Sumapit ang sabado at kasalukuyan Binabaybay na nila ang daan na papunta sa bahay ng lolo ni Dave ayon sa ibigay na address ni Timothy. Kailangan bago mag-alas 3 ng hapon nandoon na sila dahil ayaw daw ng matanda na pinapaghintay ito. Pagpasok nila sa napagarang bahay, agad silang sinalubong ng sekretarya ng lolo ni Dave at agad silang dinala sa kwarto kung saan nandoon ang lolo nito.
Kumatok ang sekretarya at sumilip sabay sabi ng “Sir nandito na po sila.” “Papasukin mo.” Sagot naman ng matanda. “Magmano ka.” Bulong si Carlo kay Dave habang papasok sila. Nakayoko ang matanda habang inayos-ayos ang salamin nito. Pagkapasok nila agad lumabas ang sekretarya, at laking gulat ni Carlo na ang matanda na kanyang kaharap ngayon ay parihong matanda na nagsasalita at pinakilala bilang CEO Founder sa kompanya na kanyang pinagtatrabohaon.
“Magandang hapon po!” Sabi ni Dave sabay kuha ng kamay ng kanyang lolo.
“ Mano po!”
Tinitigan Mr. Sequerra si Dave habang nagmano ito, “Nako 3 taon ka palang noong una at huli kitang makita, ang laki mo na, salamat naman na pinaunlakan mo ang ako.” Sabi ng lolo ni Dave.
Samantala si Carlo ay natulala at hindi maka paniwala sa nalaman na lolo pala ni Dave ang may-ari sa burger shop ng kanyang tinatrabaho-an. Pagtingin ng matanda kay Carlo agad naman bumati sa matanda ng magandang hapon. Napatigil bigla ang matanda ng saglit habang tinitigan niya si Carlo.
“Ikaw? Bakit kayo magkasama? Diba ikaw si Carlo Puno?” tanong agad ng matanda.
“Opo, at ako po ang Personal Assistant ni Dave, nagulat rin ako, hindi ko pa alam na ikaw pala ang lolo ni Dave.” Sagot naman ni Carlo.
“Ibig isabihin si Dave ang tinutokoy mong boss sa mga kwento mo doon sa event?” Tanong ng Matanda.
“Oo nga po,” sagot ni Carlo nakangiti.
“Biruin mo, sinong mag-aakala na pagtatakpuin ang ating mga landas sa ganitong paraan diba? Anyway, gustong kitang makausap dahil sa napakahalagang bagay nasasabihin ko sa iyo Dave.” Sabi ng matanda sabay sandal sa kanyang upuan.
“Excuse me sir, baka hindi ako kailangan sa usapang ito, siguro pwede muna akong lumabas.” Sabi ni Carlo sabay tayo.
“No, diyan ka lang” sambat naman ni Dave.
“Well personal assistant ka ni Dave dapat mo rin mapakingan ang lahat na paguusapan namin.” Sabi ng lolo ni Dave.
“Noon pa gusto na kita makita, pero masyado ka pang bata, hindi muna kita pinupursigi, ngayon nasa tamang edad ka na at malapit ng magtapos sa pag-aaral, alam kung dapat mo ra rin malaman ang mga bagay-bagay sa pagiging Sequerra mo. Alam naman ng buong pamilya na anak ka sa labas, ngunit hindi naman kanyang takpan ang katotohan na isa ka ring Sequerra sa katunayan ang apilyedo na yan ay dala-dala mo ngayon dahil yan ang kagustuhan ko, kahit nangyayari ito sa hindi tamang paraan.” Sabi ng lolo ni Dave sa napakamalumanay na pagsasalita.
“Ngayon, maliban sa bahay at ilang ari-arian na kapangalan sa iyo, mayroon ka ring yaman na makukuha pagnakatapos ka na ng college, at sa palagay ko hindi ka mahihirapan dahil magaling ka naman sa iyong pag-aaral, sa katunayan sa sunod na taon magtatapos ka na.”
“Nakahanda na kahit saang department na gusto mong pagtatrabahoan pag tapos ka na, Ngunit sa pagkaka-alam ko dahil Business Management ang course mo, may nakaplano na ako para sa iyo, dito kita ilalagay sa main office, syempre magsisimula ka muna sa pinakamababa for formality and familiarization, Ano ba masasabi mo?” Tanong ng lolo ni Dave.
“Salamat po, pero parang napakaaga naman yata ng mga plano mo, next year pa ako magtatapos” Sabi naman ni Dave.
“Apo, ganyan dapat sa totoong buhay hindi lang sa negosyo, dapat laging may long term plan, upang sa ganun paglabas mo sa pintuan na yan, magsisimula ka na sa iyong mga plano upang makamtan mo ang mga ito.” Sabi nito.
“At isa pa, ang pinakamahalaga sa lahat na long term plan ko para sa kompanyang ito ay manatiling Sequerra ang pinakamataas na official, at kailangan ko ang tulong mo.” Sabi ng lolo ni Dave.
“Ano ang maitutulong ko.” Tanong naman ni Dave.
“Una, galingan mo sa panahon nandito ka na, dapat ipamukha mo sa lahat na isa kang Sequerra. Pangalawa, at wala ng paligoy-ligoy pa kailangan ang babaeng pakakasalan mo ay mula sa isa sa mga anak ng business partner ko sa kompanyang ito.” Sabi ng lolo ni Dave.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Dave sa sinasabi ng kanyang lolo.
“Ano? Ibig mong sabihin may arranged marriage na magaganap at ipapakasal ako sa babaeng hindi ko mahal at kilala?” tanong ni Dave.
“Dati, sa panahon ko, fix or arranged marriage ang tawag diyan, pero ngayon parang nag-iba na yata ang tawag niyan at diskarte. Kaya sinabi ko to sa iyo nang-maaga upang makapaghanda ka. Alam ko wala ka pa man girlfriend, hindi ka mahihirapan laruin ang mga bagay-bagay upang ma enjoy mo naman ang buhay bilang isang Sequerra. May isang taon ka pa sa college, tapos mga 2 to 3 years na magtatrabaho ka sa kompanya siguro pag nasa 28 to 30 years old ka na pwede ka ng mag-asawa, malayo-layo pa yun, sa panahon na iyon makilala mo pa ng lubusan ang babaeng ipakikila ko at gusto ko mapangasawa mo upang manatili ang kapangyarihan natin sa kompanyang ito.” Sabi ng lolo ni Dave.
“Pero hindi yata tama yan na pati puso ko tikdihan ninyo.” Sabi naman ni Dave.
“Opps hindi kita dinidiktahan, binibigyan kita ng option, dahil ikaw na lang ang natitirang Sequerra na makakagawa nito.” Kuya mong si Andro may Asawa na at mas gustong niya magsarili. Si Timothy, ewan ko lang kung magbabago pa iyan, alam mo bang pangatlong course na yang kinuha niya at lahat hindi related sa negosyo, sino ang maasahan ko, ikaw na lang, now this is your chance napatunayan na kahit anak ka sa labas, isa ka pa rin Sequerra.” Sabi ng lolo niya.
“Bigla sumakit ulo ko,” Sabi ni Dave sabay kamot ng kanyang ulo.
“Hey relax, nasa inyo ang lahat Dave, kayamanan at kapangyarihan ngunit malaya kang mamili kung ano gusto mo, pero bago mo sana gawin ang gusto mo, pwede ba subukan mo muna itong alok ko. Magsimula kang mag envest ng emotional bank account sa babaeng ito.” Sabi ng lolo ni Dave sabay pakita ng picture ng isang babae sa kanyang cellphone. “Siya si Juliana Sorriano, matalino, maganda sa palagay ko bagay naman kayo, may ilang taon ka pang natitira upang trabahoin ang lahat upang mapasaiyo ang babaeng ito kasabay ng pagpapanatili ng kapangyarihan ng Seguerra sa kompanya ito. Balang araw nakikita ko na ikaw na mismo ang uupo sa napaka-makapangyarihan upuang ito.” Sabi ni lolo ni Dave sabay sandal sa kanyang upuan.
Parang nalula sa Dave sa mga sinasabi ng lolo niya sa kanya. Parang sobrang dami na hindi kayang isilid sa kanyang isipan ang lahat. Samantala ni Carlo ay tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa.
“Sana nagkakaunawan na tayo Dave.” Sabi ng kanyang lolo.
“Sorry po, parang hindi ko pa na digest lahat na sinasabi mo, parang ang dami at nakakalula.” Sagot naman ni Dave.
“Anyway nandiyan naman yung magaling mong PA, alam kung natuhog at nauunawaan niya ang lahat, makakatulong siya sa iyo pagdating sa decision making, pwede na ring kunin mo itong personal secretary at assistant pag nagtatrabaho ka na dito, alam kung magaling ito.” Sabi ng kanyang lolo habang tinuturo ng sign pen si Carlo nakaupo lang sa gilid.
Tahimik yung dalawa habang binabay-bay nila ang daan pauwi. Pilit pa rin iniunawa ni Dave ang lahat na sinasabi ng kanyang lolo tila napa kabigat para sa kanya lalong-lalo na pinanghimasukan na nito ang kanyang personal na buhay maging ang pagpili niya sa taong kanyang mamahalin.
Pagpasok sa Condo agad humiga si Dave sa kama kinuha ang unan at agad tinakip sa kanyang mukha. “Sana hindi na lang ako nagpunta ng hindi sana gumulo ang buhay ko” sa isip-isip niya. Samantala si Carlo ay umiikot sa kusina para maka paghanda ng pagkain. “Boss ano gusto mong kainin ipaghahanda kita.” Tanong ni Carlo.
“Hindi ko alam, gutom ako pero hindi ko alam ano gusto kung kainin, ikaw na bahala, order ka na lang.” sabi ni Carlo sabay upo sa kama. “Carlo halika muna rito?” sabi ni Dave.
Dali dali naman lumapit si Carlo “Bakit boss?” tanong nito.
“Ano ba naiintindihan mo doon sa sinabi ng lolo ko, sumasakit ulo ko naguguluhan ako? Sabi ni Dave habang humiga ulit.
“Boss, relax lang wala ka naman masyadong poproblimahin doon. Ito lang naman ang gustong sabihin ng lolo mo, bago ka maghanap ng babaeng mapapangasawa subukan mo muna si Juliana Sorriano, NO HASSLE, dahil wala ka pa namang girlfriend diba? Bakit hindi mo muna siya kilalanin, malay mo, tama ang lolo mo compatible kayo eh di masaya diba?”Sabi ni Carlo na nakangiti.
“Anong masaya doon? Alam ko sa puso ko na may tao na akong mahal at naghihintay na lang ako ng tamang panahon na sabihin ito, diba sabi ko sa iyo sa araw mismo ng graduation ko sasabin diba? Ano sisirain ko mga plano ko,” sabi ni Dave.
“Boss next year ka pa man gagraduate, malayo-layo pa yun, saka hindi pa naman alam ng babaeng iyan na type mo siya diba. Kaya nga binigyan ka ng option ng lolo mo, alam mo marami naman nagkakatuluyan na nagsimula sa rito-rito diba? try mo si Juliana habang naghihintay ka rin noong isa diba?” Sabi ni Carlo.
“Yung ngiti mo nakakasar, palibhasa magaling kang magpaikot ng ulo at manloko ng babae.” Sabi ni Dave. “Ibahin mo ako.” Dagdag pa nito.
“Manloko ng babae? Boss naman kaylan man hindi ako nanloko ng babae.” Sabi ni Carlo nakangiti sabay kamot ng kanyang ulo.
“Asus akala mo ba hindi ko alam na nagpupunta si Cassandra sa apartment mo, habang si Ellah ang bukang bibig mo, anong tawag doon?” Asar na tanong ni Dave. “Tapos tuturuan mo ako ngayon kung paano paglaluraun din si Juliana.” Dagdag pa nito.
“Hey, hindi mo naman alam kwento doon bakit nagpunta si Cassandra sa apartment ko boss.” Nakatawang sabi ni Carlo habang sinisundot ang tagiliran ni Dave.
“Nako Carlo, hindi na ako hihingi ng paliwanag baka sabihin mo masyado na kitang pinanghimasukan, bahala ka sa buhay mo.” Sabi ni Dave sabay tayo pasok sa banyo. “Hoy boss saan ba pupunta, usap muna tayo.” Natatawang sabi ni Carlo. “Maliligo, ano gusto mong sumabay?” Asar na sagot ni Dave.
Naiwan si Carlo na nakangiti at napaisip kung bakit kaya nalaman ni Dave na nagpunta si Cassandra sa apartment niya. Sa isip-isip niya wala naman siyang dapat ipapaliwanag dahil wala naman siyang ginawa na masama. Alam niyang si Timothy ang nagkwento nito dahil ito lang naman ang nakakaalam na nagpunta nga si Cassandra sa apartment niya.
Mamaya pa umabas si Dave mula sa banyo. “ O akala ko ba maliligo ka? maligo ka na, mainit na naman ulo mo, bakit sa akin na naman nabaling ang atensiyon mo, sa lolo mo ka galit diba? bakit ako na naman pinagdidiskitahan mo, ayako ko mag explain kung bakit nagpunta doon si Cassandra ganun din hindi ra rin maniniwala” sabi ni Carlo nakatawa.
Hindi na umimik si Dave habang naglalakad papunta sa kanyang cabinet at kumuha ng malinis ng tuwalya at pumasok ulit sa banyo. Napansin ni Carlo na tila ang tangal yatang lumabas ni Dave kaya kinatok niya ito.
“Boss okey lang diyan?” Sabi ni Carlo.
“Ano ba problima mo? Naliligo yung tao iniistorbo mo.” Sagot naman ni Dave mula sa banyo.
“Boss pwede ba mamaya-kunti, uuwi na ako, tatapusin ko lang yung pinapagawa na drawing ni James, dalawa na lang kulang, tatapusin ko para maibigay ko na bukas.” Sabi ni Carlo habang nakatayo sa labas ng pintuan.
“Sigi umuwi ka na” Sagot naman nito.
“Ayos lang boss? Wala ka ng iuutos? Sigaw naman ni Carlo.
“Wala na nga, ang kulit mo, kanina ka pa!” Asar na sagot ni Dave mula sa loob ng banyo.
Kinabukasan agad nagtxt ni Carlo kay James na pwede na niyang kunin yung pinapagawa niya dahil maaga niya itong tinapos. Sa burger shop ang usapan nilang magkita, paglabas ni Carlo agad niyang nakita si James naka ngiti na naghihintay sa kanya sa labas. Agad inabot ni Carlo ang pinapadrawing nito na agad naman itong nagpapasalamat dahil mabilis na natapos niya ang mga ito.
“Teka lang saan yung sketch ng mukha ko? tanong ni James
“Ayy Oo nga pala nakalimutan ko pwede bukas na lang sobrang busy ko kasi ngayon, nagmamadali ako kanina.” Sabi naman ni Carlo.”Bukas bibitbitin ko na lang yun kahit saan ako magpunta para hindi ko makakalimutan, I txt lang kita kung saan mo pwedeng kunin ok?” Sabi ni Carlo.
Kinabukasan habang nasa Condo ni Dave si Carlo, biglang nag message sa kanya si James kung pwede ba raw makuha niya ang sketch. Sumagot naman si Carlo na dala-dala niya, kaso nasa condo pa siya ni Dave. Agad nagtanong si James kung saan ang address dahil siya na lang daw pupunta, at agad naman ibinigay ni Carlo at exact address. Lumipas ang halos isang oras may narinig silang kumakatok, tumayo si Carlo upang buksan ng sa pag-aakala niyang si James iyon ngunit laking gulat niya na si Cassandra ang nakatayo sa harap ng pintu-an. Sumilip si Dave at nakita niyang kumakaway-kaway sa kanya si Cassandra.
“Hi, bakit naligaw ka?” litong tanong ni Carlo kung bakit nandoon si Cassandra. “Pasok ka muna” alok ni Carlo.
“No hindi na ako magtatagal, alam kung may ginagawa kayo, ako ang inutusan ni James na kunin yung sketch ng mukha niya na gawa mo.” Nakangiting sabi ni Cassandra.
Dali-dali naman kinuha ni Carlo ang naka silid sa envelope na sketch na iyon at agad ibigay kay Cassandra.
“Ito oh, akala ko siya ang pupunta, nabigla ako sa iyo.” nakangiting sabi ni Carlo.
“Nakikiusap kasi siya, insakto may pinuntahan din ako, medyo malapit naman dito kaya dinaanan ko na, o ano alis muna ako, sorry sa istorbo ha.” Sabi ni Casssandra sabay alis.
Pag-kasara ng pintuan, dahan-dahan ng lalakad si Carlo palapit kay Dave nakaupo, tahimik at may kakaibang titig sa kanya. Lumakad pabalik si Carlo at nagtungo sa ref, kumuha ng tubig at tumanga ito, habang kapansin-pansin na tahimik na nakatitig pa rin sa kanya si Dave.
“Ano ba yang titig mo boss, parang may ibig kang sabihin.” Sabi ni Carlo sabay kamot sa kanyang ulo.
Hindi pa rin umimik si Dave at patuloy na nakatitig kay Carlo. Bigla itong tumayo at nagtungo din sa ref kumuha ng malamig na tubig at tumunga.
“Ahhh nakakauhaw nga, sobrang nakakauhaw ang mga pangyayari!” Sabi ni Dave habang naglalakad ito pabalik sa kanyang kinauupuan at sinusulyapan si Carlo na nakatayo at nakatitig din sa kanya.
“Paraparaan lang!” dagdag pa nito.