Isang semester na lang magtatapos na sa kolehiyo si Dave at masyado na itong abala dahil sa tinatapos na thesis, dahil alam naman ng lahat na hindi sila pwede grumaduate kung hindi nila ito maiipapasa, Kaya ganun na lang ang pag pupursigi ng grupo ang matapos ito.
Halos gabi-gabi sila kung mag oovernight at group study, minsan nangyayari ito sa condo mismo ni Dave. Si Carlo naman laging nandoon sa tuwing sa condo ni Dave ginaganap ang group study nila. Taga timpla ng kape, tagabili ng pagkain at minsan taga masahe na rin sa mga nananakit na mga katawan ng mga ito dahil sa kakaupo sa harap ng kanilang mga laptop.
Naging malapit na rin si Carlo sa mga kaibigan at kasama ni Dave sa thesis na maghang-mangha naman ito sa kabaitan ng binita. “Nako Dave ang swerte mo naman may Personal Assistant kang ganito.” Sabi pa ng isa niyang kasama ng makita niya si Dave menamasahi ni Carlo sa likod habang nakaupo ito at nakaharap sa kanya laptop.
Ilang linggo na lang I pepresent na nila ang kanila Thesis kaya doble kayod na ang mga ito na kung pwede ay hindi matutulog.
Isang gabi, nakikita ni Carlo na naghihintay sa kanya si Dave sa labas. Pagkalabas, agad niya itong nilapaitan at tinanong. “Boss may iiutos ka ba sa akin?” Tanong ni Carlo. “Wala naman gusto lang kitang makita, miss na kita eh” nakangiting sabi nito, ngunit pansin ni Carlo na tila matamlay ito.
“Nako kagabi pa nga tayo ng kita, kasama yung ka grupo mo, kung maka miss ka dyan akala mo ang tangal na nating hindi nagkita.” Sabi ni Carlo.
“Halika na ihahatid na kita” nakangiting sabi ni Dave.
“Wag na boss mukhang pagod ka, pahinga ka muna, ilang araw na rin kayong puyat diba.” Sabi ni Carlo.
“Sigi na sakay ka na, ihahatid muna kita.” Sabi ni Dave.
Pagkadating ng dalawa sa apartment ni Carlo agad naghubad ng sapatos si Dave at hibubad na rin pati pantalon at naglalakad ito naka boxer short lang papuntang cabinet ni Carlo upang manghiram ng T-shirt.
“Boss bakit ka nagbihihis?” Tanong ni Carlo.
“Dito na ako matutulog” Sagot ni Dave sabay hagis ng kanyang katawan sa kama ni Carlo. “Mula ng gabi-gabi na kami nag gogroup study dahil sa thesis na yan bihira na kitang makasama at masolo. Diba sabi ko sa iyo, miss na kita, dito na ako matutulog kasi maliit ang iyong kama, alam mo na.” Sabi ni Dave habang nakadapa at yapos na yapos ang unan ni Dave.
“Wait lang boss, tumayo ka muna, papalitan ko lang saglit itong bedding at punda ng unan. Ikaw kasi pa bigla-bigla ang pagtulog mo dito, may condo ka na man mas malaki bakit ba gusto-gusto mo dito?” Sabi ni Carlo habang hinihila ang unan na yapos na yapos ni Dave para mapalitan ng punda.
“Wag mo ng palitan please, mas gusto ko tong may amoy na unan mo, parang yapos na yapos na rin kita, nakakarelax ang amoy nakakawala ng stress.” natatawang sabi ni Dave.
“Sandali lang nakakahiya sa iyo may amoy na yan” sabi ni Carlo.
Mahigpit na niyakap ni Dave ang dalawang unan ni Carlo at nagkunwari na itong tulog. Wala na nagawa si Carlo kundi hayaan na lang si Dave na gamitin ito kahit alam niyang ilang araw na hindi napapalitan ang punda na mga iyon “ Bahala ka diyan, magsawa ka sa amoy ko.” Sabi ni Carlo. “Nako natalsikan ko pa naman yan kagabi.” Natatawang sabi ni Carlo.
“Pansin ko nga, may nakakapa akong parang naninigas na tutong.” natatawang sagot naman ni Dave.
“Oo natalsikan ko yan ng clue kagabi boss, pagpisil ko hindi ko napansin, biglang sumirit.” nakangiting sabi ni Carlo. Hindi na pinansin ni Dave ang mga green jokes ni Carlo dahil na sasanay na siya sa mga hirit nito, umunat-unat ito sabay kapa ng kanyang balakang.
“Sakit ng likod ko, siguro sa kakaupo ko ito, ang bigat ng katawan ko.” Sabi ni Dave.
“Gusto mo mamasahiin kita?” Tanong ni Carlo. “Yes please.” malambing na sagot naman ni Dave.
Agad naman tumayo si Carlo at lumapit kay Dave na nakadapa sa kama. Sinimulang pisil-pisilin ang mga balikat nito “Ouch! dahan dahan naman!” sabi ni Dave habang nakasubsub ang ulo sa unan.
“Boss si Juliana parang isang linggo na yata hindi natin nakukumusta, saan na yang cellphone kukumustahin natin.” Sabi ni Carlo.
“Hayaan mo si lolo ang mangungumusta sa kanya, total siya naman ang may gusto doon diba?” Sabi ni Dave na nakangiwi habang patuloy na menamasahi ni Carlo ang kanyang likod.
“Nako boss, alam mo naman binigyan ako ng assignment ng lolo na paalahanan ka na lagi tungkol kay Juliana, saka wag mung kalimutan ang birthday niya, malapit na, yung regalo mo, upang magkakaroon na kayo ng ugnayan ni Juliana, tandaan mo ilang linggo na lang gagraduate ka na, maging kasama mo yung babaeng yan sa opisina, kaya ngayon palang dapat magkalapit na kayo para may kakilala kana pag pasok mo doon diba?”Sabi ni Carlo habang patuloy na menamashi ni Dave.
“Ang dami mong plano ha, ikaw na lang kay manglingaw kay Juliana.” Sabi ni Dave.
“Nandiyan ka naman, hindi mo naman siniseryoso mga sinasabi ko.” Sabi ni Carlo sabay hampas ng puwit ni Dave.
“Aray! Masakit yun ha!” singaw ni Dave habang napaigtad ito dahil sa gulat ng pagkahampas ng kanyang puwitan. “Bakit ko yan poproblimahin si Juliana diba nga sabi ni lolo at sabi mo na rin, relax lang ako at I enjoy ang pagiging Seguerra ko, ito ini enjoy ko na, oh yah! ang sarap ng masahi mo!” Sabi ni Dave.
“Iwan ko sa iyo, tumihaya ka nga.” sabi ni Carlo.
Pagkatihaya, kinuha ni Carlo ang isang kamay ni Dave at ito naman ang minamasahe mula braso hanggang sa kanyang mga palad. Napapikit si Dave lalo ng himas-himasin ni Carlo ang kanyang mga palad sabay pisil-pisil ng kanyang mga daliri.“ Ang sarap niyan pagod na pagod kasi yan mga daliri ko sa kakatype.” Sabi ni Dave habang nakapikit at ninanamnam ang sarap ng pagmamasahi ni Carlo.
Habang hinahagod ni Carlo ang kanyang palad, ibinuka niya ito ng maigi at sinasubong ang mga palad ni Carlo at agad niya itong itinikum. Nagsara at mahigpit na naglapat ang kanilang palad, bahagya hinila ni Carlo ang kanyang kamay upang kumawala, ngunit mas lalo itong hinigpitan ni Dave, nakatitig ito kay Carlo na tila nangungusap ang mga mata.
“Paano matatapos tong pagmamasahi ko kung makikipaglaro ka na naman.” Sabi ni Carlo habang hatak hatak nito ang mga kamay ni Dave.
“Hindi ako nakikipaglaro sa iyo, gustong kung makipag maghawak kamay sa iyo tulad nito, ayaw kitang pakawalan, gusto ko kasama kita lagi.”Sabi ni Dave habang nakatitig kay Carlo.
“Nako boss wag mung sabihin na kahit tapos ka sa pag-aaral gawin mo pa rin akong Personal Assistant, and don’t tell me na susundin mo yung sabi ng lolo mo na gawin mo akong personal secretary pang nandoon ka na sa kompanya ninyo.” Sabi ni Dave habang ginalaw-galaw ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahigpit na hawak ni Dave.
“Alam kong may sarili kang buhay at hindi kita mapipilit.” Sabi ni Dave sabay pakawala ng mga palad mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. Tumagilid at pumikit sabay sabi ng “Goodnight ! matulog ka na rin.” dagdag nito.
Umupo si Carlo sa kanyang drawing table at tinitingnan si Dave na nakapikit at nakaharap sa kanya. “Ang gwapo talaga ng taong ito, parang sanggol na tulog ang kinis ng mga mukha at ang ganda ng mga labi, ma I drawing nga.” Sabi ni Carlo sabay kuha ng kanyang sketch pad.
Habang ginuguhit ni Carlo si Dave, napapansin nito na tila hindi ito mapakali. Pa iba-iba ng posisyon at panay ang buntong hininga. Nilapitan at kinalabit ito ni Carlo.
“Boss okey ka lang, parang hindi ka yata dyan komportable, sabi ko naman sa iyo na doon ka na matulog sa condo mo.” Sabi ni Carlo.
“Hindi ako dinadalaw ng antok, pagod na pagod ako pero bakit hindi ako nakakatulog.” Sabi ni Dave.
“Halika makinig tayo ng music.” Sabi ni Carlo sabay dampot ng kanyang cellphone, lumapit at tumabi itong humiga kay Dave. “ Ito, tig-isa tayo ng a Ear phone.” Sabi ni Carlo sabay kabit nito sa isang tainga ni Dave.
Nang nagsimula ng tumugtog dahan-dahan tumagilid si Dave at humarap sabay patong ng kanyang kamay sa dibdib ni Carlo. Tinatapik tapik ang dibdib nito habang sumasabay sa musika na kanilang pinapakingan. Hinayaan lang ni Carlo na gawin tambol ang kanyang dibdib ni Dave hanggang sa makatulog ito.
Dahan-dahan ina-angat ni Carlo ang kamay ni Dave ng napansin niyang himbing na himbing na ito sa kanyang pagtulog. Bago niya tuluyan na ibaba ang kamay nito napansin niyang mahigpit na hinawakan ni Dave ang kanyang palad at muling ipinatong ito sa kanyang dibdib. Parang bata si Dave na kapit na kapit na tila takot mawalay sa kanyang magulang. Nagtataka si Carlo sa kinikilos nito dahil hindi siya sanay na ganito ang kinikilos ni Dave. “Bakit parang ang lambing ng taong ito ngayon?” sa isip-isip niya.
Kinabukasan nagising si Carlo at nakita niya nakaupo sa gilid ng kama si Dave, nakayuko habang hawak-hawak nito ang kanyang ulo. Hindi niya pinansin at dumitso siya sa banyo upang magbawas. Pagbalik niya nakayuko pa rin si Dave ngunit napapansin niya itinataas nito ang isang kamay.
“Lapit ka muna dito, hindi ako makatayo nahihilo ako!” Sabi nito.
Paglapit ni Carlo agad kumapit si Dave sa kanya ng napakahigpit, patingin niya sa mukha ni Dave pansin niyang namumutla ito.
“Boss okey ka lang? anong naramdaman mo?” Tanong ni Carlo.
Tinapik- tapik ni Carlo ang mukha ni Dave namutmutla. Natatanranta ito lalo ng hindi na sumasagot ni Dave. Tumawag siya ng ambulance at agad-agad sinugod ni Dave sa ospital.
Nakahiga si Dave sa kama ng ospital ng dumating ang kanyang yaya na alalang-alala sa kanyang kalagayan.
“Yaya wag kang mag-ala-la ayos naman ako, kunting hilo lang naman ang naramdaman ko, saka nandito naman si Carlo tiyak hindi naman ako nito babaya-an” Sabi ni Dave nakangiti.
“Lahat na test niya ok naman, yung isa na lang ang hinintay mamaya pag dating ng doctor malalaman natin.” Sabi naman ni Carlo.
Habang nag-uusap sila biglang tumunog ang cellphone ng yaya ni Dave at agad itong nag-paalam na lalabas muna saglit. Pagbalik nito may kasama na itong magandang babae na tila familiar ang pagmumukha.
“Dave may bisita ka.” Sabi ng yaya ni Dave nakangiti. “Si Juliana, kilala mo na yata siya diba?” Dagdag pa nito.
Biglang napatingin si Dave sa babaeng dumalaw sa kanya. Isang maganda, matangkad at may ka-akit akit na ngiti si Juliana, ang babaeng sinasabi ng lolo niya na gusto niyang pakasalan.
“Kumusta ka? Nabalitaan ko kasi mula kay sa lolo mo na may sakit ka, dumaan na ako upang makita na rin kita in person, marihap na man yung puro private messages na lang tayo diba.” Sabi ni Juliana.
“Ahh ma’am maupo ka muna.” Sabi ni Carlo sabay bigay nito ng upuan.
Sinubukang umupo ni Dave mula sa pagkakahiga nito ngunit hirap ito dahil sa suwero na nakakabit sa kanya, bago pa man nakalapit ni Carlo upang tulungan ito, mas unang sumaklolo si Juliana kay Dave upang makaupo ito ng maayos.
“Ako na, kaya ko naman” Sabi ni Dave na halatang naiilang ng hawakan ni Juliana ang kanyang mga kamay. “Salamat sa pagdalaw mo” Dagdag ni Dave sabay sulyap kay Juliana.
Inabot din ng halos isang oras ang pag-uusap nina Juliana at Dave samantala si Carlo naman nakikinig lang sa tabi at hilim na humahanga sa ganda ni Juliana. Nag-paalam na ang yaya ni Dave na uuwi muna at sinabi naman ni Juliana na sasabay na din ito. Bago umuwi si Juliana lumapit ito kay Dave at tinapik ang kanyang balikat sabay sabi ng “Get well soon, don’t worry dadalawin kita lagi.”
Ilang minuto pagkatapos nakalabas yung dalawa, dumating ang doctor na nag aasikaso kay Dave bitbit ang lahat na result sa kanyang test.
“Wala naman nakitang problima sa mga lab test mo. Balita ko ilang gabi ka na pagod at puyat dahil graduating student ka pala, abala sa iyong thesis. Fatigue lang yan naramdam mo, tamang pagkain at pahinga ang kailangan mo, at inumin na rin itong mga supplement na ni resita ko.” Sabi ng doctor. “Pwede na kayong umuwi ngayon din, basta pahinga ka lang muna at tamang pagkain okey?” dagdag pa nito.
“Ay salamat doc” sabi ni Carlo nakangiti.
Habang hihintay nila ang discharge slip, tumunog ang cellphone ni Dave, tumatawag ang ka grupo nito sa thesis. “Ako ang kakausap.”Sabi ni Carlo sabay labas ng kwarto. Pagkabalik ni Carlo agad tinanong ni Dave kung ano ang sadya ng kanyang kaklase.
“Nako boss hindi nila alam na nasa ospital ka, tinatanong kung tapos mo na ba daw yung chapter 12 – 17 naka assign sa iyo, sabi ko kailangan mo ng pahinga at ako na magtatype at mag preprint, kailangan daw kasi sa Friday.” Sabi ni Carlo.
“Kaya mo? Wala ka bang ibang gagawin?” tanong ni Dave, Incoding na lang naman yan pwede tayong maghired ng gagawa niyan.” Sabi ni Dave.
Pagdating ng driver na susundo sa kanila agad lumabas yung dalawa. “Ihatid mo ako sa condo ko manong” Sabi ni Dave. “Pero Sir, sabi ni yaya sa bahay ka lang daw muna hanggang lubusan ka ng gumaling.”Sagot naman ng driver. “Ako na bahala, tatawagan ko na lang si yaya, magaling na ako, pagod lang daw yun, kunting pahinga lang.” Sabi ni Dave.