PAGLIPAS NG LIMANG TAON. Nakatayo si Carlo sa harap ng kanyang working table at inayos-ayos ang mga naka kalat na mga designs na nasa ibabaw nito. Sumusulyap siya sa kanyang orasan na tila may hinihintay. Mamaya, may kumatok at sumulip ang isa sa mga staff. “Excuse me sir, may client kang kararating lang, ano papasukin ko? Mag-aalas singko na kasi, baka gusto mo ng umuwi.” Sabi ng isa sa mga office staff. Tumingin ulit si Carlo sa kanyang orasan at kinuha ang kanyang laptop at ipinasok ito sa kanyang lalagyan. “Kaya pa to, sigi papasukin mo, sayang naman.” Sagot naman ni Carlo, habang inaayos ang kanyang bag at ibang bitbitin pa-uwi sa kanilang probensiya. Maya-maya pa bumalik ang staff at kasama na niya ang bagong client na sinasabi nito. Laking gulat Carlo ng si Ellah ang bumungad sa

