Blind date

4728 Words
Galing paaralan dumiretso na si Carlo sa burger shop, nagpalit ng uniform at puwesto sa counter. Nandoon na rin si Elah na sumulyap lang sa kanya sabay ngiti. “Uyyy nandito na pala ang mga baliw.” Sabi ng isa nilang kasama ng napansin ang pagngingitian ng dalawa. “Ang ganda ng picture na pinost mo, bumagay sa caption na Mga baliw. ” Sabi naman ng isa niyang katrabaho na nagsimula naman manukso sa kanila ni Elah. “Tumahimik nga kayo diyan nasa trabaho tayo, pwede ikaw muna dito ha, magwawalis lang ako doon.” Sabi ni Carlo sabay dampot ng dustpan at walis at umalis na halatang umiwas sa panunukso ng kanyang katrabaho tungkol doon sa picture na kanyang pinost, ang hindi alam ng lahat, si Dave ang may panaka sa caption na yun. Lumapit si Carlo sa mga mesa na wala ng kumakain at nag-umpisang magtangal ng mga naiwang basura ng mga customer. Inayos ang mga upuan sabay walis at dakot ng mangilan-ngilang basura na nagkalat sa sahig. Hindi naman masyadong madami ang kumakain sa oras na iyon, kaya nagagawa niya ang paglilinis na walang masyadong istorbo.  Sumusulyap siya sa counter upang tingnan kung madami ba ang naka pila upang makatulong siyang kumuha ng order. Nandoon si Elah. “Ang ganda talaga ni Elah.” Sa isip-isip niya habang naglilinis ng hindi niya namalayan na nabundol na pala niya ang mesa na nasa kanyang harapan. Nakita ito ni Elah at ilan pa niyang ka trabaho at napatawa na lang ang mga ito. “Sigi titig pa!” sabi ng kanyang kasama habang nakangiti. Natawa na rin si Carlo sa nangyayari at patuloy sa kanyang ginawa ng may mapansin siyang isang babae may karga-kargang bata na nagdadabog at umiiyak na  gusto magpalabag at hayaan umikot at tumakbo takbo sa loob ng burger shop. Karga-karga ng babae habang sumusubo ng pagkain. Ang likot ng bata na sa tansya niya ay maghigit isang taon pa lamang. Hindi makakain ang babae ng husto dahil nagpupumiglas nito. Nilapitan ni Carlo ang dalawa. “Hello baby!” sabay ngiti nito sa bata. Biglang natahimik ang bata at nakatititig kay Carlo. “ Kumusta ka, gusto mo mag- laro?” Tanong ni Carlo. “Ang likot gustong tumakbo takbo, eh gutom na gutom ako, hindi ako makakain ng husto sobrang likot ng batang ito.” Sabi ng babae habang karga-karga ang bata na saglit nanahimik. “Gusto mo kumain ka muna, ako muna ako hahawak sa kanya, ok lang ba?” sabi ni Carlo sabay ngiti nito sa bata. “Nako na ngingilala ito, iwan ko kung lalapit ba ito sa iyo.” Sabi naman ng babae. Lumapit si Carlo at nginitian ang bata saka kinuha ito sa kanyang babae. Tumitig naman sa kanya ang bata saglit at walang pag –aalingan lumapit kay Carlo. “Hala gusto ka niya, sa ibang tao umiiyak yan lalo na pag hindi pa niya kilala.” Sabi ng babae sabay subo ulit ng pagkain na halatang gutom na gutom. Tahimik ang bata habang karga-karga ito ni Carlo at doon naka tuon ang pansin sa name plate naka dikit sa kanyang dibdib, kinakalikot ng bata at tila naaliw sa gintong kulay nito. “Pwede ba iikot ko muna siya dito?” Tanong ni Carlo sa babae at agad naman itong pumayag. Dinala ni Carlo sa counter at pinakita sa kanyang mga kasama. “Hala gusto na talaga niyang magka baby oh, Elah ano pa plano ninyo?” Panunukso naman ng kanyang kasama. Tila naging panatag naman ang batang lalaki sa pagkarga ni Carlo kanya. Minsan tumitigtig ito at hinahawan ang kanyang ilong at pisngi. Pakiramdam ng bata matagal na silang magkakakila ni Carlo. Napansin naman ito ng ibang customers na naaliw at humanga sa ginawa ni Carlo  upang makakain ng maayos ang babae. Tapos ng kumain ang babae, lumapit si Carlo at binalik na sa kanya ang bata. Nung una tila ayaw ng bata na bumalik, yumapos ito kay Carlo ng akmang kunin na ito ng babae. Tawanan ang mga nakakakita dahil nagpabuno ang dalawa ng pilit itong kunin ng babae mula sa mahigpit na pagkayapos kay Carlo. Agad nagpaalam at nakangiting umalis habang karga-karga niya ang bata na umiyak na tila ayaw pang-umuwi. Pinagpatuloy ni Carlo ang kanyang ginagawang paglilinis ng mapansin niya ang isang babae na pumasok at pumila sa counter. Familiar ito sa kanya at inisip niya kung saan kaya niya nakita ang babaeng ito nag bigla niyang naalala. “Si Casandra to ha” Sa isip-isip niya. Hinayaan niyang munang maka order ito, at ng nakita na niya na naghahanap na ito ng mauupuan agad niya itong nilapitan at inalalayan makahanap ng mapagpwestohan. Abot tainga naman ang ngiti ni Casandra ng nakita si  Carlo. “Bakit nagiisa ka lang? dito ka umupo” Alok ni Carlo. “Walang makakasama eh, ikaw baka gusto mo akong samahan.” Sabi naman ni Casandra. “Gusto ko sana kaso bawal eh.” Tugon naman ni Carlo sabay kamot sa kanyang ulo. “kumain ka lang dyan ha, sabihin mo lang kung ano pa kailangan mo.” dagdag pa nito. “Biro lang naman yun.” Sagot naman ni Casandra habang nagsimula ng kumain. Lumapit si Carlo kay Casandra, sumulyap sa counter at tiningnan kung hindi ba nakatingin si Elah at ang iba pa niyang katrabaho habang kinakausap niya si Casandra.“Ahhh wala bang magagalit kung mag private message ako sa iyo?” Pabulong na tanong ni Carlo. Biglang napatingin si Casandra kay Carlo, kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig.“Wala naman, at bakit kailangan mo pang I PM sa akin, nandito na ako, sabihin mo na kaya yang gusto mong sabihin.” Sabi naman ni Casandra. “Imessage ko na lang baka kasi maabutan ako ng supervisor ko na nakikipagkwentuhan sa iyo!” Nakangiting tugon ni Carlo.“Basta walang magseselos na boyfriend ha?” dagdag pa nito. “Kakain kaya akong mag-isa dito kung may boy friend ako.” Tugon naman ni Casandra. “Sigi tatapusin ko lang to ginagawa ko ha, enjoy your meal, at salamat ginamit mo yung discount card na bigay ko sa iyo para magka dagdag points na naman” Sabi naman ni Carlo. Habang nag-uusap ang dalawa makikitang pumasok ang supervisor nina Carlo at seninyasan ito na lumapit sa kanya. Dali-dali naman lumapit si Carlo. “Pasok ka muna sa office sandali ” sabi nito. Biglang kinabahan si Carlo, dahil ni minsan hindi pa siya kinakausap ng supervisor niya ng sila lang dalawa. Pagkaupo, sinabi agad ng supervisor niya na isasama daw siya sa company event na gaganapin sa susunod na araw sa isa sa mga kilalang hotel sa kanilang lugar. Siya ang napili ng kanyang supervisor naisama dahil isa siya sa best employee sa branch nila, sa katunayan siya ang may pinaka maraming naipamigay na discount card at siya rin ang may pinakamaraming points na nakuha. Linggo ng hapon ito gaganapin at dapat daw magsuot siya ng business attire sa pagtitipon na iyon. “Ano ba yang business attire na yun sir?” tanong ni Carlo. “Dapat naka longsleves ka at naka neck tie dahil buong pilipinas na francised holder ang nandoon, pati na rin yung mga mga matataas na opisyal sa kompanya.” Sagot naman ng kanyang supervisor. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap agad lumabas ni Carlo at insaktong pauwi na rin si Casandra, tumakbo siya sa may pintuan, pinagbuksan ng pinto at sinamahan si Casandra sa labas. “Thank you for coming, at paki check ng messages mamayang gabi ha.” Sabi ni Carlo na nakangiti. Si Casandra naman ngumiti lang ito at kumaway bago umalis. Pabalik na si Carlo ng biglang niyang nakita si Dave nakatayo na titig na titig kay Casandra habang palayo ito. “Boss bakit nandito ka? Ang aga mo ha, mamaya pa 9:00 ang duty hrs ko sa iyo diba?” Gulat na sabi ni Carlo. Hindi namalayan ni Carlo na nandoon pala sa malapit si Dave habang nag-uusap sila at naririnig ang lahat na pinag-uusapan nila Casandra. “Grabe ka  naman makatitig kay Casandra boss.” Biro ni Carlo habang tinitingnan si Casandra na paalis. “Kakain sana ako pero nagbago isip ko, paki take out na lang ng pang-kain dalhin mo mamaya sa condo pag kalabas mo.” Sabi ni Dave sabay abot ng pera kay Carlo at umalis agad. “Boss anong pagkain bilhin ko?” tanong ni Carlo. “Ikaw bahala”Sagot naman nito. Umalis na agad si Dave habang naiwan si Carlo na napaisip kung bakit siya pa talaga ang pinabili ng pagkain na alam naman na alas 9 pa ang uwi nito. Naisip na rin ni Carlo na magpapaalam na umuwi ng maaga dahil may gagawin siya sa condo ni Dave tungkol ito sa bagong niyang trabaho bilang Personal Assistant. Sa halip na alas 9 pa ang uwi niya, inagahan ngayon ni Carlo, bumili ng pagkain at agad pumunta sa condo ni Dave. “Bakit ang aga mo yata ngayon?” Tanong ni Dave pagbungad pa lang ni Carlo habang bitbit nito ang pagkain. “Nagpaalam ako na umuwi muna ng maaga dahil gabi na wala ka pang hapunan, at bakit ako pa kasi pinabili mo pwede naman  mag-order ka na lang diba?” Sabi ni Carlo habang inilapag ang pagkain sa lamesa. “O ito na boss kain ka na, pasado alas 8 na baka malipasan ka pa ng gutom niyan mahirap na.” Sabi ni Carlo. “Kumain na ako pagkagaling ko doon sa burgershop.” Sabi nito. Biglang natigilan at napakamot sa ulo si Carlo ng marinig niya na kumain na pala si Dave. “ Sana hindi na ako umuwi ng maaga, kumain na pala tong taong ito.” Sa isip-isip ni Carlo. “Ano? Kumain ka na? paano tong pinabili mo, at tila pabago-bago yata isip mo ngayon.” Sabi ni Carlo. “Kainin mo na lang, tapos pwede ka ng umuwi.” Sabi naman ni Dave habang titig na titig sa pinanuod na palabas sa TV.  “Hindi muna ako uuwi may gagawin tayo, saka may dalawang bagay akong sasabihin sa iyo.” Nakangiti sabi ni Carlo. “Alam ko na yang sasabihin mo, masaya ka dahil dinalaw ka ni Casandra ngayon.”  Sabi ni Dave habang pinaikot-ikot ang remote control ng TV sa kanyang kamay. “Yang ngiti na yan alam ko na  yan!” Dagdag pa nito. “Nako nagpunta ako dito dahil sa trabaho boss, nandiyan ka naman sa Casandra mo, ikaw nga tong kung makatitig sa kanya ay wagas at tagos.” Pabiro sabi ni Carlo. “Casandra ko? Wow! Kaylan ba naging akin ang babaeng iyon?” Sabi ni Dave. “So ano sasabihin mo sa akin?” Usisa ni Carlo. Tumayo si Carlo mula sa pagkaupo sa harap ng mesa at binuksan ang kanyang bag at may kinuhang papel, lumapit at tumabing umupo kay Dave. “Ito boss, gumawa ako ng schedule, ito yung schedule mo at schedule ko na rin. Itong naka highlight ng red, schedule mo yan buong linggo. Ito naman naka blue, akin yan, itong naman yellow, ito yung mga oras na vacant ako na pwede mo akong utusan kahit ano. Ibibigay ko to sa iyo para alam mo kung kaylan mo ako pwedeng tawagin at utusan. Pero kung urgent naman, kahit may pasok ako, sabihin mo lang gagawan natin ng paraan boss.” Sabi ni Carlo sabay tapik ng balikat ni Dave. Bahagya itong tiningnan ni Dave. “Bakit nag-abala ka pa na gumawa, alam ko naman lahat na schedule mo sa school at burger shop” Sabi nito. “Mas maganda kasi to boss, dahil tulad nito, madali mong makita ang schedule  ng vacant hrs ko at pati na rin sa iyo. Ito halimbawa bukas, bakante ka ng alas 4 ng hapon pataas, kaya kung pwede kakain tayo sa labas sagot ko.” Nakangiting sabi ni Carlo. Saglit na napatingin si Dave kay Carlo. “Kakain sa labas, saan?” Tanong ni Dave. “Diyan lang sa tabi-tabi, ako bahala, diba pinahiram mo ako ng laptop so yung budget ko para doon babawasan ko na lang. Basta boss diyan lang ha alam no na, wait, ikaw saan gusto mo? Tanong ni Carlo. “Seryoso ka?” tanong ni Dave. “Oo nga 6:30 ng gabi uuwi ako ng maaga, kain tayo sa labas, ako bahala, kahit pa minsan-minsan ako naman manlilibre sa iyo.” Sabi ni naman ni Carlo. “Okey ba! sunduin kita doon sa burger shop bukas,  baka pinagloloko mo lang ako humanda ka sa akin, o paano sigi tapos na? umuwi ka na para maka pangpahinga ka na rin.” Sabi ni Dave. “Saglit lang may sasabihin pa akong isa boss,” Sabi ni Carlo sabay kamot ng ulo. Sana okey lang sa iyo.” Dagdag pa nito. “Ano ba yan? Sabi ni Dave sabay patay ng TV. “Kasi boss sa linggo ng hapon isasama ako ng supervisor ko doon sa event ng company, ako napili niya kasi best employee na man daw ako kahit part timer lang. Alam mo ba buong Pilipinas na mga francise holders ay pupunta doon, pati daw yung mga big bosses sa main office pupunta din daw. Kaso wala akong masuot na pag business attire baka mapahiram mo ako kahit neck tie lang, yun daw dapat issuot namin kasi formal event nga daw to tapos doon pa sa Almont Hotel gaganapin.” Sabi ni naman ni Carlo. “Wow ha, talaga? No problem, ganito na lang agahan mo pagpunta dito sa linggo, hindi lang nick tie ang ipapahiram ko, I make over kita, sasamahan kita sa male salon para ayos porma mo sa gabing iyon. Sabi naman ni Dave. Kinabukasan alas singko pa lang nandoon na si Dave sa labas ng burger shop dahil ayaw niyang ma late sa usapan nina Carlo na kakain daw sila sa labas. Sa totoo lang, kinilig si Dave sa paanyaya ni Carlo, kahit alam niyang alok at kakain lang sila bilang magkakaibigan, ngunit masaya siya dahil kahit papano na bigyan siya ng panahon ni Carlo. Kahit hindi naman sila kakain sa mamahaling restaurant ngunit excited siya dahil sa unang pagkakataon may isang taong nagyaya sa kanya na kumain sa labas. Ang ganda ng ngiti ni Carlo habang palapit ito kay Dave “ Okey tayo na boss!” sabi ni Carlo sabay pasok na sasakyan. Huminto ang kotse ni Dave sa isang Filipino restaurant. Kunkunti lang ang kumakain sa oras na yun, tahimik at ang ganda ng kapaligiran na papalibutan ng maraming halaman. Habang naglalakad sila para magkahanap ng mauupuan, maririnig ang mga awiting Pilipino na pinapatugtug sa oras na yun. Umupo si Dave, samantala si Carlo ay nagtatawag ng waiter. Pagkatapos mag order ni Carlo tumayo ito at panay tingin sa kanyang ng cellphone. “Boss sandali lang ha lalabas ang ako saglit.” Paalam nito kay Dave. Naiwan si Dave mag-isa, maya-maya bumalik si Carlo at laking gulat ni Dave na kasama niya si Casandra. “Nako bakit nandito itong si Casandra, gawin pa yata akong third wheel nitong si Carlo, mag date-date pala sila bakit isinama pa ako.” sa isip-isip ni Dave. “Boss si Casandra, kilala mo naman siya diba?” nakangiting sabi ni Carlo, samantala si Casandra ay nabigla din, dahil sa pag-aakala niya sila lang dalawa ni Carlo ang kakain sa labas. Ito yung private message ni Carlo sa kanya kagabi, hindi naman sinabi nito na kasama pala si Dave. Insakto pagkaupo ni Casandra dumating ang inorder ni Carlo na pagkain. “Boss, Casandra lalabas lang ako saglit ha.” Paalam ni Carlo. “Saan na naman kaya  pupunta tong taong ito?” Bulong ni Dave sa sarili. Lumabas si Carlo at naiwan yung dalawa sa loob. Paglipas ng ilang minuto halos magkasunod na tumunog ang cellphone ni Dave at Casandra. “Boss ikaw na bahala kay Casandra, please be nice to her…hahahha alis muna ako, mag kwento ka na lang mamaya pag-uwi mo.” Sabi ni Carlo sa message na binasa ni Dave. Biglang napatingin si Dave kay Casandra na kasalukuyang din nag babasa ng message mula kay Carlo. “ Cassandra, ikaw na bahala sa boss ko, please be nice to him, magkwento ka na lang mamaya pag-uwi mo.” Biglang nakatinginan yung dalawa, naiilang at pariho nabigla dahil ang pag aakala nila na si Carlo ang makakasama , yun pala nag set ng blind date si Carlo para sa kanilang dalawa. “Akala ko si Carlo makakasama ko dito.” Nakangiting sabi ni Casandra. “Ako din sabi kasi niya manglilibre daw siya, sumama naman ako.” Gulat na sabi ni Dave. “Ito message niya” Sabay na sabi ng dalawa na parihong nabigla ng nalaman nila na set up pala sila si Carlo. Wala ng nagawa yung dalawa kundi kumain at mag kwentuhan na lang at tinuloy na lang ang kunwari date nilang dalawa. Paglipas ng halos isang oras, tapos na silang kumain, madami dami na rin ng kanilang napag-uusapan, pati na rin ang kalokohan na pinaggagawa ni  Carlo, dahil hindi talaga maisip ng dalawa na magagawa sa kanila ito ni Carlo. Tumunog naman yung cellphone ni Dave at pagtingin niya nagulat siya ng makitang may post si Carlo na picture ng isang babae at lalaki na magkaharap na nakupo sa mesa habang kumain. Palihim pala sila kinunan ng larawan ni Carlo at Pi nost ito sa social media. Pigil si Dave sa kanyang naramdaman at hindi sinabi kay Casandra kung ano ang nakita niya sa post. “Humanda ka sa akin mamaya Carlo!” sa isip-isip nito. Hinatid ni Dave si Casandra sa kanyang tinitirhan, at dali-dali pumunta sa burger shop na asar na asar sa ginawa ni Carlo sa gabing iyon. Sumilip siya at nakikita niyang pangitingiti si Carlo habang nag seserve ng sa mga customer. “Pa smile smile pa tong loko na to, humanda ka sa akin.” Sa isip-isip ni Dave. Naisipan ni Dave na umalis at doon na lang maghintay kay Carlo sa labas ng kanyang apartment. Mas mabuti doon dahil kukunti lang ang mga tao at hindi siya mapapansin kung papagalitan niya si Carlo. Asar na asar siya na pinag gagawa nitong pag seset up ng blind date at pag post ng picture nilang dalawa ni Casandra habang kumakain. Pag-uwi ni Carlo agad niyang napansin ang kotse ni Dave sa tapat ng kanyang tinitirhang apartment. Dali dali niyang nilapitan si Dave na nakasandal sa kanyang kotse, walang imik at habang palapit siya napapansin niya na ang sama ng tingin nito sa kanya. “Boss musta? Magkwento ka naman” nakangiting sabi ni Carlo. Isang napakalakas na buntong hininga ang narinig ni Carlo mula kay Dave. “Akala mo ba na tutuwa ako sa ginagawa mo ha?” Asar na tanong ni Dave. “Ahh bakit ano ba ginawa kung masama boss? Tanong ni Carlo na takang taka kung bakit gaya galit sa kanya si Dave. “Alam mo ba kung gaano ka awkard yung may di na date ka pero ibang tao ang hinahanap? Alam mo ba yun?” galit na tugon di Dave. “kung ano-ano mga bagay na iisip mo!” pasigaw na sabi nito. “Diba gusto mo yan?” nakangiting sabi ni Carlo. “Anong gusto??? Sino maysabing gusto ko yan si Casandra ikaw lang naman nagsabi niyan?” Tugon ni Dave na halatang mas lalong nagalit. “Boss, sorry akala ko kasi…” pautal-utal na sagot ni Carlo dahil nagsimula na niyang maramdaman ang galit at pag kaasar ni Dave. “Anong akala???? Ano? Ano? Bakit  lahat ba na bagay tungkol sa akin alam mo ha! Akin na yan cellphone mo, dali! ” Galit na pagkasabi ni Dave. “Boss naman relax lang, wag munang bawiin tong cellphone saka na pagnakabili na ako ng bago.” pabirong sabi ni Carlo sa pag aakala nakukunin na ni Dave ang cellphone na ibinigay sa kanya. “Ang lakas pa ng loob mong mag post ng picture na walang pahintulot sa akin, akin na yang cellphone mo, buburahin ko yang pinost mo dali!  Akin na!” Galit na sabi ni Dave. Biglang na aalala ni Carlo ang palihim na pagkuha niya ng larawan sa dalawa kanina at agad niya itong pinost sa kanyang account. “Ay yun lang pala, nakita mo  ang ganda pagkakuha boss diba? Nakangiting sagot ni Carlo. “Alam mo mapapatawad sana kita sa pangloloko mo ako na kakainin tayong dalawa, pero yun pala nag set up ka ng blinddate para sa amin ni Casandra, pero yung mag post ka ng picture naming dalawa sa account mo na walang pahintulot sa akin,  hindi na yata tama yun. Sumusubra ka na talaga!” sabi naman ni Dave na halatang nagpipigil sa kanyang kinikimkim na galit. Bahagya lumapit si Dave at akmang dudukin yung cellphone naka umbok sa harapang bulsa pantalon ni Carlo, samantala si Carlo naman ay umiiwas para hindi ito makuha ni Carlo. “Ilabas mo cellphone mo dali!” singaw ni Dave, ng biglang may police patrol na huminto sa kanilang harapan. Bumaba ang isang pulis at agad itong lumapit sa dalawa. “Ano nangyayari dito? Usisa ng pulis. “Ayy wala po sir, okey lang kami.” Nakangiting sabi ni Carlo. “Anong okey bakit kinukuha niya cellphone mo ha?” Tanong ng pulis. “Ahh hindi po siya holdupper sir, kapatid ko yan, I mean half brother ko po siya nanghihiram lang siya ng cellphone.” sabi ni Carlo. “Kapatid? Hindi naman kayo magkakahawig.” Sabi ng pulis. “Maputi lang yan sir, nagmana sa Nanay niya, saka oo mas gwapo yan sa akin, pero ang sungit naman!” Pabirong sabi ni Carlo. “Sino bang hindi magsusungit, pinakikialaman mo sariling buhay ko, tama ba yung ginagawa niya sir, nagpost ng picture ko, kasama ang isang babae na hindi nagpapalam, diba bawal yun, diba  sir?” Galit na sabi ni Dave. “Kuya naman, wala naman ako masamang intension diyan, tinutulongan na nga kitang mailapit sa babaeng gusto mo ikaw pa tong galit, diba dapat pa nga sir magpapasalamat pa siya sa akin diba? Sabi naman ni Carlo. “ Huwag na huwag mo akong ma kuya-kuya diyan, wala ka nga galang sa nakakatanda sa iyo, ano naman dapat ipagpapasalamat ko sa iyo? sinira mo diskarte ko at pinangunguhan mo  ako,” Sabi ni Dave. “kaya naman kinukuha ko yung cellphone niya sir dalhin gusto ko lang naman idelete niya yung picture na pinost niya.” Sabi naman ni Dave habang galit  na galit na umiikot-ikot sa kanyang kotse. “Patingin nga ng picture na pinag-aawayan ninyo.” Sabi ng pulis. Agad naman binuksan ni Carlo at pinakita sa pulis ang picture na kanyang pinost. “Wala naman masama o malasya sa picture na yan, bakit ka galit na galit? in the first place bakit ka naki pagdate sa babaeng iyan kung ayaw mo pala.” Sabi ng pulis. “Yun na nga sir, siya nag setup sa blind date na yan, siya ang may plano lahat, ang masaklap hindi naman ako ang gusto ng babaeng iyan, kundi siya, alam niya yun, ginawa niya yun para ilihis ang atensiyon ng babae, ang hindi niya alam may iba naman akong gusto, ang nakaka asar pa, nagpost pa ng picture para kunwari successful mga plano niya.” Asar na sabi ni Dave. “Okey kayong dalawa, maliit na bagay lang yan pinagtatalunan ninyo pag-usapan ninyo yan, umuwi na kayo, mag alas 10 na ng gabi nandito kayo sa kalye, akala ko tuloy may holduppan ng nagaganap. Ayyy nako babae lang pala pinoproblima ninyo.” Sabi ng pulis sabay alis. Pagkaalis ng pulis biglang lumapit si Dave kay Carlo, pabulong ngunit mariin itong nagsabi ng “Bibigyan kita ng 60 seconds na idelete yung picture na yan ngayon na!” Sabi ni Dave habang nakakatingin kay Carlo na masama. “Okey! Ito na!” agad naman binuksan ni Carlo ang kanyang cellphone at agad binura. “Yun burado na!” Nakangiting sabi ni Carlo. Agad naman tiningnan ni Dave ang kanyang cellphone at sinigurado na burado na talaga bago siya umuwi, dali dali itong lumapit sa kotse at agad-agad binuksan at pintuan, humabol naman si Carlo at hinawakan ang kamay ni Dave. “Boss sandali lang!” sabi ni Carlo. “Tumabi ka dyan, tabi!” galit na pagkasabi ni Dave umupo sa harapan ng manubila at bago isinara ang pinto tumingin ito kay Carlo. “Napagkamalan akong hold-upper sa pinag gagawa mo, para sabihin ko sa iyo, hindi porket Personal Assistant kita, pwede mo ng gawin ang lahat na gusto mo, respect my personal life, respect my privacy! ilagay mo yan sarili mo sa tama, tandaan mo Personal Assestant ka lang!” sabi ni Dave sabay sarado ng pintuan ng napakalas, sabay paharutrut ng kanyang sasakyan. Nagulat si Carlo sa lakas ng pagkasara ng pintuan ng kotse ni Dave. Alam niya galit  na galit si ito sa kanya dahil sa hindi ma ipintang mukha nito. Naiwan siya nakatayo sa harap ng kanyang tinitirhan apartment, natutula lalo tila umaalingawngaw sa kanyang tainga ang huling salita na binitawan ni Dave na nagsabi ng “ Personal Assistant ka lang.” Biglang siyang napaisip na baka nga sumusobra na siya sa kanyang pinag-gagawa at hindi niya alam kung paano niya harapin si Dave kinabukasan dahil sa magkahalong hiya at takot na kanyang naramdaman. Madaling suyuin si Dave, alam niya yun, ngunit sa pagkakataong ito parang hirap sa siyang gawin dahil alam niya, hindi tulad dati, si Dave ay hindi basta basta kaibigan na lamang kundi isa na itong boss at amo simula ng nagtrabaho na siya nito bilang personal assistant. Kung isang kaibigan lang si Dave alam niyang madaling gumawa ng paraan para suyuin ito, pero ngayong nagbibigay na ito sa kanya ng sahod, litong-lito na siya kung paano niya susuyuin ito. Ngayon lang din niya napagtanto na hindi na rin yata  tama ang kanyang pinaggagawa at kailangan niyang humingi ng tawad bago matapos ang gabi. Pumasok sa kanyang kwarto na matamlay, kinuha ang cellphone at agad tinawagan si Dave, ngunit hindi ito sumasagot. Nagmessage na lang siya, ngunit hindi rin ito nag rereply kahit alam niyang nakita at nabasa naman ang messages niya. “Ay naku palpak naman plano ko, paano ko to haharapin bukas si Dave.” sa isip-isip niya sabay higa sa kanyang kama. Samantala si Dave ay hindi muna umuwi sa kanyang Unit. Gusto niyang makahanap ng isang lugar upang pahupain ang kanyang galit at pag kaasar sa gabing iyon. “Bakit tila pinamimigay mo ako Carlo?” Bulong nito sa sarili “Asar na asar ako sa iyo, pangiti ngiti ka pa, tuwang-tuwa ka pa, kung alam  mo lang na ikaw ang gusto ko, bakit mo akong pinamimigay.” Dagdag pa nito. Pumasok si Dave sa isang convenient store at dumampot ng ilang pirasong beer. Pagkabayad, agad siya bumalik sa kanyang sasakyan at agad umuwi sa kanyang condo. Inilihis ang kurtina at bahagyang binuksan ang bintana at dumungaw sa ibaba sabay tunga ng beer. Tanaw mula sa kanyang kinaruru-unan ang napaka gandang tanawin sa ibaba, ang ibat-ibat kulay ng mga ilaw at ang madaming bituin na kumislap-kislap sa kalangitan. Maganda ang simoy ng hangin at maaliwalas ang kapaligiran ngunit hindi ito napapansin ni Dave dahil sa gabing iyon naka sentro siya sa pinag-gagawa ni Carlo sa kanya na nagdudulot sa kanya ng galit at pagkaasar. Tumunog ang kanyang cellphone, pagtingin niya, si Casandra ang nag message. “Salamat sa paghatid.” Ito ang nakasulat ng message. May nakita rin siyang bagong messages na galing kay Carlo, ngunit sadyang hindi niya ito binasa dahil alam niya na mas lalo pang madagdagan ang pagka asar niya  kung mababasahin niya ito. Binuksan ang music player at napatugtug ng napakalakas habang umiinum ng beer. Napansin niyang tumunog na naman ang kanyang cellphone, pagtingin niya si Carlo ang tumatawag. Hinahayaan niyang mag ring nang mag ring haggang mapagod sa kakahintay. Maraming beses tumawag si Carlo ngunit hindi ito sinasagot ni Dave. Ng muling tumunog, I naccept niya ang tawag ngunit hindi naman kinakausap ito. Samantala sa kabilang linya, si Carlo naman ay panay sabi ng “Boss? hello! Boss??” ngunit walang sumasagot, ang naririnig lang si Carlo ay isang napakalakas na music na hindi niya alam kung saang lugar.“Boss alam ko naririnig mo ako, pls sorry na!” sabi ni Carlo sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD