Alak

3747 Words
Ginabi na sa kahihintay si Dave ngunit hindi umuwi si Carlo. Ang pagkaka alam niya hanggang 6:00 ng gabi ang event, ngunit mag alas-nueve na hindi pa rin umuwi ito. “Saan kaya nag punta ang taong iyon?” Tanong ni Dave sa sarili. Kinuha niya ang kanyang cellphone at balak tawagan na lang si Carlo ng makita niya ang post ni Sam na nadoon pala si Carlo sa kanilang boarding house at nakikipag inuman ito sa kanila. Samantala sa boarding house, mag alas 10 na ng gabi hindi pa rin uwuwi si Carlo. Masayang nagkukwentohan ang magkakaibigan habang nag-iinuman ng palihim sa takot na malaman ng kanilang land lady. Si Carlo ang taya sa alak at pulutan dahil sa sobra saya niya sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa nakalipas na araw. Ngunit habang patagal ng patagal at tila na tatamaan na ito ng alak, nag-iba na ang kinukwento nito sa kanyang mga kaibigan. “Alam mo pre masaya ako pero malungkot na rin, kasi kagabi nga napagalitan ako ng boss ko, ang yabang niya sobrang yabang talaga, sinabihan ba naman ako ng “Personal Assistant ka lang” sobrang nanliit ako pre, buti pa yung may ari ng kompanya napansin kahit maliit na bagay na ginawa ko, pero itong si Boss Dave, nako mayabang din.” Sabi ni Carlo na halatang lasing na. “Tumatawag ako hindi ako sinasagot, bahala siya kung tangalin na  niya ako.” Dagdag pa nito. Habang nag-uusap sila biglang may kumatok, natataranta naman silang itago ang alak at pulutan sa pag-aakala na land lady nila ang kumakatok at mahuli pa silang nag-iinuman. Agad tumakbo sa kanilang mga higaan at nagkunwari tulog, Samantala si Carlo ay humiga sa dati niyang papag at nagkunwari din tulog. Si Sam ang bumukas sa pinto, at laking gulat  niya ng si Dave ang nakangiting bumungad sa kanya. “Ay Dave ikaw pala, halika pasok,” Sabi ni Sam sabay sara ng pintuan. “Akala namin ang landlady, nag-iinuman kasi kami, itinago muna namin, baka gusto mong sumabay?” Sabi ni Sam. “Saan si Carlo?” Tanong nito Dave. Nang marinig ni Carlo na si Dave pala ang dumating agad-agad itong bumagon na halatang natataranda, agad dinampot ang bag tumayo ng maayos upang hindi mahalatang nakainum. “Ay boss maganda gabi po!” Sabi nito kay Dave ngunit ka pansin-pansin nakayoko lang ito. “May ipapagawa ka sa akin boss?” Dagdag pa nito. “Mayron sumama ka sa akin” Agad naman sabi nito. Agad naman ng paalam ni Carlo sa dating ka board mate. “Mga tol sa susunod ulit ha, may ipapagawa sa akin si boss, itutuloy natin celebration, don’t worry babalik ako dito.” Sabi ni Carlo  sabay lakad papuntang pintuan. Naunang lumabas si Carlo at naiwan muna saglit si Dave sa loob ng kwarto. “Kanina pa ba yan dito? At anong celebration na sinanabi niya?” Tanong ni Dave. “Kanina pa kami nga alas 6 ng gabi nag simula mag-inuman, dumating yan dito masaya, ang daming masasayang kwento, pero habang tumagal, iwan ko ba, bakit parang biglang daming hugot, kaya siguro nag-yayang uminom may tinatagong hinanakit, sa katunayan siya ang taya nito Dave.” Sabi naman ni Neco at sadyang iniwasang bangkitin kay Dave sa siya ang dahilan sa pag-iinum nito. Nagpaalam na rin si Dave at sinundan si Carlo na nakatayo at naghihintay sa labas ng kotse, pagkabukas, agad pumasok si Dave samantalang nakikita nakatayo lang si Carlo. “O pasok ka na.” Sabi ni Dave. “Pwede dito muna ako sa back seat boss, nakakahiya tumabi sa iyo, amoy alak kasi ako.” Sabi ni Carlo nahalatang umiiwas ng tingin kay Dave. Pagkabukas ng back seat agad pumasok at umupo si Carlo at napansin niya ang damit na naka hanger sa loob ng kotse. Tiningnan ito ni Carlo ng maigi. Sasabihin na sana ni Dave na yun ang damit na hinanda niya  para isuot sa event ngunit naisip niya na pagdating na lang sa condo  sasabihin ang lahat pati ang pagpunta niya sa event na hindi alam ni Carlo. Kapansin-pansin na tahimik si Carlo sa buong byahe, at hindi sanay si Dave nito dahil lagi naman itong maraming kwento lalo na pag kasama niya ito sa loob ng kotse. “Tahimik pala tong taong ito at napakagalang kapag lasing.” Sa isip-isip niya. Samantala si Carlo ay nakaupo at halatang pinipilit ang sarili na hindi makatulog. Nakayuko lang ito habang tumakbo ang sasakyan. “Ano bang sini celebrate ninyo?” Tanong ni Dave. “Ahh wala naman boss, na miss ko lang sila.” Maikling sagot ni Carlo. “Musta ang pinuntahan mong event?” tanong ulit ni Dave sa pag-aakala na mag kukwento ito sa kanya kahit alam na naman niya ang mga nangyayari. “Okay naman boss.” Ang maikling sagot ni Carlo. Pansin ni Dave na tila wala sa mood maki pagkwentuhan sa kanya si Carlo. Hindi niya alam kung bakit, marahil sadyang tahimik ito pag nakainum, o talaga ayaw siya nitong patulan sa pakikipagkwentohan dahil nagdamdam pa rin ito sa kanyang sinabi ka gabi. Naalala niya ng sinabi ni Neco na dumating daw ito na masaya ngunit habang tumatagal ang inuman, naglalabas daw ito ng sama ng loob. Marahil nga masama ang loob nito sa kanya. Kung dati sanay siya  na si Carlo ang sumusuyo sa kanya pag naaasar at nagtatampo ito, pero ngayon parang bumaliktad ang mundo kung kaylan pa siya naging boss na ni Carlo siya pa ngayon ang sumusuyo sa kanyang empleyedo. Ginagawa niya iyon dahil alam niya hindi naman ordinaryong manggagawa si Carlo para sa kanya. “Pakibibit yan naka hanger na damit?”Sabi ni Dave habang palabas ang dalawa sa kotse. Pagdating sa loob ng condo, inilabag ni Carlo ang dalang damit sa kama ni Dave. “Kumain ka na Boss? Ipaghahanda muna kita bago mo ipapagawa sa akin yung gusto mo ipagawa.” Tanong ni Carlo. “Kumain na ako, magpalit ka ng damit at matulog ka na yan ang gusto kung gawin mo.” Sabi ni Dave habang nagtatangal ng sapatos. “Bukas na ng umaga natin gawin yung trabaho mo.” Hindi umimik si Carlo habang titig na titig sa kanya. Titig na alam ni Dave na may gusto itong sabihin pero pigil ito. “Tatlong oras akong naghintay dito sa iyo, hindi ka sumipot  yang damit na yan ang dapat mung suutin.” Sabi ni Dave sabay turo sa damit naka hanger. “Ahh ganun ba, salamat boss, pero na pag-isipan ko na hindi ko na yata kailangan maghiram, mas gusto ko ipakita sa tao kung sino ako diba? Saan ka ba nakakakita ng alalay, utusan at Personal Assistant lang na naka business suit? Saka hindi bagay yan sa akin.” Sabi ni Carlo habang naglalakad papuntang bintana at sumilip ito. Ngayon alam na ni Dave na dinamdam nga ni Carlo ang sinabi niya kagabi dahil sa mga pasaring nito sa kanya. Nilapitan si Carlo sa may bintana, inakbayan, nginitian at tinitigan. Tumingin naman sa kanya si Carlo ng bahagya at dumungaw ulit ito sa ibaba ng condo at tinitingnan ang mga magagandang ilaw sa ibaba. Ilang minuto sila sa ganung posisyon, naka akbay si Dave kay Carlo at walang imik ang isat-isa. “Sorry … okay bukas na tayo mag-usap pag hindi ka na lasing.” Sabi ni Dave. “No, wag kang mag sorry boss, ikaw tong boss sino ba naman ako ng bigyan mo ng ganun halaga, diba personal assistant mo lang ako, diba?” sabi naman ni Carlo. “Pssst, pwede ba bukas na tayo mag-usap, tulog ka na.”Sabi ni Dave sabay punta sa kanyang kama. “Halika muna dito.”Dagdag nito. Pagkalapit ni Carlo kay Dave agad niya itong sinabihan na hubarin yung suot na Polo shirt dahil nangangamoy usok, alak at pulutan. Ayaw gawin ni Carlo, ngunit nagulat siya ng si Dave na misyo ang dahan-dahan ng hubad nito. Sanay naman si Carlo na makita ang hubad na katawan ng bawat isa, ngunit sa oras na yun, nabigla siya ng si Dave na mismo ang naghubad nito sa kanya. Habang nakatayo parin kinuha ni Dave ang long sleeve at isunot ito kay Carlo, pagkasara ng mga botones, kinuha ang neck tie at sunod itong ikinabit sa leeg ni Carlo. Tiningnan ni Carlo ang maamong mukha ni Dave habang binibihisan siya, alam niya nakakailang ang bihisan ka ng ibang tao, ngunit hinayaan niya si Dave na gawin lahat sa kanya dahil ang totoo, kahit nakakailang ngunit parang gusto niya ang ginagawa nito. “O sinong nagsabi na hindi bagay sa iyo ang naka long sleeve at neck tie?” Sabi ni Dave habang inaayos-ayos ang mga kuwelyo ni Carlo. Nagdudulot ito ng kakaibang pakiramdam kay Carlo at agad naman niyang hinawakan ang dalawang pisngi ni Dave. Nagulat si Dave ng titigan siya ni Carlo sabay sabi ng “Bakit ang bait-bait mo sa akin? kahit hindi naman ako karapat-dapat boss?” bulong ni Carlo kay Dave.   Natulala si Dave habang titig-na titig si Carlo sa kanyang mga mata, nangungusap ito, parang gusto pasukin ang puso at kaluluwa niya, at ang sumunod na pangyayari ay tila parang kidlat na tumama sa kanyang katawan ng bigla siyang yakapin ni Carlo ng napakahigpit, na pakiramdam niya tila binalot ang buong niyang kataohan sa mainit na yapos nito sabay sabi ng “Im sorry boss, at salamat na rin sa lahat-lahat na kabutihan mo sa akin.” Sambit ni Carlo. Hindi kumawala si Carlo sa pagkayapos. Mga ilang sandali ninamnam naman ni Dave ang mainit na yapos nito, ramdam niya ang t***k ng puso ni Carlo pati ang tila mainit-init na singaw ng kanyang katawan na dumadampi sa kanyang mga balat.Bahagya itulak ni Dave si Carlo upang kumawala, ngunit umuungol lang ito at mahigpit pa rin ang pagkayap sa kanya. Pilit niya itong tiningnan ang mukha at doon niya nalaman na nakapikit na ang mga mata nito. “Nako tinulugan na pala ako ng lasing na ito.” Sa isip-isip niya. Tinapik tapik ang mukha upang gisingin “Hoy humiga ka, hoy ang bigat mo.” Sabi Dave, ngunit umuungol lang ito. Dahan dahan niya itong nilalayan para ihiga sa kama. Hiningal bigla ni Dave dahil sa bigat ng katawan ni Carlo. Pagkalapag niya sa kama agad naman siyang kumuha ng kumot para kumutan ito, ng biglang itabi ni Carlo ang kumot. “ Ayako niyan mainit.” Sabi nito sabay hatak sa kanya at yapos ulit nang napakahigpit. Parang masasakal si Dave sa higpit ng pagyakap ni Carlo at pansin niya habang nagpupumiglas siya mas lalo nito hinihigpitan ang pagyapos. Nakapatong ang kalahati ng katawan niya sa katawan ni Carlo at ang mukha niya ay nakapatong mismo sa malapad na dibdid nito. Hinayaan lang muna niyang yapusin siya nito hanggang tuluyan na itong makatulog. Dinig na dinig niya ang pintig ng puso ni Carlo pati ang paghinga nito. Mga ilang minuto din sila sa ganun posisyon, mahigpit siyang niyayakap ng taong mahal niya ngunit ang gumagambala sa kanyang isip ay kung mahal ba din siya nito, napakasaya niya sa tagpong iyon kahit alam niyang ang ligaya na kanyang naramdaman ay panandalian lamang. Nang mapansin niyang tulog na ito, dahan-dahan siyang kumawala mula sa pagkayapos ni Carlo, sabay bigay ng unan nito. Bigla naman itong niyapos ni Carlo, tumagilid at bumaluktot. Saka pa niya naalala na hindi pala ito nakakatulog ng maayos kung walang unan na yayapos. Kinabukasan tanghali ng nagising si Carlo, umupo sa gilid ng kama na tila nag muni-muni kung bakit ba na punta siya sa kwarto ni Dave ng biglang niyang napansin na nakasuot siya ng longsleeve at naka neck tie pa. Maririnig sa loob ng banyo ang patak ng tubig na nagmumula sa shower. Dali-daling tumayo si Carlo at hinubad ang suot nitong longsleeves. Lumabas si Dave na bagong ligo pa lang nakasuot lang ito ng short at maluwag na sando. Nagkatingan yung dalawa. “Pwede maka gamit ng banyo boss saglit.” Sabi ni Carlo. Ngumiti lang si Dave. Pumasok si Carlo sa banyo, samantala si Dave ay naghahanta ng kape. Ilang saglit lang lumabas na ito, naghilamos lang pala ito, nakapantalon ngunit walang damit pag itaas. “Bakit hindi ka naligo, maligo ka muna  amoy chico ka.” pabirong sabi ni Dave. “Oh ito ipagtimpla kita ng kape, tinapangan ko na, inum ka muna.” Dagdag pa nito. Lumapit si Carlo sa lamesa kaharap si Dave, umupo at diretso ang tinggin sa kape na hinanda ni Dave sa kanya. “Kakahiya naman boss, ikaw pa talaga nag timpla ng kape para sa akin.” Sabi ni Carlo habang dahan dahan hinila palapit sa kanya ang timpla kape. Halatang hindi ito tumitingin kay Dave. “Sino ba sa palagay mo ang magtimpla para sa iyo, dalawa lang tayo dito.” Sabi naman ni Dave. Humigop ng kape si Carlo, pagkalapag ng tasa biglang ito yumuko sabay hawak sa kanyang ulo. “Sakit ng ulo ko.” Sabi nito. “Lasing na lasing kaya kagabi.” Sabi ni Dave. “Lasing??? Hindi ha, kunti lang naman ang ininum namin” Sagot nito. “Ano hindi? Kung hindi ka lasing sigi nga, sabihin mo kung ano ang pinaggagawa mo sa akin ka gabi.” Tanong ni Dave. Biglang napatingin si Carlo kay Dave, parang pilit inialala kung ano ba talaga ang nagyayari ka gabi. “Wala naman akong ginagawang masama sa iyo boss,” Sabi nito. “O lasing ka nga hindi mo na maalala lahat na pinag gagawa mo.” Nakangiting sabi ni Dave. Biglang na tahimik si Carlo, tumingin ito kay Dave. Humigop ng kape at yumuko. “Boss pasensya na talaga, parang ang dami ko na talaga atraso sa iyo.” Sabi nito na parang nahihiya. Tumayo si Dave pumunta sa kanyang cabinet at pagbalik may ibigay itong damit kay Carlo. “Magdamit ka muna.” Sabi ni Dave. Kinuha ni Carlo ang damit ngunit hindi naman ito isinuot, ipinatong lamang ito sa kanyang balikat, humigop ulit ng kape sabay buntong hininga. “Sorry sa nangyari noong nakaraang gabi, palpak naman pala plano ko, ang bait mo kasi sa akin wala akong maisip na bagay upang kahit papano masuklian kita. Kinausap ko si Casandra sa pag aakala na magugustuhan mo ang ginawa ko. Tama ka boss, tila sumubra na yata ako, naabuso ko na kabaitan mo. Tama ka naman sino ba ako na pakialaman yung personal life mo. Kaya sorry talaga boss. Hindi na rin ako nagpunta dito kahapon para sa make over kasi hiyang-hiya na ko. Totoo yan boss, ngayon pagkagising ko ikaw pa talaga ng timpla sa akin ng kape at ito pinapapahiram mo naman ako ng damit mo.” Sabi nito. Tumayo na si Dave, kinuha ang damit nakapatong sa balikat ni Carlo at siya na mismo nagsuot nito kay Carlo. “Ang aga ng drama mo, kaya ba hindi mo ito susuutin kasi nahihiya ka?” Sabi ni Dave habang mabilisan isinuot ang damit kay Carlo.Hindi naman pumalag si Carlo sa pinaggawa nito na parang siyang batang binibihisan. Napangiti na lang ito ng pagkatapos bihisan ni Dave, hinaplos haplos ang mga ulo sabay sabi ng “Alam kung didamdam mo rin yung sinabi ko, pasensya na rin, aaminin ko nabigla lang kasi ako sa mga pangyayari at asar na asar ako sa iyo sa gabing iyon.” Sabi naman ni Dave. “Galit ka pa ba sa akin?” dagdag pa nito. “Galit? Hindi ahh, nahihiya lang talaga ako sa iyo boss, totoo, hiyang-hiya ako sa iyo, sorry talaga.” Sabi nito. “Boss tanong ko lang, bakit ang bait mo sa akin? Dagdag pa nito habang nakatingin kay Dave sa mata. Halatang iniiwasan ni Dave ang tingin niya kay Carlo pagkatapos sa tanong na iyon, hindi siya handa sagutin si Carlo sa totoong dahilan kung bakit nagpapakita siya ng kabutihan dito. “kasi ayoko kung mawala ka sa akin.” Diretsong sagot ni Dave. “Mawala? Grabe ka naman hindi pa naman siguro ako mamatay at saka 2nd year college pa lang ako, 5 years naman tong course ko, ikaw pa yata ang unang mawala kasi next year gagraduate ka na.” Sabi ni Carlo. “Ang ibig kung sabihin ang bait mo naman din sa akin, diba? Ayakong magtatapos lang ito sa dahilang hindi naman masyadong malaki tulad ng hindi pagkakaintidihan. Hindi ko maisip na pakakawalan kita dahil lang sa asar na asar ako sa iyo, yung asar at galit, itulog  mo lang yan, kinabukasan wala na yan diba?” sabi ni Dave. “Gaano ba ako kahalaga sa iyo kung bakit kailangan mo pa akong sundan noong umakyat kami sa bundok? Alam kung nandoon ka rin.” Tanong ni Carlo. Biglang na tulala ni Dave sa sinabi ni Carlo. “Nako alam pala ng taong ito na tahimik akong sumama sa kanila sa hiking.” Sa isip-isip niya. Hindi siya maka pagsalita, humigop ng kape at umiling na nakangiti. “Akala mo hindi ko alam ano? noong nakahiga na ako sa loob ng tent at kakatapos lang nating mag-usap, kinalikot ko yung bagong cellphone na bigay mo, nakita ko na pariho tayo ng location, nasa toktok ka rin ng bundok sa oras na iyon base sa cellphone location mo. Naisip ko na baka mali lang ang setting dahil sino bang mag-aakala na nadoon ka. Kinabukasan, pag-uwi at pag log-out namin nakita ko ang pangalan mo na kauna-unahang taong nakababa sa bundok. Inaakala ko kapangalan mo lang. Kinahapunan tuwawag ka dahil masakit katawan mo at nagpapabili ka ng gamot, nakita ko mga paa mong pagod na pagod. Hindi ako naniniwala na dahil sa pa jogging mo yun. Kinabukasan habang tulog ka pa, diba pag-gising mo malinis na, habang naglilinis ako nakita ko yung backpack at tent at maruming mong sapatos na nakatago sa ilalim ng iyong kama. Doon ko na confirm na ng hiking ka rin, pero dahil hindi mo sinabi sa akin, hindi na rin ako nagtanong.” Sabi ni Carlo. Humigop ulit si Dave ng kape sabay sabi “Oo umakyat din ako, at yun na siguro ang pinaka nakakabaliw kung ginawa sa buong buhay ko, at may dahilan ako kung bakit ko ginawa yun.” Nakangiting sabi  ni Dave. “Boss nahihiya naman kasi akong yayain ka kasi alam mo na, kaming mga magkakaibigan laking hirap kasi kami parang kahit saan kami isalpak ayos lang. Ikaw hindi ko alam kasi baka hindi mo naman type ang pinaggawa namin kaya hindi na ako nagyayaya sa iyo. Pero ng nalaman ko na pumunta ka rin mag-isa parang na guilty ako, alam kung hindi naman ganun kadami ang iyong kaibigan at mapili sa mga taong gusto mo pakibagayan, alam mo na, naiintihan ko yun, iyan din ang isang dahilan kung bakit ng set ako ng isang blind date dahil gusto ko lumawak ang circle of friends mo kahit papano, kahit wala ako may iba ka din mapupuntahan na kaibigan, kasi naramdamam ko na malungkot ka minsan.” Sabi ni Carlo. “Yes, malungkot ako pamisan minsan, yan na nga siguro ang dahilan kung bakit ` sumali doon sa brotherhood na nag-utos sa akin ng kung ano-ano mga challenge, pero napatunayan ko na may mga tao pala na kayang tangapin ang buo kung pagkatao kahit walang initiations rites. Malungkot ako dati, pero ngayon hindi na, mula ng dumating ka sa buhay ko, aaminin ko nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Yan ang sagot ko sa tanong mo kung bakit ayaw kung mawala ka sa akin.” Sabi ni Dave.  “Talaga boss? nambola ka naman, madami ka pa naman kaibigan diyan matatagpuan kung buksan mo lang yung sarili mo para din sa iba, subukan mo, ako minsan hindi kita masakyan sa lahat na trip mo, dahil alam mo na lumaki akong kalabaw lagi ang kasama.” Natatawang sabi ni Carlo. “May isang bagay pa akong sasabihin sa iyo, alam kung may pinopormahan kang babae, sana makikinig ka sa payo ko, sana pagkatapos mo   na ng college saka ka mangligaw. Kasi ako nakahanap na, pero sasabihin ko lang sa taong iyon kung gaano ko siya ka mahal pag graduate na ako, at promise, sisiguraduhin ko na nandoon ka sa araw na iyon, sa harap mo mismo sasabihin ko lahat ang naramdaman ko sa kanya. “Talaga? Diba next year gagraduate ka na? ang swerte naman babaeng yun.” nakangiting sabi ni Carlo. “Don’t worry boss, sinunud ko naman din yun payo mo, promise wala din akong liligawan hanggang makatapos ako, at promise din ikaw din ang unang makaka alam kung sinagot na ako ng babaeng liligawan ko. Yung sila Ellah boss, alam mo, gusto ko siya, pero alam mo ba kahit nakasama ko siya sa hiking at nagkakaroon kami ng maraming oras sa isat-isat, hindi ko pa naman talaga siya niligawan, dahil naalala ko rin sabi mo at sabi na rin ng mga magulang ko, na kung pwede saka na ako mag girlfriend pagtapos na ako sa aking pag-aaral.” Sabi ni Carlo. “Oo nga, yan ang sabi mo kagabi sa speech mo.” Nakatawang sabi ni Dave. “Bidang bida ako doon ha, buti na lang hindi alam ng mga tao na ako yung boss na tinutukoy mo.” Dagdag pa pa nito. Biglang napakunot ang nuo ni Carlo at nagtataka kung bakit kaya alam ni Dave ang pinagsasabi niya kagabi sa event. “Tika lang bakit mo alam ang mga pinagsasabi ko doon ha company event ha?” Tanong ni Carlo. “Oo nandoon ako, ihahatid ko sana tong damit, kaso pinagkakaguluhan ka na ng mga fans mo dahil bagong celebrity ka na dahil doon sa viral video.” Natawang sagot ni Dave. “Hindi ako naniniwala sa iyo, paano ka na kapasok na sa pagkakaalam ko exclusive yung event at ang may invation lang ang pwede makapasok.” Sabi ni Carlo. Kinuha ni Dave ang kanyang cellphone sabay pakita kay Carlo ang recorded video sa nakakatawang improtu speech niya. “Ito o ebedinsya!” sabi nito. Kita-kita nga sa video ang pagsasalita ni Carlo sa event na iyon, doon niya nalaman kung gaano karami ang nanuod, na kanya-kanya din record ng kanilang video. Kita kita rin niya kung gaano ka aliw ang mga ito sa mga hirit niyang biro tungkol sa kanyang boss at mga bagay-bagay tungkol sa kayang buhay, ang hindi niya alam na ang boss pala na pinag sasabi niya ay nandoon sa isang sulok tahimik na nagmamasid at nakikinig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD