Napansin ni Carlo na pumasok sila sa isang exclusive subsdivision. Namangha siya sa ganda at laki ng mga bahay na kanilang nadadaanan na lahat nababakuran ng nagtataasang bakod. Hanggang huminto sila sa isang kulay asul na gate, pagbukas ng guard agad-agad silang pumasok. Napanganga si Carlo sa ganda ng palibot. Ang laki ng bahay at napapalibutan ng maraming ilaw at ang naka tawag pansin sa kanya ay ang kulay asul na swimming pool. Alam niyang mayayaman sina Dave, pero hindi naman sumangi sa isip niya ang ganitong karanyang pamumuhay.
“Bahay ninyo to Dave? “ nakanganga tanong ni Carlo.“ Ilan kayo nakatira dito? ang laki ha” Dagdag nito.
“Ako, si Yaya, driver, guard at 2 dalawang katulong, bali 6 kaming lahat” Sagot ni Dave.
“Anim lang kayo tapos ganito kalaki bahay ninyo.” Manghang tanong ni Carlo.
Habang papasok sila sa bahay, iniikot at binubusog ni Carlo ang kanyang mga mata sa napagandang desinyo ng bahay. Bilang isang architure student, mangha mangha si Carlo sa ganda ng pagkagawa sa bahay na iyon, na alam niyang malaki ang ginastos. Pagkapasok nila agad sumalubong ang isang babae, siya pala si Yaya, na laging nababangit ni Dave. Nasa mga 50 ra rin ang edad ni Yaya, malumanay itong magsalita at ito na ang naging Ina ni Dave mula ng namatay ang kanyang Ina noong 17 years pa lang siya.Pumasok muna saglit si Dave sa kwarto upang magpalit ng damit, naiwan ni Carlo at Yaya sa sala.
“Ikaw pala si Carlo?” nakangiting tanong ni Yaya.
“Opo! Sagot ni Carlo habang iniikot ang mga mata sa loob ng bahay.
“Masaya ako na naka tagpo si Dave ng totoong kaibigan sa katauhan mo, alam mo ba kahit minsan hindi yan nag dala dito ng kahit sino, ikaw pa, alam kung spesyal ka para sa kanya.” Sabi ni yaya. “Matagal na niya itong plinano ang gabing ito.” Dagdag nito.
“Hindi po nagtatrabaho po ako sa kanya, ahh Oo kaibigan ko rin siya pero hindi naman ganun ka spesyal, kasi nandito ako para maging personal assistant. Sa katunayan nga inihatid ko lang siya kasi pagod na yun boss ko.” Sabi ni Carlo.
Maysasabihin pa sana si Yaya ng biglang lumabas si Dave sa kwarto naka bihis na.
“Yaya handa na po ba ang pagkain?” Tanong ni Dave.
“Ay nako kanina pa sigi pumunta ra rin kayo doon” sabi ni Yaya.
“Halika, kakainin muna tayo” sabi ni Dave.
“Ano? hindi ka pa ba nabusog sa eat all you can treat mo? Wala pa nga isang oras kakain na naman tayo.” Sabi ni Dave.
Hindi na nagsalita ni Dave, hinawakan ang kaliwang kamay nito sabay hatak palabas, hindi na pansin ni Carlo na lalakad na pala silang dalawa ng magkahawak kamay, dahil abala siya sa tahimik na panghangga sa ganda ng bahay nina Dave. Nagtataka siya kung saan sila kakain, dahil pansin niya tila dinadala siya ni Dave sa labas ng bahay patungo sa gilid ng swimming pool. Huminto sila sa tapat ng isang lamesa na may nakalatag na pakasarap na pagkain, may bulaklak, mamahaling alak at may dalawang kandilang naka sindi. Agad hinila ni Dave ang upuan sabay inilalayan si Carlo na umupo.
“Ano to?” manghang tanong ni Carlo.
“Dinner date, pasasalamat ko sa kabutihan mo sa akin” sabi ni Dave.
“hindi ang tinatanong ko itong pagkain, mukhang masarap nagutom ako ulit.” Sabi ni Carlo.
Hindi napansin ni Carlo ang salitang “dinner date” na binanggit ni Dave, dahil doon siya nakatuon sa napakasarap na mamahaling stakes na hinanda ng yaya ni Dave, hindi niya alam na pinag handaan ni Dave na maging spesyal ang gabing iyon, ngunit hindi ito napansin ni Carlo sa pag-aakala na normal lang ito sa buhay ng mga mayaman.
“Sigi kumain ka na” Sabi naman ni Dave.
“Teka lang bakit may mga kandila pa dito, maliwanag naman yung mga ilaw pwede ba ibaba natin baka masagi ko, mabasag”Pabiro sabi ni Carlo.
Nagsimula ng kumain si Carlo na halatang sarap na sarap sa pagkain, samantalang natingin lang sa kanya si Dave habang dahan-dahan binubuksan at tumatagay ng mamahalin alak.
“Pwede bang mahiram ang cellphone mo?” tanong ni Dave.
Bahagayang tumaagilid si Carlo at dinukot sa kanyang bulsa ang cellphone sabay abot it okay Dave. Hindi na nagtanong ni Carlo kung bakit at patuloy itong kumakain.
Isang lumang modelong cellphone ang pagmamaya-ari ni Carlo na ang pinakamahalagang gamit ay pang text at tawag lamang. Napaka layo nito kumpara sa mga mamahaling cellphone na pagmamay-ari ni Dave, ganun pa man napakahalaga ito para kay Carlo dahil kahit lumang model ito, ito ang pinakama daling paraaan upang makausap niya ang kanyang mga magulang sa probensya. Napansin si Carlo na siyang lang ang kumakain at nakatitig lang si Dave sa kanyang lumang cellphone.
“Boss kumain ka na, at bakit hiriram mo yung cellphone? Tanong ni Carlo.
“Picture sana tayo, kasi pansin ko ni isang picture wala tayo kanina sa pageant, ikaw lang pala taga kuha ng picture ano?” Sabi ni Dave.
“Nako pang jurassic period pa yang cellphone ko” natatawang sabi ni Carlo pang tawag at text lang ang silbi niyan, pero wag mong mailitin yan boss, matagal yan uubusan ng battary, ang tibay pa, minsan nga ginagamit ko yan pagdidik ng bawang at pangbukas ng lata ng sardinas, kaya nga hindi ako nakapag like ng official picture mo dahil wala naman akong mamahalin cellphone, saka ayako ko talaga ng mga social media na yan, pero kahit hindi ako naka paglike alam mo bang ang daming kung nilagay na heart! Heart! Heart! sa picture mo dito sa puso ko” Patawang sabi ni Carlo.
“Alam mo gusto kita!” sabi ni Dave.
Biglang napatikin si Carlo sa kanya nahalatang nabigla sa sinabi ni Dave.
“I mean, yan ang gusto ko sa iyo, tapat at hindi nahihiyang maglabas ng totoong naramdaman at hindi nagkukubli ng totoong pagkatao.” Sabi ni Dave. “Mapalad nga yung taong maging kaibigan mo at higit sa lahat mapalad yung taong makapag mamay-ari sa puso mo.” Sabi ni Dave.
“Yung cellphone mo na lang gamitin mo pagkuha ng litrato, at saka kumain ka na para matapos at makauwi na ako.” Sabi ni Carlo.
Pinagsalohan nila ang napakasap na pagkain at ang nakahandang alak sa gabing iyon. Puring-puri ni Carlo ang lasa ng mamahaling alak na ngayong lang niya natikman sa buong buhay. Tinawag ni Dave ang guard at may binulong ito, pag-alis nito, maya-maya pa biglang namatay ang ilaw sa paligid at ang natira na lang ay ang dalawang kandilang naka sindi at mga ilaw nasa gilid ng swimming pool. “Wow biglang nasabi ni Carlo, mas maganda pala lalo pag medyo madilim ano?” manghang tanong ni Carlo. “Tingnan mo “ Sabi ni Dave sabay turo sa kalangitan. “Ang gandang ng mga butuin tulad ng mga bituin nong nandoon ako sa lugar ninyo, saka mo lang na papansin ang kanilang liwanag kung nakapatay ang mga ilaw sa baba diba? Dagdag pa nito.
Mayamaya pa tumayo si Carlo at bahagyang lumapit sa swimming pool.
“May swimming pool pala kayo, at marunong ka palang lumangoy, ibig sabihin niloloko mo lang ako noong nahulog ka sa ilog ano?” sabi ni Carlo.
“Sinadya ko lang yun at sinubukan kung talagang iligtas mo ako, doon ko napatunayan na hindi ka talaga galit sa akin, dahil sobra kang nag ala-ala ng nahulog ako at nag kunwaring nalulunod.” Nakatawang sabi ni Dave.
“Tama lang minsan na tawagin kita mayamang loko-lolo? Sabi Carlo.
“Loko lolo talaga?” Sabi ni Dave sabay tulak kay Carlo sa swimming pool.
Wala ng nagawa si Carlo, napansin na lang niya na lumagapak at nagtampisaw na siya sa malamig na tubig ng swimming pool.
“Boss yung cellphone ko! cellphone ko mababasa!” Sigaw ni Carlo.
“Hoy! nandito lang cell phone sa ibabaw ng mesa, diyan ka lang muna, palamig ka” Sabi ni Dave na tawang tawang sa kanyang ginagawa kay Carlo.
Habang aliw na aliw si Dave sa ginagawa niya kay Carlo, napansin niyang nag-iba ng hitsura nito, kanina lang nakangiti ito, ngunit ngayon, habang naka kapit ito sa gilid ng swimming pool, naka ngiwi ito na tila na sasaktan.
“Aray! Aray! Pinupulikat ako! Please tulungan mo ako humaon paki tangal ng sapatos ko,” Sabi ni Carlo sabay angat ng kanyang kamay upang mahila siya ni Dave paitaas. Dali –dali naman lumapit si Dave at tinulungan ni Carlo makahaon.
“Sorry! Sorry” Sabi ni Dave, habang dahan-dahan niyang hinihila si Carlo upang maihaon ito mula sa swimming pool.
Nang mahawakan ni Carlo ang dalawang kamay ni Dave at dahan dahan na tong umangat biglang niyang kinabig si Dave papasok sa swimming pool.
“Anong sorry! Sorry! na pinagsasabi mo, halika nga dito samahan mo akong magpalamig” Sabi ni Carlo sabay hatak kay Dave.
Gulat na gulat si Dave sa mga pangyayari, ang akala niya naisahan niya si Carlo pero ang totoo siya pala ang naiisahan nito. Kapwa nila pinagtatangal ang suot na sapatos at damit pag itaas at parang mga batang nagtatampisaw yung dalawa sa swimming pool. Tawanan at sigawan sa tuwing nagpa- abot yung dalawa lalo na pagnahahawakan ang isat-isa at nilulublob ito sa ilalim ng tubig at saka lang pakakawalan kung malapit na itong mauubusan ng hininga. Makikitang tumatayo pa si Dave sa balikat ni Carlo at sinusubukang mag babackflip ngunit lumalagap lang ito sa tubig na parang troso.
Masayang masaya ang dalawa ngunit higit na masaya si Yaya na tahimik na nagmamasid sa dalawa. Matagal ng hindi niya nakikita ang alaga na ganun kasaya, alam niyang nag-iba ang buhay nito mula ng namatay ang kanyang ina, pero ngayon kita kita niya ang saya ni Dave nang nakatakpo ito ng isang espesyal na kaibigan sa kanyang buhay.
“Naalala ko bigla ang aking pinsan na si Ado, mula pagkabata halos araw-araw kaming naliligo sa ilog, habulan, harutan. Araw-araw talaga hanggang maging kakulay na naming yung kalabaw.” Nakatawang sabi ni Carlo.
“Buti ka pa masasaya ang ala-ala mo tungkol sa ilog, tanda ko rin ng maliit pa ako halos araw-araw din kaming naliligo ni Daddy sa swimming pool na ito, hinahagis niya ako, naglalaro na kunwari isa siyang pating at hinahabol ako, buti na lang dumating ang isang balyena, si mommy at iniligtas ako. Ngunit isang araw bigla na lang siyang umalis at hindi na bumalik, tumatawag pa minsan-minsan hanggang nasanay na ako na wala na siya.” Sabi si Dave.
“Bakit saan ba nagpunta ang daddy mo?” Usisa ni Carlo.
“May totoong pamilya si Daddy, may tatlo siya anak sa tootong asawa, bumalik sa tunay niyang asawa, iniwan sa amin ang bahay na ito at iba pang ari-arian at kayamanan na nakapangalan sa akin sa pag-aakala na kayang punan ng yaman ang lahat na kakulangan sa aking buhay. Kami na lang ni mommy ang naiwan, ng isang araw nalaman kung may sakit siya, nasa ospital, akala ko simpling lagnat lang, pero nagulat ko, stage 3 na pala ang cancer niya na matagal ng inilihim sa akin. Hayun, umalis din si mommy, hindi tulad kay daddy, maayos na nag-aalam si Mommy, ngunit ang masakit nag-paalam ito na hindi na babalik.” Malungkot na sabi ni Dave, nahalatang pinipigilan ang sarili sa pag-iyak at nagkunkunwari nilulubog ang ulo sa tubig para hindi ito mapansin ang kanyang mga luha. Pero kahit pilit niya itong itago, pansin na pansin ito ni Carlo at tila ra ramdaman din ang sakit at pangungulila ng kaibigan.
“Kaya pag-naalala ko si Mommy pa minsan-minsan, naliligo akong mag-isa at dito ko binubuhos ang aking mga luha upang sa ganun hindi ako mahahalata, matagal na akong naliligo dito mag-isa, buti na lang nandito ka may kasama na ako ulit maligo.”dagdag nito.
“Kaya pala medyo ma alat-alat tong tubig, akala ko kasi ihi mo ito, luha pala, ilang timbang luha na kaya ang naipon dito?” Pabirong sabi ni Dave.
Napangiti si Dave sa pabirong hirit ni Carlo, sa isip-isip niya “ano ba tong taong ito dinadaan lahat sa biro.”
“Yun ngiti ka lang, pinapatawa lang kita, bakit lahat na bagay na konektado sa iyo may dalang lungkot, yung Tart nakakaiyak din ang kwento, ito namang swimming pool kay kwento din, pwede bang magkwento ka naman ng masasaya.” Sabi ni Carlo.
Habang nag kukwentohan yung dalawa biglang sumulpot ang Yaya ni Dave. May dala itong dalawang tuwalya at bath rub.
“Mukhang masarap ang kwentuhan ninyo diyan, gabing-gabi na, magbihis na kayo at mangpahinga na, ito yung tuwalya at bathrub, at naka handa na rin yung damit na susuutin ni Carlo sa guest room na kanyang tutulugan.”
“Nako, hindi po ako dito matutulog, malapit-lapit lang naman boarding house ko kung pwede magpapahatid na lang po ako sa may labasan, 24 hrs naman ang beyahi ng jeep.” Sabi ni Carlo.
Dito ka na nga matutulog, para diretso na tayo sa prescon bukas” Sabi ni Dave. “Sigi yaya umalis ka na ako na bahala dito” Dagdag nito.
Pagka tanggal ng basa nilang damit agad sinama si Dave si Carlo sa shower room para magbanlaw, saka umakyat para maka pagpalit ng damit. Pagkapasok nila sa kwarto ni Dave, nanlaki ang mata ni Carlo sa laki at ganda ng kwarto nito na mas malaki pa sa bahay nila sa probensiya. Nakatayo lang si Carlo at tila nag hihintay na may-iiabot na damit si Dave sa kanya. Napansin ito ni Dave.
“Magbihis ka na, buksan mo yang cabinet mamili ka lang diyan.” Sabi ni Dave.
Pagbukas ni Carlo lumantad ang napaka daming damit ni Dave, nakaayos ito ayon sa uri at kulay, naisip-isip niya kung paano kaya ito susutin lahat dahil sa sobrang dami.
“Ang ganda naman ng pag kayos ng mga damit mo? Ikaw ba nag- aayos nito?” tanong ni Carlo.
“Hindi si Yaya?” sagot naman ni Dave.
“Ano? Katanda-tanda mo na pati pa ba ito iniasa mo parin sa Yaya mo? minsan kailagan mong matutu sa mga simpling gawain, kasi hindi naman sa lahat na panahon kasama yaya mo, paano kung mag-aasawa ka na? isasama mo rin yaya mo? Tanong ni Carlo habang inikikot ang mga mata sa paghahanap ng may mahihiram na gamit, ng may napansin siyang puting brief nakahiwalay at tila familiar sa kanya, pagtingin niya, saka niya naalala na nanghiram pala itong si Dave ng brief sa kanya noong nagpunta sa kanila.
“Akin to ha, ito yung hiniram mo, ito na lang susuutin ko” sabi ni Carlo.
Biglang lumapit sa kanya Dave at hinablot yung puting brief na hawak ni Carlo.
“Wag yan, marami naman diyan o mayron pa nga diyan naka balot pa, yan gagamitin mo.” Sabi ni dave.
“Bakit naman pinag iinteresan mo yang mumurahin kung brief samantala ang dami naman dito oh, sigi na favorite brief yan eh” sabi ni Carlo.
“OOppps sabi Dave habang tinatago ang brief sa kanyang likuran.” Diba may black hoodie ako pinahiram sa iyo, wag mo ng ibalik, swap na lang tayo.” Naka ngiting sabi ni Dave.
Ang hoddiee na tinutukoy ni Dave ay yung pinapariham niya kay Carlo noong bumagyo. Biglang naalala ito ni Carlo, hindi na niya ito naibalik dahil sa biglaan niyang pag uwi sa probensiya.
“Swap? Makikipag swap ka sa medyo law-law na brief na yan? Natatawang tanong ni Carlo.
“Ano ngayon? Gusto ko nga tong suotin pantulog, preskong presko kasi medyo law-law na” Sabay suot nito nanakangiti.
Wala na nagawa si Carlo kundi suutin yung t-shirt at boxer short na ibinigay ni Carlo sa kanya, pagkatapos mag bihis agad itong nagtanong kung saan yung guest room na sinasabi ng yaya ni Dave na kanyang tutulogan.
“Bakit doon ka matutulog sa guest room eh hindi ka man guest pa ra sa akin. Saka may white lady doon, dito ka na matutulog” Sabi ni Dave.
“Dito? Tanong ni carlo.
“Dito nga tabi tayo, bakit tumabi ka na sa akin matulog sa probensiya, nagkatabi na rin tayong matulog sa bagong boarding house mo anong problima? Tanong ni Dave.
“Nako boss sobra na man yata yun, doon sa probensiya at boarding house ko talgang magtatabi tayo dahil ng liit ng kwarto at iisa lang yung papag, pero dito parang nakaka ilang yatang humiga diyan sa napakalaking kama mo diba?” sabi ni Carlo.
“Kung ayaw mo dito sa kama, pwede ka naman diyan sa sofa.” Sabi ni Dave. “Mamimili ka lang “dagdag pa nito.
“Okey dito na lang ako sa sofa” sabi naman ni Carlo.
Binuksan ni Dave yung drawer at may dinukot na maliit na box sabay abot kay Carlo.
“Ito para sa iyo” sabi ni Dave.
“Ano to? Cellphone?” sabi ni Carlo na halatang na suprisa sa ibinigay sa kanya ni Dave.
“Gamitin mo na muna, sayang kasi baka masisira lang, at ginawan na rin kita ng account sa sss, ito yung password, palitan mo na lang mamaya.” Sabi ni Dave. “Pasasalamat ko na rin yan sa mga abala ko sa iyo sa nagdaang araw. Dagdag nito.
Halatang ang tuwa sa mukha ni Carlo habang kinakalikot niya ang bagong cellphone, “Totoo ba to boss” sambit nito na tila hindi makaka paniwala sa mga pangyayari. Habang si Dave ay kahiga na sa kama sinusulyapan niya si Carlo na nakaupo sa may sofa na tila batang naglalaro sa bagong angking laruan. Hilim na napangiti si Dave, dahil alam niyang napasaya niya si Carlo kahit sa simpling bagay. Simpling bagay para sa kanya, ngunit para kay Carlo sadyang napakalaking biyaya na ito lalong–lalo na sa tulad niyang nag-aaral at kailangan ng modernong cellphone para sa kanyang pag-aaral.
Dahil sa payod nakatulog agad si Dave. Samantala, si Carlo hinihintay ang pag accept ni Elah sa kaka send lang niyang friend request. Tuwa-tuwa ito ng tumunog ang kanyang bagong cellphone at I naccept ni Elah ang kanyang request sabay message ng “Uy may sss na siya.” Napapangiti itong mag-isa lalong nalaman niya, na dalawa lang pala ang friends niya, si Dave at si Elah. Masaya siyang natulog dahil sa wakas naging friend na niya ang babaeng kanyang hinahangan.
Napaidlip na si Carlo nang nagising siya dahil sa sobrang lamig, bumagon siya at napansin na ang aircon pala ay nakasentro sa kanyang hinihigaang sofa. Napansin ito ni Dave, at dali-dali naman bumagon upang hina-an ang aircon at muli itong humiga.
Lumipas ang ilang minuto ramdam na ramdam pa rin ni Carlo ang lamig ngunit nagtataka siya na tila domoble yata ang lamig nito, dahan-dahan siya bumagon habang nakabalot ang kumot sa katawan at bitbit ang unan na nakatakip sa kanyang harapan at nilapitan ang aircon. Nagulat siya dahil naka full setting ito kaya pala domoble ang lamig. “Loko talaga tong si Dave, akala ko ba hininaan nilakasan pa lalo, kaya pala ang lamig.” Sa isip-isp niya.
Napansin niya gumalaw si Dave, kaya nilapitan niya ito habang naka balot pa rin sa katawan niya ang komot at habang yapos-yapos nito ang unan.
“Boss, akala ko hininaan mo yung aircon, naka full naman eh, ang lamig, naninigas na tong mga kalamnan ko.” Sabi ni Carlo na ginaw na ginaw.
Bumangon si Dave at pinindot ang remote control para sa aircon upang hina-an.
“Naninigas pala buo mong katawan, kaya pala tinatakpan mo yang harapan mo, bakit nagigising ba yang tuta mo pag sobrang lamig?” Birong sabi nito. “Halika dito, papainitan kita.” Sabi ni Dave sabay hatak nito kay Carlo pabagsak sa napakalaking kama.
“Dito ka na kasi matulog para hindi ka na masyadong ginawin, halika sukob tayo.” Sabi ni Dave sabay takip ng makakapal na kumot kay Carlo.
“Ang daya mo, may makapal ka palang kumot, bakit yung maninipis ang pinapagamit mo sa akin, tapos sinasadya mo pa yatang lakasan ang aircon alam mo naman hindi ako sanay ng ganito diba.” Sabi Carlo.
“Paano nag-iisa lang tong makapal na kumot, kaya dito ka na matulog sa tabi ko.”
Pumikit na rin si Carlo dahil antok na antok na rin ito. Paglipas ng ilang minuto, biglang nagtanong ni Dave.
“Ano nilalamig ka pa ba? Naninigas pa ba kalamnan mo? Nakangiting tanong nito.
Biglang humarap sa kanya si Carlo at ngumiti.
“Nanitigas pa itong kalamnan ko at gising na itong tuta ko, ito tingnan mo” Sabi ni Carlo, sabay hatak kay Dave palapit sa kanya.
“Nagpupumiglas si Dave habang pilit siyang hatakin at yapusin ni Carlo palapit sa kanya sabay sabi “halika ka dito, tingnan mo tong tuta ko, gising na, ang cute” Pilyong sabi ni Carlo. Habang tumatawa ng napalakas.