" Eliot, nasaan na yung mga damit nung dalawa?!" Sigaw niya sa asawa na nasa banyo. Sampung taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang pinakamalaking pagsubok sa buhay nila at ngayon nga ay mag asawa at may dalawang anak na sila. " Inilagay ko sa ibabaw ng kama nila!!" Sigaw ni Eliot pabalik. " Pero wala dun!! Tiningnan ko!!" Sagot naman niya. Maya maya pa ay lumabas na din ang asawa mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng twalya. Sanay na din siya sa ganitong estilo ng asawa. " Hon, dun ko lang nilagay yun. Baka naman nakuha mo na kung saan mo lang napatong." Anito habang papasok sa walk in closet. Wala sjyang nagawa kundi bumalik sa kwarto ng kambal nila. Naabutan niyang may telang pinanlalampaso ang anak niyang si Hunt. May pinupunasan ito sa sahig na kung ano. " Hunt, baby, what a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


