Dumating ang araw na malalaman ni Carlo kung talagang makakabalik pa siya bilang Student Assistant. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na aalis muna upang maka paghanap ng signal. Agad- agad niya tinext si Lucy. Paglipas ng ilang minuto biglang tumunog ang kanyang cellphone, laking tuwa niya ng tumatawag sa kanya si Lucy.
“Hello, Lucy kumusta na? Tanong agad ni Carlo.
“Mabuti naman, nako Carlo ito na nga may balita ako sa iyo. May bad news at saka good news.”Sabi ni Lucy sa kabilang linya.
“Ano na man yang good news at bad news na yan.” Kabadong tanong ni Carlo.
“Ang bad news ay hindi ka na makakabalik dito sa library, sa katunayan may kapalit ka na.” Malungkot na sabi ni Lucy.
Saglit nanahimik si Carlo na tila naghahagilap ng mga salita na sunod niyang sasabihin.
“A ganun ba? sigi ayos lang, at saka kumusta naman kayo diyan.” Pangungumusta ni Carlo na pilit iniba ang usapan.
“Nako ayos lang, wait, hindi ka ba excited na good news Carlo?” Tanong ni Lucy sa kabilang linya na halatang masayang-masaya.
“Ano naman yang good news mo? Ay alam ko na, Kayo na ni Felix ano? Biro ni Carlo na halatang pilit naghahanap ng dahilan upang sumaya sa sandaling iyon.
“Hindi, ano ka ba. Ang good news ay nakahanap kami ng full scholarship para sa iyo. Kaya bukas na bukas lumuwas ka na, kasi kailangan kang ma enterview upang maka pag enroll ka na agad, diba bongga!” masayang sabi ni Lucy.
Parang biglang na biningi si Carlo sa kanyang narinig. “Totoo ba to ug pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko?” sa isip-isip niya.
“Hello! Hello! Carlo ? naririnig mo ba ako.” Tanong ni Lucy.
“Nako Lucy wag mo naman pag laruan ang damdamin ko please.” Sabi ni Carlo.
“Ano ka ba? Totoo nga to, umuwi ka na at magbalot, I text ko sa iyo ang exact location kung saan tayo magkikita, sasamahan kita sa Foundation na sasagot sa Full scholarship mo.” Masayang sabi ni Lucy.
Halos liparin ni Carlo sa tuwa ang pag-uwi upang ibalita ang napagandang suprisa na natangap niya sa araw na iyon. Sa wakas, matutuloy na rin ang nanganganib na maudlot niyang pangarap na maging architect. Tuwa-tuwa ang kanyang mga magulang sa balita at kinabukasan madaling araw pa lang, lumuwas agad si Carlo.
Pagdating niya sa lugar nadoon na ang kaibigan niyang si Lucy at Felix at may iba itong kasama na ka pansin-pansin ang pagtitig kay Carlo habang nagbabatian ang tatlo.
“Welcome back tol, masaya kami na nakabalik ka at higit na masaya itong si Paula este Paulo sa pagbabalik mo.” Sabay turo ni Felix kay Paulo na panay titig sa kanya.
“O hayan Paula este Paulo yan si Carlo sa harapan mo sigi na kamayan mo.” Sabi ni Lucy.
Kilig na kilig na man si Paulo ng mahigpit na kinakayaman ni Carlo.
“Musta pre? ako si Carlo” Nakangiting sabi nito.
“Ay nako pre talaga, yung mga kumpare mo ba nag lilipstick din ng ganito ka pula.” Tanong ni Paulo habang pumapalantik ang mga daliri.
“Alam mo, aaminin ko na agad, crush na crush kita noong nasa library ka pa, kaya ng nabalitaan ko na nangangailangan sila ng Student assistant nag apply agad ako para makasama kita, pero ang saglap ako pala papalit sa iyo.” Sabi ni Paulo.“Pero di bali nandito ka na ulit at ang pogi mo pala sa malapitan parang ganito kalapit oh.” Sabi ni Paulo sabay lapit at himas-himas ng mga balikat ni Carlo.
“Ay nako Paulo magtimpi ka nga diyan ha, dadaanan ka muna sa akin bago mo makuha si Carlo.” Sabi ni Lucy.
Pagkalabas ni Carlo mula sa opinisa ng Foundation masaya itong binalita na approved ang kanyang scholarship, at ang maganda pa ay may limang libong dagdag para book allowances. Sinamahan si Carlo ng tatlo na pumunta sa dati niyang board house ngunit ng dumating sila doon, sinabi ng land lady na naibigay na sa iba ang bed space na dating inukopa ni Carlo sa pag-aakala hindi na ito babalik. Nagsimulang mag alala si Carlo kung saan makakahanap ng bagong boarding house, ng biglang sinabi ni Felix na may solusyon siya sa problima ni Carlo.
“Alam mo yung tita ko care taker ng isang maliit na bahay. Yung may ari, ay nasa ibang bansa na, halika puntahan natin baka pwede ka doon pansamantala” Sabi ni Felix.
Pagdating nila sa lugar nakita nila ang katamtamang laki ng kwarto. May sariling lababo, lutuan, banyo at isang kama. Kahit maliit maaliwalas naman dahil hindi ito tulad sa magulong boarding house. Maya-maya dumating ang Tita ni Felix at agad tinanong kung ilan ang titira at kaylan ito lilipat.
“Mag-isa lang ako, saka kailangan ko ng matutulogan ngayon gabi.”sabi ni Carlo.” Pero sandali lang magkano ba upa dito, tiyak mahal to kasi kahit maliit komplito naman.” Sabi ni Carlo.
“Hindi pa ito napapauhan kahit kaylan at wala akong alam sa kung magkano ang pagpapauna dito.” Sabi ng Care taker. “ Dito ka muna habang wala ka pang makikitang boarding house pero kung gusto mo tumira ka dito, sagutin mo lang sa tubig at ilaw.” Sabin ng care taker. “Ang bilin kasi sa akin kahit maliit lang ang upa basta isang tao lang,iingatan yung kwarto, babayaran ang ilaw at tubig. Nag-iisa ka lang naman tiyak maliit lang kusomo mo, kaya mo itong bayaran.” Dagdag pa nito.
“Kaya mo yan Carlo, at saka diba Achitect course mo, bagay tong room sa iyo,dito mo ilalagay drawing table mo at maayos mong magagawa mga project mo kumpara doon ka sa magulong boarding house.” Sabi naman ni Felix.
Hindi na tinangihan ni Carlo ang napa gandang offer na yun, Pagkalagay ni Carlo sa mga gamit, agad binigay sa kanya ang duplicate ng susi.
Pagkalabas ng apat agad naman sinabi ni Paulo na nagugutom siya at sagot niya ang Burger. Sinama niya ang tatlo sa isang Burger shop na bukas 24 hrs at doon kumain. Habang kumain sila na pansin Paulo ang naka paskil na “WANTED” part time service crew, sa burger shop na yun. Nang dumaan yung isang crew agad tinanong ito ni Paulo.
“Excuse me, open pa ba yang hiring ninyo? Tanong nito.
“Open pa po, gusto ninyong mag apply? Bibigyan ko kayo ng form, pero dapat college student kayo at willing mag rendered ng at least 4 to 5 hrs a day.” Sabi ng crew.
“Sigi bigyan mo ako.” Sabi ni Paulo.
“Mag-aaply ka? paano yung work mo sa library, diba lahat na vacant mo ay dapat naka duty ka doon?” Usisa ni Carlo.
“Hindi ako, ikaw ang pag aaplayin ko, ngayon na.” Sabi ni Paulo. “Mas kailangan mo ngayon ng part time job para pag dagdag doon sa upa mo sa bahay diba, I think kaya mo naman?” Sabi ni Paulo.
“Ako?” biglang na paisip si Carlo. “ Oo nga no, kaya ko yan hindi naman ako loaded” Excited na sinabi ni Carlo.
Pagkabalik ng crew bitbit ang form at agad pi fillout ito ni Carlo. Pagkabigay niya, sabi agad ng crew na nandiyan daw ang supervisor at kailangan na daw siya ma enterview ngayon din. Nagulat si Carlo sa bilis ng mga pangyayari ng sabihin ng supervisor na pwede na siyang magsimula kinabukasan, ang kailagan lang dalhin niya ang inrollment form at schedule niya sa klase araw-araw.
Hindi maka paniwala si Carlo na loob ng isang araw tatlong napagandang bagay ang nangyayari sa kanya. Nagkaroon siya ng full scholarship, nakahanap ng bagong boarding house at higit sa lahat nagkakaroon ng part time job. Naisip niya ang sinabi ng kanyang nanay na wag magtanim ng galit sa kapwa dahil may biyayang darating sa mga taong mababait.
Bago naghiwalay yung tatlo, tinanong ni Carlo sa kanyang mga kaibigan kung hindi ba nila napansin si Dave.
“Sa Lunes pa naman simula yung pasok hindi pa namin siya nakikita, at bakit naman tila nag ka interest ka kay Dave? ang taong wala naman ginawang maganda sa buhay mo?” Sabi ni Felix.
“Nagpunta siya sa amin humingi ng tawad sa mga magulang ko.” Sabi ni Carlo.
“Talaga? Ang tapang din pala ng taong yun.” Gulat na sabi ni Lucy.
“Gusto ko sanang upakan kaso ang talino ng taong yun, biruin mo doon siya unang pumunta kay kapitan tapos sa mga magulang ko. Eh paano yan, makakapag isip ka pa kaya ng masama sa taong kay kapitan at sa mga magulang ko unang lumapit? Eh ako naman lagot kay Kapitan diba? saka mabait naman pala ang taong iyon.” Sabi ni Carlo.
Nagsimula na ang unang linggo ng semester, Nangangapa pa si Carlo kung paano niya ibabalanse ang oras ng pasok at sa trabaho. Mabuti na lang mababait ang kasama niya sa burger shop, lalo na si ELAH na siyang nagtuturo sa kanya noong nag sasanay pa siya. Naga-aral din dito ngunit magkaiba sila ng paaralan pinapasukan. Maganda at pala ngiti ito.
Maliban sa kanyang mga magulang, si Elah ay nagbibigay sigla at dahilan kung bakit nagsisipag at pinagbuti niya ang kanang pag araaral at trabaho. Pilit tinatago ang totoong naramdaman ngunit pa minsan-minsan nahuhuli si Carlo naka titig kay Elah, at naging tampulan ng tukso ng kanyang mga kasamahan.
Isang araw, pagkatapos ng klase ni Carlo agad itong lumabas at nag-abang sa pintuan sabay pamimigay ng discount card sa kanyang mga ka klase. “Ito..ito.. discount card kung gusto ninyo ng masarap na burger” Sabi ni Carlo habang isa-isang binibigyan ang mga klase at kahit sinong studyanteng dumaan, ng biglang may nangalabit sa kanya. Paglingon niya ay si Dave pala.
“Uy Daks, ay sorry, hey Mr. Seguerra, Musta po kayo?” Taranta na sabi ni Dave.
“Bakit parang natataranda ka?” Tanong ni Dave?
“Kasi nakaka gulat ka naman!” Sabi ni Carlo.
“Hinahanap mo daw ako? Tanong ni Dave.
“Hinahanap? Bat kita hahanapin? Sagot ni Carlo
“Yan ang sabi ng mga kaibigan mo” Sabi ni Dave.
“Nagtatanong lang naman ako kung nakita ka nila, hindi ko sinabing hinahanap kita” sagot nama ni Carlo.
“Ano yang pinamimigay mo? Tanong ni Dave.
“Ahh ito, discount card sa bago kung pinagtatrabahoan, natanggal na kasi ako sa library buti lang nakahanap ako ng ibang paraan. Alam mo ba na natanggap ako sa isang foundation para maging scholar, ito rin may partime job din pagdagdag sa mga gastusin, baka gusto mong pumunta doon minsan, pero mahilig ka ba sa burger? Burger kasi tinitinda namin,” Dagdag pa nito.
“Mabuti naman nakabalik ka, May pasok ka ba? Halika punta tayo doon” sabi ni Dave.
“Saan” tanong naman ni Carlo.
“Doon sa burger shop” Sagot ni Dave.
“Tama para malibre kita, ikaw ha pinaiyak mo mga magulang ko. Maraming Maraming salamat sa tulong mo. Sabi nga nang Nanay ko pag nagkita daw tayo yayapusin at hahalikan daw kita sa noo para sa kanya.” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Wala yun, ganti ko lang din sa kabaitan ninyo. Hindi ko inakala na ganun ang pangtangap ng mga magulang mo sa akin. Sobrang bait nila, ewan ko nga saan ka nagmana.” Napapailing at papangiting sabi ni Dave.
“Ganun, kung hindi ako naging mabait sa iyo hindi ka na sana naka -uwi sa inyo ng buo.” Sagot naman ni Carlo
“Oh ano na”? sabi ni Dave.
“Sigi tayo na para malaman mo rin saan ako nag papartime job.” Sabi ni Carlo.
“Hindi, ano na, saan na yung yapos at halik na sinasabi ng nanay mo, ibigay mo na.” nakatipa at nakangiting sabi ni Dave.
“Loko ka talaga, bakit tutuhanin mo talaga yung sinabi ng nanay na yayapin at hahalikan kita?” Sabi ni Carlo.
“Ano naman to, suwail talaga na anak, diba yan bilin ng nanay mo nayayakapin at halikan ako bilang pa thank you” Sabi ni Dave.
“Ano sasama ka ba sa akin, alis na ako.” Sabi ni Carlo habang palayo.
“Hoy Mr. Whatever may utang ka sa akin na Yapos at halik ha” Sabi ni Dave habang sumusonod ito kay Carlo.
Habang naglalakad yung dalawa, biglang tumonog yung cellphone ni Dave. Tiningnan lang ito at hindi sinagot. Ilang minuto tumonog ulit.
“May tawag sagutin mo” sabi ni Carlo
Kinuha ang cellphone ngunit pinagmamasdan lang ni Dave ang screen at hindi sinasagot, sumulyap si Carlo at nakita niya na ang tumatawag pala ay ang College Dean.
“ Nako ano naman ginagawa mo ha, bakit pinaghahanap ka na naman ng DEAN ninyo? Usisa ni Carlo “May ginagawa ka naman kalukuhan ano? Dagdag si Carlo.
Tumigil na sa pagtunog yung cellphone at saka nagsalita si Dave.
“Ang kulit kasi, diba pagkatapos ng prelim exam natin ay Foundation day na ng school, kinukulit ako na maging contestant ng college namin para sa Mr. and Ms. University, ayako nga, kaya yun tawag ng tawag.” Asar na sabi ni Dave.
“Ahh ganun ba? Bat ayaw mo pwede ka naman, at saka si Dean na yung naghahabol sa iyo ano ka ba.” Sabi ni Carlo. “Sumali ka na susuportahan ka namin” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Ayako nga kakahiya at saka hindi ko kaylan na isip na sasali sa mga ganyan” Sabi naman ni Dave.
“Ano ka ba makakatulong yan sa self improvement mo, sisikat ka pa lalo dyan, saka bagay naman sa iyo dahil may dating at gwapo ka naman, support ako dyan boss” sabi ni Carlo “ Pero kung ayaw mo eh di wag” dagdag nito.
Muling tumonog ang cellphone tumawag ulit si Dean. Nagulat si Dave ng biglang hinablot ni Carlo at sinagot ang tawag.
“Hello good afternoon maam, sorry po wala po dito sa Dave…si Carlo po to maam
Personal Assistant po niya, nasa loob po kasi ng banyo,” Sabi ni Carlo.
Akmang aagawin ni Dave yung cellphone nang bahagya lumayo si Carlo at patuloy na nagsasalita sabay bulong kay Dave ng “Ako bahala”
“Ay tungkol po yan sa Mr. and Ms. University, naka pagdecide na po si Dave maam ahhh hindi ahhh hindi ka po niya bibiguin,yes maam Dave will represent his college in Mr. and Ms. University, sa katuyan nga maam nandito kami nagbe brain storming kung paano niya ipapanalo ang laban na ito. Yes maam, sigi po maam, bye maam” Sabi ni Carlo habang naka ngiti.
“Ano bang ginagawa at pinagsasabi mo?” Gulat na tanong ni Dave.
“Tinulungan lang kitang mag decide, Tapos ang usapan, sasali ka sa Mr. and Ms. University” Sabi ni Carlo
“Bad trip naman to oh” sabi ni Dave sabay hablot ng cellphone niya at humakbang palayo na halatang asar at galit sa pinag gagawa ni Carlo.
“Dave galit ka ba? sorry na, kung ayaw mo tlaga pwede naman kausapin ko ulit yung Dean ninyo.” Sabi ni Carlo.
Binuksan ni Dave ang pintuan ng back seat ng kotse sabay sabi ng
“Pasok! Pasok na dali!!” nahalatang galit ito.
Pagkaupo ni Carlo dali-dali sinira ang pintuan at pumasok at umupo rin si Dave sa may harapang bahagi ng kotse. Sandaling tahimik yung dalawa ng biglang nagsalita ni Carlo.
“ Sorry po talaga, boss sorry po talaga, kaya ko naman ginawa yun dahil may tiwala naman ako sa iyo na kaya mo yun. Sus ikaw pa!” mahinang sabi ni Carlo.
Hindi umimik si Dave at pinatakbo ang sasakyan nakasimagot. Sa likod naman nakaupo si Carlo na hindi mapakali at hindi alam ang gagawin sa oras na iyon.
“Kung hindi mo ako kakausapin, paki hinto nitong kotse papasok pa ako sa Burger shop” sabi ni Carlo. “Sobra naman to, para bang napakalaki ng kasal-anan ko, don’t worry bukas na bukas pupuntahan ko Dean ninyo, kakausapin ko.” Sabi ni Carlo.
Patuloy na walang imik si Dave habang nagmamaneho. Paghinto ng kotse, na pansin ni Carlo nasa tapat pala sila ng bagong niyang pinagtatrabahoan na burger shop.
“Bumababa ka na, marami ka pang customer na aasikasohin,” Sabi ni Dave.
“Ay salamat ng salita rin, boss sorry tlaga ahhh sigi para mapatawad mo ako ilibre kita ng burger, eat all you can. Sabi ni Carlo sabay kalabit kay Dave.”
“Sa sunonod na lang busog pa ako.” Maiksing sagot ni Dave.
Bago lumabas sa kotse, lumipat sa harapan si Carlo at tumabi kay Dave na halatang wala sa mood.
“Sigi, kung ayaw mo ng burger para mapatawad mo ako, sabihin mo ano gusto mo gagawin ko lahat lahat mapapatawad mo lang ako.” Nangiting sabi ni Carlo.
Tahimik naka titig lang si Dave sa Kanya habang nagsasalita ito.
“Ano? Titigan lang to, ganun? Sabi ni Carlo.
“Gagawin mo lahat na gusto ko, as in lahat? Tanong ni Dave. “Talaga lang ha ayusin mo yang mga pa promise promise mong yan.” Dagdag pa nito.
“Oo! Promise, basta please lang yung ipapagawa mo sa akin walang money involved alam mo naman diba?” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Sigi bumaba ka na, sasusunod na ako kakain ng burger.” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Uyy ngumiti na siya, yung ngiting iyan talaga boss nakakatunaw ng puso lalo kang pomopogi pagnaka ngiti, saka kanina takot ako sa iyo, ngayon lang kita nakitang nagagalit kakatakot din pero cute pa rin.” Sabi ni Carlo.
“Tama na nga yang pang pambobola mo, alam ko cute ako nakasimagot man o hindi.” Napatawang sagot ni Dave.” Sigi na, go na!” dagdag nito.
Dali-dali lumabas si Carlo sa kotse, habang palayo sinusulyapan niya si Dave nakatingin sa kanya habang naka-ngiti.
Kinabukasan maagang pumasok si Carlo at pinuntahan agad niya ang Dean ni Dave upang kausapin na nagbago ang isip nito at hindi na itutuloy ang pag sali sa Mr.and Ms. Universty.
“Ano pa kailangan mo? tanong ng secretary.
“Tungkol it Kay Dave Angelo Seguerra yung sasali sana sa Mr. and Ms. University.” Sabi ni Carlo.
“Ahh si Dave hinahanap mo, nako nandito siya kani-kanilang lang, umalis dahil may pictorial sila kasama yung ibang candidates para sa kanilang official portrait na I popost sa social media para sa most liked and loved constestant ngayon taon.” Sabi ng secretary.
“Ano? Nandito si Dave at itutuloy niya ang pagsali?” Tanong ni Carlo.
“Oo, na finalized yung decision niya kagabi lang, its official, siya ang candidate sa college of business and management this year.” Sabi naman ng secretary.
“Ganun po ba, sigi po alis na po ako. Salamat po!” Sabi ni Carlo. Sabay alis.
Napaisip sa Carlo kung bakit tinuloy ni Dave ang pagiging contestant na kahapon lang galit ito sa pinag gagawa niyang pangungulit na sumali. Pagkatapos ng kanyang mga klase bandang alas 4 ng hapon, agad itong dumeritso sa pinapasukang burger shop at nagtrabaho hanggang alas 9 ng gabi.
Kahit nakakapagod masaya lagi si Carlo sa tuwing pumasakok sa burger shop dahil kay Elah, kahit hindi naman sila laging nag uusap dahil sa busy ng pag aatupag sa mga customer, masaya na si Carlo kahit sa sandali na magkakasalubong sila at nangingitian siya nito. Alam niyang gusto niya Si Elah, at balak niya itong ligawan, ngunit naglalaban din sa kanyang isipan na tila hindi pa siya handa. Nauubos ang oras niya sa Pag-aaral at Trabaho at tila wala na siyang panahon sa isang relasyon na alam niyang dapat din bigyang panahon.
Pagkatapos ng kanyang oras sa trabaho, dali-dali itong umuwi dahil gusto na niyang magpahinga. Pagkalabas niya agad siyang naghanap ng masasakyan ng ma pansin niya ang kotse ni Dave na huminto sa harapan niya. Bumaba si Dave naka ngiti.
“Uuwi ka na? saglit lang pahingi ng sampong discount card mo bibili lang ako ng burger.” Sabi ni Dave.
Agad binuksan ni Carlo yung bag niya at agad-agad binigay kay Dave. Hindi ito tinanggap ni Dave bagkos may inabot itong pera kay Carlo.
“Pwede ba ikaw na bumili, take out, dito na lang ako maghihintay sa iyo.” Sabi ni Dave.
Hindi umimik si Carlo at sa isip-isip niya bakit ngayon pa darating tong taong ito kung kaylan pauwi na siya at antok na antok na. Peron sa isip- isip din niya na sayang naman yung 10 orders kung tatangihan niya. Pumasok sa loob at nag order, pagkalabas deritso kaagad siya kay Dave na nakatayo sa gilid ng kotse at noong nakita siya dali-dali itong binuksan ang pintuan ng kotse.
“Paki pasok na lang sa loob, pati ikaw pasok na rin.” Sabi ni Dave.
“Nako pagod na ako ha, gusto ko ng umuwi bakit papasakayin mo naman ako sa kotse mo. At alam mo ba kung bakit inaantok ako? Kasi kanina ang aga kung gumising dahil pinuntahan ko yung dean mo para kausapin na ayaw mo talaga sumali sa Mr. and Ms. University na yan, aba pa ayaw-ayaw ka pa ikaw pa pala tong excited na excited sa pictorial ninyo.” Sabi ni Carlo.
“kaya nga sumakay kana ihahatid na kita ano ba to, sakay na” sabi ni Dave.
Sumakay na rin si Carlo nahatang bad trip sa mga nangyayari dahil sa totoo lang gusto na niya matulog.
“Diba sabi mo gagawin mo lahat para mapatawad lang kita?” Tanong ni Dave. “Sumali ako sa Mr. and Ms. University dahil sa iyo, kaya gawin mo lahat na gusto ko, ang gusto ko, maging Personal assistant kita mula ngayon hanggang matapos tong Mr. University. Kasama, katulong taga bitbit ayos ba? Maagan lang naman yan diba?” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Asus yun lang pala kahit taga paligo, taga polbo o kahit ako pa ipapalit mo sa yaya mo ayos lang boss. O ano a masaya ka na.” Sabi ni Carlo habang nakasandal sa upuan ng kotse at nakapikit ang mga mata.
“Ngayon sasamahan mo ako saglit sa dati mong boarding house, ma ngangampanya tayo at manunuyo ng mga kakilalang studyante para I like at I heart ang official portrait ko sa social media para automatic makapasok sa top 10.” Dagdag pa ni Dave.
Noong narinig niya na pupunta sila sa dating boarding house biglang nagising si Carlo. Dahil sa totoo lang na miss miss na rin niya ang lima na dating ka boardmate. Pagkadating nila gulat na gulat ang mga iyon at laking tuwa nito ng may dala pang pasalubong sa burger.
“Hoy bago ninyo kainin yan paki labas muna mga cellphone ninyo. hindi yan galing sa akin yung pagkain na yan, alam ninyo kasali ni Dave sa Mr. and Ms. University, kailangan niya tulong natin paki like, heart at share naman ng picture niya sa official account ng university para automatic siyang maka pasok sa 10 kung siya ang mananalo. No like, No heart and No share No burger!!!” Pabirong sabi ni Carlo.
“Saan pala yung bago ninyong kasama na sinasabi ng land lady na siyang lumalit na sa akin.” Tanong ni Carlo.
“Mula ng umalis ka wala naman kaming ibang kasama dito, sa katunayan nga hanggang ngayon wala pa rin umaakupa sa bed na iyan
“Sabi ni Sam.
“Ganun ba? Bakit noong bumalik ako rito tinangihan na ako? Sabi sa pag aakala na hindi na ako babalik ibinigay na niya sa iba.” Nagtatakang sabi ni Carlo.
“Sigi mga tol uwi na kami, ihahatid ko muna si Carlo sa boarding house” sabi ni Dave sabay tayo.” Saka gabing-gabi na, kanina pa ito inaantok” Dagdag nito.
“Hoy! basta support ninyo tong bagong friend natin sa pageant night dapat nandoon tayong lahat kahit magkakalaban ang mga college natin, basta dito pa rin tayo kay Dave, sa gabing iyon tayong lahat ay mula sa College of Business and Management, ok ba?”
Hinatid na ni Dave si Carlo sa kanyang bagong kwarto inuupahan. Pagkapasok agad humiga si Dave sa kama. Nakikitang nagpapalit ng damit si Carlo, pumasok sa banyo at paglabas naka tapis na lang ito ng tuwalya.
“Hoy tapos na yung pagiging personal assistant ko sa araw na to, pagod ka na pagod na rin ako, umuwi ka na matutulog na ako.” Sabi ni Carlo.
Pagdilat ni Dave bahagya itinaas niya ang kanyang kamay at agad naman itong hinawakan ni Carlo sabay hatak upang tulungan siyang bumangon.
“Pagod na pagod ka na sigi na umuwi ka na.” sabi ni Carlo.
“Hindi na ako uuwi, pwede ba dito na ako matutulog? Tanong ni Dave sabay higa ulit.
“kung gusto mung matulog dito, bumangon ka diyan maglinis ka muna ng katawan, hiram ka muna ng short at t-shirt ko” Sabi ni Carlo sabay tanggal ng nakatapis na tuwalya at binigay ito kay Dave.
Nagulat si Dave sa kanyang nakita dahil hindi naman niya inakala na tatangalin ni Carlo ng tuwalyang naka tapis sa kanyang harapan. Bahagya napasulyap si Dave kay Carlo at napatawa.
“Ano bayang design ng brief mo, Aso? ngayon lang ako nakakita ng ganyan?” Natatawang sabi ni Dave.
“Aso nga yan, pero may kasama yang tuta, gusto mong makita, nasa loob tingnan mo natutulog, wag kang maingay baka magising.” Pilyong sagot ni Carlo.
“Pumasok sa loob ng banyo si Dave at paglabas nito, nakitang naka bihis pantulog na si Carlo. Isusuot na sana niya ang short habang taka tapis pa ng biglang hablutin ni Carlo ang nakatapis na tuwalya at tumanbad ang hubad niyang katawan, dali-dali naman nitong tinakpan ang kanyang harapan dahil hindi siya sanay na may ibang taong nakakakita nito.
“Kukunin ko lang tong tuwalya dahil basa isasampay ko, at anong tinatakpan mo dyan, bakit takot ka bang makita yung natutulog mo rin tuta?” naka ngiting sabi ni Carlo. “Magbihis ka na” dagdag pa nito.
Humiga na rin si Dave. Dahil parang natatamaan niya si Carlo pagkatihaya, tumagilid siya, at agad pinikit ang mga mata dahil gusto na rin niyang makatulog. Tahimik na ang dalawa ng biglang bumagon si Carlo at pinaadar ang maliit na electric fan. Bumalik ito sa pagkahiga.
“Boss, okay ka lang dito, pasensya ka na ha, alam mo naman maliit lang tong kwarto ko, a yun pinaandar ko na yung electric fan, iba pala pag maykatabi ka ano? Nag-iinit ako.” Sabi ni Carlo.
“Loko ka tlaga anong nag-iinit, baka ang ibig mong sabihin naiinitan ka.” Sabi naman ni Dave.
“Nako pahiras lang yun, INIT diba? Bakit hindi ka pa nag-iinit este naiinitan dyan.” Patawang tanong ni Carlo.
Hindi na sumagot ni Dave. Tumahimik na rin si Carlo. Paglipas ng ilang minuto naramdaman ni Dave na ibinuklat ni Carlo ang kamot at kinumutan siya. Nagkunwari siya tulog. Napansin niya umupo si Carlo at dahan dahan siyang ihatak at inusog palapit sa kanya.
Ramdam niya kung paano siya yapusin ni Carlo at dahan-dahan inusog sa pag aakala nito na mahuhulog siya sa kama. Napadilat siya at nang na pansin ni Carlo na nagising siya, ngumiti lang ito sabay sabi ng. “Baka mahulog ka boss”.
Humiga ulit si Carlo at laking gulat ni Dave sa susunod na pangyayari ng tumagilid ito palapit sa kanya, at dahan dahan isiniksik ang kanyang matigas at malapad na braso upang maging unan ni Dave, samantala yung isa niyang kamay ay pinulupot sa isang kamay ni Dave habang nakatagilid ang mga ito.
“Hayun boss naka lock ka na hindi ka na nyan mahuhulog” Sabi ni Carlo.
“Ano ba yan pinag gagawa mo? Tanong ni Dave na tila na iilalang sa yakap ni Carlo.
“Diba sabi mo suwail akong anak, ito ginawa ko na yung bilin ni Nanay na yupusin kita, ginagawa ko na para wala ka ng sisigilin sa akin.”Napakalambing at mahinang sagot ni Carlo na tila inaantok na.
Muling nanumbalik ang damdamin na ramdaman ni Dave noong unang tumabi sa kanya si Carlo doon sa probensya, dahil nakatagilid siya ramdam niya ang buong katawan ni Carlo na tila naging sandalan niya sa gabing iyon, malapad, mabango at mainit-init. Pati ang hininga ni Carlo na tumatama sa kanyang batok ay nagdudulot ng kakaibang pakikiramdam na tila kumikiliti sa buong ninyang kalamnan. At tuwing nagsasalita si Carlo, kahit mahina dinig na dinig niya pati ang paglunok ng laway nito dahil ang ilong at bibig nito nakadiin na mismo sa kanyang batok.
“Hindi na nga ako mahuhulog nito, pero hindi naman yata ako makatulog ” Naka ngiting sabi ni Dave.
“Bakit? Mahinang Tanong ni Carlo.
“Eh kasi naman yung tuta mo baka magising, makagat ako sa likod ma rabies pa ako niyan.” Natatawang sagot ni Dave.
“Ahh ganun ba, tulog yan, pagod, mamaya pa yan madaling araw magigising. Matulog ka na, gigisin kita pag gising na tong tuta ko” sabi ni carlo habang nakangiti. “Mahilig ka ba sa tuta?” dagdag pa nito habang mas lalong hinihigpitan ang pagkayakap kay Dave.
Dahil sa sobra pagod nakatulog na si Carlo sa ganun posisyon, samantala si Dave nakapikit ang mga mata ngunit gising ang kanyang diwa, nilalasap ang sandaling iyon. Alam niyang hindi normal ang mga nangyayari, nakaka asiwa at nakakailang, ngunit mas lalong nanaig ang isang uhaw na damdamin na gusto niya ang mag tagpong iyon. Gusto niya ang yakap ni Carlo, kailangan niya ang mainit-init nitong katawan yun ang matapang na bulong ng kanyang pusot isipan. Pumikit siya at hiyaan na lamang na maging saksi sa kanyang nag uumapaw na kaligahan ang maliit na bintilador na nagdadala ng kunting lamig sa nag aapoy niyang kaluluwa at kalamnan.