“At sinong nagsabi sa iyo na masaya ako sa nangyayari sa atin ngayon, sino?” Pasigaw na sabi ni Dave habang namumuno na ang mga luha sa kanyang mga mata. “Well, choice mo yan kung gusto mong maging malungkot ka, huwag mo akong idamay.” Sagot ni Carlo. Hindi inaasahan ni Carlo ang sumunod na mga pangyayari ng biglang lumapit si Dave sa kanya at nagpakawala ito ng sunod-sunod na suntok. Hindi na umilag at gumanti si Carlo at hiyaan ang nag nasasal-itan mga kamao ni Dave na tumama sa kanyang katawan. “Alam kung galit ka sa akin, sigi lumaban ka! Bugbugin mo ako, durugin mo tong katawan ko.” Galit na sabi ni Dave at muli naman itong nagpakawala ng sundok, ngunit sa pagkakataong ito, sinalag at hinawakan na ni Carlo ang kanyang kamao. Habang hawak-hawak nito ang kamay ni Dave, nagtitinginan

