Hiking

4697 Words
Pagdating ng dalawa sa press conference venue, ay randoon na rin ang iba pang nanalo na maging official endorser pala ng Universtiy. Ibig sabihin, ang mga mukha nila ang makikita sa mga tarpaulins at brochures na ipamimigay ng university para sa darating na pasukan. Pagpasok nila agad nag kikislapan ang mga ilaw ng camera at nagsimula ang press conference. Masyadong malakas ang aircon sa kwarto na pinagdausan ng presscon, kaya lumabas muna si Carlo saglit dahil sa isip-isip niya, napupuyat nga siya dahil sa lamig ng aircon sa kwarto ni Dave kagabi. Hindi sanay ang katawan niya sa ganun  temperatura dahil sa tulad niyang lumaki sa probensiya, ang natural na simoy ng hangin lamang ang kanyang nakasanayan. Sinusulyapan niya ang nagaganap ng presscon mula sa labas dahil napapalibutan naman ito ng salamin at  kitang-kita niya ang  mga nangyayari sa loob, ng biglang sumulpot si Casandra. “Hi, musta ka na? you look good sa suot mo ngayon, bagay pala sa iyo ang naka long sleeves.” Nakangiting sabi nito. “Hello, Casandra ahh ito, nako pinilit lang akong pasuutin nito ni Dave, hindi na kasi ako nakauwi sa boarding house mula pa kagabi, may kunting celebration kasi kaming magkakaibigan.”Sabi ni Carlo na halatang naiilang ng napansin ni Casandra ang hiram niyang kasuutan. Inabot din ng halos isang oras ang press conference at ganun din ang pag-uusap nina Casandra at Carlo sa labas, madami-dami ra rin ang kanilang napag-usapan hanggang naitanong ni Carlo kay Casandra ang account niya sa sss at agad naman itong nag send ng friend request na agad naman inaccept ni Casandra. Tapos na ang press conference, tumayo na si Dave kasama ang ibang winners nang may lumapit sa kanya upang magpapalitrato, agad naman itong pinagbigyan ni Dave.  Habang abala sa pagkukuha ng litrato, iniikot-ikot ni Dave ang kanyang mata at hinahanap kung nasaan na ba ang kanyang kasamang si Carlo; na hindi na pansin na tapos na pala ang press con, dahil abala ito sa pakipag-usap kay Casandra sa labas. Lumabas si Dave, at si Casandra ang unang nakakita nito, “Ito na pala ang boss mo.” Sabi nito. Bahagyang ngumiti si Carlo at patuloy naglakad patungo sa parking lot. Agad naman nag paalaam si Carlo sa kausap at mabilis na sumunod kay Dave. Pagkapasok ng dalawa sa kotse, agad itong pinatakbo ni Dave. “Ang bilis lang pala ng enterview mo boss.” Sabi ni Carlo. “Anong mabilis? Mag-dadalawang oras na o, paulit-ulit naman yung mga tanong.” Nakasimangot na sabi ni Dave. “Bad trip ka yata, bakit ano bang mga pinagtatanong sa iyo?” Tanong naman ni Carlo. “Gusto mo palang malaman kung ano mga tanong, eh di sana hindi ka lumabas, ang hirap sa iyo habang ininteview ako, may ininteview ka din sa labas, tapos ngayon tanong ka ng tanong.” Masungit na sagot nito. “Hala, ang sungit naman nito, hayun, kulang ka kasi sa tulog kagabi, sigi na umuwi ka na, tulog ka ulit.” Sabi ni Carlo. Sinulyapan ni Dave si Carlo sabay buntong hininga. “Mamaya na, lilipat kasi ang ako ng condo, samahan mo naman ako doon, tingnan mo kung anong bagay na kulay para sa furniture at curtain, suggest ka ra rin, alam kung magaling ka pagdating diyan kasi architect student ka pinag aaralan ninyo yan diba?” Sabi ni Dave. “Ang laki-laki ng bahay ninyo, bakit kailangan mo pang lumipat?” Tanong naman ni Carlo. “Next semester magsisimula na ako sa thesis writing, may apat akong makakasama, may mga group at overnight study, ayoko naman dalhin ang mga iyon sa bahay, saka sabi mo naman kagabi dapat matutu na akong maging independent at wag laging aasa kay yaya, sayang yung unit na yun binabayaran hindi naman nagagamit.” Sabi Dave. “Ayaw mung dalhin mga classmates mo sa bahay ninyo, bakit ako pinapunta mo at Pinatulog pa?”Tanong ni Carlo. “Bakit classmate ba kita? Alam mo ikaw tong kauna-unahan tao na dinadala ko sa bahay namin.” Sabi ni Dave. Biglang natahimik si Dave habang may tinitingnan sa kanyang Cellphone. “Puro babae tong nasa friend list mo ha.” Sabi ni Dave. “Grabe ka naman, tatatlo nga lang yan friends ko, Yung Isa si Elah, diba kilala mo naman yan, at yung isa, ka kaka add ko lang, si Casandra, at yung isa, syempre Ikaw.” “Aba tingnan mo nga tong babaeng ito oh, ka aaccept mo lang, agad pinost yung picture ninyo kagabi, at may caption pang “Finally” Sabi ni Dave, na tila gulat sa nakikitang post ni Casandra. Bigla naman sumulyap si Carlo sa cellphone ni Dave, at totoo nga, pinost yung picture nila kagabi sa labas ng CR at nagtataka siya kung ano kaya ang ibig sabihin sa caption na“Finally” na inilagay ni Casandra. “Alam mo boss kakaiba din ang babaeng yan, puring-puri at gwapong gwapo sa ayos kung ito, sinabi ko nga, sa iyo itong suot kung mga damit pinapariham mo lang. Madaldal, ang daming tanong, pero hindi naman siya ang type kung babae.” Sabi ni Carlo. “Si Elah, si Elah type mo diba?”Sabi ni Dave habang sinusulyapan ni Carlo. “Alam mo, nabigyan ka ng pangalawang pagkakataon para matupad yang pangarap mo, sana wag mung sayangin dahil nakabuntis ka.” Sabi ni Dave. “Buntis agad,” natatawang sagot ni Carlo habang tinitingnan ang bago niyang cellphone. “Diba mas maganda kung magpakilala ka sa babae ng “Hi I’m Architect Carlo Puno, diba ang ganda pakinggan?” Saka na yang girlfriend na yan kung tapos ka na sa pag aaral mo, ang bata mo pa, bakit may alam ka na ba sa commitment? Sabi ni Dave. “Boss parang naririg ko sa iyo mga magulang ko, nag share lang naman ako sa iyo kunti, ang layo na ng narating ng sermon mo. May commitment ka pa dyan nalalaman ano? kaya ba wala ka pang girlfiend hanggang ngayon dahil takot ka sa commitment? Nakangiting tanong ni Carlo. “Bakit napunta sa akin ang usapan, ikaw at yung kalandian mo ang pinag-uusapan dito, saka halos 3 taon ang tanda ko sa iyo, diba sabi mo pwede kitang maging adoptive brother, so makikinig ka sa kuya mo, ano aangal ka pa ba?” Sabi ni Dave habang pinangdidilatan si Carlo. “Nako kuya ha, ang sabihin mo na-iingit at nagseselos ka lang sa bunso mung kapatid, dahil alam mo na, may hatak din sa chicks.” Biro ni Carlo. “Naiingit? Never. Nagseselos malamang” Sabi ni Dave. “Hayun nahuli rin kita, nagseselos ka nga, sabi ko na nga ba! alam kung may gusto ka kay Casandra, kasi kagabi pa kung makatingin ka sa kanya habang nagpapapicture sa akin kakaiba. Kanina naman noong na daanan mo kami, kung makatitig ka sa kanya parang gusto mo siyang kagatin sa leeg, biruin mo sa dinami daming babae kagabi, si Casandra lang talaga ang napansin mo. Don’t worry bro hindi ko type si Casandra, tutulungan kitang maka score sa kanya.” Sabi ni Carlo habang tumatawa ito. “Ang dami mung sinasabi” Sabi ni Dave sabay hampas sa ulo ni Carlo ang walang laman na bote ng miniral water na nasa kanyang tabi. “Opps kuya naman, nanakit kana!” Sabi ni Carlo habang tumatawa. Tuwang tuwa si Carlo sa pag-aasar kay Dave, pagnakita itong namumula na, lalo niya itong inaasar. Ngunit ang dali naman nito suyuin, suplado na may pagkamalambing, samantala ni Carlo ay palabiro at mapang asar pero maalalahin din naman. Pagkababa nila mula sa condo agad nagtanong ni Dave kung pwede ba siyang samahan ni Carlo mamimili kinabuksan ng mga gamit sa bago niyang unit, ngunit nag-paalam si Carlo na hindi daw niya ito masasamahan dahil may hiking ang grupo nila sa isang bundok sa bundang norte, aalis daw ito ng sabado ng madaling araw at doon mag oovernight sa tuktok, at linggo na ng umaga bababa. Ang makakasama pala nila ay ang ibang kasamahan sa burger shop pati na rin si Elah. Kilala ang bundok na iyon na dinadayo tuwing weekends, hindi naman ito ganun kalayo at hindi rin ito ganun kahirap akyatin, kaya paborito itong pinupuntahan ng mga magkakaibigan at magkakapamilya. Halatang excited na excited si Carlo sa pang-akyat, kahit hindi pa niya ito sasabihin, alam ni Dave na si Elah ang dahilan kung bakit gusto-gustong niyang sumama sa hiking na iyon at malamang doon na sasabihin ni Carlo kay Elah ang tootong nitong naramdaman. Sa isip-isip ni Dave. Nakakaramdan ng kakaiba si Dave habang nakita niyang masayang umalis si Carlo. Alam niyang may mali at hindi ito tama, ngunit hindi niya maiililihim na may nakakubling pagseselos sa kanyang puso sa mga oras na iyon, hindi lang kay Elah, maging kay Casandra. Parang natatakot siya na agawin o mawala sa kanya si Carlo, ang taong nagpaiba ng takbo ng kanyang buhay at lihim na nagpapasaya. Ngunit ang mga bagay na iyon ay dali-dali naman itong binubura sa kanyang isipan, dahil mulat siya sa katotohan na imposibling mangyayari ang lahat na guni-guni niya dahil kaylan man, kaibigan o kapatid lang ang tingin ni kay Carlo sa kanya. Ganun pa man, sumasagi din sa kanyang isipan ang ipaglaban ang mga bagay na gusto niyang makamit, ang tanong nga lang, kung paano. Dumiretso siya sa mall upang bilhin ang lahat na kanyang kailangan sa bagong unit nalilipatan. Bedsheet, Unan, Sofa, kurtina, kumot ilan lang yan sa mga bagay na nakapatong sa kanyang cart. Habang tulak-tulak niya ang dalang Cart pamuntang casher may nadaanan siyang camping equipment na nakalatag sa sahig. Nandoon lahat na kailangan ng isang taong may balak sumabak sa hiking. Mula sa tent, bag, stove, flashlight at maging sapatos nakahanda na, na tila nang iinganyo ito na bilhin upang maka alis at simulan ang adventure. Bigla niyang naala-ala ang lakad nila Carlo, at sa hindi malamang dahilan tinawag niya ang sales lady upang bigyan siya ng isang complete set ng camping equipment. Tulak tulak niya ang Cart papunta cashier ng nasalubong niya ang isa niyang ka klase na Si Bernard, na nagkataon namimili din sa oras na iyon. “Hi, Mr. University, Congrats, hindi na kita nabati kagabi ang hirap mo na kasing lapitan ngayon, sobra mo ng daming fans” sabi nito sabay tapik ng kanyang balikat. Ang kaklase niyang ito ay isa sa tatlo niyang kasama noong nangyayari ang pag-aasar at panunukso nila kay Carlo sa loob ng library. “Ay tika lang saan na pala yung kasama mo, yung body guard mo, I mean yung alalay mo? Tanong nito habang nakangiti. Si Carlo ang ibig niyang sabihin na naging kasama-sama ni Dave noong foundation day.“Biruin mo, sino mag-aakala na maging kaibigan mo yun, una, kagalit mo yun diba? at mapili ka naman sa mga kaibigan at higit sa lahat, sinong mag-aakala na ang isang anak ng president ng napakalaking kompanya sa bansa ay makipagkaibigan sa isang Farm boy” dagdag pa nito. “Hindi ko naman siya body guard at mas lalong hindi ko siya alalay, at ano ngayon kung may kaibigan akong nagpapastol ng kambing at kalabaw, may problima ba iyun?” Sabi ni Dave nahalatang  asar sa sinasabi ng kanyang classmate. “Bakit ang dami mo pinamili? Parang bubuo ka na yata ng bagong pamilya, kumplito sa gamit, mag-aasawa ka na ba?” Sabi ng kanyang kaklase habang tinitignan ang Cart na puno ng mga gamit na bibilhin ni Dave. “Lilipat lang akong ng condo, dahil alam mo na, next sem magsisimula na tayo sa thesis writing, gusto ko malapit lang ang iniuwian ko, at diba may mga group study at laging overnight yun, para madala ko yung ka grupo sa condo, ayako ko kasing dalhin sa amin at  gusto ko naring matutu maging independent.” Sabi nito. “Ayy oo nga pala, buti nagkita tayo, pwede ba magkaka grupo tayo, alam kung hindi tayo pwedeng mamili ng kasama kaso malakas ka naman ngayon sa mga prof na natin, dahil alam mo na, may title kang Mr. University, baka magamit mo yan, at mapagbigyan ka diba, saka pwede ba isama mo na rin si FAITH sa grupo.” Nakangiting sabi nito. “Faith? Hayan ka naman, mula pa ng first year tayo lagi mo yang ipinagsisiksikan sa akin. Alam mo naman na ayaw ko sa kanya, at saka ang bait ng babaeng iyon wag ninyong isama sa kalokohan ninyo.” Tugon ni Dave sa Kaklase. Si Faith ang matalino at maganda nilang kaklase na noon pa niririto nila kay Dave, na halata naman may gusto ito kay Dave, at lihim din na umaasa na balang araw sana maging sila. Naghiwalay na yung dalawa, at agad hinatid ni Dave sa bago niyang titirhan ang lahat na nabili. Agad binaklas at inihanda ni Dave ang mga naka balot ng camping equipment dahil buo na ang kanang plano, aakyat din siya sa bundok na pupuntahn nila Carlo, ngunit hindi ito sasama sa kanila, pupunta siya doon mag-isa, itatago ang pagkatao upang hindi siya makikila nito. “Tama ba tong gagawin ko” naitatanong niya sa sarili habang naghahanda ng mga kagamitan na kakailangin sa pag-akyat niya bundok,ngunit hindi para mamasyal kundi magmanman sa lahat na kilos ni Carlo habang kasama si Elha sa tuktok ng bundok. Alam niyang madaling araw ang alis ng grupo nina Carlo, at ayon sa kanyang pananaliksik, tatlo oras ang bayahe mula sa kanilang lugar papunta sa paanan ng bundok at lima hanggang pitong oras naman ang lakad pa akyat depende yun sa bilis mung maglakad. Sinadya niyang iwanan ang kanyang kotse, baka kasi mahalata at mahuli siya at sinadya rin hindi sumabay sa oras na alis nina Carlo. Insakto naman nag txt ito na kanya ng 3:00 ng madaling araw at ang sabi nakaalis na raw mga ito. Insaktong 10:00 ng umaga ng dumating siya sa paanan ng bundok, agad siyang naglogbook at nagbayad ng environmental fee sa halagang 100 pesos at pinabasa sa kanya ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin habang nasa tuktok ng bundok. Sinusuyod niya ang logbook at nakita nga niya na nadoon na ang grupo nina Carlo, ayon sa record pumasok ito ng 9:15 ng umaga. Sumabay siya maglakad paakyat sa ilang mga hikers sa araw na yun, dahil weekend, madami dami din ang namasmasyal at umaakyat. Mabuti ito dahil hindi siya mapapansin agad ni Carlo, dahil sa isip-isip niya hindi naman ito aakalain na pupunta siya doon. Dahan-dahan siya sa paglalakad habang inikot ang tingin sa paligid sa takot na baka makita at makilala siya ni Carlo. Nagsimula ng maramdaman niya ang sakit ng sikat ng araw na nagpadagdag sa kanyang pagod. Buti na lang, may mag lilim na nadada-an ang mga hikers at doon sila pansamantala sumisilong at nag-iipon ng lakas upang makapagpatuloy sa pag-akyat. Habang pataas na pataas ang naaakyat ni Dave, napapansin niya na tila ng iba ang simoy ng hangin, lumalamig na ito at hindi na masyadong masakit ang sikat ng araw, hindi na rin masyadong nakakahingal. Ngunit napapansin din niya na nagsimula ng sumakit ang kanyang mga binti, marahil hindi ito sanay sa mahabang lakaran lalo ng pag-akyat ng bundok. Marami na rin naglalakbay ang naabutan niya, pilit niya inilalayo ang sarili sa maraming tao sa pag-iingat na baka makita siya ni Carlo. Insakto alas 12:00 ng tanghali nakahanap siya ng isang puno at doon muna nagpahinga. Napansin niya sa hindi kalayuan ang isang grupo ng mga hikers na kumakain ng tanghalian at parang kilala niya ang isa sa mga iyun, si Carlo ngunit hindi niya ma confirm dahil nakasuot ito ng itim na jacket at ng dark sunglasses. Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Carlo, umaasa na may signal sa lugar na iyon, at laking gulat niya ng sagutin ito ni Carlo. “Hi boss, nandito na kami malapit sa tuktok tumigil muna kami para mananghalian” Sabi ni Carlo sa kabilang linya. Bahagya lumingon si Dave si grupo, at confirm, sila nga yun ang nananghalian dahil kita-kita niya si Carlo na hawak ang cellphone at may kausap. “Ahh ganun ba, Sigi ingnat kayo” Sabi ni Dave sabay patay ng cellphone at inayos ng kanyang suot na bonnit,  facemask at sunglasses dahil baka makita pa siya ni Carlo na kasalukuyang kumakain ilang metro mula sa kanyang kinaroroonan. Ngayon alam na niya ang grupo nina Carlo, mas madali na niyang itong maiiwasan at higit sa lahat madali na sa kanyang ang mammanan ang mga ito. Kumain na lang din si Dave, buti na lang naplano niya ang lakad niya at nakapagbaon pa ito ng lutong pagkain para sa tanghalian, ang problima na lang niya ay ang kung paano magluto ng hapunan pagdating sa tuktok. Nagsimula maglakad ulit ang grupo nina Carlo, at dahan-dahan na man sumusunod si Dave sa kanila. Pansin na pansin ni Dave na hindi talaga nag hihiwalay yung dalawa, at may pagkakataon pa na inaalalayan ni Carlo si Elah. “May pa holding hands holding hands pa” sa loob-loob niya sa tuwing nakikita niyang hinahawakan ni Carlo ang kamay ni Elah at tinulungan maka akyat sa matarik na bahagi ng daan. Samantala, kahit pagod sa paglalakad pataas, baliwala ito para kay Carlo dahil masaya siya na kasama si Elah sa oras na iyon, ang hindi niya alam may mga matang nagmanman sa kanila at may pusong nadudurog sa panahon yun. Matapos ang halos anim oras na pag-akyat narating na rin nila sa wakas ang tuktok ng bundok. Isang napakasarap sa pakiramdam habang minamasdan ang napakalawak at napagandang tanawin sa ibaba. Nagdudulot ito ng kakaibang kasiyahan  at maituturing  itong isang tagumpay lalo para sa kanila na ngayon lang nakaranas ng ganun karanasan. Agad naglatag ng kanilang tent ang grupo nila Carlo, samantala si Dave abala din mag-isa sa paghahanap kung saan siya pupwesto, dahil ang gusto niya, malapit siya kina Carlo upang makapagmatyag, ngunit dapat hindi siya na hahalata at nahuhuli nito. Dahil madami-dami naman ang nag oovernight sa tuktok hindi siya masyadong nahihirapan ikubli ang sarili. Nagsimula ng dumilim at nasa loob na si Dave habang inaayos ang pintuan ng kanyang tent na bahagyang naka bukas ang zipper, upang sa ganun masisilip niya ng hindi mahahalata kung ano ang pinaggagawa ng grupo nila Carlo. Nakikitang nakapalibot ang mga ito sa apoy, habang masayang nagkukwentuhan at kumain ng hapunan. Samantala si Dave ay tahimik na nagmamasid habang kumakain ng biscuit at uminom ng energy drink dahil hindi na nga siya nakapagluto dahil sa sobrang  pagod , at hindi rin niya alam kung paano gamiting ang nabiling portable stove. Nangamgamba siya na baka magkasunog pa at lalo siyang mabisto kung magkakataon. Pagod na pagod siya, ngunit pinilit magising dahil gusto niyang malaman kung ano ang pinag-gagawa ng mga ito. Habang palalim na pa lalim yung gabi, unti-unti naman nagsi-alisan ang  mga kasama nina Carlo, hanggang yung dalawa na lang ang nakikitang nakaupo sa harap ng apoy. Malakas ang apoy at kita-kita mula sa kinaroroan ni Dave ang tila napakasayang pagmumukha ni Carlo at Elah habang naiiwang nagkukwentuhan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa at kitang-kitang napakasaya ni Carlo sa oras na iyon, ang hindi niya alam, sa kabila ng saya na kanyang naramdaman na kasama si Elah, ay may isang pusong naglukluksa dahil sa selos at inggit. “Ano ba tong naramdaman ko kakainis!” Bulong ni Dave sa sarili. Parang hindi niya gusto ang mga pangyayari at lalo hindi niya gusto ang kanyang ginagawa, ngunit bakit tila may kakaibang lakas na humahatak sa kanya na gawin iyon. Ang lakas ng labis na pagseselos. Unti-unti namamatay ang apoy sa harapan nina Carlo, at hindi na sila nagdadagdag ng panggatong at hinayaan na lang na tuluyan itong mamatay. Nakita niya tumayo yung dalawa at naglakad pamunta sa tent ni Elah, pagkabukas pumasok ang mga ito. Hindi na mag kamayaw ang kanyang damdamin sa kung ano-ano mga bagay na pumasok sa isipan ni Dave. Nanlamig ang buo niyang katawan sa nakita, gusto niyang pigilan ang pangyayari na bumubolong sa kanyang isipan, ngunit sino ba siya para gawin iyon, wala siyang karapatan na hadlangan ang gusto ng dalawang puso ng mamahalan.  “Akala ko ba liligawan mo pa lang si Elah, bakit matutulog ka na katabi ang babae yan” isa lang ito sa napakadaming mga bagay na pumapasok sa isip  ni Dave sa oras na yun. Agad dinampot ni niya ang kanyang cellphone at agad tinawagan ni Carlo. “Sagutin mo” yan ang nasa isip ni Dave sa pag-aakala niya na makakapigil ito sa  kinakatakutan niyang mangyayari  habang sila lang dalawa ang nasa loob ng tent buong gabi. “ Bakit ka dyan matutulog” Dagdag pa nito. Hindi sumasagot si Carlo. Naihagis ni Dave ang cellphone sa sobrang inis at ibinagsak ang katawan sa higaan habang tinatakpan ang mukha ng kanyang dalawang palad. “Sana hindi na lang ako nagpunta dito” inis niyang sabi sa sarili. “Bakit ginagawa ko to, bakit?” ang bulong niya sa kanyang sarili habang bahagyang pinupukpok ang nuo. Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone at nang tingnan,si Carlo ang tumatawag. “ Bakit? Anong kailangan mo? Masungit na tanong nito. “Hala, ikaw nga tong ng miss call sa akin, sorry hindi ko nasagot boss, nasa loob ako ng tent si Elah tinulungan ko lang saglit paano gamitin yung solar lamp” Sagot ni Carlo sa kabilang linya. Sumilip si Dave at nandoon nga sa labas si Carlo habang kausap siya, at naglalakad ito papunta sa kanyang sariling tent. “Wala, hindi ko sinasadya, na pinindot ko lang tong call bottom habang naglilinis, sorry na istorbo ko yung masayang moment ninyo” sabi nito. “Bakit alam mo na ang saya ng moment ko? Alam mo hindi lang masaya, masayang masaya” sagot ni Carlo sa kabilang linya. “Sigi na, sorry sa abala, matulog ka na? Sabi naman ni Dave. “Huwag usap muna tayo, salamat nga pala sa pagpahiram ng cellphone mo sa akin ha, alam mo ang dami kung nakunan magagandang pictures dito, ipapakita ko sa iyo pag-uwi bukas, ang ganda dito at ang saya-saya, sana nakasama ka.” Sabi ni Carlo. “Baliw! Gusto mo pala akong isama bakit hindi ka man lang nagyaya, saka kunwari ka lang, ayaw mo naman talaga akong makasama diyan dahil istorbo lang naman ako sa inyo ni Elah diba?” Masungit na sagot ni Dave. “Bakit ang sungit mo ngayon boss, inaantok ka na ba? Mamaya ka na matulog usap muna tayo” Sabi ni Carlo ng biglang narinig niya na pinutol na ni Dave ang kanyang tawag. “Tinupak naman si Boss” Sabi nito habang papasok sa kanyang tent. Sumilip si Dave at nakita nga niya na pumasok si Carlo sa kanyang tent. Parang nabunutan siya ng tinik dahil hindi nangyayari ang kanyang kinakatakutan na doon matulog si Carlo sa loob ng tent ni Elah. Ngunit asar ito sa narinig niya na sana nakasama siya sa hiking dahil alam naman niya na ayaw talaga siyang isama ni Carlo sa lakad nila dahil ayaw itong maistorbo sa panahon na kasama si Elah. Halos tulog pa ang lahat nang nagbalot si Dave sa kanyang mga kagamitan upang maagang maka-alis, dahil nangagamba siya na baka makita pa siya ni Carlo kung tanghali na ito aalis. Insaktong pagputok ng bukang liway-way naglalakad na siya pababa mula sa bundok. Ang buong akala niya na mas madali kung itoy babala, ngunit mali siya dahil mas marihap pala ito. Madulas ang daan dahil basa ito sa hamog ng buong gabi at may mga bahagi na medyo matarik na kailangan mung mag-iingat dahil tiyak sa baba ka pupulutin. May nasasalubong na rin siyang mangilan-ngilan na papa akyat sa bundok ngunit siya pa yata ang kauna-unhan nakababa. Pagdating niya sa paanan ng bundok, agad naman siyang sinalubong ng taga bantay at ibinigay ang logbook upang maka pag logout. Doon nga niya nalaman na siya ang kauna-unahang nakababa mula sa grupo  na umakyat kahapon. Sa gilid ng daan may nagtitinda ng mga prutas at mga pagkain, agad siyang naghanap ng instant noodles  at dalawang nilagang itlog at mabilis na kumain sa pangamba na baka maabutan ito nina Carlo. Pagdating niya sa kanyang bagong condo agad niya ibinagsak ang kanyang katawan sa malabot na kama. Pagod na pagod at gusto na niyang matulog, ngunit kailangan niya munang hubarin ang kanyang sapatos at damit. Nang nahubad na niya ang kanyang sapatos doon niya namalayan ang sakit ng kanyang mga paa. Namumula ang mga ito, may paltos dahil sa pagod at hindi sanay sa mahabang lakaran. Suot lang bathrub, tumayo at kinuha ang cellphone sabay order ng makakain. Dinamihan na niya ang pag-oorder dahil gutom na gutom siya. Pagkadating ng pagkain, agad itong kumain, nag linis ng katawan at humiga  ito sa kanyang kama at sinubukang matulog. Ngunit ginigising siya ng kirot ng kanyang mga paa, at ang masaklap pati buong na niyang katawan ang kumikirot ngayon. “Hay nako, ito yung napala mo sa kagaguhan mo” Bulong ni Dave sa sarili. Bigla niyang naalala si Carlo, gihuna ang cellphone at tinawagan ito. “Hello boss” sagot ni Carlo sa kabilang linya. “Saan ka na ngayon” tanong nito. “On the way na kami boss, siguro bago 6 ngayong gabi nandiyan na kami.” Sagot naman nito. “May pera ka ba diyan pwede dumaan ka ng pharmacy, bumili ka ng pain relaiver, at linement, paki hatid na lang dito sa unit ko, babayaran kita mamaya pag dating mo” Sabi nito. “Bakit ano ba naramdaman mo, gusto mo tatawagan ko si Yaya?   Tanong ni Carlo. “Nako wag na,Basta bumuli ka ng pain relaiver at hinatid mo dito yun lang!” Sabi ni Dave. “Ano ba kasi naramdaman mo” Tanong ulit ni Carlo. Bigla naman pinutol ni Dave ang tawag ni Carlo. Nagtataka si Carlo kung bakit sobrang sungit ni Dave ngayon, marahil nga  may naramdaman ito kaya nagsusungit ito mula pa kagabi. Ang hindi alam ni Carlo nagsusungit ito dahil sa inis at selos na ramdaman, ang totoo hindi lang naman ang mga paa at katawan ang masakit kay Dave, ngunit pati na rin ang kanyang kalooban. Mas lalo itong masakit dahil habang pilit niya ito tinatago, mas lalo itong nasasaktan hanggang sa punto na siya na mismo ang sumasaksak ng sariling kalooban. Sadyang masakit ang nagpipigil at nagtatago ng totoong naramdaman, ang magkunwari at magbulag bulugan sa katotohanan, ngunit mas pinili niyang itago at hayaan na lang masaktan sa mga oras na iyon, dahil alam niyang ito lang ang mapagpipili-an dahil takot siya na kung sasabihin niya ang totoo kay Carlo baka mas lalo itong mawala sa kanya. Mula sa biru-biruang halik, ang layo na ng narating ng kanilang pagsasamahan. Maging ang payak nitong pamumuhay sa probensiya, mga magulang at maging simpling pangarap ni Carlo ay tila naging bahagi na rin sa buhay ni Dave. Ang pagiging palabiro nito at pagka ma aalalahanin ay mga bagay na gusto-gusto niya kay Carlo. Ang mga ngiti nito at makikisig na katawan ay tila gayuma sa kanyang pagkatao na tila ba kay hirap tangihan sa tuwing pabiro siyang niyayapos ni Carlo. Ang totoo, hindi lang mabibilang ang mga bagay na gusto niya kay Carlo. Ngunit ang lahat na nasa kanya, pati ang kanyang kahinaan at kakulangan ay nais niya, kaya lagi niyang inisip ang kapakanan nito, bigyan sa abot ng kanyang makakaya at umaasa na balang araw ang mga bagay na ito ay masusuklian ng tamis na pagmamahal. Ngunit hindi ganun ang takbo ng buhay, hindi ito laging sumasabay sa takbo ng ating pag-iisip at sa kung ano ang ating pinaghandaan at inaasahan. Dapat handa tayo sa kung ano nakalaan para sa atin ng tadhana. Alam ni Dave ang katotohang iyon, kaya nasasaktan siya ngayon dahil ihihanda niya ang kanyang sarili sa kung ano ang posibling masamang mangyayari, dahil alam niya yan ang reyalidad ng buhay lalo sa tulad niyang umiibig sa maling tao, oo, mali dahil mulat siya sa katotohanan na pareho sila ng kasarian, pareho silang lalaki at isa itong malaking kamalian. Alam ni Dave ang mga bagay na iyon,  isa na lang yata ang alam niya na tama sa ginagawa niya, ito ay ang Magmahal ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD