Nakatayo si Carlo sa harap ng salamin, nakasuot lang ito ng brief nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Timothy ang nag vivideo call, agad-agad itong sinagot ni Carlo. “Sir Tim good morning po!” Sagot ni Carlo habang hinawi-hawi ang basang buhok nito.
“Oh bakit ka nakahubad, Nakaka estorbo ba ako?” Sabi naman ni Timothy sa kabilang linya habang nakahilata ito sa kanyang kama.
“kakalabas ko lang mula sa banyo sir, Si Boss Dave ba kailangan mo? mamayang gabi pa ang punta ko doon sa kanya.” Sagot naman ni Carlo habang naglalakad papuntang cabinet upang maghanap ng damit na maisuot.
“Tigilan mo na nga kakatawag sa akin ng Sir, ikaw naman talaga ang gusto kung makausap, busy ka ba?” Tanong ni Timothy.
“Hindi naman mamaya pa ala-una klase ko, maaga akong gumising kasi may gagawin ako, ito oh.” Sabi ni Carlo sabay lapit ng kanyang cellphone sa drawing table upang makita ni Timothy ang tambak na kanyang gagawin.
“Ahh oo nga no, architure students ka pala, magaling ka pala sa guhitan, puro drawing at plano pala yang ginagawa mo, at sino yang mga mukha naka sketch?”Tanong ni Timothy ng mahagip sa camera ang iginuhit niyang mukha ni James at Dave.
“Ahh ito si James kaibigan ko, ito namang caricature, si Boss Dave kaya ito, pinagtitripan ko.” Nakatawang sabi ni Carlo.
“Nag-iisa ka lang ba dyan?” Tanong ni Timothy.
“Oo kailangan ko rin itong tahimik na kwarto dahil alam mo na, ang dami kung mga ginagawa ayoko doon sa magulong boarding house.” Sabi ni Carlo sabay lapag ng kanyang cellphone sa harap ng kanyang drawing table at umupo ito at kinuha ang sketch pad at lapis. “Sir Tim puwesto ka ng maayos I iguguhit din kita.”
“Talaga, sandali lang.” Sabi ni Timothy sabay tayo at lipat ng pwesto para makahanap ng tamang angulo. Nagulat si Carlo ng hubarin ni Timothy ang kanyang suot na T-shirt at walang kiming binaba ang kanyang short at humarap kay Carlo. “Ito kaya mo itong iguhit?” nakatawang sabi ni Timothy.
“Sure ka? Sigi tayo ka diyan? Nakatawang sabi naman ni Carlo.
“Wag na binibiro lang kita, sigi na ituloy mo lang yang ginagawa mo habang nakikipag-usap ka akin pwede naman diba?” Sabi ni Timothy habang nakangiting itinaas ang short.
“Nagulat ako sa nakita kung tuta” natatawang sabi ni Carlo. Kakaiba ka rin ano?” Dagdag pa nito.
“Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ibang t**i?” Natatawang tanong ni Timothy.
“Hindi naman, madalas ko na rin makita ang tuta ng pinsan kung si Ado, loko-loko din yun, madalas kaming sabay maligo sa ilog kaya nakikita na rin naming ang aming mga hubad na katawan, minsan nga kinukumpara namin kung kaninong tuta ang mas cute.” Natatawang sabi ni Carlo. “Ok lang sa iyo, may ginagawa ako dito habang nandiyan ka nanunuod?” Dagdag ni Carlo.
“Sigi lang go ahead.” Sagot naman ni Timothy. “Buti hindi nanginginig yang kamay mo no? kahit pagod na pagod sa ibang gawain, tapos may katabi ka pang lotion at tissue paper sabi nila nakakanginig at nakakapasma daw yan ng kamay.” Pabirong sabi Timothy.
“Ikaw sir ha, gawain mo din yan.” Natatawang sagot ni Carlo. “Pero hindi ako naniniwala na kakapasma yan ng kamay Sir Tim, ako nga minsan 3 times day pa hindi naman ako napasma.” Sagot naman ni Carlo sabay tawa ito ng malakas.
“Grabi yung 3 times a day ha, pero nakakarelate din ako niyan” Sagot naman ni Timothy.
“Diba gawain mo rin yan, o tanong, nagkapasma kaba? Kung totoong nakakapasma yan eh di sana itong mga tuta natin ang unang nanginginig.” Sagot naman ni Carlo na sobrang tawa. “Pero parang totoo din, tingnan mo yan mga kamay mo Sir Tim sobrang maugat” Dagdag pa ni Carlo.
Tawang-tawa ni Timothy sa mga biro ni Carlo. Yan ang gusto ko sa iyo dahil pagdating sa biruan hindi ka talaga umaatras. “Sabi ni Timothy.
“Ilang chicks na bang naiuwi mo diyan sa boarding mo?” tanong ni Timothy.
“Wala pa nga Sir Tim, sa totoo wala akong gf ngayon, hanggang crush lang muna, saka na pagtapos na ako. May gusto ako doon sa kasamahan ko sa burger shop, si Ellah pero hanggang tinggin lang muna, ayaw rin kapatid mo na magkaka girlfriend na ako.” Sabi ni Carlo.
“Ano? ayaw ni Dave? anong paki-alam niya sa lovelife mo.” Tanong naman ni Timothy.
“Hindi naman sa nakiki-alam siya sa lovelife ko, pero nakikinig din ako sa mga payo niya, alam mo na, wala naman masama doon diba? saka malaki din ang utang na loob ko sa kapatid mo at wala naman siyang ginawang hindi maganda para sa akin at parang kapatid ko na rin siya, kaya sinusunod ko na rin mga payo niya, baka kasi tangalin niya ako, sayang din, alam mo na.” Sabi ni Carlo.
“Nako may sarili ka naman apartment anong paki alam ni Dave kung dalhin mo diyan si Ellah diba?” sabi naman ni Timothy. “Kaya pala ako tumawag sa iyo dahil may sasabin pala ako.” Dagdag ni Timothy.
“Ano yun?” tanong naman ni Carlo.
Bago pa nakasagot si Timothy biglang may kumatok sa pintuan. “Tika lang may kumakatok, baka si Dave yan, sandali lang bubuksan ko, siya lang naman ang pumupunta dito.” Sabi ni Carlo sabay dampot ng kanyang cellphone at nagtungo sa pintuan. Bago niya binuksan, ititutok muna niya ang kanyang cellphone upang makita ni Timothy si Dave, ngunit laking gulat ni Carlo na si Casandra ang nakita niyang nakatayo sa tapat ng Pintuan.
“Hi Cassandra bat naligaw ka?” Gulat na tanong ni Carlo. “ Sir Tim, saglit lang ha tatawagan kita maya-maya, may bisita ako.” Sabi ni Carlo nakangiti.
Isang malakas na tawa naman ang narinig ni Carlo mula kay Timothy sa kabilang linya. “Take your time boy, okey bye for now.” Sabi ni Timothy sabay putol ng kanyang tawag.
Agad naman hinarap ni Carlo si Cassandra naka tayo sa harap ng pintuan. “Pasok ka, pasensya na sa room ko medyo makalat ,naligaw ka yata? bakit alam mo na dito ako nakatira?” tanong ni Carlo.
“Well hindi naman mahirap pala hanapin tong apartment mo, dumaan lang ako may pintuhanan lang kasi kaming magkaibigan diyan sa unahan, nandiyan sila sa labas naghihintay, dumaan lang ako para I conferm kung talagang dito ka nakatira, ito kasi yung address na ibigay sa akin ni James.” Sabi ni Cassandra.
“Si James? kilala mo si James?” Tanong ni Carlo.
“Oo naman, ako pa nga ang nag recommend sa iyo dahil alam kung magaling ka sa pagguguhit. Iisang school lang naman tayo so natural na magkakakila tayo diba.” Sabi ni Cassandra. “Hindi na ako magtatagal, may mga kasamahan akong naghihintay sa labas, baka pag kinuha na yan ni James ang pinapagawa niya, saka ako sasama at tayong tatlo naman ang mag dedate, pangbawi ko sa iyo sa ginawa mong kolokohan sa amin ni Dave.” Sabi ni Cassanda na natatawa.
“Si Dave pala saan yan nakatira?” Tanong nito. Dalawa ang tirihan niyan, sa bahay nila at pero ngayon sa condo niya yan nakatira.” Sagot naman ni Carlo.
“Sigi alis na ako, ituloy mo na yan ginawa mo.”Sabi naman ni Cassandra.
Pagka-alis agad isinara ni Carlo ang pintuan at natatawang tinawagan si Timothy upang tanungin kung ano ang sasabihin nito, dahil naputol ang usapan nila dahil sa pagdating ni Casandra.
“Tapos na? ang bilis naman, ikaw ha wala girlfriend daw, pero may dumadalaw.” Sabi ni Timothy na tawang-tawa sa kabilang linya.
“Sir Tim hindi ko yun girlfriend, kaibigan lang.”Sabi ni Carlo habang inaayos ang cellphone sa harap ng mesa.
“May Ellah na, may Cassandra pa! kaya pala naka brief ka lang kanina, ready for quickie ka na pala, tapos sasabihin mo, wala akong girlfriend.”Sabi ni Timothy na hindi maawat ang pagtawa sa kabilang linya.
“Hindi ko nga girlfriend yun at ayoko rin ng quickie, kakabitin yun.” Natatawang sagot ni Carlo “Teka ano ba yung sasabihin mo sa akin?” tanong nito.
“Diba gagradute na si Dave next year, uuwi ako isusurprise natin siya, wag mong sabihin ang mga plano natin.” Sabi ni Timothy.
“Wow maganda idea yan, oo nga kawawa naman kasi siya walang kamag-anak na dadalo so at least nandiyan ka,” Sabi naman ni Carlo.
“At may surprised party tayo para sa kanya, basta tayong dalawa ang magpaplano basta wag na wag mo tong I leak sa kanya.” Sabi ni Timothy sa tila excited sa kanilang gagawin.
“Ayos yan! Sisiguraduhin natin na most memorable ang araw na yun, saka alam mo ba sinabi niya sa akin na sa araw mismo ng kanyang graduation sasabihin niya kung sino ang babaeng gusto niya at liligawan daw niya mismo sa araw na yun. Diba exciting din?” sabi naman ni Carlo.
“May isa pa akong sadya kung bakit kita kinausap dahil magpapatulong ako na kumbinsenhin si Dave na makigpakita kay Lolo. Matagal na daw itong gustong mangyari ni Daddy pero ayaw ni Dave. Baka matulungan mo kami, mahalaga kasi daw ang pakay ni Lolo kay Dave, kaso lang ang ilap nga ni Dave, hindi naman pwede ni Daddy pilitin” sabi ni Timothy.
“Nandito lang pala lolo ninyo sa malapit? Hindi yan nabangit sa akin ni Dave.” Sabi ni Carlo.
“Kausapin mo si Dave, sa sabado daw ng hapon, paki samahan mo kung pwede, importante ito, sana sumipot kayo sa usapan kasi ayaw ni Lolo na masasayang oras niya, alam mo na pag business man bawat minuto pera ang tinggin nila.”
‘Sigi subukan kung kausapin, mag fefeedback ako sa iyo bukas ng umaga.” Sabi naman ni Carlo.
Kinagabihan agad nagpunta si Carlo kay Dave at sinabi ang planong pagkikita nila sa kanyang lolo.
“Tumawag sa akin si Daddy at Timothy kanina, sinabi na rin nila na gusto nga daw makipagkita sa akin ang lolo, kaso nag-aalangan ako, ano pa sa palagay mo ang gagawin ko.” Tanong ni Dave kay Carlo. “ Ano pa di pumunta ka, nako yung matanda na mismo ang nag request, tatangihan mo pa, at dati pa daw itong hiling ng lolo ninyo, bakit ayaw mong pabigyan, lolo mo naman yan diba?” Sabi Carlo.
“Ang totoong dahilan kung bakit ayaw kung makipagkita sa kanila dahil ayaw ko maging malapit ako sa pamilya nila, tangap ko na anak ako sa labas, tama na yun, ayako ng pahihirapan pa lalo ang damdamin ko kung pilit kung isisiksik ang aking sarili sa hindi ko naman talaga tootong pamilya.” Sabi ni Dave.
“Anong hindi totoong pamilya? ako nga tinggin ko sa iyo kapatid na kita, isipin mo yan ha,ni hindi kita kadugo, ano pa kaya sila na pariho kayo ng ama.” Sabi ni Carlo.
“Alam mo maraming nagsasabi na kaya dumadami ang mga anak sa labas dahil may mga Ina silang mukhang pera, pinili maging kabit para sa kayamanan, kaya pilit kung nilalayo sa sarili ko sa kanila, sa yaman nila, dahil alam kung hindi yan ang dahilan kung bakit si Daddy at mommy ay nakakarelasyon” Sabi ni Dave.
“Dave, nakausap muna mga kapatid mo, okey naman sila, yung daddy mo naman, masaya sa takbo ng mga pangyayari, ngayon lolo mo na rin ang gustong kumausap sa iyo, sana naman pagbigyan mo naman yung matanda, kasi yung dugo na dumadaloy sa katawan mo ay tulad din ng dugo ng matanda, pareho kayong Sequerra diba? please, sa sabado, sasamahan kita, okey?” Sabi ni Carlo. “Ano gusto mo gawin ko, sabihin mo na ngayon, kahit anong gusto mo gagawin ko basta pupunta lang tayo sa lolo mo okey?” Dagdag pa nito.
“Nandiyan naman tayo sa mga alok mo iyan, bakit palagi kang nagtatanong kung ano ang gusto ko everytime na may gusto kang gawin ko, baka kung sasabihin ko sa iyo, takbohan mo ako.” Sabi ni Dave.
“Bakit kita tatakbuhan, basta naman yung ipapagawa mo ay yung alam mo na kaya ko naman gawin.” Sabi ni Carlo.
Tahimik na nakatitig si Dave kay Carlo, tumayo sabay nagbuntong hininga.
“Ano pupunta tayo sa lolo mo ha?” pangungulit ni Carlo “Sigi na sabihin mo na ano gusto mo para magawa ko na ngayon at hindi mo na mababawi.” Dagdag nito.
“Paano kung sasabihin ko sa iyo na ikaw ang gusto ko!” Biglang sabi ni Dave.
Biglang natahimik at nakatinginan yung dalawa.
“O ano bakit natahimik ka? Sabi ko, ikaw ang gusto ko.” Sabi ni Dave.
Ngumiti si Carlo at lumapit kay Dave.
“Hindi yan kasama boss, alam ko na yan noon pa!” Nakangiting sabi ni Carlo.
“Alam mo noon pa na gusto kita?” gulat na sabi ni Dave.
“Oo naman, sinabi yan ng yaya mo, sinabi din yan ng mga kaklase mo, sinabi din yan ng mga kaibigan ko, pansin naman ng lahat na gusto mo ako. Pati nga mga kapatid mo, daddy mo alam nila na gusto-gusto mo ako, dahil kung hindi matagal mo na aking sinipa palayo sa buhay mo diba? Dahil magaling aking Personal Assistant, magaling akong utusan, body guard at mabuting kaibigan kaya gusto-gusto mo ako diba? sa palagay mo ba magtatagal ako bilang kasa-kasama mo kung hindi mo ako gusto.” Sabi ni Carlo.
Biglang napalunok si Dave sa mga sinasabi Carlo, ang buong akala niya na alam ni Carlo na hindi lang sa may gusto siya nito, ngunit mahal na mahal niya ito ngunit hindi niya ito masabi. Ang pagkakaunawa ni Carlo na gusto siya ni Dave ay taliwas at iba sa pagkakagusto na naramdaman ni Dave. Mas lalo mahihirapan si Dave ngayon dahil alam niya na sa puso at isipan ni Carlo, isa siyang boss at kaibigan lamang at kung may pagmamahal man ito, hindi tulad sa pagmamahal na naramdaman niya kay Carlo.
“Alam mo naman din na gustong-gusto kita, diba boss? kaya upang mas lalo kitang magustuhan pupunta tayo sa lolo mo sa sabado okey?” nakangiting sabi ni Carlo.