Kinabukasan matapos na ipahayag sa bawat isa ang mga plano ay sinimulan na agad ang pag sasakatuparan ng mga ito. Lahat ay okupado at maraming ginagawa. Inihanda ang mga weapons na nasa underground lab ng village. Bawat isa ay binigyan ng mga balisong o mga pocket knife. Kasama sa mga nag volunteer na magbahay bahay upang mamigay ng mga naturang kagamitan. Nasabak sa matinding training ang mga kalalakihan na kayang kayang lumaban para sa mangyayaring sagupaan ng magkalabang pangkat. Pagkatapos ng ginagawa nila ay bumalik muna siya sa malaking bahay ng mga Chauser upang magpahinga. Nadaanan niya ang mga batang naglalaro sa sala at kasama na ron si Dain. Dumiretso siya sa hapagkainan. Nadatnan niya sa dining room ang mga kababaihan na nag uusap usap. Masayang nagkukwentuhan na parang walan

