After A Year " Ali Keith Reyes." Nang tawagin ang kaniyang pangalan ay agad siyang tumayo upang umakyat ng stage. Graduation day ngayon at isa siya sa mga magtatapos. Di amn siya kasama sa mga may mataas na karangalan pero sapat na sa kaniya na mayroon siyang maipapakitang diploma at masabing hindi napunta lang sa wala ang paghihirap ng kaniyang mga magulang. Nang matanggap ang diploma bago bumaba ay kinawayan niya muna ang kaniyang mga magulang, mga pinsan at ang pamilya nila Eliot na umattend sa graduation day nila. Bunaba na siya ng tuluyan sa stage at bumalik sa kinauupuan kung saan ay katabi niya sina Siti at Addison. Muntik na nga siyang hindi makagraduate dahil sa mga absences niya nang mangyari yung kaguluhan sa pangkat nila Eliot pero ngayon lahat ay okay na. Mabuti na lang at na

