Kinabukasan, ayon sa kanilang usapan nagkita sina Carlo at James para ibigay yung paunang bayad at upang makabili na rin si Carlo ng drawing table. Nag-alok si James nasasamahan niya si Carlo bumili dahil may sasakyan naman ito. Hinatid siya sa apartment at tinulungan I set up ang drawing table. Mag-kakahiway ang mga bahagi ng lamesa at kailangan pa itong I screw ayon sa nakasulat na instruction nito. Tinulungan siya ni James I set up ang drawing table ng napansin ni Carlo na pawis na pawis na ito.
“James ako na dito, upo ka lang diyan,pawis na pawis ka na, gusto mo hubarin mo na yang damit mo, medyo maalikabok kasi ito drawing table, papahiramin kita ng damit.” Alok ni Carlo sabay tayo at kuha ng sando sa kanyang cabinet.
“Wag na yang damit, huhubarin ko na lang ito.” Sabi naman ni James.
Habang nagsetsetup yung dalawa ng drawing table, marami marami na rin ang kanilang napagkukwentuhan. Dahil sadyang masayahin at palakaibigan si Carlo agad naman nakapanatagan ng loob ang dalawa kahit pangalawang beses pa lang itong nagkita.
Lumabas saglit si Carlo at pagbalik may dala na itong dalawang bote ng softdrink.
“Palamig ka muna James, pasensiya na electric fan lang ang mayroon ako, medyo mainit dito, o pawis na pawis kana.” Sabi ni Carlo sabay turo sa nakahubad na katawan ni James. “Nag woworkout ka ba?” ang ganda ng katawan mo ha?” dagdag pa nito.
“Oo paminsan-minsan, ikaw baka gusto mo maging gym buddies tayo, I enroll kita doon sa gym kung saan ako nag woworkout, ililibre kita ng registration fee baka gusto mo, may promo sila ngayon.” Sabi naman James. “Maganda naman din katawan mo, saan ka nag gi-gym?” Tanong ni James.
“Wala natural ito, ito yung katawan ng magsasaka, batak sa trabaho sa probensiya hindi na kailangan ang workout.” Sabi ni Carlo sabay hubad ng kanyang damit.
“Naman! hindi mo na kailangan ang magbuhat, maintain mo na lang yan, saka ang ganda ng kulay mo, baka gusto mong sumali sa mga bikini open pasok yang katawan mo.” Sabi ni James.
“Wala na akong oras sa mga iyan, alam mo hindi biro ang architure na course at may partime job pa ako sa burger shop, tapos may trabaho pa ako bilang isang Personal Assistant.” Sabi ni Carlo habang patuloy na kinakabit ang bahagi ng drawing table.
“Ang busy mo pala, ito nadagdagan pa trabaho mo dahil sa pinapagawa namin sa iyo, don’t worry, babayaran ka namin ng husto, wala kasi kaming ibang makita.” Sabi naman ni James.
“Okay lang, kaya ko naman ito.” Sagot naman ni Carlo.
Pagkatapos mabuo ang drawing table, agad itong ipinuwesto ni Carlo sa tulong ni James sa isang sulok ng kanyang kwarto, sinindihan ang ilaw at agad umupo sa harap ng mesa.
“Wow! Alam mo ang tagal ko ng pangarap to, sobrang saya ko nakabili ako nito sa tulong mo, teka lang susubukan natin to.” Sabi ni Carlo sabay kuha ng lapis at ang kanyang sketch pad. “ Pwede umupo ka ng maayos diyan sa gilid ng kama I guguhit kita ng masubukan natin ang drawing table na ito.” Sabi ni Carlo kay James.
Agad naman umupo si James sa gilid ng kama at humarap kay Carlo.
“Matagal ba to? Bigla yata akong naging model nito.” Sabi naman ni James habang nakangiting nakaharap kay Carlo.
Agad-agad naman siyang iguhit ni Carlo ng mabilisan, tahimik nakaupo si James habang ginagawa ito ni Carlo, samantalang si Carlo ay pasulyap sulyap sa kanya habang ginuguhit ito. Paglipas ng ilang minuto, agad pinakita ni Carlo ang guhit niya kay James.
“Ito, sketches pa lang yan, papagandahin pa natin yan mamaya, wow iba talaga kapag may drawing table ka, ito maayos mo magagawa yung gusto mo.” Sabi ni Carlo habang inaabot ang drawing kay James.
“Wow! Ang galing mo pala, sketch pa lang yan ha, tingnan mo kuhang-kuha mo ngiti ko, pwede ba akin na lang ito?” Sabi ni James habang hawak hawak niya ang sketch ng kanyang mukha.
“Oo, pagnatapos na ibibigay ko to sa iyo, isasabay ko na lang sa mga pinapagawa mo sa akin.” Sabi naman ni Carlo. “Inumin mo na yang softdrink mo.” Alok ulit ni Carlo kay James.
“Nag-iisa ka lang dito?” Tanong ni James habang umiinum ng softdrink.
“Oo, mas gusto ko to dahil alam mo na, yung course ko hindi bagay sa magulong boarding house, ang daming mga plan at drawing na gagawin, kailangan ko rin ng tahimik ng kwarto.” Sagot naman ni Carlo.
“Talaga yan ang dahilan?” nakangiting tanong ni James. “O baka gusto mo lang talagang mag-isa dahil ayaw mo ng estorbo, ilang chicks naba nadala mo dito?” Dagdag pa ni James.
“Yun lang, kahit isa wala pa, mga kaibigan ko lang nakapunta dito, sa pagkakantanda ko, parang ikaw yung pangalawa, kasi yung iba sila yung tumulong sa akin makalipat dito. May crush ako pero hanggang crush lang muna, alam mo na, saka na yan pagtapos na ako.” Sabi ni Carlo.
“Talaga? Sa gwapo mong iyan ni isa wala ka girlfriend? Masyado ka naman seryoso, relax lang, baka gusto mong sumama sa akin paminsan-minsan malay mo doon mo mahanap ang forever mo.” Nakangiting sabi ni James.
Nakaupo pa rin sa gilid ng kama si James habang pinapatuloy ni Carlo ang kanyang pag-guhit ng biglang bumukas ang pintu-an at bumungad sa kanila si Dave na may bitbit na box ng pizza. Pariho silang tatlo nagulat. Hindi pala na I lock ni Carlo ang pintuan noong bumili siya ng softdrink.
“Ay boss nandito ka pala, pasok may bisita pala ako, si James I’m sure kilala mo siya.” Sabi ni Carlo.
Gulat si Dave kung bakit nandoon si James sa loob ng kwarto ni Carlo at wala pa itong damit pang-itaas, samantala ni James naman ay nagulat din ng nalaman niya na magkakakila pala si Dave at Carlo.
“Oh magkakakila pala kayo? Ang liit talaga ng mundo ano?” Nakangiting sabi ni James.
“Ahh hindi lang basta magkakailala James, siya yung sinabi ko sa iyo na boss ko, personal assistant niya ako.”Sabi ni Carlo. “ Ahh boss may gagawin ba tayo?” tanong ni Carlo kay Dave na nakatayo pa rin sa may pintuan.
Hindi umimik sa Dave at dahan-dahan itong naglakad palapit sa mesa at inilagay ang pizza na kanyang dala. “Wala naman.” Sagot nito kay Carlo.
“Hindi ko inakala na dito pa tayo magkita muli Dave, kumusta ka na? Sabi ni James sabay lapit at kinamayan ito. “May gagawin ba kayo ni Carlo? Tanong nito.
“No okey lang, tatapusin niyo muna yung ginagawa ninyo.” Sabi naman ni Dave.
“Actually tapos na, tinulungan ko lang tong si Carlo bumili ng drawing table, nabalitaan ko kasi na magaling ito sa drawing, may pinapagawa ako, tangihan niya sana dahil nga wala daw siyang drawing table, kaya binigay ko na sa kanya yung paunang bayad para makabili na siya, hayun hindi na naka tangi.” Sabi ni James.
Habang nagsasalita si James, sinusulyapan ni Dave si Carlo na abala sa pag papaganda ng larawan ni James na kanyang iginuhit.
“Paano Carlo, uwi muna ako ha, baka may gagawin pa kayo ng boss mo.” Sabi ni James sabay dampot ng kanyang damit at isinuot ito. “Yung mukha ko na iginuhit mo, akin na yan ha pag tapos na.” Dagdag pa nito.
“Salamat pala sa pagtulong mo ha, napagod ka tuloy, don’t worry ibibigay ko to sa iyo pagtapos na, teka lang ihahatid kita.” Sabi ni Carlo sabay tayo ito.
“Yung sabi ko sa iyo, baka gusto mong mas lalong pang magpalaki ng katawan, sabihin mo lang, saka lumabas-labas ka naman paminsan-minsan sama ka sa akin, gimmick tayo at pahingi nga number mo, tatawagan kita kung kaylan ko kukunin yang pinapadrawing ko.” Sabi ni James.
“Nako naka charge yung Cellphone ko pwede ba yung number mo na lang ibigay mo sa akin ako na lang tatawag sa iyo, teka lang kukuha muna ako ng papel at ballpen.” Sabi ni Carlo.
Agad naman kinuha ni Dave yung sketch pad na pinagdrawingan ni Carlo sa mukha ni James at ibinigay kay Carlo.
“Ito o, dito mo isulat” Sabi nito.
“Huwag yan, mahalaga to sa akin ang drawing na yan!” Sabi naman ni Carlo.
Pagkasulat ng number agad umalis ang dalawa naiwan sa loob si Dave at agad itong lumapit sa bagong drawing table at tinitigan ang mukha ni James nakakaguhit pa lang ni Carlo. Kumuha ito ng lapis at nilagyan ng sungay at pangil ang mukha ni James. Nagawa niya ito dahil sa loob-loob niya ay ang umaapaw na selos sa oras na yun. “May pa drawing-drawing pa kayo ha.” Sa isip-isip niya.
Paglipas ng ilang minuto bumalik na si Carlo mula sa paghatid kay James sa labas, nakangiti ito at agad nilapitan si Dave na nakaupo sa sofa, naka di kwarto habang nakatingin ito sa kanyang cellphone.
“Boss bakit nandito ka, may ipapagawa kaba sa akin?” Tanong ni Carlo.
“Ilang oras akong naghintay sa burger shop, kung hindi ako pumasok at nagtanong hindi ko malalaman na kahapon palang nagpaalam ka na hindi papasok, tinatawagan kita patay ang cellphone mo.” Sabi ni Dave habang kinakalikot ang cellphone.
“Sorry boss naka charge yung cellphone, nalowbatt kasi kanina habang binibili naming yang drawing table, hindi na rin ako nagpapaalam sa iyo, kasi diba may schedule akong binigay sa iyo, schedule ko to sa pasok sa burger shop ginamit ko lang.” Sabi ni Carlo. “Boss pwede ba doon ka na lang tumawag sa luma kung cellphone, wag dito sa bago madali kasing malowbatt ito, akin na yang cellphone mo I phonebook natin yung number mo.” Dagdag pa nito.
“Bakit kailangan mo pang ihiway yung number ko? Ayaw mo ng estorbo o ayaw mo ng mabisto?” Asar na tanong ni Dave.
“Anong mabisto? Wala naman akong sekrito sa iyo, doon ko kasi inilagay kung number ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko, doon ko iniligay ang number ng mga taong importante sa akin.”Sabi ni Carlo.
“Importante ha? gaano ako kahalaga sa iyo? At sa totoo lang wala akong tiwala sa mga taong maraming sim card.” Sabi ni Dave.
“Nako! pinagduduhan pa ako, ito na nga yung lumang number ko ang tatawagan mo pagkailangan mo ako, kasi matagal itong malowbatt, at kabilang ka na rin sa mga importanting tao sa buhay ko dahil boss kita eh diba?” Sabi ni Carlo sabay abot kay Dave ng lumang cellphone. “Sigi na iphonebook mo dito, teka marunong ka pa ba gumamit nitong cellphone ko, panahon pa kasi ito ng mga dinosuours.” Pabirong sabi ni Carlo.
Kinuha ni Dave ang cellphone at agad ipinonbook ang number nito, at saglit din niyang tiningan kung sino ang mga taong naka phonebook. Nakita niya na hindi nga umabot sa sampung katao ang nandoon, kadalasan mga pinsan ni Carlo sa probensiya.
“Sabi mo mga importante tao sa buhay mo ang nandito, eh bakit wala si Elah dito?” Sabi ni Dave.
“Wala dyan si Elah boss, wala pa naman akong personal na ugnayan sa kanya.” Sabi ni Carlo. “ Hindi tulad mo, alam mo na?” Dagdag nito.
“Anong alam mo na? Anong alam ko?” Usisa ni Dave.
“Bakit boss, wala pa tayong personal na ugnayan, Boss kita, sinasahuran mo ako, ang laking ugnayan yun ha, kaya takot ako sa iyo baka sasabihin mo na “your fired.”” Patawang sabi ni Carlo sabay upo ulit sa kanyang drawing table nang laking gulat niya ng nagmumukhang satanas na ang mukha ni James nakakadrawing lang niya.
“Anong nangyayari nito?” biglang tanong ni Carlo “Mahalaga to sa akin ang drawing na ito.” Sabi ni Carlo habang pailing-iling ito.
Mas lalong uminit ang ulo ni Dave sa selos ng muli naman niyang narinig na sinabi ni Carlo na mahalga sa kanya ang drawing na iyon.
“May pa sketch sketch pa kayo? At nakahubad pa? bakit sobrang halaga sa iyo ang drawing na yan ha?” Asar na sabi ni Dave.
“Syempre ito yung kaunauhang drawing ko sa bagong drawing table na ito, may significance ito boss, tingnan mo, ginawa mo namang diablo si James.” Sabi ni Carlo.
“Kailangan mo pala ng drawing table, bakit hindi mo sinabi para mabilhan kita, saka may sahod ka naman mula kay Daddy ha, tingnan mo sa ATM mo, bakit mo pa tinangap yung pinapadrawing sa iyo, eh di mas lalo lang dumami trabaho mo.” Sabi ni Dave.
“Alam mo ba Boss ang ganda naman ng offer ni James, ang hirap tangihan at alam mo ba masaya ako dahil ito yung kauna-unahang gamit ko nabili, at tong drawing table na ito ay magagamit ko to forever diba?” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Bakit parang ang saya-saya mo ngayon?” Tanong ni Dave.
“Boss naman palagi naman akong masaya diba, ikaw lang naman itong sinusumpong minsan, tulad ngayon parang aburido ka naman” Sabi ni Carlo. “Gutom ka ba? Halika kainin nating tong dala mong pizza.” Sabi ni Carlo.
Ang hindi alam ni Carlo kaya nag-init ang ulo ni Dave dahil nagseselos ito kay James, lalong-lalo na naabutan niya ito sa nasa loob ng kwarto ni Carlo na walang damit at masayang nagkukwentuhan at may lakad pala ang dalawa na hindi niya alam.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni James? Bakit hindi ko yata alam?” Sabi ni Dave.
“Hindi kahapon lang kami nagkita, nagpunta kasi sa library at ng tanong kay Lucy tungkol sa akin, si Lucy naman ang nagcontack sa akin.” sagot naman ni Carlo.
“Kahapon lang, bakit parang ang sobrang close na kayo, my pa drawing-drawing pa kayong nalalaman.” Sabi ni Dave.
“Bakit parang pinagdidiskitahan mo talaga tong drawing ko sa mukha ni James, bakit ang dami mo ngayon tanong, galit kaba? Sorry, hindi na ako nakapag-paalam sa iyo kasi feeling ko hindi naman kailangan.” Sabi ni Carlo.
“Sa bagay hindi mo na ako kailangan ngayon, dahil may James ka na” sabi ni Dave sabay higa sa sofa.
“Hala hala! wag ganun boss, hindi porket may bago na akong kaibigan kakalimutan na kita. Tulad nitong luma kung cellphone kahit may bago na ako hindi ko pa rin ito ipagpapalit, nagseselos ka ano?” Sabi ni Carlo sabay tayo at lumapit kay Dave at hinila ang kamay upang muling ito paupuin sa sofa. “Don’t worry I drawing rin kita, umupo ka ng maayos.” Sabi ni Carlo.
Umupo naman si Dave, ngunit hindi nakatingin kay Carlo kundi nagkunwari tumitingin sa kanyang cellphone. Muling umupo si Carlo sa harap ng drawing table at iginuhit ang mukha ni Dave ng mabilisan. “Ito o ginuhit na rin kita ng hindi ka magseselos dyan.” Nakangiting Sabi ni Carlo.
Hiniharap ni Carlo ang guhit niyang nakakatawang caricature ni Dave. Ang laki ng mga tainga, ilong pati ang bibig.
“Ang pangit naman niyan, yung kay James bakit ang ganda?” Sambit ni Dave.
“Boss caricature yan, palibhasa wala ka kasing alam sa art, saka paano kita iguguhit ng maganda eh nakasimagot ka.” Sabi ni Carlo. “Alam ko na paano kita papasayahin” Dagdag pa nito.
Lumapit si Carlo kay Dave at tinulungan ayusin ang pagkaupo, tapos binuksan lahat na botones sa kanyang polo at inihawi ito hanggang makita ang kanyang katawan. Kinabahan ni Dave sa sunod na ginawa ni Carlo, dahan dahan pinupunasan nito ang kanyang dibdib gamit ang kanyang palad at bahagyang hinawi-hawi ang maninipis na balahibo sa ibaba ng kanyang pusod. Pilit na pinigil ni Dave ang kiliti na kanyang naramdaman habang dahan-dahan sinasalat-salat ni Carlo ang kanyang mga balat. “Yan para sexy, okey harap dito, I guguhit kitang ganyan ka sexy, tingin ka dito.” Sabi ni Carlo.
Sunod-sunodran naman ni Dave sa mga pinaggagawa ni Carlo, umupo ito ng maayos habang nakatingin kay Carlo na abala sa pag guhit sa kanya.
Ilang saglit pa ipinakita ni Carlo ang kanyang guhit kay Dave. Nagtaka siya kung bakit dalawang maitim na bilog lang ang nakita niya.
“Ano yan? Tanong ni Dave
“ u***g mo, diba ang sexy.” Sabi ni Carlo. Sabay tawa ng napalakas
“Loko-loko ka talaga!” natatawang sabi Dave sabay kuha ng unan at ibinato ito kay Carlo.
“Yan tumawa ka na, ayos na!” sabi naman ni Carlo.
“Bakla yata yun.” Biglang sabi ni Dave.
“Sinong bakla?” Tanong ni Carlo.
“Si James, feeling ko bakla yun, kaya mag-ingat ka!” sabi naman ni Dave.
“Eh ano ngayon kung bakla boss, wala naman problima doon, saka ang bait naman yung tao diba.” Sagot naman ni Carlo.
“So okey lang sa iyo makipagrelasyon sa bakla?” Tanong ni Dave.
“Relasyon agad? pwede ba kaibigan lang muna.” Sagot naman ni Carlo.
“Nagseselos ka nga kay James ano? Aminin mo na, kasi ang akala mo pagnakahanap ako ng bagong kaibigan ma iisatpwera ka na. ” Dagdag ni Carlo.
“Selos agad? Pwede ba nag-aala lang muna.” Sagot naman ni Dave.
Hindi ma amin-amin ni Dave na nagseselos nga siya. Hindi niya maiintidihan kung bakit parang takot na takot siya maagaw sa kanya si Carlo kahit alam naman niya ang katotohanan na hindi niya ito pagmamay-ari. Gusto-gusto na niyang sabihin ang naramdaman nito ngunit dahil sa takot na baka mawala si Carlo sa kanya kung malaman nito ang katotohanan, pinilit niyang inilihim at umasa na pagdating ng takdang panahon masabi niya kung gaano niya ito ka mahal. Ang tanong nga lang kung kaylan ito mangyayari.