Biyaya

4779 Words
  Maagang gumising si Carlo dahil alam niyang marami pa siyang gagawin. Paglabas niya, gising na rin ang kanyang Ina at naghahanda na ito ng almusal. Naka-alis na rin ang kanyang ama upang ipapastol ang mga alagang kambing at kalabaw. Pagkahilamos, agad lumabas si Carlo upang papakainin ang mga alagang manok, ng napansin niya ang isang taong naka talikod suot ang sombrero na yari sa pandan at nagpapakain ng kanilang manok. “Sino ba tong taong ito.” Sa isip-isip niya, at ang nakapagtataka suot ng taong iyon ang kanyang T-shirt at butas-butas na maong shorts.Laking gulat niya ng lumigon ang taong iyon, si Dave pala ang kanyang nakita. “Dave? Hoy! Bakit nandito ka pa at bakit suot mo yan damit ko?” gulat na tanong ni Carlo. “Hindi ako natuloy kahapon dahil sumama pakiramdam ko, dahil siguro sa napadami yung nakain ko ng ginataang manok na luto ng nanay mo. Masarap kasi.” Nakangiting sagot ni Dave. “Sabi naman ng mga magulang mo, dumito muna ako.” Dagdag nito. “Ibig sabihin dito ka natulog kagabi.” Tanong ni Carlo. “Oo, diba tatlo naman kwarto ninyo.” Sagot naman ni Dave. “Ibig sabihin narinig mo lahat na pinag uusapan namin ni Nanay?” Tanong ni Carlo. “San doon? Yung Mayaman na loko-loko? yung gwapong lampa lampa? okay lang yun, ang mahalaga sinabi mo na nasasarapan ka sa dala kung Tart at higit sa lahat bati na tayo.” Nakangiting sagot ni Dave. “Bati ka diyan, at saka tingnan mo nga yang ayos mo, nakakatawa ka.” Sabi ni Carlo. “Bakit anong nakakatawa sa hiram kung damit? Sabi naman ni Dave. “Kasi feel na feel mo kunwari na isa kang magsasaka, may magsasaka ba na sobrang puti ng mga binti at tingnan mo nga yan mga broso mo ang kinis, nako pagnakagat yan ng lamok iwan ko lang sa iyo.” Natatawang sabi ni Carlo. “Ahh bawal pala maging magsasaka ang mga gwapo ganun? Sabi ni Dave. “Kung ganun bakit nandito ka.” Dagdag pa ni Dave. “Nako humirit ka naman, kaylan ba uwi mo? Tanong ni Carlo. “Teka lang, Sino bang nagpapatayo sa bahay na to.” Tanong ni Dave. “Mga magulang ko” sagot ni Carlo. “Tama, magulang mo at sila din may-ari ng bahay na yan, sila nagsabi sa akin na dumito ako hanggang kaylan ko gusto, kaya wag mo na akong itataboy, may-ari  mismo ng bahay ang kausap ko.” Natatawang sabi ni Dave. “A ganun ha kung bogbogin kita diyan tingnan natin kung may magagawa ba yan may-ari ng bahay, wag kang pelosopo Mr. Daks.” Sabi ni Carlo. “Ayun, alam ko bati na tayo, kasi DAKS na tawag mo sa akin, diba Mr. Whatever” sabi naman ni Dave. “At isa pa, magpakabait ka sa akin alam mo bang naka log book ako sa barangay at kung sakali may mangyayari sa akin na masama, si kapitan ang una mong makakalaban.” Dagdag pa nito. “Kaya nga gamit na gamit mo yang business management course mo, ang galing mo sa sales talk, pati mga magulang ko nagayuma at nauto mo.” Sagot naman ni Carlo. “Hindi pag-uuto ang tawag doon. PR, as in public relation, yan ang kailangan mo bata.” Sabi ni Dave. Dinukot ni Dave Cellphone at inabot ka kay Carlo. “Buti naman gising ka na, paki picturan mo naman ako habang nagpapakain ng mga manok.” Sabi ni Dave. Sabay abot ng cellphone niya kay Carlo. Kinuha ni Carlo ang Cellphone at agad-agad pi nicturan  si Dave. “Wait lang, magbilang ka naman, ayusin mo naman dude, ayan o isa pa, sigi na isa pa.” Ang utos ni Dave kay Carlo. “Yes boss ito na po boss!” sarkastikong sagot ni Carlo. “Oh tapos na, halika tayo naman dalawa.” sabi naman ni Dave. “Ayoko! Nandiyan ka na naman sa mga pa picture picture mo, mamaya kung ano-ano naman I caption mo tapos sabay post sa social media, naku nakaka dala ka.” Mariin sagot ni Carlo. “Walang signal ng internet dito hindi ko naman to mo I post, pag souvenir lang na man ito. “Pa picture ka kasama yang mga manok pag souvenir? Bakit ngayon ka lang ba nakaita ng native chicken? ang weird naman.” Sabi ni Carlo sabay tawa ng malakas. “Kaya nga isasama kita, dahil ikaw naman mahalaga dito.” Sabi ni Dave. “Mahalaga? Ako mahalaga sa picture na yan para may pagtitripan ka naman, at bakit kaylan ba ko naging mahalaga sa iyo?” Biglang natahimik si Dave, tumingin kay  Carlo at sa mga manok. “Bakit dude mas mahalaga ba tong mga manok kumpara sa iyo? Pupunta kaya ako dito kung wala kang halaga sa akin, ikaw naman, akala ko ba bati na tayo.” Sabi ni Dave. Naputol yung pag-uusap nila nang tumawag ang Ina ni Carlo. “Kayong dalawa magkape muna kayo” Sigaw ng lna ni Carlo. Pumasok yung dalawa sa bahay, naiwan si Dave sa may balkon, si Carlo naman ang pumasok sa kusina para kunin ang kape na hinanda ng kanyang Ina. “Inay naman, pati ba kayo paglalaruan ako, bakit hindi mo naman sinabi na hindi pala natuloy si Dave at dito natulog kagabi. Tapos sabi pa daw ninyo na pwede siyang mananatili dito hanggang gusto niya.” Pabulong na sabi ni Carlo. “Dalhin mo yang dalawang tasa ng kape sa labas, doon tayo mag-uusap.”Sabi ng nanay ni Carlo habang naglalakad papunta sa balkon bitbit ang isang box ng Tart. “O ito Dave, anak, magkape ka muna. Native coffee yan produkto ng kooperatiba namin tikman mo baka magustuhan mo. At saka, natuklasan ko ang sarap nitong ipares sa dala mong Tart,subukan mo.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Salamat po!” sabay kuha ng isang tasa na inabot ni Carlo sa kanya. “Carlo anak, uuwi na yan si Dave bukas.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Bukas? Bakit bukas pa?” Tanong ni Carlo. “Kasi kalalaba lang ng mga damit niya kanina mamaya pa yan matutuyo at saka gusto daw niya muna umikot dito sa lugar natin. Samahan ninyo ni Ado, pasakayin ninyo ng kalabaw, isama sa pagpapastol ng mga kambing, isama ninyo sa bukid at pati na doon sa ilog.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Nay isasama mo yan sa bukid? Pasasakayin mo yan ng kalabaw? tingnan mo yan mga binti at broso parang babae, baka masagi lang yan ng talahip magsusugat na yan, nako yung kutis na yan hindi yan bagay dito, kaya ako sa iyo boss umuwi ka na” nakangiting sabi ni Carlo. “Oo uuwi ako bukas pagkatapos mo akong samahan sa lahat na lugar na gusto kung puntahan.” Sagot ni Dave sabay higop ng kape. “Ohh wow!!! matapang nga ang kape na ito, sing tapang at anggas ng isang probensiyano diyan.” Sabi ni Dave habang sumusulyap kay Carlo. “Alam mo Nay, tong Tart na to ang lambot din, parang din ito mayaman na taga syudad, napakalambot at masarap sapukin minsan.” Pabiro sagot naman ni Carlo. Sabay hampas sa napaka kinis na hita ni Dave. “Aray!!!” gulat na natatawa ni Dave sa ginawa ni Carlo. “Naku Dave, masanay ka diyan kay Carlo, ganyan yan kung maglambing at magbiro, nanakit minsan. Yung si Ado nga, nako pagnagharutan yang dalawa akala mo mga asong ulol na nag-aaway. Nag-iisa lang kasi yan, kaya natutuwa ako na nandito ka para kahit papano may nag-iingay sa bahay,Kaya sa susunod kung gusto mo pang bumalik ayos lang.” sabi ng nanay ni Carlo. “Nako salamat welcome pala ako dito, kaso parang ayaw yata ni Carlo na nandito ako.” Sabi ni Dave habang sinusulyapan ni Carlo na kumain ng Tart at umiinum ng kape. “Walang problima boss, balik ka dito anytime basta magdala ka ng isang truck na Tart ayos lang yun sa akin.” Pabirong sabi ni Carlo.  “Bakit ka pa laging may dalang Tart? Tanong ng nanay ni Carlo. “Alam mo recipe yan ng mommy ko, bata pa ako yan lagi ang ginagawa namin. 8 years pa lang ako alam ko na gawin yan, pero noong namatay mommy ko, hindi na ako nagluluto kasi na mi miss ko siya pag nagluluto akong mag-isa. Tinuruan ko si yaya, siya na nagluluto ngayon. Gusto ko tong Tart na ito, napakasarap, tulad ng sarap ng pagmamahal sa mga taong mahalaga natin.” Malungkot na sabi ni Dave. “Nako, Dave, anak, bigla ako nalungkot, may kwento pala ang Tart yan.”Sabi ng nanay ni Carlo. “Opo, karugtong ito ng Nanay ko. Alam mo yung pagdating ko dito at tinawag mo akong anak, naalala ko bigla Mommy ko, malungkot na masaya dahil mula ng namatay si mommy, ngayon lang ulit ko naranasan ang tawaging anak.” Sabi ni Dave. Biglang natahimik si Carlo sa mga sandaling iyon, hindi niya akalain na ang taong nakilala niya bilang mayaman na loko-loko, ay may mga lungkot at bigat na dinadala buhay. Ang akala kasi niya, bilang isang anak ng mahirap na salat na yaman, siya lang ang may tahimik na hinanaing, ngunit noong narinig niya ang kwento ni Dave, nasabi niya na mapalad pa rin siya kasi may mga magulang siyang malalapitan at nagmamahal. “Nako Dave, tawagin mo ako ng Nanay ayos lang yun, dito kasi sa amin kahit hindi mo naman talaga ka ano-ano pwede mo naman tawaging Nanay, tatay kuya, ate.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Ako pwede mo rin tawaging, bunso o brod basta pwede rin akong adopted brother mo.” Sabi naman ni Carlo. “Ayako nga!”Mabilis na tugon ni Dave “Ayoko ng kapatid na masungit!” dagdag pa nito. Nakangiting umalis ang nanay ni Carlo papunta kusina at tinuloy yung ginagawang paghahanda ng agahan. Naiwan silang dalawa at kapansin-pansin na tumahimik at naka titig si Carlo kay Dave. “Hoy kung maka titig ka o.” Sabi Dave. “Sorry ha, kung minsan nagsusungit ako, minsan harsh ako sa iyo ha, biro lang naman yun hindi ko alam na wala ka na palang ina, ang akala ko kasi napa ganda ng buhay mo, pero may dinadala ka palang lungkot.” Sabi ni Carlo habang ina-akbayan ni Dave. Hindi umimik si Dave at hiyaan lang na akbayan siya ni Carlo habang humihigop ng mainit na kape. “Masarap pala at bagay ang native na kape I pares sa Tart? Sabi ni Carlo. “Oo nga masarap at bagay, parang tayo, ikaw ang mapait na kape at ako masarap na Tart.” Sabi ni Dave habang na katingin kay Carlo na nakangiti. “Ano?” Tanong ni Carlo. “Walaaaa!” nakangiting sabi ni Dave. Pagkatapos ng agahan, dumating na rin Ado. Sinumulan na nilang iikot at iparanas kay Dave kahit isang araw lang ang buhay probensiya. Sinama nila sa pagpapastol ng kambing, pag aakyat ng niyog, pamimitas ng gulay. Paglalakad sa putikan, pagsakay ng kalabaw at kung ano-ano pa. huli nilang pinuntahan ang napagandang ilog na lagi pinupuntahan ni Ado at Carlo. Manghang mangha ni Dave sa ganda ng kapaligiran. Kaya picture dito picture doon. Sinusulit ni Dave ang araw na yon dahil kinabukasan uuwi na siya sa kanila.Tuwa-tuwa siya sa karanasan iyon na hindi niya makakalimutan. Nakatayo si Dave sa gilid ng pangpang nang tinawag niya si Ado. “Ado pictureran mo naman ako dito o.” sabi ni Dave Pagkakuha ni Ado ng cellphone ni Dave, agad puwesto si Dave para makunan ng magandang angulo, ng bigla nawalan ito ng balanse at nahulog sa ilog. Kita-kita ni Carlo kung paano bumagsak ni Dave, at nang lumutang ito napapansin niya na tila nangingisay. Biglang kinabahan si Carlo at dali-dali tumalon at iniligtas si Dave. Pagkarating sa pang-pang, agad tinapik-tapik Carlo ang mukha ni Dave. Pansin niyang namutmutla ito. “Okay ka lang.” Tanong ni Carlo. Tumango lang si Dave habang hiningal ito. “Kakatakot” yan lang ang kanyang nasabi. Pagkahaon, agad silang uwi. Habang nasa daan napa isip-isip si Carlo kung bakit sa tuwing kasama niya si Dave, may hindi magandang nangyayari. “Alam mo,ako yata malas sa iyo.” Pabirong sabi ni Carlo. “kasi sa tuwing magkakasama tayo may hindi magandang nangyayari.”dagdag ni Carlo. “Paliktad ka naman eh, ang sabihin mo may mga magagandang nangyayari. Isipin mo noong una tayong nagkita. Nahalikan kita natulungan mo ako. Pangalawa, muntik na akong mabogbog, buti nandoon ka. Pangatlo ngayon, muntik na akong malunod buti nandoon ka. Masama ba yun? Diba maganda naman yun diba? Laging nandoon ka sa tuwing kailangan kita.” Dagdag pa ni Dave. “kasi naman yung pagka selfie addict ninyo magdadala yan sa inyo sa kapahaman.” Sabi ni carlo nakakangiti. Pagdating sa bahay pumasok agad yung dalawa sa kwarto ni Carlo na parehong  naka tapis lang ng tuwalya. Makikitang naghahanap ng damit si Carlo na pwedeng ipahiram niya kay Dave. Inabot niya ang isang short at t-shirt kay Dave na tahimik   naka titig sa Kanya. “Bakit titig na titig ka sa akin hoy?” Tanong ni Carlo. “Walang brief? Tanong ni Dave. “Nako, wag ka ng mag brief, nakakahiya na masyado kung papahiramin pa kita ng brief, isuot mo na yan, malambot  naman yung short  at saka matutulog ka na lang naman diba? Yung iba nga diyan natutulog na walang damit.” Sabi naman ni Carlo. Umikot ang mga mata ni Dave sa kwarto nang may nakita siyang kulay puti na brief na naka sampay. “Ito na lang!” sabay hablot ng brief. “halos mag ka sukat naman tayo, pahiram muna nito.” Sabi naman ni Dave. Wala ng nagawa ni Carlo dahil dali-dali itong sinuot ni Dave. Naiilang kasi siyang pahiramin ni Dave ng brief dahil alam niyang mayaman nito at sa isip-isip niya baka masilan lalo na sa mga personal na gamit. Pero mali pala siya, dahil ang akala niyang maarting mayaman ay nanghihiram na ngayon ng brief sa kanya. Tinitingnan ni Carlo ni Dave habang nagbibihis, pansin niya ang magandang hugis ng katawan nito, ngunit ang higit na kapansin pansin kay Dave ay ang kanyang napakinis na kutis, mapupulang labi at mapupungay na mata. Pagkatapos magbihis deritso agad yung dalawa sa hapag kainan. Nandoon na rin ang tatay at nanay ni Carlo para sa hapunan. Pagkaupo tinanong agad ng tatay ni Carlo si Dave. “O ano musta ang araw mo Dave.? Tanong ng tatay ni Carlo. “Ayos naman, masaya pero nakakapagod at ang sakit ng mga paa ko.” Sabi ni Dave. “Nako naninibago ka lang dahil yan sa suot mo bota kanina, kaya  namumula at sumasakit yan mga paa mo.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Ginusto mo yan diba?” nakangiting sabi ni Carlo. “Mamaya bago ka matulog ibabad mo yang paa mo sa mainit na tubig na may asin, nakakatangal yan ng pagod.” Sabi naman ng nanay ni Carlo. “Nakakapagod talaga ang buhay magsasaka Dave, pero ako sanay na diyan at alam mo ba sikreto ko ha? yan o, isang bote lang bago matulog, wala lahat na pagod ko.”Sabi ng tatay ni Carlo sabay turo sa bote ng alak. Pagkatapos kumain dumiretso agad si Dave sa kwarto na kanyang tutulugan, halatang pagod sa buong araw nilang pinag-gagawa. Naka upo siya sa gilid ng papag na yari sa kawayan ng pumasok si Carlo dala ang palanggana na may mainit na tubig. Inilapag ito sa kanyang paanan. “Ito ibabad mo yan paa mo, dahan-dahan lang kasi medyo mainit pa.” Sabi ni Carlo. Inangat ni Dave ang kanyang kanang paa at dahan dahan ibinabad sa palanggana. Sinunod naman niya ang kaliwa. “Ohhhh” napa ngiwi sa magkahalong init at sarap ang naramdaman ni Dave. Napapikit habang ginagalaw-galaw ang mga daliri sa paa. Damang-damang niya ang init na tila hinihilum ang sakit ng kanyang mga paa. Napapikit siya at hindi namalayan na umupo si Carlo sa kanyang paanan at laking gulat niya ng hinawakan nito ang isa niyang talampakan. Dahan-dahan menamasahe gamit ang kanyang malalapad na mga kamay at ang mainit na tubig. “May kiliti ka ba sa talampakan? Tanong ni Carlo. “Wala naman,” sagot ni Dave Patuloy sa pagmamasahe si Carlo sa dalawang paa ni Dave. Nilalasap naman ni nito ang bawat haplos ng mga kamay ni Carlo. Naka relax, at tila may kung ano kurenti ang gumagapang sa buong niyang katawan sa tuwing natatamaan ng mga daliri ni Carlo ang bahagi ng kanyang talampakan na masakit. Ang hindi niya alam  habang nakapikit siya, titig na titig naman sa kanyang napaka among mukha si Carlo. Hindi maiipaliwag na damdamin ngunit ang alam lang niya ay, parang ang gandang  pag masdan ang buong pagkatao ni Dave sa oras na iyon, habang naka pikit at tila pansamantalang hinihiwalay sarili sa magulong mundo. Hindi namamalayan ni Carlo na pataas- pataas na pala ang kanyang paghagod at nakakarating na ito sa bandang tuhod ni Dave. Mula sa tuhod pababa hinahagod niya ang malambot at makikinis na balat ni Dave ng biglang napa “Opps” ito. “Nako wag na diyan sa bandang tuhod ko may kiliti ako diyan.” Nakangiting sabi ni Dave. At doon niya namalayan na nakabukaka na pala siya at ang mukha ni Carlo ay ilang dagkal lang sa harapan ng kanyang short. Dali-dali niyang sinira ang dalawang hita sa pag-aakalang nakikita ni Carlo ang kanyang pinakatago-tago. Napansin ito ni Carlo sabay sabi. “Nako wag mo nang itikom yan kita-kita ko na kanina pa,” biro ni Carlo. “Kaya pala ayaw mo akong pahiramin ng brief dahil may balak ka palang bosohan ako.” Sabi naman ni Dave. “Aanhin ko yan, mayroon naman akong ganyan at sigurado ako mas malaki ito kay sa iyo.” Sabi ni Carlo sabay tawa ng malakas. “Malaki nga maitim naman.” Pabirong sagot ni Dave “kahit maitim, cute at makintab naman.” Sagot naman ni Carlo.  Tawanan ng dalawa ng sumilip ang nanay ni Carlo sa loob ng kwarto. “Tapusin na ninyo yan ng makatulog ka na Dave, maaga pa alis mo bukas.” Sabi ng ng nanay ni Carlo. Lumapit ang nanay ni Carlo at kinuha ang palanggana at lumabas. Agad-agad naman kumuha ng tuwalya si Carlo para punasan ang basang paa ni Dave. “Ako na, sobra na kayo maka pag aruga sa akin masyado ninyo akong benebebe.” Sabi ni Dave. Pero hindi binigay ni Carlo ang tuwalya at siya na mismo ang nag punas sa mga paa ni Dave. “Alam mo pag nakatakip yang mukha mo, at itong paa mo lang nakalabas mapagkamalang paa ng babae. Pagka puti-puti, walang ka kalyo-kalyo, parang ang sarap papakin.” Sabi ni Carlo sabay lapit ng kanyang bibig na parang akto  ito kakagatin. “Pati ba yang paa ko pagnanasaan mo?” Nakangiting sabi ni Dave. Tumayo si Carlo at isinampay ang tuwalya. “Sigi matulog ka na, maaga pa alis mo bukas.” Sabi ni Carlo sabay alis sa kwarto na pinapahingaan ni Dave. Sa sobrang pagod at sarap ng foot bath, ang bilis nakatulog si Dave. Samantala sa kabilang kwarto, naka dilat ang mga mata ni Carlo na naghihintay na mahimbing si Dave upang maisagawa niya ang kanyang mga plano bago maka alis si Dave kinabukasan. Tumayo siya at dahan-dahan nag lakad papunta sa kwarto ni Dave, sumilip at nakikiramdam sa paligid. Makikitang tulog na tulog na si Dave habang nakatagilid at naka harap sa may dingding. Dahan-dahan siyang umopo sa gilid ng papag at sinisipat sipat kung talagang tulog na ba ito. Huminga ito ng malalim, dahan-dahan lumuhod, yumuko at umusog upang madali lang sa kanyang abutin ang cellphone naka lagay sa gilid ng unan. Nang biglang nagising ni Dave, hindi naka galaw ni Carlo. Nagpang-abot at nagkakatitingan ang kanilang mga mata. “Carlo, bakit?” pabulong na tanong ni Dave. “Ahh sorry nagising ka, hihiramin ko sana yang cellphone mo.” Sabi Carlo. “eh low batt to eh kanina pa.” sagot naman ni Dave habang nagpupunas ng kanyang mga mata.”Bakit sino ba tatawagan mo?” tanong si Dave “Ang totoo, gusto ko lang sana malaman kung binura mo ba talaga yung video, seryoso ako, binura mo ba talaga?” Tanong ni Carlo. ”Oo nga binura ko na, hindi ko naman maipapakita din sa iyo dahil low batt na at wala naman palang internet signal dito. Sabi ni Dave. “Yan lang pala kailangan mo, akala ko ba naman pagsasamantalaan mo na ako.” Naka ngiting sabi ni Dave. “Talaga lang ha, sana totoo na binura mo na, alam mo Dave masyado na yata akong praning  kasi alam mo na ang laki ng pinsala sa mga parangap ang ko ang video yun, hindi ko alam kung matutuloy pa yung parangap ko maging architect. “Sabi ni Carlo. Na biglang naging seryoso sa mga tagpong iyon. Natihimik din pati si Dave at naalala ang nagawa niya, alam niyang siya ang dahilan sa lungkot sa puso ni Carlo ngayon, alam niya na siya ang pakana kung bakit nanganganib na maglaho ang mga pangarap ni Carlo. Tinitigan ni Dave ni Carlo habang tahimik ito naka upo sa gilid ng papag at nakatingin lang sa may dingding. Napansin din ni Carlo na biglang natahimik si Dave na tila may malalim na ini-isip. “Pero wala na iyon Dave, okey na ako.” Sabi ni Carlo sabay higa sa tabi kay Dave. “Usog ka nga doon kunti lang, pa share kunti ng unan mo.” Sabi pa nito. Nagulat si Dave sa pagtabi ni Carlo, gustohin man niyang umusog hindi na niya ito magawa dahil nasa gilid na siya ng dingding. Pansin ni Dave ang pag-init ng kanyang katawan noong dumikit ito sa katawan ni Carlo. Dahil iisang ulan lang ang kanilang ginagamit dinig na dinig niya pati ang panghinga nito. Nakakatitig si Carlo sa may kisame habang nagsasalita samantala si Dave titig na titig kay Carlo. “Sabi nga ng nanay ko, di bali na mawala scholarship ko wag lang mawala yun pag katao ko, kaya hayun pinatawad na kita dahil sa totoo ayaw ko naman mawala ka sa buhay ko kasi kahit papano naging mabait ka na man kaibigan sa akin.” Sabi ni Carlo.” Saka pag nakita mo yang mga kaibigan ko sa library at yung mga ka boardmate ko dati,ikikumusta mo na lang ako sa kanila ha!” dagdag nito. “Hoy! nako bakit natutula ka na man diyan, naririnig mo ba yung sinasabi ko?” Tanong ni Carlo. “Alin doon?” Tanong Dave. “Ano ba yan, akala ko ba titig na titig ka sa akin dahil nakikinig ka sa mga sinasabi ko, yun pala lutang ka. Sigi na, matulog ka na balik na ako sa higaan ko. “Sabi ni Carlo. “Dito ka na matulog.” Sabi ni Dave bago nakatayo si Carlo. “Dito? Sure ka? Okay lang sa iyo?” tanong ni Carlo. “malikot ako kung matulog alam mo ba, minsan nakatipa, minsan na kabukaka ganito oh” Sabay dipa at bukaka na sinasadyang tinatamaan si Dave. “Sigi dito kana matulog inistorbo mo tulog ko eh.” Sabi naman ni Dave. “Okey dito ako matutulog basta wag kang magrereklamo ha kung malikot ako, saka pag may katabi ako napagkakamalan ko minsan ng ulan kaya nayayapos ko ng ganito.” Sabi ni Carlo sabay yapos at patong ng kanyang isang paa sa katawan ni Dave at nagkunwaring tulog. Parang sinilaban ang buong pagkatao ni Dave sa ginawang pagtabi at pagyapos ni Carlo sa kanya. Yung bibig at ilong ni Carlo ay halos dumikit na sa kanya leeg. Naamoy niya ang hininga ni Carlo at tila na ririnig ang pintig ng kanyang puso. Mga ilang Segundo nanatili ni Carlo sa ganun posisyon na tila ayaw ng tapusin ni Dave. Tumihaya ulit sa Carlo habang nakapikit na ang mga mata. “Kawawa naman dagaan yung katawan mo na sobrang lambot.” Sabi nito habang nakapikit na ang mga mata.” Ako na lang yapusin at daganan mo,” sabay hatak ng kumot at tuluyan ng natulog. Kinabukasan, maagang nag paalam at umalis si Carlo. Nandoon rin si Ado noon umalis siya. Lumipas ang halos mag dalawang oras napag-uusapan pa rin nila ang ginawang pagdalaw ni Carlo, ng may narinig silang motorsiklong huminto sa harapan ng kanilang bahay. Sumilip silang lahat, sa pag aakalang bumalik si Dave, ngunit ang nakita nila ay isang lalaki at babae ang bumaba. Nakilala agad ng nanay ni Carlo ang babae, si Emily, ang sekretarya ng kooperatiba.  “Tao po! Tao po!” ang sabi ni Emily. “Si Emily ito,  ano kaya sadya nito.” Sabi ng nanay ni Carlo. Noong narinig ni Ado na si Emily ang dumating tila hindi alam nito ang kanyang gagawin. Parang gusto niyang magtago, o kaya tumakbo dahil sa taranta kung bakit nagpunta dito ang babae matagal na niyang gustong ligawan. Pagpasok sa pintuan tulala si Ado ng makita sa malapitan ang napagandang si Emily. “Magandang umaga po!” sabi ni Emily habang inikot ang mata at tiningnan ang lahat na tao sa sala hanggang pumako ang tinggin niya kay Carlo. Napansin ito ng nanay ni Carlo. “Emily siya po ang anak kung si Carlo, nag aaral kasi yan, noong umalis yan dito iba pa kasi ang sekretarya sa kooperatiba,” sabi ng nanay ni Carlo. “Ikaw pala si Carlo, ikaw pala ang sinasabi ni Dave na kanyang kinakapatid.” Nakangiting sabi ni Emily. “Dave? Kilala mo si Dave?” tanong ng nanay ni Carlo. “Nako kanina ko lang siya nakilala, dumaan kasi sa kooperatiba nagpakilala siya at galing nga daw siya rito, at nagpunta siya doon upang bayaran lahat na utang ninyo sa kooperatiba, kaya nandito ako, kasi nakisuyo siya na ihahatid ko daw tong resibo sa inyo. Ito po, fully paid na yung utang ninyo. Sabi ni Emily sabay abot sa ng resibo. “Yung utang namin na mahigit limang libo binayaran ni Dave? Tanong ng tatay ni Carlo. “Opo at saka may pinapaabot din siya, hindi ko alam ano laman ng sobreng ito.  Ito po para daw sa inyo mang Elmo, binili niya doon sa tindahan ng kooperatiba, 30 paborito mung alak.” Sabi ni Emily. Nanlaki naman ang mata sa tuwa ng tatay ni Carlo dahil may nakaimbak na siyang alak sa loob ng isang buwan. “Sigi alis na po kami.” Sabi ni Emily. “Nako salamat Emily sigi na naghihintay na yung boy friend mo sa labas.” Sabi ng nanay ni Carlo. “Hindi ko po boy friend yan, kuya ko po yan.” Nakangiting sagot ni Emily “Ganun ba kaya pala magkamukha kayo.” Sagot naman ng nanay ni Carlo. “May pakilala ako sa sunod na sabado sa iyo Emily, dalawa  mag pinsan mamili ka lang sa kanila” birong sabi ng tatay ni Carlo. Tinapik ni Carlo ni Ado na tulala habang tinitingnan ang pag-alis ni Emily. “Pinsan ano na, galaw-galaw baka maunahan pa kita.” Birong sabi ni Carlo. “Subukan mo pinsan kakalimutan ko talagang magkadugo tayo.” Nakangiting sagot naman ni Ado. Pagka-alis ni Emily saka pa napaluha ang Ina ni Carlo sa tuwa dahil bayad na pala ang kanilang utang sa kooperatiba. At nang binuksan niya ang sobre laking gulat na pera pala ang laman nito. At may nakalakip na sulat. “Binayaran ko yung utang ninyo sa kooperatiba at may maliit na halaga na nakasuklip sa sulat na ito, gamitin ninyo para sa lahat na gusto ninyo bilhin. Maraming salamat sa inyong kabutihan hindi ko kayo makalimutan, Dave Angelo.” Halos himatayin ang mga magulang ni Carlo sa surprisa na kanilang natanggap. Hindi nila inakala na may taong bigla na lang susulpot sa kanilang buhay at maging sagot sa kanilang pangangailan. Hindi pa rin sila makapaniniwala na sa oras na iyon na bayad na ang kanilang utang, ngunit totoo ang lahat dahil hawak hawak nga nila ang ang katibayan na nakawala na sila sa pananagutan na buwan-buwan nilang binabayaran. Ganun din si Carlo, nakaupo na hindi pa rin mawari ang mga pangyayari. Hindi niya sukat akalain na mangyayari lahat na ito sa isang iglab lang. Naiisip din niya na di bali hindi matutuloy yung pangarap niyang maging architect ang mahalaga wala na rin utang ang kanilang pamilya. Naisip din niya bigla ang kabutihan ni Dave na sa kasaluyugan ng lalakbay pa uwi, umuwi na masaya dahil nakahanap na siya ng bagong kaibigan at pamilya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD