Ang lahat ay nagimbal sa nasaksihan. Ang sasakyang nasa unaha nila ay umangat ang unahan sa lakas ng impact ng pagkakabunggo nito sa kung ano mang nasa unahan nila. Binuksan ng driver ang bintana sa tabi nito at gayun din ang ginawa ng iba. Nakita nilang bumaba ang mga nakasakay sa sasakyang nasa unahan nila. Nagmamadali mabuti na lang at wala ng bata at puro kababaihan at ilang matanda na lang ang nakasakay roon. Narinig nila ang malakas na parang alulong ng isang hayop sa unahan ng sasakyang tumigil. Lumabas na rin sila sa van na sinasakyan. Nag sipuntahan ang iba sa harapan ng sasakyan para malaman kung anong nangyayari sa isa pang sasakyan. Mula sa unahan ay tinalon ng isang malaking hayop kung matatawag pa itong ganon dahil sobrang laki at nakakatakot ang itsura niyon. Isang hyena yu

