Necktie

2401 Words
Ikot ng ikot si Carlo sa loob ng kanyang kwarto, aliga-ga dahil ilang oras na lang magsisimula na ang event ngunit wala pa siyang maisuot. Nahihiya siyang tumawag kay Dave dahil mula kagabi pa hindi ito sumasagot sa kanyang mga tawag. Nahalungkat na niya ang lahat niyang mga damit ngunit wala siya makitang pag business attire, hanggang naisipan niyang tawagan ang kanyang supervisor at nag-paalam na hindi na lang dadalo. “Naku, kahit hindi ka na ka pag business attire ayos lang yan, pumunta ka dito dahil may ibabalita din ako sa iyo tungkol sa viral video mo.” Sabi ng kanyang supervisor. “Video?? Anong video yan sir?” Tanong ni Carlo na biglang kinabahan dahil ang video lang naman na naisip niya ay yung pinost ni Dave, na hinalikan siya. “Hanggang ngayon minumulto pa talaga ako ng video na yan.” Sa isip-isip niya. “Pumunta kana kasi dito, kahit anong isusuot mo basta presentable ka lang, bilisan mo good news ito.” Sabi naman ng kanyang supervisor sa kabilang linya. “Good news? Ano kayang dalang good news ang kissing video na yan?” Tanong ni Carlo sa sarili. Dali-dali siyang naligo, nagbihis at pumunta sa venue na naka maong pants at polo shirt lang na bumagay naman sa kanya dahil hapit na hapit ito sa kanyang katawan. Samantala, ang hindi alam ni Carlo ilang oras na naghihintay sa kanya sa Dave upang I make over nga siya ayon sa pangako nito, ngunit hindi ito sumipot. Nagdadalawang isip na rin si Dave at naiilang itong tawagan dahil ngayon pa lang siya nahimasmasan sa kanyang ginawa at pinagsasabi kay Carlo. Naisip din niya na tila sumobra rin ang kanyang reakyon sa simpling bagay na iyon. Dahil sa bugso ng damdamin, alam niyang nasaktan niya si Carlo ng sinabihan niya ito ng “Personal Assistant ka lang.” Kahit galit siya kay Carlo hindi pa rin niya itong pwedeng pabayaan na lang, lalot-lola na mahalaga sa kanya ang gabing ito, dahil kahit papano napapansin ang kanyang paghihirap bilang isang mabuting manggagawa sa burger shop. Pagdating ni Carlo nandoon na rin sa lobby ng hotel naghihintay ang kanyang supervisor. “Sir ayos na ba tong suot ko?” Agad na tanong ni Carlo. “Naku wag mo ng pansanin yang suot mo ang mahalaga nandito ka na, kahit ano pa susuutin mo babagay naman sa  iyo.”Sagot naman nito. “Sir ako lang yata naka polo shirt dito, pasensya na, nagkakaproblima kasi sa susuutin ko, at ano ba yung sinasabi mong viral video?” tanong si Carlo na halatang kabado at nag-iisip kung paano niya ipapaliwanag ang kissing video na yun dahil ito lang naman ang naisip niyang maaring mag viral. “Alam mo ba pagdating ko dito, agad akong kinausap ng mga kasamahan ko tungkol sa video na ito, naging usap-usapan ngayon at balita ko, nakakarating na ito sa taas at tuwang-tuwang sa ginawa mo.” Sabi ng kanyang supervisor. “Nakita ninyo ang video sir? Naku wala naman nakakatuwa doon.”Sabi ni Carlo. “Para sa iyo wala lang yun, pero sa mag-ina na tinulungan mo, malaking bagay  na yun alam mo ba?” Sabi ng kanyang supervisor. Nalito bigla si Carlo sa mga pangyayari “Bakit kaya may nabangit na mag-ina na?” Sa loob-loob niya. “Ano ba yang video na sinasabi mo sir?” Tanong ni Carlo. Inilabas ng supervisor niya ang kanyang cellphone at agad pinakita kay Carlo ang video at doon niya naalala yung isang babae na hindi makakain ng husto dahil sa kasama nitong batang sobra likot. Kita sa video ang pagkarga niya sa bata upang aliwin ito ng sa ganun makatapos sa kanyang pagkain ang ina nito. Ayon pa sa post, isa pala siyang single mom, ang kanyang asawa ay isang sundalo at namatay ito sa digmaan sa Mindanao, 4 na buwan palang pagkatapos isinilang ang batang iyon. Lumaki ang bata na walang ama kaya marahil nangungulila ito, kaya ganun na lang ang pagyapos nito kay Carlo sa pag aakala sa siya ang kanyang ama, Maraming naantig sa post ng babaeng at natuwa na rin sa kabutihan na ipinamalas si Carlo. Biglang nabunutan ng tinik si Carlo ng nalaman niya na ang video na tinutukoy ng kanyang supervisor ay yung pala pinost ng nanay ng bata na kanyang tinulugan. Hindi inakala ni Carlo na ganun na lang kalaking bagay para sa mag-ina ang kanyang ginawa. Tuwang tuwa naman ang kanyang supervisor dahil kahit papano sumikat ang branch ng kanilang burger shop, malaking tulong ito para sa libreng advertisement lalong lalo na na ang nasabing video ay may maganda at positibong puna sa lahat na kapanuod nito. Pagpasok nila sa venue marami na rin ang mga nandodoon, may maliit na stage at may isang malaking screen na nagsisilbing backdrop. May mga mamahaling bulak-lak na maayos na nakahilira sa harapang bahagi nito. Maraming maliit na mesa ang nakapalibot na may tig lilimang upuan bawat mesa at makikita rin ang napakahabang lamesa na punong-puno ng masasarap at mamahaling pagkain. Samantala, nakapagdesisyon na rin si Dave na pupunta na lang sa hotel dahil nga hindi na sumipot si Carlo sa usapan nila. Bitbit ang damit na susutin ni Carlo dali-dali siyang nagpunta sa venue sa pagbabasakali na maabutan niya ito bago makapagsimula ang event at makapagbihis. Kahit galit siya kay Carlo kagabi,  hindi din niya matiis na pabayaan na lang, lalo na nangako siya na tutulungan ito. Habang umikot naman sina Carlo at ang kanyang supervisor sa paghahanap ng mesa na  naka assign sa kanila, napansin naman sila ng iba nilang kasamahan at agad nakakakilala kay Carlo dahil sa video na kanilang nakita. Agad naman itong nagpapapicture kay Carlo, natutuwa dahil nakita daw nila ito sa personal at maliban daw sa mabait ito, ay gwapo pa. Parang naiilang si Carlo sa daming nagpapapicture sa kanya, pakiramdam niya bigla siyang naging instant celebrity. Nagsimula na ang programa, isa-isang pinakilala ng host ang mga pauhin pangdangal sa hapon na iyon, nandoon lahat pati na ang 5 pika mataas na opisyal sa kompanya. Tuwang-tuwang lahat ng makita sa personal ang mga taong bumuo sa kompanya na kanilang pinagatatrahoan. Singawan at tilian naman ng lumabas ang isang guest na sikat na singer na naging champion sa isang singing reality show. Tumayo ang lahat bilang pagpupugay ng tawagin ang founder CEO ng kompanya na si Conrado Suguerra. Pagkatapos ng masigabong palakpakan, nag simula magsalita ang isang matandang lalaki. Sa kanyang malumanay na pagsasalita, binigyan pugay niya at parangal ang lahat na mga manggagawa sa kompanyang iyon. Kahit mabagal na itong magsalita marahil sa kantandaan, ngunit punong-punong ng aral at insperasyon ang laman ng kanyang talumpati na sementro sa adhikin ng kompanya na hindi lang kumita, ngunit higit sa lahat makatulong ito sa sambayang Pilipino. Bago nagtapos ng kanyang pagsasalita, sinabi niyang may ipapakita daw siyang video para sa lahat sa oras na iyon. Tahimik ang lahat at nakatitig sa napalaking monitor nasa stage. Laking gulat ni Carlo pati ng kanyang supervisor ng makita nila sa monitor ang video pinost ng babae tungkol sa kanyang pag-amo at pagkarga sa batang umiiyak para makakain ito. Hindi maiintidihan ni Carlo ang kanyang naramdaman habang nakikita niyang pinabalabas ang video na iyon. Pagkatapos ng palabas, agad nagsalita ang matanda. “Ang Nakita ninyo ay maaring ordinaryong bagay lamang para sa karamihan, ngunit para sa mag-inang ito ay napalaking bagay lalo na sa kanya bilang isang single mother. Ang misyon ng kompanyang ito ay hindi lamang kumita ngunit higit sa lahat ay mayakap at matulungan natin at ating kapwa, lalo na yung higit na nangangailan. Sanay maging halimbawa sa atin ang ginagawa ng taong ito, na sa aking pagkaka-alam ay isang part-timer lamang sa burger shop, kahit kapos sa buhay nagsisikap upang makatapos sa pag-aaral bilang isang architect. Sa aking pagkaka-alam isa din siyang best employee sa isa sa ating branch at nandito siya kasama natin. Maari ba nating tawagin si Mr. Carlo Puno na umakyat sandali sa stage upang makita naman siya ng iba nating kasamahan. Bilang nanlamig ang buong katawan ni Carlo ng tinawag siya upang paakyatin sa stage. Parang hindi niya alam kung ano ang nilalakaran niya lalo ng marinig niya ang palakpakan habang naglalakad siya papuntang intablado. Marami naman kumakamay sa kanya habang paakyat ito sa stage, ang hindi niya alam, sa isang sulok ay nandoon si Dave na namanghang mangha din at nagulat sa mga pangyayari, tahimik siya habang pinapanuod si Carlo sa ibabaw ng stage na nakasuot lang ng body fit na polo shirt at maong pants. Agad siya kinamayan ng limang pinakamataas na opisyal, habang ni Carlo ay halatang hindi mapakali na parang hindi alam ang gagawin. Napaka inosente niyang tingnan sa kanyang mga ngiti, makikita ang napakaliwas na aura sa kanyang katauhan, kahit naka suot  lang ito ng polo shirt at maong pants, lutang na lutang ang kanyang ka gwapohan marahil sa kanyang napakaaliwas at napakagaang personalidad. “Maari bang magkwento ka sa amin kahit kunti lang tungkol sa inyong buhay upang sa ganun magkaroon naman ng idiya ang lahat tungkol sa iyo.” Sabi naman ng host sabay bigay nito ng microphone kay Carlo. Nanginginig ang buong katawan ni Carlo habang hawak niya ang microphone ngumiti ito saglit, sabay kamot ng kanyang ulo. Tawanan naman ang lahat sa ginagawa ni Carlo, yan talaga ang kanyang nakaugalian lalong lalo sa mga sitwasyon na hindi siya komportable, ang ngumiti sabay kamot sa kanyang ulo. “Ahhh magandang hapon sa lahat, pasensya na po, hindi ko po alam na pagsasalitain ako ngayon dito, sana kinapalan ko na yung mukha ko kanina at pumanta sa isa kung boss para manghiram ng necktie. Kaso lang nahiya talaga akong pumunta sa kanya kahit nangako naman yun na papahiramin ako…kasi alam ninyo, napagalitan kasi ako kagabi sa isang kasal-anan na nakalimutan ko  na siya pala ang boss at ako ay empleyado lamang.” Tawanan ang lahat sa kwento ni Carlo ang hindi niya alam nandoon sa isang sulok nakikinig sa kwento niya si Dave. “Ako pala si Carlo Puno, isang Architure student, isang anak ng  magsasaka, nag iisang anak, pero maraming kapatid na kalabaw at mga kambing dahil lumaki ako na sila ang laging kasama,” Tawanan na naman ang lahat sa mga hirit ni Carlo, isang bagay na nagustuhan sa kanya ng marami niyang kaibigan lalo na si Dave, dahil sa sense of humor nito at halos lahat na bagay ay dinadaan niya sa biro, kaya kahit nahihirapan na ito sa daming ginagawa tila gumagaan ang lahat dahil sa positibong pananaw nito sa buhay. “Sa ngayon po, laking pasalamat ko dahil nagkaroon ako ng full scholarship at naging partimer din sa burger shop mula 4 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi. Maliban don nagtatrabaho din ako bilang isang Personal Assistant sa isang mabait na kaibigan, este boss pala, na hindi ko alam baka tinangal na nga ako, kasi nagalit sa akin kagabi, kaya boss kung nakikinig ka man ngayon, huwag mo muna akong tangalin, saka na boss pag ma fully paid ko na yung laptop sa pinautang mo.” Pabiro sabi ni Carlo. ”Oo nag-aaral ako, nagtatrabaho  sa burger shop at may isa pa akong trabaho bilang Personal assistant. kaya ko naman, balak ko pa nga tumangap ng ibang sideline tulad ng direct selling, laundry, car washing at house keeping baka may kilala kayo I recommend ninyo ako.”  Halakhalakan ang lahat, sa pinagsasabi ni Carlo pati yung 5 mataas na opisyal na nandoon at ka pansin pansin naman na madami ang kumukuha ng video habang nagsasalita ni Carlo na tila ba nanunuod sila ng live comedy show dahil tuwang-tuwa ang lahat sa mga birong binibitawan ni Carlo. “Tungkol naman doon sa viral video, nang sinabihan ako ng supervisor ko kanina lang, kinabahan talaga ako dahil akala ko anong scandal ang mayroon ako. Mahilig talaga ako sa bata, maharil wala akong kapatid, parang gusto-gusto ko na nga magka baby, kaso lang ang problima wala naman nag presinta ng maging ina, baka may kilala kayo diyan pa recommend naman.” Tawanan naman ang lahat ng may mangilan-ilan babaeng nagtaas ng kamay sabay sabi ng “Ako gusto kung maging nanay ng baby mo!” “Sa mga nag presenta diyan pwede hintay-hintay lang kayo, saka na pagnakatapos na ako sa pag-aaral, kasi yan ang sabi ng boss ko eh, mas maganda daw magpakilala sa babae pag ganito. “Hi I’m architect Carlo Puno.” kaso ang problima baka hindi ako pumasa sa lincensure exam ng pagiging architect, nako! habang buhay ako nitong single.” Halakhakan ang lahat lalo ng sabihin niya ang “Pahamak talaga tong boss ko, gusto pang mangdamay sa pagiging single.” Samantala sa isang sulok tahimik na natatawa si Dave dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Carlo, napaisip siya kung sasabihin kaya ito ni Carlo, halimbawa kung alam nito na nandoon siya. “Nais ko pong magpasalamat sa pamunuan ng kompanyang ito, dahil napansin nila ang ambag nating lahat. Kaya siguro nag viral ang video na yun, kasi pag pamilya at bata ang kasama sa usapin ay tiyak na lahat makaka relate dahil lahat naman tayo may pamilya at dumaan sa pagiging bata. Salamat sa lahat na inspire sa munting halimbawa na ginagawa ko na pagkalinga, hindi ibig sabihin na lahat tayong nandito ay gawin na rin ang ginawa ko, ngunit sa pika simple nating pamamaraan, alam ko magagawa nating kumalinga at bigyan halaga ang iba sa abot ng ating makakaya. Maraming salamat po!” Isang malakas na palakpakan ang mariring lalo ng sinasabi ng host na “ Nako, hindi lang tayo na inspire sa oras na ito, napatawa pa tayo, magaling pala itong magpatawa si Carlo.” Habang nagkakainan na ang lahat, dahan-dahan lumabas si Dave at agad nagpunta sa kanyang sasakyan. Sa isip-isip niya sana hindi na lang siya nagpunta dahil hindi na pala kailangan ni Carlo ang damit na dala-dala niya. Ngunit naisip din niya na buti na rin na nagpunta siya at nakita at napakingkan niya ang nakakatawang impromptu speech in Carlo. Umalis at umuwi na lang si Dave, naisip niya na doon na lang siya mag-aabang sa apartment ni Carlo dahil sa tooto lang, gusto niyang makipag bati matapos niyang mapakingan ang pagsasalita  nito doon sa pagtitipon. “Bakit kaya lagi niya akong sinasama sa mga kwento niya, buti na lang hindi ako kilala ng mga naroon” sa isip-isip ni Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD