Kakatapos lang ng klase ni Carlo, bitbit ang kanyang mga kagamitan, naglalakad ito sa lobby ng university nang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya, si Lucy ang nag message. Kung pwede ba daw dumanaan muna ito sa library pagkatapos ng kanyang klase dahil may taong gustong kumausap sa kanya. Napaisip siya kung sino kaya ang taong iyon. Dahil matagal-tagal na ring hindi siya nakapunta sa library at hindi na rin niya nakikita ng personal ang dating mga kasamahan, nagpasya siyang pumunta upang kamustahin na rin ang mga ito.
Pagdating niya, agad siyang lumapit sa dalawang kaibagan na nakatayo sa counter ng library. Si Lucy at Paulo lang ang nandoon, wala si Felix dahil may pasok daw ito. “Umupo ka muna, parating na yung taong gusto kang makausap.” Sabi ni Lucy. “Sino ba yan?” Usisa niya. “Kayo na mag-usap, itext ko lang saglit” sagot naman ni Lucy.
Agad naghanap ng mauupuan si Carlo, sumunod naman sa kanya si Lucy na nakangiti. “Musta ka na? Alam mo pinasa ni Dave yung video mo, yung nagsasalita ka doon sa event, sobrang nakakatawa, miss ko na nga mga biro mo, paano kasi itong dalawa kung kasama parang iwan. Si Felix napaka kill joy, ito naman si Paulo walang ginawa kundi mag retouch.” Sabi ni Lucy.
“Talaga pinasa niya sa iyo? Kung alam mo lang ang totoong kwento, mas lalong kang matatawa. Hindi ko kasi alam na nandoon si Dave, kaya banat ako ng banat ng joke tungkol sa kanya. Kinabukasan ko na nalaman ng pinakita na niya yung video na kuha niya. Napagalitan kasi ako noon, kaya iwan ko ba kung bakit siya naging subject ng mga jokes ko sa oras na yun.” Natatawang sabi ni Carlo.
Habang nag-uusap yung dalawa, biglang may pumasok na isang lalaki at agad kinawayan at sininyasan ni Lucy na lumapit sa kanila. Familiar sa kanya ang mukha ng lalaki at inisip niya kung saan kaya ito niya nakita, nang bigla niya naalala na ito pala yung kasama na Dave sa Mr. University na nursing student na naging 1st runner –up.
“Ito yung sinasabi ko sa iyo James, si Carlo ang kaibigan naming architure student na magaling sa pagdodrawing.” Sabi ni Lucy. “Usap muna kayo diyan” Sabi nito sabay alis pabalik sa library counter.
“Diba ikaw yung 1st runner up sa Mr. University?” Tanong agad ni Carlo.
“Oo, buti natatandaan mo ako.” Sagot naman ni James.
“Oo naman iisang school lang naman tayo at imposibling hindi kita makikila na nakabalandra yung mga mukha ninyo sa labas at loob ng campus diba?” Sabi ni Carlo.
“Balita ko magaling ka daw sa drawing, may special project kasi ang batch namin, kailangan namin ng magaling sa drawing para sa project na ito, nagtanung tanung ako hanggang may nakapagsabi sa akin na magaling ka daw sa guhitan. Pwede mo ba kaming matulungan?” Sabi ni James.
“Anong maiitulong ko?” Sagot naman ni Carlo.
“May ipapadrawing kami, medyo mahirap at mabusisi ito, pero don’t worry babayaran ka namin ng husto. Itong human anatomy illustration ang I draw mo, kailangan namin ito isang araw bago mag final exam.” Sabi ni James.
Bahagyang tiningnan ni Carlo ang larawan na kanyang gagayahin, sa tinggin niya kaya naman, ang problima, wala siyang drawing table sa kanyang apartment.
“Alam mo gusto ko sana, kaso wala pa kasi akong drawing table sa bahay, hindi ko naman yan pwede dito sa school gagawin, balak kung bumili, nag-iipon pa ako, may nakita na ako, higit isang libo kasama na ang ilaw.” Sabi ni Carlo.
“Drawing table lang pala kailangan mo, ito na lang, bukas magkita tayo, ma ngungulikta ako ng advance payment sa mga kasamahan ko para makabili ka ng drawing table at masimulan mo na ito kaagad.” Alok ni James.
“ Babayaran ka naman namin ng 150 pesos per drawing, 1/2 cartolina size ang pagguguhinatan mo, eh 12 piraso ito, so 12 X 150 = 1800 diba? siguro sapat na iyon pambili ng drawing table mo ano? Magandang offer na yan diba?”Sabi ni James. “At hindi naman ito ganun ka urgent, tandaan mo lang isang araw bago mag final exam ito namin kailangan.
Hindi na tinangihan ni Carlo ang napakagandang offer na yun. Napag-usapan nila na magkikita sila kinabukasan para ibigay yung downpayment nang makabili na siya ng drawing table.
Kinagabihan, nagpunta si Carlo sa condo ni Dave, pagpasok pa lang niya agad siyang tinanong ni Dave kung bakit siya nagpunta doon. “Okey lang ba kung pupunta ako dito gabi-gabi para check ka?” Tanong ni Carlo.
“Ano ba yan, parang bata naman ako, ang usapan natin pupunta ka lang naman dito kung kailangan kita, hindi naman kita pinopursigi pumunta dito araw-araw.” Sagot naman ni Dave.
“Kaya tinatanong kita eh, pero ayaw mo yatang makita mo ako araw-araw, nagsasawa ka na yata sa pagmumukha ko.” Pabirong sabi ni Carlo.
“Eh baka gusto mo dito ka na tumira okey lang sa akin. Ano kailan ka lilipat?” Sabi naman ni Dave.
“Wag na naman, may tirahan naman ako, mas ok yung dinadalaw lang kita, basta boss kung kailangan mo talaga ako, tawagan mo lang ako kahit anong oras sisipot ako.” Sabi ni Carlo. “Nandito pala ako dahil may gagawin tayo.” Dagdag ni Carlo.
“Ano naman yan gagawin natin?” tanong ni Dave.
“Maya-maya may kakausap sa iyo, video call ito, yung tatlo mong kapatid nasa ibang bansa gusto kang makausap” Sabi ni Carlo.
“Ano? ni minsan hindi ko pa yan sila nakakausap, hindi ko nga alam mga pangalan nila.” Sabi ni Dave.
“Ito oh, yung panganay ninyo, Andro pangalan, may-asawa na, si Berlyn at may isang anak si Liam. Yung pangalawa si Tessa, May asawa na rin, si Bert wala pang anak, kakasal lang last year. Yung bunso halos ka edad mo, nag-aaral pa rin, si Temothy ang panglan. Hayun may back ground kana, gusto ka nilang makausap, sandali lang mag online muna ako, para makapag-usap na kayo.” Sabi ni Carlo sabay tayo para kunin ang kanyang laptop.
“Sandali, saan mo ba na kuha yang mga info nila? Parang hindi pa yata ako handa makausap sila” Sabi ni Dave.
“Bakit naman mga kapatid mo sila sa Ama, sila yung nag reach out, sa kagustuhan ng daddy mo at diskarte ko na rin, please Dave, kailangan mo na ngayon buksan ang puso mo para sa kanila, mga kapatid mo sila.” Sabi ni Carlo.
“Hindi ba nakakahiya?”Tanong ni Dave.
“Anong nakakahiya doon? Mga kapatid mo sila at nakausap ko na sila, mababait naman, excited sila makausap ka rin.” sabi ni Carlo.
“Nakausap mo na sila? Talaga?” Tanong ni Dave.
Binuksan ni Carlo ang laptop at agad nag online.
“Ready ka diyan, alam kung nakahanda na rin sila sa oras na ito, naka schedule na ito noong nakaraang linggo pa.” Sabi ni Carlo habang inihanda ang kanyang laptop.
Nang nakita ni Carlo na naka online na si Andro agad niya itong tinawagan. Ilang saglit lang sumagot naman ito.
“Sir Andro si Carlo po ito, yung personal assistant ni Dave, nandito na po siya, usap na po kayo.” Sabi ni Carlo.
“Nandito na siya!” Sigaw ni Andro at Biglang naman lumitaw sa screen ang iba pang kapatid ni Dave.
“Hi Dave kumusta ka?” Sabi ng Bunsong si Temothy.
“Sandali lang hindi ako si Dave, si Carlo pa po to, yung Personnal Assistant niya.” Sagot naman ni Carlo kay Temothy. “Dave hali ka na?”
Lumapit si Dave sa harap ng laptop at agad ngumiti kahit halatang kabado ito. “Hello kumusta po kayo.”
“Oh my God, you look like Temothy!” Sambit ni Tessa. “Ako ang ate Tessa mo, ito naman, si Kuya Andro mo, itong isa si Temothy naka look alike mo, itong bata, si Liam Pangakin mo, anak ng kuya mo si Andro.
“Hi Liam! How are you?” bati ni Dave sa napa cute na batang lalaki na kalong ng kanyang Ama. Bigla naman sumingit si Temothy sa screen.
“Hi, kamukha daw kita? Wow ang pogi ko pala kung ganun, buti ikaw ang naging kamukha ko hindi si kuya Andro.” Pabirong sabi ni Temothy.
“Alam mo hindi sumangi ni minsan sa isip ko na mangyayari ito. Anyway malalaki na tayo alam kung may bagay na kaya na nating I handle. Salamat na rin sa PA mo, alam mo siya ang may plano nito. Finally nag kausap na rin tayo, I can’t wait na magkita tayo in person, sana pag-uwi ko diyan sa Pilipinas.” Sabi ng kuya niyang si Andro.
“At saka wag ka munang mag-iisip ng kung ano-anong bagay ang mahalaga na alam namin at alam mo din na may mga kapatid ka. Sana ito na yung simula sa mas maganda pang bagay para sa atin.” Sabi naman ng ate niyang si Tessa.
Magkahalong emosyon ang naramdamdam ni Dave sa oras na iyon, dahil sa unang pagkakataon nakausap ang kanyang mga kapatid kahit sa video call man lang. Sa unang pagkakataon narinig niyang may tumawag sa kanya ng kapatid at naging emosyonal siya dahil sa mahabang panahon pilit niyang inihiwalay ang sarili, dahil para sa kanya, isang hindi kanais-nais na bagay ang maging anak sa labas. Alam niyang hindi niya kasalanan iyon, ngunit ang mga pangyayari sa kanyang buhay pilit siyang nilinlang sa isang kaisipan na kakaiba siya at patapon dahil lumaki siyang walang ama.
“May kapatid pala ako!” Sabi ni Dave sabay yuko para ikubli ang kanyang luha.
“No! pls don’t cry, gusto kitang kayapin talaga!” Sabi si Tessa sa kabilang linya na nagsimula na ring maiyak. “Yes we’re sibling, I hope those tears are happy tears! Oo naman kahit half brother ka lang, kapatid pa rin namin, pls don’t feel bad, please pinapaiyak mo naman kami.” Dagdag ni Tessa sa pinakamalambing na boses nito.
“Sorry! Mix emotion po lang ito, masaya ako na malungkot, iwan, hindi ko nga maintindihan.” Sabi ni Dave sabay pahid ng mga luha gamit ang kanyang mga palad. Nakita naman ito ni Carlo at agad naman siya nilapitan sabay bigay sa kanya ng tissue at tinatapik-tapik ang kanyang mga balikat.
“Ay ang sweet naman ng PA mo, kakaingit sana ako rin.” Biro naman ni Temothy.
“Oo nga, pasalamat na rin ako na dumating itong tao ito sa buhay ko, mabait na kaibigan at parang kapatid na rin ang turingan naming sa isat-isa. Alam mo siya ang naging kapatid ko dito bago kayo dumating, ngayon ang saya ko kasi ang dami ko ng kapatid” Sabi ni Dave habang patuloy pa rin sa pag-iyak. “ Sorry talaga hindi ko talaga mapingilan luha ko nakakahiya.” Dagdag pa nito.
Masayang- masaya si Carlo sa oras na iyon, dahil nagtagumpay siyang mailapit si Dave sa kanyang mga kapatid. Alam niyang ito na ang simula upang mabuo ang pamilya nito. Alam niyang malungkot ito dahil sa mahabang panahon natutu itong mamuhay na mag-isa at ngayon ang simula upang malaman nito na may mga taong nagmamahal sa kanya, kung kusang buksan lang ang puso nito at hayaan ang mga sugat ng kahapon na maghilum. Kung kanina iyakan ang eksina sa usapan, ngayon kitang-kita ni Carlo ang saya sa mukha ni Dave habang nakikipag-usap ito sa kanyang mga kapatid. Si Temothy ang pinaka madal-dal sa lahat, madaming tanong at biro sa kanya.
Pagkatapos ng pag-uusap agad nilapitan ni Dave ni Carlo nakatayo sa harapan ng labado at naghuhugas ng pingan. Biglang ito inakbayan ni Dave na sobrang higpit hanggang ang akbay ay naging napahigpit sa yapos habang nakatalikod si Carlo sabay halik-halik nito sa kanyang batok. Nakikiliti si Carlo at pumigpiglas ngunit nahihirapan siya dahil may hawak siyang bumubulang foam na ginagamit niya sa pahuhugas ng pingan.
“Ayy wag diyan may kiliti ka dyan, hoy ano ka ba!” Natatawang sabi ni Carlo. “Ang weird mo ngayon!” Dagdag pa nito.
“Hayaan mo na ako, alam mo gusto ko sanang yapusin ang mga kapatid ko, kaso wala kaya ikaw na lang, ang saya-saya ko talaga, at salamat na rin dahil ikaw pala ang may plano nito.” Sabi ni Dave.
“Pwede ba bitiwan mo na ako, tatapusin ko lang muna tong ginagawa ko.” Sabi ni Carlo.
“Ituloy mo lang yang ginawa mo habang niyayapos kita sa likod, sigi na hindi pa ako nag-sawa.” Nakatawang sabi nito.
Habang yapos na yapos pa siya ni Dave sa likod, inilapag ni Carlo ang bumubulang foam, pilit inabot ang gripo upang manghugas at dinampot ang basahan upang punasan ang basang kamay. “Ahh ganun, ito pala gusto mo.” Sabi nito sabay hawak ng dalawang kamay ni Dave na nakapulotpot sa kanyang baywang at agad itong nagpangbuno upang makawala ito sa pagkayapos ni Dave. Hinigpitan ni Dave lalo ang kanyang pagkayapos kay Carlo at tila mga manlalaro sila ng wrestling na pilit sinusubukang itumba ang isat-isat.
Dahil sadyang malakas si Carlo, at nang mapansin ni Dave malapit na siyang matalo nito, agad niya itong pinakawalan sabay takbo. Naabutan siya ni Carlo at siya naman ngayon ang yapos-yapos nito, binuhat, inikot-ikot at inihagis ito sa kama sabay balot sa kanya ng kumot at pinaghahampas ito ng ulan. Tawanan yung dalawa na parang mga bata.
“Tama na hinangal na ako, ang lakas mo talaga hindi talaga kita kayang itumba.” sabi ni Dave.
“Oh ano lalaban ka pa?”Sabi naman ni Carlo sabay tanggal ng kumot na nakabalot sa katawan ni Dave. Hingal na hingal si Dave na nakangiti at nakahiga sa kama. Biglang namang humiga at ginawang ulan si Carlo ang dibdib ni Dave. “Naalala ko tuloy ni Ado, yung pinsan kung makulit.” Sabi ni Carlo.
“Bakit kaya kapag masaya ka parang gusto mong yakapin lahat na tao sa iyong paligid at parang gusto mong halikan.” Nakangiting sabi ni Dave.
“Alam ko sobrang saya mo, salamat naman tagumpay yung mga plano ko. Naisip ko kasi, na bago kita tulungan makahanap ng girl friend mas maganda na ilapit muna kita sa mga kapatid mo, sa pamilya mo diba?” Sabi ni Carlo.
“Salamat talaga ha.” Sabi ni Dave sabay sa pingot sa isang tainga ni Carlo. Tumayo ka na diyan, ginawa mo pa akong unan, ang bigat mo.” Dagdag nito.
“Aray naman boss” Sabi naman ni Carlo.
“Pa boss boss ka diyan, sigi na, tayo na!” Sabi ni Dave.
“Ayoko, mamaya na ang sarap pala gawing unan dibdib mo boss ang bango parang nakakalibog.” Natatawang sabi ni Carlo.
“Sira talaga ito, nalilibugan ka sa akin?” Gulat na tanong ni Dave.
Biglang umupo si Carlo at tumitig kay Dave ng ilang saglit sabay ngiti at kindat nito.
“Alam mo boss kung babae ka pa lang, siguro matagal na kitang binuntis.” patawang sabi ni Carlo.
“m******s talaga to, ang weird mo, alis nga dito.” Nakangiting sabi ni Dave.
Tumawa na lang ng napakalakas si Carlo ng marinig niyang sinabihan siya na m******s ni Dave. Alam naman niyang biro lang lahat na ginagawa niya at aliw na aliw siya sa reaction ni Dave lalong ng kinindatan niya ito.