Prank

2482 Words
Pagdating nila sa loob ng kwarto ni Dave, agad nagtanong si Carlo kung talaga ayos lang ito. “Ano ka ba, hindi mo ba narinig sabi ng doctor kanina.” Nakangiting sabi ni Dave. “ Bitbitin mo yan printer dalhin mo sa kotse, alis na tayo.” Dagdag pa nito. “Saan tayo pupunta?” Tanong ni Carlo. “Sa apartment mo, doon muna ako tatambay habang nagpapahinga at doon na rin natin gawin itong thesis ko.” Sabi ni Dave. “Boss kalalabas mo lang sa ospital, parang hindi ka yata komportable doon, alam mo na, nakakahiya yung room ko.” Sabi naman ni Carlo. “Mas mabuti doon walang masyadong nakaka-alam walang istorbo diba? Sabi  ni Dave habang bitbit niya ang kanyang laptop. “ Sigi bitbitin mo na rin yan printer.”Dagdag pa nito. Pagdating nila apartment, agad inayos ni Carlo yung printer saka nagtungo sa kusina upang maghanda ng makakain. “Boss ano gusto mong kainin?” Tanong nito. “Sandali hindi na pala kita tatanungin kasi alam kung oorder ka naman ng fast food, habang nandito ka, ako ang masusunod sa kakainin mo, kaya ka nangangayat at nahihilo dahil pagod at puyat ka na, tapos puro fast food ang kinakain mo.” Sabi ni Carlo. “lalabas lang muna ako saglit boss, may bibilhin lang ako.” Dagdag pa nito. Pagkabalik ni Carlo may dala na itong mga prutas, karne at gulay na pagsahog sa sinigang. “Magluluto tayo ng masarap na sinigang boss, dadamihan ko ang gulay upang masarap, sa iyo lahat na gulay at akin lahat na karne.” Natatawang sabi nito. “Alam mo na man alaga-alaga kita.” Dagdag nito. “No problem kahit nga walang ulam ang importante kasama kita.” Sabi ni Dave. “Asus bigla ako kinilig boss ha! at pansin ko lang sa nagdaang araw parang hindi ka masyadong masalita at parang ang lambing lambing mo sa akin.” Sabi ni Carlo. “Siguro may ginawa ka na na mang kalokohan ano?” Dagdag nito. “Malapit na kasi ang graduation ko, pakiramdam ko kasi magbabago na ang lahat mga ilang araw mula ngayon, sinusulit ko ang mga oras na magkasama tayo.” Sabi ni Dave habang palapit at inakbayan si Carlo sabay buntong hininga. “Salamat sa lahat Carlo, sana hindi ka magbabago at maging handa ka rin sa mga pagbabago, sobrang bait mo sa akin, pasenya na minsan kung nagsusugit ako sa iyo.” Dagdag nito. “See! yan ang sinasabi ko hindi ka lang naging malambing naging madrama ka pa, Ito para sa iyo ito.” Sabi ni Carlo sabay abot isang supot kay Dave. Ng tiningnan ni Dave ang laman nakita niya ang isang toothbrush, sabon, shampoo, shave at shaving cream. “Binili na kita ng hygiene ket mo, alam kung iyan ang gusto mong sabon at shampoo; ako kasi, kahit anong mayroon diyan, hindi ako naka bili ng lotion at underware mo, wala kasi diyan sa convenient store, mamaya na lang maghahanap ako. “Nako nag-abala ka pa, salamat ha, nakalimutan ko pala na titira ako dito ilang araw hindi tuloy ako nakapagdala ng mga personal na gamit ko, wag kanang bumili ng underware pahihiramin mo na lang ako.” Nakangiting sabi ni Dave. “Ayoko nga, nanghihiram ka tapos hindi mo naman binabalik, tapos yung gusto mo pa ay yung law-law, nakakahiya.” Nakatawang sagot ni Carlo. “Wag kang mag-aalala pinaghandaan ko na may  lima piraso akong binili dyan na hindi pa gamit yan na lang gagamitin mo” Dagdag pa ni Carlo. Kinagabihan, himbing na himbing si Dave sa kanyang pagtulog samantala ni Carlo ay ilang oras na nakaharap sa laptop at abala upang matapos na ang kanyang tinatype na bahagi sa thesis nina Dave. Kailangan niya itong matapos ng mas-maaga dahil dadaanan pa daw ito ng final editing bago I print at saka ipa bookbind. Inaantok na siya ngunit pilit niya itong nilalabanan upang matulungan si Dave nakakalabas lang mula sa ospital. Para labanan ang antok naghahakungkat siya sa mga files ni Dave upang maghanap ng music na mapapakingan habang nag na tatype ito. Hanggang may nakita siya isang folder na may file name na “Mylovemysong” binuksan niya ito sa pag-aakala na music files , ngunit mga picture pala ang laman at laking gulat niya na lahat na nandoon ay mga pictures at video nagpagmumukha niya na kuha ni Dave. Sobrang daming pictures at videos na naka save doon, pati na yung pictures at videos noong nagpunta ito si Dave sa kanila. Halos lahat stolen shot at ang nakapagtataka, dahil may nakita siyang mga picture na nakaw na kuha ni Dave noong nagtatrabaho pa siya sa library at ng inusisa  niya kung kaylan ang pitsa ng picturan siya nito, nalaman niya na ang mga larawan iyon ay kuha bago pa sila nagkakakila. “Bakit puro picture ko ang nandito? at bago ko pala na kilala si Dave, matagal na niyang akong kilala at sinubaybayan.” Sa isip-isip nito. Patuloy niya tiningnan hanggang makita niya ang raw at original na video na kuha ni Dave noong hinalikan siya nito. Muli niya itong pinanuod at naririnig niya ang boses ni Dave na nagsasalita habang paalis ito sa library sa gabing iyon “Yes! Nahalikan na kita sa wakas, gagawin ko lahat mapasaakin ka lang Carlo, akin ka lang! nahalikan ko na rin yung taong mahal ko, please mommy tulungan mo  ako!” Doon niya nalaman na yung ipinost pala ni Dave sa social media ay ang edited version ng totoong video. Biglang niligon ni Carlo si Dave na himbing na himbing sa pagtulog. “Matagal na pala akong kilala ni Dave, at Mahal niya ako?” sa isip-isip ni Carlo “Totoo ba to?” litong-litong tanong ni Carlo sa sarili. Kinabukasan hindi na nagtanong si Carlo sa kanyang natuklasan sa computer ni Dave. Sa isip-sip niya, kasalanan din niya dahil nakiki-alam siya sa nito. Sinusulyapan niya si Dave habang nakikinig ng music gamit ang kanyang cellphone, nagugustuhan daw niya ang playlist ni Carlo mula ng mapakingnan niya ito noong nakaraang gabi. Samantala si Carlo abala sa pag piprint ng thesis ni Dave. May Kumatok at agad siniyasan ni Carlo si Dave na may tao, dali-dali naman itong nagtungo sa pintu-an at binuksan ito habang sinasabayan ang tugtug na kanyang pinapakingan. Bumangad ang tatlo nilang kaibigan na si Lucy, Felix at Paulo. “ Ito ba yung may sakit? Bagong paligo at nag sa sound trip pa!” sabi ni Felix. “kayo pala, pasok!Pasok dali!” Nakangiting sabi ni Dave. “Buti naman napadalaw kayo,nakita ko rin kayong tatlo ulit na magkasama, matagal-tagal na rin hindi tayo nagkikita” sabi ni Carlo. “Oo nga matagal na at alam mo ba, sabay pala kami ni Dave gagraduate.” masayang sabi ni Felix “Pero ngayon palang nakuha ko na ang totoong diploma ko.” sabi ni Felix sabay kuha ng kamay ni Lucy na halatang kinikilig naman ito. Nakatitig si Carlo at Dave sa dalawa habang nakikitang nakapamaywang si Paulo at umiirap. “Oo sila na, sila na may forever,sila na may lovelife at nangiingit pa!” sabi nito ni Paulo. “Kayo na! you mean, him and her! sabi ko na nga!” sabi ni Carlo sabay palakpak ng malakas. “Pinilit ako eh,” nakangiting sabi ni Lucy. “Anong pinilit ka dyan, ikaw nga tong unang nagparamdam.” sagot naman ni Felix Nagtatawan yung lahat maliban kay Paulo nakasimagot. “O Paulo bakit hindi ka masaya para sa dalawa nating kaibigan” Tanong ni Carlo. “Nako Carlo may pinagdadaanan yan, paano kasi hindi pala alam ng mga magulang nito na nag tatrabaho ito bilang Student Assistant, nagalit yung mga kuya niyang mga barako at maton, nagbanta na dudurugin ang buto niya pagnahuling may  kalandiang lalaki. Hayun problimado ang bakla.” Sabi ni Lucy. “Bakit, hindi pala alam at tangap ng pamilya mo na bakla ka? para sa akin wala naman problima yun as long mabait ka sa kapwa mo, at nasa tamang edad ka naman na para magpakatoo diba? Siguro hindi nila magugustahan sa ngayon pero at least alam na nila, I know eventually matatangap ka rin nila.” Sabi ni Carlo. “Sana nga ganyan mag-isip ang mga kapatid ko, kaso hindi at yun nasasaktan na tuloy ako. Kaya naman nag apply ako bilang Student Assistant upang mapatunayan ko rin kanila na maykakayahan naman ako at may silbi.” Sabi naman ni Paulo. “Ikaw Carlo, musta naman lovelife mo?” Tanong ni Lucy nakangiti. “Wala pa nga eh, ayaw kasi si Boss Dave” sabi ni Carlo sabay sulyap kay Dave. “Oy bakit ako? I mean bakit ako ginagawa kung dahilan, anong sabi mo wala? nako kung alam ninyo left and right itong si Carlo, parang uwak kahit maytangan-tangan sa bibig panay sabi parin ng “Wala, Wala”. Nakangiting sabi ni Dave.  “Ikaw naman Dave musta naman love life mo?” tanong naman ni Paulo, “Nako hintayin ninyo ang pasabog sa araw mismo ng graduation niya, yan ang pangako niya, sasabihin sa atin lahat kung sino ang pinakamamahal niya.” Nakangiting sabi ni Carlo. “Ilang araw na lang, excited na nga ako.” Dagdag pa nito. Dumating ang araw para sa oral defend ng thesis nina Dave. Nasa labas ng venue si Carlo naghihintay habang ginigisa ng mga panelist ang grupo nina Dave. Paglipas ng halos tatlong oras nakita ni Carlo ang grupo ni Dave na lumabas at alam niyang pumasa ang thesis nila dahil kitang-kita niya sa mga mukha nito na ang sobrang saya habang naglulundagan at nagyayaposan ang mga ito. Biglang kumalawa sa pagyapos sa kanyang kasamahan si Dave at parang batang tumatakbo palapit kay Carlo sabay yapos nito. “Ano ba, kung makayapos ka para walang bukas, nasasakal ako, Congrats sa wakas na karaos na rin kayo.” Sabi ni Carlo habang yapos na yapos siya ni Dave dahil sa sobrang saya nito. Bigla naman lumapit ang mga kasamahan ni Dave at pinagpatuloy ang kanilang group hug kasama na si Carlo. “Ano ba, hindi naman ako kasama sa grupo ninyo!” Singaw ni Carlo habang naiipit sa gitna. “O ano labas tayo mamaya, celebrate tayo” Sabi ng isang kasamahan ni Dave. “Oo ba!” Sagot naman ng iba. “Nako bawal kay Boss Dave ang alak at puyat ngayon, saka na pagkatapos ng graduation ninyo pagsasabayin na natin ang celebration ninyo.” Sabi naman ni Carlo. Masayang naghihiwalay ang grupo samantala ang dalawa ay pauwi sa apartment ni Carlo upang kunin ang printer upang maiuwi ito sa condo ni Dave. “May lakad ka ba pagkatapos nito?” Tanong ni Dave. “Sa burger shop boss.” Sagot naman ni Carlo. “Pwede ba doon ka matulog sa unit ko mamaya?” Sabi ni Dave. “Ahhh, tatawag na lang ako kung maka pagdecide na ako, kasi may lakad din ako mamaya, di ko alam kung matutuloy. Sagot naman ni Carlo. Pagdating nila sa labas ng apartment, agad bumaba si Carlo at lumingon kay Dave. “Boss pwede dito ka na lang, ako na lang ang papasok para kunin yung printer.” Sabi ni Carlo.  “Hindi sasama ako dahil may kukunin din ako.” Sagot naman ni Dave. “Ano ba yun sabihin mo na, ako na ang magdadala.” Sabi naman ni Carlo. “Yung mga vitamin at supplement ko baka maiwan.” Sagot naman ni Dave. “Ako na bahala, basta dito ka na lang” nakangiting sabi ni Carlo. Naiwan sa loob ng kotse si Dave na naghihintay. Nagtataka ito kung bakit ang tangal ni Carlo bumalik. Halos inabot na siya ng 15 minutes sa kahihintay ng nakapagdesisyon siya na bumaba at puntahan ni Carlo. Hindi na kasara ang pinto at  pagsilip niya laking gulat niya na may isang lalaking walang saplot pag-itaas at naka boxer short lang na nakatihaya sa kama ni Carlo. Hindi niya nakikita ang mukha dahil nagtatakip ito ng unan. Samantalang si Carlo nakikita niyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakita siya ni Carlo at biglang tumayo at naglalakad palabas. Agad isinara ang pinto habang nakatitig kay Dave. “Di ba sabi ko sa iyo doon ka lang” Sabi ni Carlo habang nakangiti. “Sino yan? kaya pala ayaw mo akong papasukin may tinatago ka pala dito.” Asar na tanong ni Dave. “Kaibigan lang, saka diba sabi ko wag kang sumunod, kasal-anan mo yan, nakita mo tuloy.” Nakangiting sabi ni Carlo. “Wait, bakit parang galit ka diyan?” Tanong ni Carlo. “Akin na yung printer, dali, baka kasi istorbo pa ako sa inyo.” Utos ni Dave. “Ikaw na lang kaya pumasok sa loob at ikaw na rin ang kumuha” Sabi naman ni Carlo. “Ikaw na baka magising pa yan kaibigan mo, dali na, kunin mo na yung printer.” Galit na sabi ni Dave. “Boss relax lang, may aamin ako sa iyo” sabi ni Carlo. Tumingin ng napakalagkit si Dave kay Carlo  sabay sabi ng “No! you don’t need to explain! That’s your life and that’s your choice.” Sabi nito. Akala ko ba maging masaya ako sa araw na ito.” Sabi nito sabay pahid ng kanyang mga mata. “Sorry boss pero kailangan mo na ngayon malaman ang totoo, halika ipakilala kita sa kanya” sabi ni Carlo sabay hawak ng kamay ni Carlo at hinila papasok sa loob ng kwarto ng laking gulat ni Dave ng bumukas ang pintuan at may sumigaw ng “ Surprise! It’s a prank!” pagtingin niya, ang kapatid niya sa ama na si Timothy ang nakikita niya nakasuot lang ng boxer short habang sumasayaw sa tapat ng pintuan. Bigla siya napaupo sa sofa habang niyayapos siya ni Timothy. Napaluha siya hindi lang sa surprisa ng kanyang kapatid ngunit sa sobrang asar nito sa ginawa pag pa prank sa kanya si Carlo at Timothy. “Congrats! Pumasa ang  thesis ninyo at ngayon lunes kagagraduate kana, ako pinapunta dito ni Daddy para I surprise ka, mga ilan buwan na rin naming ito plinano ni Carlo.” Sabi ni Timothy habang yapos yapos pa rin si Dave na hindi mapigil ang pag-iyak. “Wait magbibihis muna ako, kanina pa ako nilalamig” Dagdag ni Timothy habang naglalakad at dinampot ang T-shirt nito. Samantala si Carlo ay tawang-tawang lumapit kay Dave sabay sabi ng “Boss tahan na, prank lang yun!” Tumayo si Dave at agad nagpakawala ng ilang suntok kay Carlo. “I hate you!” sabi nito habang pinapahiran ang mga luha. Niyapos siya ni Carlo na nakatawa sabay sabi ng “It’s a prank! Sorry boss, promise hindi yun mangyayari sa totoong buhay.” Sabi ni Carlo habang mahigpit niyang niyayakap si Dave na wala pa rin tigil sa kakaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD