Ilang minuto na siyang nakatayo lang sa pwesto niya mula ng umalis ang lalaki. Hawak hawak niya pa rin ang sulat nawala na sa pangingin niya ang lalaki pero hindi pa rin iyon nawawala sa utak niya. Nahihiwagaan siya kung sino ba ang lalaki. Bakit siya nagbibigay babala sa kanila. Imposibleng taga rito ang lalaki dahil mawawalan ito ng alam sa nangyayari sa labas ng bayang ito. Sa hinuha niya ay nagmula ito sa ibang pangkat o mula sa grupo ng mga kalaban. Nasa ganun siyang lagay nang marinig niya ang pagbukas ng pinto na bahay ng Lola ni Eliot. Napalingon siya rito. " Akala ko ba umalis ka na?" Tanong nito sa kaniya habang lumalapit. " Ahmm..Ahmm." Di niya alam ang isasagot sa matanda. Kaya itinikom na lang niya ang bibig. " Ano yang hawak mo? Wala pa naman yan kaninang paglabas mo ah."

