agad na lumapit samin ang Mommy niya upang daluhan kami.
"Okay ka lang ba, iha?"
"Opo."
"Maybe you were traumatized. Kaya ka na lang napaiyak dahil sa nakita mo. We're very sorry that you have to saw a fight like that."
"Ano po ang nangyayari? Bakit may mga ganung klase ng creature? Akala ko po hindi totoo ang mga ganun. Bakit po kami inatake? " Sunod sunod na tanong ko sa kanila kahit na alam kong may posibilidad na hindi din nila ako sagutin dahil maaaring isa iyung sekretong itinatago nila.
"Wag ka munang mag isip isip sasagutin ka namin mamaya kapag kalmado ka na dahil baka di mo kayanin." Malumanay na sagot saakin ni Mrs. Chauser. Tumabi sa sofang inuupuan ko si Sir Eliot.
Akala ko isang normal na pamilya lang sila na kagaya lang nila kami ang pinagkaiba lang ay mayaman sila at mahirap kami. Pero hindi ang laki laki ng pag kakaiba namin sa kanila. Hindi sila normal. At maaaring hindi lang sila ang ganito. Maaaring marami sila at nag papanggap lang na normal na tao.
Inilibot ko ang paningin ko sa lahat ng nandito. Mula sa Principal, ang mag asawang Chauser, ang anak nila, si Ms. Castro, may dalawang baguhang teacher, school administrator at si Wenna?
Maaaring lahat nang nandito ngayong ay may alam about sa werewolf thingy na ito. Hindi ko alam pero pinagpapawisan ako.
"Sasabihin din namin ang lahat sayo. Don't be scared, okay? Nandito lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko at di ko alam kung anong nangyari pero nang maglapat ang aming mga kamay ay kumalma ang sistema ko.