Matapos ang hapunan ay tinawag niya si Eliot at ang mga magulang nito. Para sabihin ang tungkol sa mga nabasa niya. Sa pinakang huling kuwarto sa kaliwang bahagi ng second florr nila napiling mag usap. Ito yung kwartong kadalasang ginagamit kapag may pagpupulong parang conference hall. Naupo silang lahat bago simulan ang pag uusapan. " Ibig mong sabihin kaya nataglan kang bumalik ay dahil may lalaking nagpakita at nagbigay sa yo ng sulat?" Paninigurado ni Eliot. Tumango siya sa tanong nito. " Oo. Gumamit siya nang kakaibang papel para maibigay ang sulat niya ng walang ibang nakakabasa. Nung una nahirapan din kaming alamin kung nasan yung sulat o kung meron ba pero nang mapag alaman naming ang ginamit niyang papel at tinta ay isang espesyal na uri na kapag natapat sa sinag ng araw ang p

