DIPLOMA

2078 Words
 Kakatapos pa lang ng graduation ceremony at makikitang abala ang lahat sa pakikipagkamay at pagkukuha ng larawan. Lumapit naman ang yaya ni Dave at yumapos sa kanya, sumunod si Timothy at ng si Carlo na ang lumapit, kapansin-pansin ang kakaibang yapos ni Dave nito. Binitawan lamang ni Dave si Carlo ng biglang nagsalita ang kanyang yaya. “ Ano uwi na tayo, may nakahandang munting salo-salo sa bahay.” Sabi nito. “Yaya mauna na kayo, isama mo na lang si Timothy, susunod na kami ni Carlo, may pupuntahan lang kami saglit.” Sabi ni Dave sabay hubad ng kanyang Toga at agad naman itong kinuha ni Carlo. “Sigi pero wag kayong magtatagal ha.” Sagot naman ng kanyang yaya. Pagka alis nina Timothy at ang yaya ni Dave, agad naman nag tungo ang dalawa sa kotse ni Dave. “Saan tayo pupunta boss?” tanong ni Carlo. “Samahan mo muna ako, dadalawin ko lang si mommy, dada-an muna tayo sa flower shop.” Sabi ni Dave. “ Mommy musta na po kayo?” Sabi ni Dave habang nilalapag ang bulaklak sa ibabaw ng lapida ng kanyang ina. “Ito na yung pangako ko sa iyo,  tapos na po ako, sana nandito ka at nasaksihan mo, pero ayos lang din mommy, kasi nandito naman ni Carlo.” Sabi ni Dave na maluha-luha pero nakangiting sumusulyap kay Carlo. “Mommy, nangako ako sa iyo na ikaw ang unang makaka-alam kung sino ang taong mamahalin ko, nandito na po siya kasama ko at gusto kung malaman mo na mahal na mahal ko po siya, matagal ko na pong hinihintay ang pagkakataon na ito.” Sabi ni Dave habang nakatingin kay Carlo. Si Carlo naman ay tumingin sa kanyang paligid at nagtataka kung sino ang pinatutungkulan ni Dave na kasama na niya ang taong mahal na mahal niya,  na sila lang naman dalawa ni Dave ang nandoon sa oras na iyon. “Carlo diba sinabi ko na sa araw mismo ng graduation  sasabihin ko kung sino ang taong  mahal ko?” Tanong ni Dave. “Mahal kita, at hindi ko ikanahihiya na sabahin yan sa harap mismo ng puntod ng mommy ko,  mahal kita.” Sabi ni Dave habang titig na titig ito kay Carlo. “Ako? As in me? Boss lasing ka ba?” natatawang sagot ni Carlo habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Dave. “Sabihin mo na gusto mong sabihin. Lasing, bangag o kahit baliw pa, basta ang alam ko, mahal kita.”  Sabi ni Dave. Napalunok si Carlo sa mga naririnig niya mula sa bibig ni Dave, para siyang nabingi at biglang naparalyzed ang kanyang katawan sa oras na iyon. “Totoo mahal mo ako?” sa isip-isip niya. Ngayon niya napagtanto na totoo ang kutob niya, ngunit naglalaban sa kanyang pusot –isipan ang ang mga bagay-bagay na alam niyang may mali. “Prank ba to boss? pinagtitripan mo naman ako, saan ang camera?” Natatawang tanong ni Carlo. “Sa palagay mo ba magbibiro ako ng tulad nito sa harap mismo ng puntod ng mommy ko. Matagal ko na itong gusto sabihin sa iyo, pero pinigil ko dahil takot ako na mawala ka sa akin kung sasabihin ko to sa iyo, pero naisip ko na mas nakakatakot na mawala ka na hindi ko man lang nasabi ang totoo kung naramdaman, kaya mas pinili kung sabihin  ito dito mismo sa harapan ni mommy, dahil alam kung higit niya akong maiintindihan, dahil alam kung noon pa man siya na talaga ang tunay na nakakaintindi sa akin.” Sabi ni Dave. Samantala si Carlo ipinako ang tinggin sa napakagandang bulaklak na dala ni Dave para sa kanyang Ina na oras na iyon at hindi mawari ang totoong naramdaman.  Nagkakaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan ng dalawa, titig na titig si Dave kay Carlo, samantala ni Carlo naman ay sumusulyap lang ito sa kanya na halatang iniiwas ang tinggin kay Dave. “May gusto ka bang sabihin?” Tanong ni Dave kay Carlo. “Wala, iwan ko.” Sabi ni Carlo kasunod ang isang buntong hininga. Biglang nanahimik ulit ang dalawa, parihong nakatingin sa kawalan, pahirong naghahagilap ng tukmang mga salita na sasabihin. Sa isip-isip ni Dave nasabi na niya lahat, sa loob-loob naman ni Carlo ay ang magkahalong damdamin ang gumagambala sa kanyang kaisipan. Bumalik ang ulirat ni Carlo ng biglang tumawag sa kanya ang yaya ni Dave. “Saan na kayo?” Tanong nito. Pariho walang imik ang dalawa habang binabay-bay nila ang daan pauwi sa bahay nina Dave. Pagpasok nilang dalawa, sinalubong sila ng malakas na singawan at pagbati na “Congratulions Dave!” at  malakas na palakpakan. Gulat na gulat si Dave ng nakita niya na nandoon ang kanyang lolo na si Mr Conrado Sequerra, si Juliana at may isa pang matanda na kalaunan nalaman niya na ama pala ni Juliana at business partner ng kanyang lolo. Pinagsalohan ng lahat ang nakahanda pagkain, tumawag din via videocall ang ama at mga kapatid sa ama ni Dave para batiin ito. Masayang nagkukwentuhan ang lahat habang kapansin-pansin naman, na nakatayo lang sa isang sulok ni Carlo at tila nagmamasid lang sa mga nangyayari. Sinusulyapan siya ni Dave paminsan-minsan, ngunit sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin tila iniiwasan ito ni Carlo. “Masaya tayo sa araw na ito dahil sa pagtatapos ni Dave sa kanyang pag-aaral ngunit ito ay isa din selebrayon sa kanyang pagsisimula bilang bagong kawani sa kompanya, sa katunayan sa lunes mismo magsisimula na itong apo ko. Alam kung mangangapa ka pa sa simula, pero wag kang mag-aala nandiyan na man si Juliana para umalalay sa iyo.” Sabi ng lolo ni Dave sabay sulyap kay Juliana nakaupo katabi ang kanyang Ama. “Well for the first time, nais kung imbitahan ni Juliana at ang kanyang daddy, kasama si Dave sa isang close door meeting. This is it” Sabi ng lolo ni Dave sabay tayo para pumasok sa loob ng isang kwarto na sila lang apat. Naiwan si Carlo at  Timothy na sinusulyapan ni Dave habang papasok ito sa kwarto na pagdadausan ng meeting. Paglipas ng halos isang oras, lumabas na ang lolo ni Dave at ang daddy ni Juliana at agad nagpa-alam na umalis at naiwan sa loob ang dalawa, habang si Carlo naman ay hindi maipaliwag ang naramdaman ng halos umabot na ng dalawang oras at hindi pa rin lumabas ang dalawa. Kinakausap siya ni Timothy ngunit parang wala siyang kagana-gana kausapin at patulan ito dahil ang nasa isip niya ay kung ano na ang nangyayari sa dalawa na kasalukuyang nagkulong sa likod ng nakasaradong pintuan. “Carlo tayo na lang naiwan dito, tumagay ka muna.” Alok ni Timothy. “Nako Sir Tim pasenya na po may gagawin pa kasi ako mamaya, ayaw ko muna ng alak.” Sabi nito. “Pwede ba ihatid mo muna ako kahit diyan lang sa may labasan, kailangan ko na kasing umuwi, paki sabi na lang kay boss Dave mamaya paglabas nila.” Sabi ni Carlo. “katukin mo, mag-alam ka” Sabi naman ni Timothy. “Ay wag na po, alam kung importante yang pinag-uusapan nila.” Sabi ni Carlo. “Talaga? sure ka  importante yung pinag-uusapan nila? Gaano kaya ka importante kung bakit halos mag tatlong oras na sila diyan sa loob.” Sagot naman ni Timothy na nakangiti. “Sigi ihahatid na kita, kasi parang pagod na pagod ka na rin.” Dagdag nito. Si Timothy na mismo ang naghatid kay Carlo sa kanyang apartment, pumasok muna ito saglit upang magbanyo. Pagkalabas agad itong nagpapaalam na bumalik na sa bahay nina Dave, ngunit bago ito nakalabas naririnig nila ang napakalakas na katok sa pintuan, pagbukas ni Timothy si Dave ang kanyang nakikitang nakatayo, namumula ang mukha at halatang naka inum ito. “Boss bakit nandito ka? Iniwanan mo yung bisita mo?” Tanong ni Carlo. “Magaling, alalang-ala ka kung bakit iniwan ko ang bisita ko, samantala ikaw din nang-iiwan. Ako ang kumuha sa iyo dito, dapat ako rin ang maghahatid sa iyo pauwi.” Sabi ni Dave na halatang masama ang timplida sa oras na iyon. “Hindi na ako nakapagpa-alam boss, kasi nakakahiya naman istorbohin kayo ni Juliana diba? Alam ko mahalaga ang pinag-uusapan ninyo, kaya nagpahatid na lang ako kay Timothy.” Sabi ni Carlo. “Ngayon nasabi ko na sa iyo ang totoo kung  naramdaman, tutulad ka rin ba kay Daddy na kusa na lang nawawala at kay mommy na nagpaalam naman na aalis pero hindi naman babalik, ganun ka din ba, darating at bigla na lang maglalaho sa buhay ko, ha Carlo?” Tanong ni Dave. “Boss nakainum ka, pwede ba sa susunod na araw na lang tayo mag-uusap.” sabi ni Carlo. “Sir Tim, siguro isama mo na rin si Boss Dave pag-uwi mo.” Dagdag pa ni Carlo. “No! may kasama akong driver, mauna ka na Tim kung gusto mo may sasabihin pa ako kay Carlo, kung gusto mo, dyan ka lang, makinig ka, dahil gusto ko maging saksi ka sa lahat na sasabihin ko sa kanya.” Sabi ni Dave habang palakad lakad ka loob ng kwarto. “Akala ko ba nauunawaan mo ang mga taong tulad ko, akala ko hindi mo ako iiwan, bakit kung kaylan ng tapat na ako na MAHAL NA MAHAL kita, bakit tila biglang nagbago ang tingin mo sa akin.” Sabi ni Dave habang si Tim ay nanlaki ang mga mata sa pagkabigla ng marinig ang mga sinasabi ng kanyang kapatid na si Dave. “Boss, matulog ka muna, lasing ka.” Sabi ni Carlo. “Nakainum ako pero hindi ako lasing, alam ko yun.” Sabi ni Dave. “Bakit pina-paasa mo lang ako, bakit Carlo mahirap ba akong mahalin?” Tanong ni Dave. “Boss mahal naman kita, pero hindi tulad ng pagmamahal na inaakala mo.” Sagot ni Carlo. “Ganun? Pagkatapos mo akong yapus-yapusin, lambing-lambingin at landi-landiin ngayon nahulog na ako, ngayon napamahal na ako sa iyo, bigla mo na lang akong pakawalan, sana noon pa ginagawa mo yun, para hindi na ako umasa pa at lalong masasaktan.”Galit na sabi ni Dave. “Boss bata ka pa lang may nakalatag na  magagandang bagay para sa iyo, sa pagiging Sequerra mo, ang ganda ng mga plano ng daddy at lolo mo sa para iyo, please huwag mo akong sinigit sa buhay mo, dahil alam ko ang katotohan na hindi tayo bagay, alam ko yun boss at sana alam mo rin ang katotohanan iyon.” Sabi ni Carlo. “Hindi tayo bagay? dahil pariho tayong lalaki? Hindi tayo bagay dahil mayaman ako samantalang ikaw isang farm boy? Ganun? ganyan ba kababaw ang dahilan mo? Sinadya ko  na mapakingnan ni Timothy ang lahat ng pag-uusap natin, dahil hindi ako natatakot sa kung ano ang kinalabasan nito. Wala akong paki sa yaman nakalaan sa akin, wala akong paki sa pagiging Sequerra ko at mas lalong wala akong paki sa Julianna iyan. Ngayon kung choice mo talaga na ayawan na ako, walang din akong paki, ang pakialam ko lang ngayon ay mahalin ka, mahalin ka ng tapat at wala akong paki kung sino ka.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Dave. Lumapit si Carlo kay Dave at inakbayan ito. “Boss pwede ba matulog ka muna” Tumayo si Dave at dali-dali lumbas sa pintuan. Sinundan ni Carlo ngunit bigla siyang hinawakan ni Timothy. “ Hayaan mo muna siya, kailangan niya yan ngayon, alis na kami” sabi ni Timothy. “Sir Timothy paki sabi kay yaya na paalalahan ni Dave sa mga vitamin at supplement na dapat niyang iinumin” Sabi ni Carlo. “Kung talagang pakawalan mo na ang kapatid ko, wag mo na siyang alagaan tulad ng dati, mas lalo mo lang siyang sinasaktan, pero kung talagang may pagmamahal ka para sa kanya, malaya kang gawin ang lahat na gusto mo upang mas lalong mapabuti ang buhay ni Dave.” Sabi ni Tim sabay alis. Naiwan si Carlo sa loob ng kanyang kwarto na hindi alam ang kanyang gagawin, hindi maiintindihan ang kanyang naramdaman, gulo-gulo siya sa mga pangyayari, ang akala niya na kung makapagtapos ni Dave sa kolihiyo ay maging maaayos ang lahat. Ang akala niya na araw ng graduation nito ay maging masaya ang lahat, ngunit tila baligtad ang mga pangyayari. Siya nababalutan ng kalituhan ang kanyang pusot-isipan, samantalang si Dave ay nasasaktan sa kototohanan na ang pagmamahal niya para Carlo ay isang pagmamahal na siya lang ang nakakaramdam at hindi tulad ng kanyang inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD