Mr. University

3497 Words
Pageant night. Sigawan at palakpakan ang lahat ng isat-isang lumabas at nagpapakila ang mga kahalok sa Mr. and Ms. University. Sa tuwing lalabas si Dave, hindi mapipigilan ang tilian, hindi lang mula sa grupo nina Carlo, kundi ang halos lahat nasa gymnasium  sa oras na iyon, halatang crowd favorite si Dave. Ngunit ang huling pagpapasya ay nasa mga hurado, dahil hindi lang naman ang ganda ng mukha ang batayan, pati na rin sa talino at husay sa pasagot. Pigil hininga ang  lahat ng tawangin isat-isang ang pasok sa sa top 10, at nang natawag si Dave, sigawan at palakpakan ang lahat. Kung tutuusin sa hanay nila Carlo ay 9 lang sila. Siya, at tatlo kaibigan sa library at 5 dating ka boardmates, ngunit ang kanilang sigaw ng pagsuporta kay umaalingawngaw at nakakahawa sa ibang manunuod. Dumating na ang Q and A portion, na maging batayan sa totoong mananalo, dahil lahat naman nakapasok sa top 10 ay gwapo at magaganda, sa talino at galing na lang ng pang sagot sa bawat tanong magkakatalo at magkaka alamanan. Nang tawagin na si Dave para sa kanyang tanong, isang sigawan ang maririnig na tila nagpadagdag lalo ng kaba sa bawat kalahok, ngunit makikita kalmadong naglalakad si Dave sa gitna at tumabi sa host. Host: Good evening Mr. College of Business and Management, Ito ang iyong katanungan. Naniniwala ka ba na ang pag-ibig ay bulag Oo o hindi at bakit? Tahimik ang lahat at nakatuon ang pansin kay Dave, maliban kay Carlo na nakayuko na parang hindi kayang tingnan ni Dave dahil sa kaba. Umikot ang mata ni Dave na tila may hinahanap sa mga manunuod at nang nakita niya ang kumpol ng kanyang mga kaibigan, bahagyang itong ngumiti saka ng salita. DAVE: Magandang gabi po sa inyo lahat, Para sa akin hindi ako naniniwala na ang pag-ibig ay bulag, dahil sa mga panahon na tayo ay nagmahal ng tapat sa isang taong para sa iba ay hindi natin kauri, dahil malamang sa kanyang kapintasan kahinaan at kakulangan, ngunit bakit patuloy pa rin natin minamahal ang taong iyon, hindi dahil tayo ay nabubulagan. Alam natin ang lahat, nakikita ito ng dilat nating mga puso, ngunit bakit tayo patuloy nagmahal sa kabila ng lahat? dahil yan ang kataing-an ng  totoong pag-ibig, ang handang umunawa, tumanggap at magparaya maging sa mga pagkakataon na tayo ay kinukutya na ng mapag kunwaring lipunan. Maraming salamat po!” Isang malakas na palakpakan at sigawan ang naririnig sa buong gymnasium, ngunit si Carlo ay parang posteng nakabaon ang mga paa sa lupa, nakaramdam siya ng kakaibang kilabot sa mga salita na binitawan si Dave. Hindi niya maisip na ganun pala kalalim ang pag iisip at pananaw ni Dave tungkol sa pag-ibig, titig na titig siya kay Dave habang nakatayo ito sa ibabaw ng stage, na sa panahon iyun ay lutang ang kagwapohan sa suot nitong Barong Tagalog. Bigla siyang bumalik sa kanyang ulirat ng pinaghahampas siya ni Lucy at Paulo dahil sa tuwa sa galing ng pagkasagot ni Carlo. Kabado ang lahat ng nagsimula ng ang pagtawag ng mga nanalo, mula 5th  runner up hanggang 2nd runner up, hanggang dalawa nalang ang natira, si Carlo, at ang kalahok sa College of Nursing. Pumagitna yung dalawa habang magka-akbay, naka ngiti, kahit halatang kabado. Host: Now ladies and gentlemen, this is the moment of truth, two gentlemen lift standing, one of them will be our 1st runner up and the other one will be this year Mr. University. Now I will announce the Mr. University, which means the other will automatically the 1st runner up. Again, I will announce the Mr. University, which means the other will automatically the 1st runner up. Kapit kamay ang magkakaibigan habang nagsasalita ang host, magkahalong kaba at pananabik na sana matapos na ang sandaling ito. Mas makabado pa yata ang mga kaibigan ni Dave kumpara sa kanya, dahil makikitang naka ngiti lang ito habang naghihintay na bangitin ng host kung sino ang nanalo sa gabing iyon bilang Mr. Universtity. Host: Here we go, This year Mr. University goes to… From college of Business and Management, Mr. Dave Angelo Seguerra! Isang nakakabinging sigawan at palakpakan ang dumadagundong, habang ang siyam na magkakaibigan ay nagyayapusan at naglulundagan na tila bang sila na rin ang nanalo. Tuwang-tuwang ang lahat sa tagumpay ng bagong natagpuan kaibigan. Habang makikita sa stage na binibigyan si Carlo ng sash, trophy at plaque, kaliwat kanang pagkuha ng litrato ng mga studyante, lalaki man o babae na aliw na aliw sa bagong campus celebrity. Noong bumaba na si Dave sa stage agad itong sinalubong ng kanyang mga kaibigan. Walang tigil na yapusan, kamayan at pagkuha ng litrato sa gabing iyon. Samantala si Carlo ay lumapit kay Dave at agad kinuha ang bibit nitong trophy and plaque. “Ako muna ang hahawak nito para hindi ka maabala.”Ang nakangiting sabi nito. Tuloy ang pagkukuha litrato ang kahit sinong gustong makasama si Dave. Samantala nakatinggin sa isang tabi ang grupo nina Carlo na masaya sa pagkapanalo ng kaibigan. Pagkahupa na ng mga tao agad lumapit si Dave sa mga ito. “Nako, Dave sikat na sikat ka na, tingnan mo ang  dami mo ng fans” Nakangiting sabi ni Lucy. “At ang swerte nito ang daming chicks ang naakbayan sa gabing ito.” Sambat naman ni Sam “Sana ako rin” dagdag pa nito. “Salamat sa suporta ninyo ha, o ano? labas tayo sagot ko, doon tayo sa burger shop na pinagtatrabahoan ni Carlo, eat all you can.” Sabi ni Dave. Palakpakan ang lahat  ng marinig na manglilibre si Dave. “Teka lang ilan ba tayo, 9 plus si Dave, okey 10 tayo, ayos  gagamitin natin itong discount card pagdagdag points din to sa akin.” Sabi ni Carlo. “O paano 10 tayo, hindi tayo magkasya sa Kotse mauna na lang kayo, susunod na kami ni Carlo, magbibihis muna ako saglit.” Sabi ni Dave. Masayang umalis ang magkakaibigan papuntan sa burger shop.Naiwan si Carlo na  bitbit ang trophy at plague. “Samahan muna ako sa CR magpapalit lang ako sandali” sabi ni Dave. Pagkapasok ni Dave, naiwan ni Carlo sa labas ng napansin niyang may mga babaeng dumating. Nagtataka siya kung ano ginagawa ng mga babaeng ito sa CR ng mga lalaki. Nakangiti at lumapit sa kanya ang mga ito. ‘Nandiyan pa si Dave sa loob ano?” tanong nung isa. “Oo bakit?” Sagot naman ni Carlo. “Pwede paglabas niya mag papapicture lang kami” Sagot naman nito. Bahagyang tiningnan ni Carlo ang grupo ng mga babaeng gusto magpapicture kay Dave at agad nagsalita. “Okey ako personal assistant niya, pwede kayong magpapa picture basta isa isa lang ha, wag masyadong magulo at maingay at higit sa lahat, ito bibigyan ko kayo ng discount card sa burger shop na ito, dapat kumain kayo doon ha.” Sabi ni Carlo. Hindi alam ni Carlo tapos na pala magpalit ng damit si Dave at nasa labas na ito habang ng sasalita siya at naririnig lahat na sinasabi niya at pinag gagawa. “Ay ito na pala si Boss, sigi ikaw muna mauna, isa-isa lang ha.” Sabi ni Carlo habang minamandohan ang limang babae para maka pagpicture kay Dave. “Yan sigi akbay, sigi smile naman,” Sabi ni Carlo habang aliw at kilig na kilig yung mga babae sa pagpapapicture kay Dave. Tapos na yung limang babae magpapicture ng biglang may isang babaeng biglang sumulpot at humabol. “Pwede ako rin” Nakangiting sabi nito. “Oo sigi last ka na ha, pagod na tong boss ko” naka ngiting sabi ni Carlo. “Sa iyo, I mean Ikaw ang gusto kung makasama sa picture.” Sabi ng babaeng iyon kay Carlo. “Ako? Sa akin?” gulat na tanong ni Carlo. “O sigi ba” sabay abot ng bitbit na trophy at plaque kay Dave. Pagkatapos ng pagkuha ng litrato, agad inabot ng babae ang kanyang kanang kamay, nakangiti, sabay sabi ng “Thank you, I’m CASANDRA.” “Carlo! Nice to meet you!” habang kinakamayan si Casandra. “Sigi na, parang may lakad kayo ng boss mo, pasensya sa abala” Sabi ni Casandra. “Wait lang bibigyan kita nito, discount card sa pinag papartimeman ko, baka gusto mo kumain doon, masarap burger naming bukas 24 hrs.” Nakangiting sabi ni Carlo. “Okey, mahilig naman ako sa burger, pahinging sampo.” Sabi ni Casandra. “Talaga, thank you so much Casandra.” Masayang tugon ni Carlo.  Tulala si Carlo habang minamasdan si Casandra na naglalakad palayo, nang napansin niyang dumaan sa kanyang harapan si Dave at mabilis na naglalakad patungo sa parking lot. Mabilis naman ito sinundan ni Carlo. “Hoy bat ka nang-iiwan, akin na yang bitbit mong trophy at plaque.” Sabi ni Carlo. “Ako na, magaan lang naman ito.” Sabi ni Carlo. “Akin na, diba ako ang Personal assistant mo pansamantala, ito na nga taga bitbit at body guard na rin sa mga makukulit mong fans” sabi ni Carlo “Boss ang dami mong chicks nako! tibang-tiba ka.” Dagdag pa nito habang kinukuha ang dalang trophy at plaque ni Dave. “Bilisan mo yang lakad mo, may naghihintay sa atin sa burger shop.” Sabi ni Dave. Binabaybay na nila yung daan papunta sa burger shop nang biglang nagtanong ni Dave. “Sino yun?” tanong ni Dave. “Sino? Sinong tinutukoy mo? Sagot na man ni Carlo. “Yung girl na nagpapicture sa iyo?” Tanong ni Dave. “Ahhh hindi ko kilala, pero maganda boss at mukhang mayaman, nagulat nga ako akala ko sa iyo magpapapicture, sa akin pala, biruin mo, nakakaingit ka ang daming nagpapicture sa iyo, okey normal naman yan dahil local celebrity ka na, pero yung isang girl bat ako ang napansin. Ang bait naman ni Lord, akala ko sa iyo na lahat na babae sa gabing ito, may nakaalan din pala para sa akin.” Naka ngiting sabi ni Carlo. “Parang type ka ng babaeng iyon” Sabi ni Dave “Halata naman masyado, siya pa yun lumapit sa iyo para magpapakilala.” Dagdag ni nito. “Agad-agad? bakit lahat ba na babae sa lumapit sa iyo ngayong gabi gusto ka na agad? Yung iba taga hangga mo lang diba?” Sabi naman ni Carlo. “Alam ko, madaming babae lumapit sa akin ngayon, pero ni isa walang nagpapakilala, picture lang, yapos ngiti sabay alis, pero yung Casandra na yun nagpapahuli, papansin at nagpapakilala, diba?” Sabi ni Dave habang nagmamaneho.  “At saka bakit panay mamimigay mo ng discount card na yan kahit saan,kahit sino kahit nga sa loob ng banyo namimigay ka.” Tanong ni Dave. “Nako boss hindi lang to basta-basta discount card. Alam mo,maliban sa pag aadvertise naming sa burger shop na ito, ang card na ito nagbibigay point sa taong namigay, may unique code ito na para lang tlaga sa akin, halimbawa binigyan kita, at kumain ka, may discount ka, at may points din na papasok sa akin na ikaconvert ng certain amount at iniipon at sinasama sa sahod ko buwan-buwan.” Paliwanag ni Carlo. “Ganun ba? Magkano naman ang point na papasok sa iyo” Usisa ni Dave. “5 pesos evertime ka gagamitin mo tong discount card na ito.” Sagot naman ni Carlo. “5 pesos lang?” nagpapakahirap ka sa 5 pesos na yan!” sabi ni Dave. “Nako boss wag mung maliitin ang 5 pesos na yan, pag naipon yan sa loob ng isang buwan pag dagdag ko na rin sa yan sa upa ng bahay.” Sabi ni Dave. “At saka kailangan ko mag-ipon ngayon, kailangan ko makabili ng laptop next semester, may subject akong na ngangailangan nito. Nagtanong-tanong na ako, 22k ang pinakamura, yan ang target ko, para hindi na masyadong mabigatan ang mga magulang ko, at saka hindi naman pahirap ito sa akin, ayos lang kahit nga minsan yung iba kung binibigyan hindi ka pinapansin at nang iinsulto pa.” Sabi ni Carlo. Biglang natahimik si Dave sa sandaling iyon. Magkahalong awa at paghangga ang naramdaman niya kay Carlo. Halatang hirap ito sa kanyang pinagsabay na pag aaral at trabaho, ngunit hindi mababanaag ang hirap sa mukha. Marahil sanay na ito, Kaya dinadaan na lang sa ngiti ang payod at puyat matupad lang ang pangarap sa buhay. Marahil hindi maiintindihan ni Dave ang halaga ng 5 pesos, dahil kaylan hindi naman niya maranasang maghirap, ngunit sa katulad ni Carlo bawat peso ay napahalaga upang pagdagdag sa pag-araw araw na gastusin. Pagdating nila sa burger shop nandoon na lahat, at agad ng order si Dave. Tuwang-tuwa ang lahat sa eat all you can na libre nito at pwede pang mag take out. Ngunit higit na natuwa si Carlo, dahil sa nakadaming points na pumasok sa account niya sa gabing iyon. Dahil kukunti na lang ang kumain sa oras na iyon, parang inangkin na ng buong grupo ang lugar, tawanan at kwentuhan tungkol nangyayari sa araw na iyon. Habang magsayang nagkakainan ang lahat sandaling umalis si Carlo at Pag-balik nito kasama niya si Elah. Isa-isa pinakilala ni Carlo ang kanyang mga kaibigan sa katrabahong si Elah, ng biglang nagsalita ang isa nilang kasamang lalaki naka tayo sa counter. “ Ehemmm bakit kaya si Elah lang ang pinakilala” Sabi ni nito sabay takip ng tray sa mukha. Paglingon ni Elah at Carlo nakikita niya nagtatawanan ang iba pang tatlo niyang kasama na tila may ibig ipapahiwatig, isang tawanan na puno ng panunukso. “Nako, lahat naman kayo ipapakilala ko, isa-isa lang muna” Sabi ni Carlo habang nakangiti at napakamot sa ulo. “Syempre pre yung tlagang espisyal ang una ipakilala, diba?” Sabi naman ng isa. Tawanan ang lahat maliban kay Carlo sa ginagawang panunukso ng kasama sa trabaho. Pagkatapos kamayan ni Elah ang lahat, bumalik na agad ito sa trabaho, Habang naiwan si Carlo na nakatayo at napapansin nakatingin sa kanyan ang  mga kaibigang nakangiti. “Ayy lomalovelife na pala itong friend natin oh,” Sabi ni Felix. “Paano na ako Carlo?” Sabi ni Paulo at Lucy na nagkataon na sabay magsalita. Tawanan ang lahat  ng pinaghihila ni Felix yung buhok ng dalawa. “Kayo dalawa ha, na lasing ba kayo sa bottomless ice tea? Sabi ni Felix “Baka gusto ninyo pag uuntugin ko kayong dalawa. “Bakit naman ninyo pinag aagawan ni Carlo, nandito naman kaming 5 oh,” Pabirong sabi naman ni Neco sabay turo sa 4 niyang ka boardmates. “Kung hindi mapunta sa akin si Carlo, pwede ikaw na lang Dave” Nakangiting sabi ni Lucy. “Oo nga!” sambat naman ni Paulo. “Ooops nakalimutan yata ninyo na aking lang si Dave, gusto ninyo ibedensiya? ilabas ang video” Nakangiting sabi Carlo habang inaakbayan si Dave. Tawanan ang lahat ng bilang banggitin ni Carlo ang nasabing video. Alam naman ng lahat ang kwento tungkol doon, ang video na naging simula ng lahat, kahit may dala itong sakit ngunit sa pagkakataong iyon, puro saya na lang naalala ng mga magkakaibigan. “Ang saya-saya pala ninyong magkakaibigan kung magkasama-sama” sabi ni Dave “ ang swerte naman ni Carlo na naging kaibigan kayo” dagdag pa nito. “At sa oras na ito hindi lang naman si Carlo kaibigan namin, pati ikaw kaibigan na rin namin.” Sabi ni Felix. “At saka pagkatapos mo kaming pakainin ng eat all you can hindi pa ba yan dahilan upang kakaibiganin ka namin.” Sambat na naman ni Sam. “Oo Dave, kaya hindi na kailangan sumali sa mga brotherhood na yan na kung ano-ano pinagagawa sa iyo matanggap ka lang sa grupo. Ang kailangan lang maging tapat ka at totoo, yan lang naman requirement sa friendship diba?” sabi naman ni Lucy. “Tama!” ang sabi ng lahat. Pagkatapos kumain ng magkakaibigan, isa-isa na itong nag si-alisan, maliban kay Dave at Carlo na naiwan sa tapat ng burger shop. “Sumama ka sa akin,” Sabi ni Dave. “Saan? gabi na pagod ka na, dalawang gabi kang puyat dahil sa rehearsal uwi ka na.” Sabi ni Carlo. “Oo uuwi na nga tayo samahan mo muna ako sa bahay namin” Sabi ni Carlo “Don’t forget yung promise m? gagawin mo lahat, sigi  na last na to.” Dagdag pa nito. “Diba ang usapan natin pagkatapos ng pageant, tapos na ang pageant so uuwi na ako” Sabi ni Carlo. “Hindi pa, bukas 10am may presscon at interview pa ako para sa school publication natin, kaya sasamahan mo muna ako doon, pero bago yan sasamahan mo muna ako sa amin” sabi ni Dave. “Hindi ba nakakahiya doon, alam mo, medyong naiilang talaga ako sa pakikipaghalobilo sa mga mayaman.” Nakakamot na sabi ni Carlo. “Anong nahihiya ka diyan, diba sabi mo mayaman ako, pero kung walang hiya-in mo ako minsan hindi naman nahalata na iilang at nahihiya ka, ang sabihin mo ayaw mo akong samahan dahil ihahatid mo yang Elah na yan, di ba?” Tanong ni Carlo. “Ay si Elah nga pala, sandali lang babalik lang ako saglit.” Sabi ni Carlo habang mabilis na pumasok, at paglipas ng ilang minuto lumabas na ito na nakangiti. “Tayo na sabi ni Carlo, buo na ang araw ko, sinabihan ba naman ako ng “Inggat” sabi ni Carlo na halatang kinikilig. Kasalukuyan binabaybay nila ang kahabaan ng daan papunta kina Dave nang biglang nagsalita si Dave. “Nililigawan mo ba yun si Elah” Tanong ni Dave. “Liligawan pa lang boss, pero hindi pa ako sure, gusto ko siya ang bait kasi, alam mo siya naging una kung kaibigan diyan sa burger shop, siya kasi nag training sa akin. Nakikiramdam muna ako boss baka kasi may iba siyang gusto o kaya may iba din nagkaka gusto sa kanya.” Sabi ni Carlo. “O kaya, may iba naman nagka gusto sa iyo na hindi mo lang alam.” Sambat naman ni Dave. “Oo nga may point ka, minsan kasi yung gusto natin ayaw sa atin, yung ayaw naman natin yun pala naka laan sa atin, diba ang gulo, pero alam kung naiintindihan mo yan boss, kasi kanina ang galing ng pagkasagot sa tanong tungkol doon sa bulag nga ba ang pag-ibig. Galing sa puso, parang nararanasan mo na talaga.” Sabi ni Carlo. “Para sa iyo yun” Sabi ni Dave habang nakatingin kay Carlo. “Sa akin bakit naman” gulat na tanong Carlo. “Para sa iyo, dahil ikaw naman nagpilit sa akin sumali sa Mr University na yan diba? kaya itong trophy at Plaque iuwi mo na yan sa inyo.” Naka ngiting sabi ni Dave. “Pero ang gwapo at galing din nung 1st runner up boss, kaso doon siya pumalya sa Q and A. Nagtaka si Carlo kung bakit biglang huminto ang sasakyan. Pang tingin niya nasa tahimik at matalahib na bahagi ng daan at iilan lang ang sasakyan na napapansin niyang dumadaan. “Bakit? Anong nangyayari? Usisa ni Carlo. “Pakiulit nga nagsinabi mo” sabi ni Dave. “Alin doon?” gulat na tanong ni Carlo. “Yung mas gwapo yung 1st runner up kay sa akin, sumisigaw ka pala kanina doon kunwari para akin pero ang manok mo ay yung Mr. Nursing ano?” nakangiting sabi ni Carlo. “Nako boss, wag ka naman magseselos diyan, para sa akin ikaw talaga ang pinaka gwapo sa gabing iyon, sa katunayan ikaw nga tong nanalo.” Sabi ni Carlo. “Talaga lang ha, lahat mga kaibigan mo kinamayan ako, niyapos ako, pero ikaw hindi man lang ako sinabihan kahit congrats!” sabi ni Dave. Tingnan mo nga tong mga picture dito kahit isa na kasama ka wala!” Sabi ni Dave. Saka pa na lalala ni Carlo totoo nga ang sinabi ni Dave, dahil busy siya taga bitbit ng mga gamit ni Dave at naga alalay sa mga taong gusto  mag papicture nito, nakalimutan na niyang batiin si Dave. “Nako boss understood na yun diba? alam mo naman na busy ako bilang alalay mo sa gabing ito kaya wag ka ng magtampo, okey ito bibigyan na kita ng congratulatory kiss saan gusto mo” Pabiro sabi ni Carlo. “Umayos ka diyan, baka gusto mo iwanan kita dito sa talahiban” sabi ni Dave. “Nako boss, tandaan mo, laking probensiya ako wala akong kinakatakutan, wag mo akong subukan, baka gusto mong umuwing pawisan at duguan pero naka ngiti pa rin” sabi ni Carlo habang nakatawa ng malakas. “Ano kaya yun? Natatawang sagot ni Dave. “Gusto mong subukan, halika patayin mo yung ilaw sa loob ng kotse ng malaman mo kung ano ang ibig kung sabihin” Pilyong sagot ni Carlo. Bigla pinaandar ni Dave ang kotse na nakangiti sabay sabi ng “Ang weird nito” samantalang makikitang tawang tawa si Carlo sa kalokohan na pinaggawa niya sa kaibigang si Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD