Bitbit ang kanyang mga gamit mula sa hiking nakatayo si Carlo sa pintuan ng condo ni Dave at kumakatok. Pagbukas, bumungad sa kanya si Dave na nakasuot ng puting bath rub na halatang wala sa mood. Sumulyap lang ito kay Carlo, tumalikod at pa-ika-ika naglakad pabalik sa kanyang kama, humiga at ipinatong ang dalawang kumikirot na paa sa tatlong unan na magkapatong. “Saan yun gamot?” tanong nito. “Saglit lang boss” sagot naman ni Carlo habang abala ito sa pagtanggal ng backpack sa kanyang likuran.
“Ano ba naramdaman mo boss?” tanong ni Carlo habang kinakalabit si Dave na nakatakip ng kumot ang mukha.
“Ang daming tanong nito, saan na yung gamot, nakabili ka ba? Akin na bilis.” Masungit na sagot ni Dave.
“Wait ano ba masakit sa iyo? Ulo, tiyan o balakang ba saan? Paano ka magagamot niyan kung hindi ka nagsasalita kung saan ang masakit sa iyo, tatawag ka para hihingi ng tulong tapos nung nandito na, ikaw pa itong nagsusungit.” Sabi ni Carlo sabay tapik ng mga paa nito.
“Aray! Wag diyan” Sigaw ni Dave habang bahagyang itinaas ang paa natinapik ni Carlo.
Doon napansin ni Carlo na namumula ang mga talampakan ni Dave at ng hinawakan niya ito ulit, lalong napasingaw ni Dave dahil sa sakit.
“Ano ba nangyari sa iyo, saan ka ba galing bakit ganyan mga paa mo? Usisa ni Carlo.
“Pwede ba ilabas mo na yang gamot kung mayroon, para mainum ko na saka na yang mga tanong mo.” Sabi ni Dave na halatang naiinis na dahil sa sakit ng mga paa niya at pangungulit ni Carlo.
“Okey! Okey,” sabi ni Carlo habang dinudukot ang nakasupot na gamot mula sa kanyang bag. “Pero bago ka uminum nito, kumain ka muna.” Dagdag pa nito.
“Akin na yan, kumain na ako.” Sagot naman ni Dave.
Kumuha ng tubig si Carlo at inabot kay Dave para makainum na ito ng gamot. “Ngayon pwede mo na ba akong sagutin saan ka ba nanggaling bakit naka ganyan paa mo?” Usisa ulit ni Carlo habang tinitingnan si Dave na umiinom ng gamot.
“Sinubukan kung magjogging kanina, naninibago yata ang mga paa ko sa bagong sapatos nabili ko, at may gym pala diyan sa baba sinubukan ko din kanina magbuhat, sinusumpa ko, hindi na ako uulit, sakit ng katawan ang napala ko.” Sagot ni Dave habang iniinum ang gamot na halatang iniiwas ang tinggin kay Carlo dahil sa pagsisinungaling nito.
“Nako madali lang yang problima mo boss, naalala mo yung foot bath na ginawa ni Nanay sa iyo, yung mainit na tubig na may asin, tapos ilulub mo lang yang mga paa mo, tiyak tanggal yan pagod mo, tika lang gagawan kita ngayon bago matulog, mag-iinit muna ako ng tubig.” Sabi ni Carlo habang naglalakad papuntang kusina para makapag-init ng tubig.
Habang nagpapainit ng tubig si Carlo kumain na rin siya sa hindi naubos na pagkain ni Dave, habang tinitingnan ang mga picture nila sa hiking. Samantala si Dave tahimik nakahiga sa kama. Lumapit si Carlo sabay abot ng cellphone kay Dave. “Ito mga picture namin, tingnan mo, ang ganda” Sabi ni Carlo.
Kinuha ni Dave ang cellphone at kunwari tinitingnan ang mga picture ngunit halatang wala itong kagana-gana. Inilapag ang cellphone at muling tinakpan ang mukha ng kumot. Napansin ito ni Carlo, pero hinayaan na lang niya ito dahil alam naman niyang may sakit ito kaya wala sa mood.
Paglipas ng ilang minuto, tapos na rin siyang kumain insakto naman na kumulo na ang tubig.
“Boss kumulo na itong tubig, teka may asin ka ba dito?” Tanong ni Carlo habang binubuksan yun mga cabinet sa pag aakalang makahanap siya ng asin.
“Wala, alam mo naman na kalilipat ko lang at hindi naman ako nagluluto, paano mag kakaasin dito.” Sagot naman ni Dave.
“Nako may pamahiin kasi sa probensiya na dapat pagnaglilipat ka ng bagong tirirhan dapat bigas, tubig, lampara at asin ang dapat mong unang dinadala, saka malas daw yung bahay na walang asin, kaya pala ka lilipat mo lang nag kasakit ka agad, teka lang bababa muna ako, bibili lang ako ng asin, may convenient store naman diyan sa baba.” Sabi ni Carlo habang pinatay ang apoy ng stove.
Tahimik lang si Dave at hinahayaan si Carlo kung ano ang gustong gawin, pero sa loob-loob niya may magkahalo tampo, galit at selos pa rin siyang naramdaman at pilit niya itong kinakabit sa sakit ng kanyang katawan para takpan ang totoo niyang naramdaman. Bago bumaba si Carlo kinilabit muna niya si Dave sabay abot ng kanyang cellphone.
“Balak ko tong I post ang napakagandang picture na ito, pakilagyan naman ng caption tapos I post mo na lang habang bibili muna ako asin na gagamitin para sa foot bath, wala kasi akong maisip na caption eh.” Sabi ni Carlo habang naka ngiti kay Dave. Muling nabuhayan si Dave ng makita ang mga ngiting iyon “Iwan ko ba kung bakit ako nabubudol sa mga ngiti mo.” Yan ang bulong ni Dave sa sarili habang hawak-hawak ang cellphone ni Carlo, habang ni Carlo naman ay dali-dali lumabas para bumili ng asin.
Pagtingin niya sa larawan, nakita ni Dave ang dalawang taong na katayo na halatang si Carlo at Elah, nakataas ang mga kamay, nakatingin sa silangan na tila napakasayang sinasalubong ang pagdating ng bagong umaga. Marahil ito ang pagsikat ng araw na makikita sa tuktok ng bundok na hindi na niya na silayan dahil napakaaga nga niyang umalis at bumaba, sa pangamba na makita siya ni Carlo.
Napakaganda ng pagkakuha ng larawan na nahagip ang kulay dalandan na kalawakan habang pasikat pa lang ang araw. Isang larawan ng dalawang pusong nagmamahalan, larawan na puno ng pag-asa, ngunit sa paningin ni Dave, ito ay isang napakapangit na tanawin, dahil sadyang nagpapamalas ng labis na kapangitan ang pusong puno-puno ng selos at inggit. Walang maganda at kaaya-aya sa paningin ng isang taong pinamumugaran ng pait ang kalooban.
Bigla siyang nag-isip ng magandang caption, matagal, hanggang naisulat niya ang “MGA BALIW” sabay post ng nasabing picture.
Dumating si Carlo bitbit ang nabiling asin, naglagay ng mainit na tubig sa palanggana saka nilagyan niya ito ng asin at dinala sa gilid ng kama ni Dave. “Boss bumagon ka muna at ibabad mo yang mga paa mo.” Sabi ni Carlo habang nakatayo ito sa gilid ng kama ni Dave. Hindi ito kumibo, kaya hinawakan ang mga kamay nito ni Carlo sabay hatak paitaas upang tulungan itong makabangon.
“Aray! dahan-dahan naman ang sakit ng buo kung katawan” Sabi ni Dave habang dahan-dahan itong bumangon at umupo sa gilid ng kanyang kama.
“Sigi na ibabad mo na yang mga paa mo para matapos na at makatulog kana.” Sabi ni Carlo habang pinubuksan ang cabinet upang maghanap ng tuwalya.
Napapikit si Dave habang dahan-dahan inilubog ang mga paa sa mainit na tubig na may asin, mahapdi at kumikirot ngunit nagdadala ito ng kakaibang hagod na tila humihilom sa kanyang pagod na mga paa. Bigla siyang napadilat ng tapikin siya ni Carlo sa balikat.
“Yumoko ka boss langhapin mo yung usok, nakakaluwag yan sa pakiramdam” Sabi ni Carlo. Yumuko siya habang nakapikit at nilalasap ang usok mula sa palangga. Ang sarap ng pakiramdam habang dumadampi ang mainit-init na usok sa kanyang mukha. Ang singaw nito ay tila nanunuot sa mga maliliit na butas ng kanyang balat.
Lumuhod si Carlo sa harapan ng umusok na palangga at tulad ng ginawa niya sa mga paa ni Dave noong nagpunta ito sa kanila, dahan-dahan niya itong menamasahe gamit ang kanyang malalapad na mga palad at ang mainit-init na tubig na may asin.Muling nanumbalik sa ala-ala ni Dave ang tagpong iyon, ang tagpong hindi niya makakalimutan dahil sa unang pagkakataon nalasap niya ang haplos ng mga kamay ni Carlo.
Nandoon pa rin ang tila kuryenting dumadaloy sa buo niyang katawan habang dahan-dahan hinahagod ni Carlo ang kanyang mga paa, ngunit may kaibahan na ito sa mga ngayon, dahil habang hinahaplos ni Carlo sa kanyang makikinis na balat, iniisip niya na marahil ito ay haplos ng pagpapaalam at baka ito na yung huli, dahil alam niya na si Carlo ay may mahal, ngunit hindi siya ang taong iyon.
Napadilat siya ng napansin niyang tumatama na pala ang kanyang baba sa ulo ni Carlo habang aabala nito sa pagmamasahe ng kanyang paa. Nagpag-abot ang kanilang paningin, titig na titig si Carlo sa kanyang mga mata. Inilihis niya ang kanyang paningin dahil paano ba siya makatingin ng deritso sa taong nagdulot ng sama ng loob sa kanya sa araw na iyon, ngunit bakit parang may malakas na kapangyarihan na tila humihila sa kanyang paningin upang tignan si Carlo diretso sa mga mata, bakit parang hinihigop ang kanyang kaluluwa sa nangungusap na tinggin ni Carlo.
“Parang ang sama talaga ng pakiramdam mo boss, kitang-kita sa iyong matamlay na mga mata.” Sabi ni Carlo habang hinahawakan ang pisngi ni Dave sabay alalay nito na ipatong sa kanyang ulo. “Sigi ipatong mo lang yang pisngi mo sa ulo ko para hindi nga mangalay” Sabi nito habang abala ito sa kanyang ginagawa sa mga paa ni Dave.
Dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan, tila bata naman sumonud si Dave. Yumoko at ipinatong ang isang pisngi sa ulo ni Carlo at ginawa itong pansamantalang unan habang ang dalawang kamay ay nakapatong din sa mga balikat nito. Ang hindi niya alam na sa oras na iyon, buhat-buhat ni Carlo sa pamamagitan ng kanyang ulo ang kalahati ng bigat ng kanyang katawan habang menamasahe ito.
Hindi namalayan ni Dave na pinahiga siya ni Carlo sa kama at kinumutan dahil himbing na himbing na ito sa kanyang pagtulog at wala ng paki-alam sa kanyang kapaligiran at sa kung ano ang nangyayari dito. Tila na lasing siya sa magkahalong pagod ng katawan at ang kaginhawaang dulot sa mapag-arugang kamay ni Carlo. Sa oras na iyon, ipinaubaya niya ang kanyang sarili sa isang taong alam niya na hindi naman siya pababayaan, dahil nagmamalasakit naman ito sa kanya, kahit ang masakit na kototohanan na may mahal itong iba.
Nagising siya kinabukan na mataas na ang araw. Napansin niya sobrang liwanag ng kanyang kwarto. Wala na ang kulay brown na kurtina na umaayon sa kulay ng furniture at napalitan na ito ng kulay puti, na sadyang inilihis upang hayaan makapasok ang sikat ng araw. Umupo siya at napansin na maayos na dating makalat niyang kwarto at mula sa kusina naamoy niya ang bagong lutong pagkain.
Habang nakaupo gilid ng kanyang kama, nakita niyang biglang lumabas si Carlo sa Banyo. Naka short lang ito at walang damit pang-itaas. Lumapit sa kanya na nakangiti. “Ito naman tayo sa mga ngiting yan Carlo, nakakasar.” Bulong ni Dave sa sarili at muling humiga habang nakatingin sa kalawakan na kitang-kitang mula sa kanya kinahihigaan. Biglang nanumbalik ang ala-ala ni Dave kung bakit nandito ang taong ito sa loob ng kanyang kwarto. Nagsimulang gumaan ang kanyang kalooban at tila na kalimutan ang nangyayari noong nagdaang araw.
Hindi na masyadong masakit ang kanyang mga paa at buong kawatan, wala na ang kanyang pagod, at higit sa lahat tila binura na ang sama ng kanyang loob sa umaga iyon. Alam niyang higit sa gamot na kanyang ininum at mahabang oras na tulog, ang unang makita si Dave nanakangiti sa kanya sa pagkagising pa lang sa umaga, sapat na upang alisin at kalimutan ang masamang kaganapan na dulot ng kahapon.
“Good morning boss! musta na pakiramdam mo? Inayos ko tong kwarto mo, nako wala ka pa nga isang linggo dito sobrang kalat na, at pinalitan ko na yung kurtina, ang dilim kasi, dapat tulad nito hayaan mo naman makapasok ang sikat ng araw, tingnan mo ang ganda kapag maliwanag diba? wag kang magtatago sa dilim, tumayo ka diyan tingnan mo ang gandang ng view, sayang natatakpan lang nga makakapal na kurtina.” Sabi ni Carlo habang nakatayo ito sa gilid ng bintana.
“Maligo ka na para matanggal yan sakit ng katawan mo at kumain ka rin may natirang luncheon meat galing sa bundok niloto ko na rin, sorry naki alam ako sa mga gamit mo, may kanin na rin, buti na lang may bago kang rice cooker.” Sabi ni Carlo habang tinitingnan si Dave nakahiga pa rin sa kama at walang imik habang nakatingin parin sa ganda ng kalawakan.
“Masama pa ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni Carlo habang kinakapa ang noo at leeg nito, ngunit ang nakakabigla para kay Dave ay ng kasamang kinapa ni Carlo ang kanyang harapan. Ramdam na ramdam niya kung paano nasapo ng isang palad ni Carlo ang kanyang pinakatago-tagong pag-aari. Gulat na gulat siya at biglang napatayo sa ginawa ni Carlo, nakanganga ito habang natakip ang mga palad sa harapan, dahil ni minsan wala pang sino man ang nakahawak nito kung di ito lang si Carlo. “Sira ulo ka talaga, nakakagulat ka” yan lang ang nasabi ni Dave.
“Hayun magaling ka nga, tingnan mo napatayo kita” sabi ni Carlo habang tumatawa ng malakas. “Alam mo boss yan ang ginagawa naming magkakaibigan sa probensiya, kung may sakit yung kaibigan namin, biglang mo hinawakan yung tuta niya at pagnapaigtad ibig sabihin nun magaling na, pero kapag walang reaksyon, nako delikado yan boss.” dagdag pa nito sabay tawa ulit ng napakalakas.
Nakitawa na rin si Dave kay Carlo na sa oras na yun na aliw na aliw sa kanyang ginagawang kaloohan. Tuluyan ng nawala ang sama ng loob ni Dave na wala naman ibang nakakalam kundi siya lang. Ang mga pabirong hirit ni Carlo, ngiti at tila batang halakhak nito ay sapat na, upang simulan ang umaga niya ng maayos at maganda.
“Alam mo boss nakaganti na ako sa iyo, diba nakiusap ako sa iyo kagabi na lagyan ng napakagandang picture na ito ng caption, tingnan mo, anong caption nilagay mo ”MGA BALIW” bat naman ganun, sabi ni Carlo habang pinapakita ang picture na ipinost ni Dave kagabi.
“Yung caption dapat kasi open for any interpretation, “Mga baliw”, kasi, diba baliw na baliw kayo sa isat-isa.” Sabi ni Dave habang palakad lakad na may bitbit na unan ng biglang lumapit ito kay Carlo at biglang pinaghahampas ito ng ulan. “Baliw ka naman talaga diba?”Sabi nito sabay pakawala ng di mabilang na hampas ng ulan kay Carlo.
“A ganun, gusto mo ng ganito ha!” Sabi ni Carlo sabay kuha din ng unan at agad nakipaghampasan ito kay Dave.
Natigil lang ang paghaharutan ng dalawa ng tumunog ang cellphone si Dave, tumawag ang yaya ni Dave.
“Hello yaya bakit po” tanong ni Dave.
“Kakatawag lang ng Daddy mo, hindi ka pala nagpaalam na titira ka diyan sa Condo mo, ayaw niyang mag-isa ka dyan gusto niya may makakasama ka, mamimili ka lang dito sa dalawang katulong.” Sabi ni yaya sa kabilang linya.
“Yaya naman, kaya nga gusto ko munang magbukod dahil gusto kung matutu mamuhay mag-isa pa minsan-minsan, at kaya ko naman diba? kung gusto mo dumalaw ka dito pa minsan-minsan, pero yung maglalagay kayo ng makakama ko 24 hrs a day. Ayoko niyan pls.”Sagot naman ni Dave.
“Okey tatawag daw yung Daddy mo mamaya, ikaw na mag explain sa kanya, alam mo na napapagalitan ako sa pinaggagawa mo Dave.” Sabi ni Yaya “At baka hindi mo naman ito sasagutin?” Dagdag pa nito.
Pagkatapos nagpaalam ni Yaya, biglang natahimik si Dave at dahan-dahan naglalakad papunta bintana at dumungaw sa napagandang tanawin mula sa itaas. Huminga ito ng malamim sabay titig kay Carlo.
“Alam ko na!” sa isip-isip nito sabay lapit kay Carlo.
“Kailangan ko tulong mo, pag tumawag si Daddy magpapakilala na Personal assistant ko, sabihin mo bodyguard ka, alalay, katulong para hindi ako papagalitan at hindi na magpapadala ng katulong dito” Sabi ni Dave.
“Ano? Diba tapos na yung usapan natin, saka hindi naman talagang totoo na personal assistant mo ako diba?” Sabi ni Carlo.
“Kaya nga, magkunwari ka lang, alam ko magaling ka sa aktingan diba? gayain mo yung acting mo noong muntik na akong mabugbug at yung kausap mo yun Dean, parang ganun, sigi na, ikaw na bahala please.” Sabi ni Dave na tila nagmamakaawa.
“Ikaw Dave ha, tandaan mo Daddy na tong kakausapin ko dito, ibang level na ito, nako wag mo akong turuan magsisinungaling, baka mabobolyaso tayo dito.” Sabi ni Carlo habang nakapamaywang na kausap si Dave.
Tumayo si Dave at pumasok sa banyo. “Ikaw na bahala diyan, maliligo muna ako.” Sabi ni Dave habang nakangiting pumasok sa banyo.
“Hoy Boss, hoy Dave! ano ba, bilisan mong maligo diyan baka tumawag yung Daddy mo.” Sabi ni Carlo.
Naiwan ni Carlo sa labas habang naliligo si Dave na tila sinasadyang bagalan ang pagpapaligo ng biglang tumunog cellphone ni Dave, pagtingin niya, Daddy nga ni Dave ang tumatawag. “Boss! Dave, ito na daddy mo hoy, lumabas ka na diyan, sagutin mo to.” Sigaw ni Carlo. “Sagutin mo na kasi, gawin mo na yung sinasabi ko.” Sagot na man ni Dave habang naliligo.
Sa takot ni Carlo na mas lalo pa itong magalit kay Dave kung hindi ito sasagutin, dinampot niya ang cellphone at agad sinagot ang tawag nito.
“Hello good morning Sir, Si Carlo po to, ang bagong personal assistant ni Dave.” Sabi ni Carlo nahalata kinakabahan sa kanyang ginagawa.
“Ohh I see, nakakuha na pala ang Personal Assistant ang anak ko? Wait nasaan ba siya?” Tanong ng Daddy ni Dave sa kabilang linya.
“Ahh sir naliligo pa po siya, at ang bilin niya sasagutin ko daw tong tawag mo kung sakali, tayo lang muna mag-uusap, kung may gusto kang ipaabot sa kanya sabihin mo lang sa akin, ako na bahala na kanya.” Sabi ni Carlo habang palakad-lakad ito sa buong bahay.
“Well tanong ko lang, bilang personal assistant ni Dave, ano ba ang job description mo, I mean ano ba ginagawa mo para sa kanya.” Tanong ng Daddy ni Carlo.
“Anytime na kailangan niya ako nandito ako sir, bodyguard, alalay, utusan, cook kahit masahesta pwede na rin. Alam mo kagabi nga lang, masama pakiramdam niya dahil na sobrahan sa work-out, hayun menasahe ko at pinainum ng pain relaiver ngayon pag-gising niya ayos na.” Sabi ni Carlo na tila naging kalmado na sa pakikipag-usap sa daddy ni Dave.
Samantala, sa kabilang linya, naaliw ang Daddy ni Dave habang kausap si Carlo na nagkukwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang anak. Alam niya nabibigyan niya si Dave na material na pangangailangan nito, pero hindi na niya talaga alam ang maraming bagay sa kanyang anak lalo na ngayon nasa college na ito, dahil hindi naman ito laging niyang nakakausap, mula ng namatay ang nanay nito sadyang napakailap na ni Dave sa kanya. Kahit sabihin man niyang mahal na mahal niya si Dave, alam niyang sadyang napa komplikado ang mga bagay-bagay para sa kanilang dalawa lalong-lalo na, na anak ito sa labas. Alam niyang bilang asawa nagkamali siya minsan, ngunit bilang ama pareho niyang mahal ang kanyang mga anak, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at nagkatoon na kung sino pa yung nag-iisa at dihado siya ang napinsasala. Ayaw niyang isipin na kawawa ni Dave dahil anak ito sa labas, kaya pilit niyang ibinigay lahat na pangangailan, kahit ni minsan hindi naman humingi.
“Kaylan ka nagsimula maging personal assistant niya?” Tanong ng Daddy ni Dave.
“Noong sumali siya ng Mr. University, kasi ako ang pumilit sa kanya sa sumali dahil ayaw niya talaga, tapos sabi niya sasali daw siya kung papayag akong maging alalay niya. Hayun nanalo siya, alam mo ba yun, siya ngayon ang pinaka gwapong studyante sa school namin, sikat na yung anak mo, alam kung mana to sa iyo ang gwapo, kaso medyo suplado sir, mapili sa kaibigan alam mo na, pero noong sumali siya at nanalo, nagbago na siya , ngumigiti na. Alam mo ba pagpumasok ka sa school namin ang mukha ng anak mo ang bubugad as iyo, yung mukha niya naka tarpaulin, isa kasi siya sa mga endorser ng university.” Masayang kwento ni Carlo sa Daddy ni Dave, na masaya naman sa achievement ng anak.
“Talaga ba? hindi ko alam yan ha!” Sabi ng daddy ni Dave.
“Nako! I sesend ko sa iyo ang mga picture, biglang naging celebrity yung anak mo sir!” natawawang sabi ni Carlo.
Ang hindi alam ni Carlo tapos na palang maligo si Dave at nakatayo na ito sa kanyang hikuran at agad itong kinuha ang cellphone noong narinig niya na magsesend ito ng mga pictures niya noong nanalo siya ng Mr. University.
“Hello Dad, si Dave na po ito” Sabi ni Dave habang pinangdidilatan si Carlo.
“Anak, tinawagan kita dahil lumipat ka na pala dyan sa condo mo, ang akala ko wala kang kasama, buti na lang nakakuha ka na bibong personal assistant, nakakatuwa yang batang yan” Sabi ng daddy ni Dave sa kabilang linya.
“Ahh daddy wag kang masyadong magpapaniwala nito, loko-loko din to minsan” Sagot naman ni Dave.
“Gusto ko siya, sana maging maganda influence siya sa iyo, sana ganun ka rin ka masayahin, lalo na ngayon may titilo ka na pala bilang Mr university, ikaw naman hindi ka nag kwento sa akin yan. Sabihin mo sa Personal Assistant mo na isend yung mga picture mo para makita ko naman ha.” Sabi ng daddy ni Carlo.
“Sigi daddy, at wag mo na akong problimahin dito, ok na ako, mabait naman itong PA ko, makapagkatiwalaan.”Sabi ni Dave sabay kindat kay Carlo.
Pagkapatay ng cellphone agad nilapitan ni Dave si Carlo na nakatayo sa may bintana sabay sabi ng “Ayos problem solved”sabay high five kay Carlo.
“Nako boss ito na naman tayo, may panibago ka naman gulong papasukin” sabi ni Carlo habang nakakamot sa ulo. “Paano kung malaman niya na wala ka naman talaga ng kasamang dito madadamay pa ako…”
Bago natapos ang sasabihin ni Carlo tumonog ulit ang cellphone ni Dave, tumatawag ulit ang daddy nito. Natataranta yung dalawa.
“Hello Dad? Bakit po napatawag kayo ulit” tanong ni Dave habang sinisinyasan ni Carlo na manahimik.
“kausupin ko ulit yung PA mo.” Sabi nito.
Biglang kumabog ang dibdib ni Carlo sa pag aakala na nabibisto na sila.
“Hello po! Ano po yun” Mahinang sabi ni Carlo.
“Magkano ba ang pinag-uusapan ninyo ni Dave na sahod mo bawat buwan?” Tanong nito.
“Sahod? Wala po, bali ganito kasi yun, pinapariham niya ako ng cellphone niya at ang bait naman po ng anak ninyo sa akin paminsan-minsan pinapasakay po niya ako sa maganda niyang sasakyan at lagi po siyang kumakain sa pinag papartimeman ko, ang laki din ng utang na loob ko sa kanya kaya ok lang yun sir, alam naman si Boss Dave yan. ” Tugon naman ni Carlo.
“A ganun ba? Bakit naman ganun? Sabi ng tatay ni Dave sa kabilang linya. “Pwede paki bigay tong phone kay Dave. Agad naman ibinigay ni Carlo ang cellphone kay Dave.
“Anak, bakit naman hindi mo sinasahuran yan PA mo? hindi naman yata tama na idaan na lang sa utang na loob ang serbisyo niya sa iyo. Ngayon din mag open kayo ng account na nakapangalan sa kanya, para doon ko maipasok sahod niya buwan –buwan, at pakibigay na rin yung pernosal number niya para matawagan ko siya anytime.” Sabi ng daddy ni Dave.
“Sigi po, mag oopen kami ng account at ipapadala agad namin at isasabay na rin yung number niya.” Sagot naman ni Dave.
Pagkatapos ng usapan ni Dave at ang kanyang Daddy saglit natahimik yung dalawa.
“See? ito yung sinasabi ko, nagsimula ng gumulo ang utak ko sa pinag gagawa natin. Ano ngayon, araw-araw gagawa tayo ng kasinungalian para takpan ang kasinungalian kahapon ganun?” sabi ni Carlo habang naglalakad papuntang kusina at uminom ng tubig. “Bigla akong nauhaw sa iyo.” Dagdag pa nito.
“Anong problima don?” sabi ni Dave habang nakatingin ka Carlo.
“Anong problima???? Nanghihingi na nga ng bank account kasi doon ipapasok daw sahod ko, ano sarili mong ama kukutungan mo ganun? Sabi ni Carlo.
“Ang ibig kung sabihin hindi yan dapat piniproblima, para ma solved ito, eh di totohanin natin” sabi ni Dave nanakangiti.
“Anong totohanin na sinasabi mo?” Usisa ni Carlo.
“I ha hired kita na totoong Personal assistant, ganun, magsisimula ka na ngayon din.”Sabi ni Dave.
Parang nabibilaukan si Carlo sa sinasabi ni Dave, natulala ito.
“Wag kang mag alala hindi naman sa lahat na panahon kasama kita ang importante sa tuwing tatawag si Daddy may maiisasagot ka, ayaw mo nun, simple lang trabaho mo may sahod ka pa at dollar pa” nakangiting sabi ni Dave.
“Magsisimula ka na ngayon, hindi ka naman mahihirapan dahil matagal mo naman itong ginagawa sa akin diba? pwede ka rin mag resign dyan sa burger shop na yan, alam kung nahihirapan ka na.” Sabi ni Dave.
Hindi umiimik si Carlo habang titig na titig kay Dave na nagsasalita habang nakapa maywang ito at napailing-iling habang nagsasalita si Dave.
“At saka kunin mo na yun” sabi ni Dave sabay turo ng isang laptop na kapatong sa lamisita at katabi ng lamb shade.”
Lumapit si Carlo at dinampot ang laptop sabay abot nito kay Dave.
“Sa iyo na yan, hiramin mo muna, diba kailagan mo ng laptop next sem. Saka itigil mo na yang pamimigay ng discount card para lang makaipon ng 5 points pang dagdag pambili ng laptop.” Sabi ni Dave.
“Ano ipapahiram mo to sa akin, talaga?” tanong ni Carlo na tila hindi makaka paniwala sa nangyayari. Matagal na siyang nag iipon para makabili ng lap top, tuwang-tuwa siya dahil pinapahiram siya ni Dave at hindi na niya kailangan munang bumili.
“So ibig sabihin matagal mo na akong balak kunin bilang PA at pagresignin sa burger shop ano? Kung ang laptop na to ay kapalit ng pagresign ko, sorry hindi ko ito matatangap. Ayokong mag resign doon boss.” Sabi ni Carlo.
“Hindi ka naman pinilit mag resign, binigyan lang kita ng option upang medyo gumaan yang buhay mo, masyado ka ng busy lalo na ngayon nag commit ka kay daddy na maging PA ko.” Sabi Dave.
“Anong commit? Hoy plano mo to diba? Tinutungan lang kita akala ko ba biru-biru lang to at akting aktinglan lang bakit parang? Ano ba? Nalilito na ako sa iyo ha.” Sabi ni Carlo sabay kamot sa kanyang ulo.
“Eh paano yan, nanghihingi si daddy ng bank account mo para doon ipapasok sahod mo, alangan naman tatangap ka ng sahod na hindi nagtatrabaho diba? saka ano ba piniproblima mo, wala ka naman dagdag trabaho, kung ano yung ginawa natin dati, ganun pa rin diba, ang kaibahan lang ngayon, magbibigay ka na nang update kay Daddy yun lang naman diba?” Sabi naman ni Dave.
“So gusto mo talaga akong mag resign sa burger shop ano? Kasi baka makabuntis ako ganun? At hindi ako makapagtapos, Ganyan ba talaga ang tinggin mo sa akin, alam kung masyadong mong dinidibdib yan pagiging adoptive at imaginary brother mo sa akin, hoy kuya akala mo mailalayo mo sa akin si Elah, so nagkakamali ka.” Sabi ni Carlo habang nakangiti.
“Ano bang pinagsasabi mo, paano ko mailalayo ang dalawang pusong BALIW NA BALIW sa pagmamahalan diba? At bakit napasok sa usapan si Elah? Diba ang sabi ko naman hindi ka naman pinilit mag resign diba.” Sabi ni Dave. “Ito gamitin mo muna yan laptop, saka kumain ka na alis tayo.
“Saan na naman? Asar na tanong ni Carlo.
“Opps yung mukha mo, bakit nakakasimangot ka naman baka nakalimutan mo na simula sa araw na ito official na ang pagiging Personal Assistant mo, liwanagin lang natin, dapat respetohin mo yung pagiging boss ko, hindi na pwede yang pangbabara at pag aasar mo sa akin, tulad ng ginawa mo kanina sa akin, yung sinapo mo yung harapan ko, kung uulitin mo pa yan alam mo na.” Sabi ni Dave.
“Ahh ganun, ikaw ang humanda sa akin, makikita mo nga ngayon kung gaano ka bagsik tong PA mo.” Sagot naman ni Carlo, habang dahan dahan lumalapit kay Dave at akmang dadakutin na naman ang harapan nito.
“Ooo ano naman yan, subukan mong hawakan yan diba makakatikim ka sa akin.” Sabi ni Dave habang paatras at iniiwasan si Carlo.
Aliw na aliw na naman si Carlo sa ginagawa niyang pag aasar kay Dave. “Tandaan mo simula na araw na to Boss mo na ako,” Sigaw ni Dave.
“ Akala ko ba sabi mo walang pagbabago kahit PA mo ako, hindi naman kita aanuhin diyan ha, hahawakan ko lang naman yan tuta mo kasi kanina nong dinampot ko medyo matamlay, gutom yata, halika papakainin lang natin.”
“Loko ka subukan mong lumapit makakatikim ka sa akin.” Sigaw ni Dave habang iniiwasan si Carlo. “kumain ka na aalis tayo pupunta ng banko, bilisan mo may pasok pa ako ala una.” Sabi ni Dave.
Biglang natauhan si Carlo at napa-isip kung paano niya hahatiin ang kanyang oras ngayon lalo ng may bago na naman siya dagdag na trabaho. Ngunit masaya na rin siya dahil nalutas na problema niya tungkol sa laptop dahil na pahiram ni Dave. Naisip din niya na kailangan niyang pagbutihin ang kanyang ginagawa lalo nang may mga tao ng umaasa at nagtitiwala sa kanya.