Kakampi

1522 Words
kinausap ni Timothy ang driver ni Dave na mauna na lang at siya na ang magmamaniho sa kotse ni Dave. Sinusulyapan ni Timothy ang kapatid habang nakasandal sa upuan ng kotse at walang tigil sa kakaiyak. Sa panahon iyon hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at kung paano simulan ang kanilang pag-uusap, dahil pati siya ay nabigla sa mga kaganapan sa oras na yun. Ang nasa isip niya ay maihatid ng matiwasay si Dave. Wala pa rin tigil sa kakaiyak si Dave, at inikot ni Timothy ang kanyang mga mata sa loob ng kotse sa pagbabakasakali na makakita ito ng tubig upang mapainum niya  ito,ngunit wala itong nakita. “Bro, tahan na relax ka lang baka mapapano ka niyan.” Mahinang sabi ni Timothy. “Ikaw ngayon nalaman mo na ang totoo kung pagkatao, ayos lang sa akin na lumayo ka, mandiri sa akin, sigi lumayo kayong lahat sa akin.” Pasigaw na sabi ni Dave habang dinuro-duro si Timothy. “Ano ka ba? Ano ba yang pinagsasabi mo? sino bang nagsabi sa iyo na nandidiri ako sa iyo? aamin ko na nabigla din ako, pero ngayon tangap ko na, tangap kita kahit sino ka pa.” Mahinang sabi ni Timothy. “Paano mo mapapatunayan na mahal mo yung tao na sa unang pagsubok pa lang aayaw ka na, relax may bukas pa.” Dagdag pa nito. Sa isang tahimik at maburol na bahagi ng daan inihinto ni Timothy ang kotse. Madalim at ang nagsisilbing ilaw lamang ay ang mga mumunting bituin na nag kikislapan sa kalagitan. Mula sa kanilang kinaroroonan ay matatanaw ang mga tumpok-tumpok na liwanag na nagmumula sa mga gusali sa ibaba. Malamig ang simoy ng hangin at napaganda ng tanawin.   “Labas ka muna diyan bro, pahangin ka muna, tingnan mo oh ang ganda ng view.” Sabi ni Timothy habang binubuksan ang pintuan upang palabasin ni Dave. Noong una, hindi kumibo si Dave at nakatingin lang ito sa kawalan habang humihikbi. Ngunit mapilit si Timothy at nahila niya ito palabas, agad naman itong sumandal sa kotse, inikot ang mga mata sa nakaganda tanawin sa taas ng burol, tumingala ito sabay sigaw ng napakalakas. “Ahhhhhhhhhh!!! Ahhhhhh!!! Ahhhhhhhhhhh!” Isang napakalakas na singaw ang umaalingaw. Isang sigaw na naglalabas ng sakit at nagpapagaan sa pusong nabibigatan. Isang sigaw na tila humihingi ng saklolo mula sa itaas. Sigaw ng pagmamakaawa at pag-unawa. Biglang napaupo si Dave pagkatapos niyang gawin ang napakalakas na pagsisigaw. Parang bang may isang napakalaking tinik ang nabunot mula sa kanyang kaloob-looban. Parang bang may kung ano bagay na pasan niya ang biglang hinugot mula sa kanyang pagkatao. Samantala naka ngiting nagmamasid sa kanya si Timothy. “Yan kailangan mo yan bro, isigaw mo lahat na pait at hinanakit ito dito, lahat ilabas mo, nako ilang sigaw lang yan tiyak gagaan yan pakiramdam mo.” Sabi ni Timothy. “ O ano isa pa.” dagdag pa nito. Biglang tumayo si Dave sabay singaw ng napakalas “ Carloooooo Mahal na mahal kita!!!! Mahal na mahal kita!!!! Pero kung ayaw mo sa akin putanggg ina mo!!!!!.” Tawang-tawang si Timothy sa pinagsisigaw ng kanyang kapatid. Alam niyang makakatulong ito upang kahit papano gumaan ang pakiramdam nito. “O tapos ka na?, Ako na naman.” Nakangiting sabi ni Timothy. Nakasandal sa kotse si Dave na hiningal pa mula sa kanyang pagsisigaw habang si Timothy at tila humahanap ng bwelo sa kung ano ang kanyang isisigaw. “Makinig kayooo!!!! Bakla ang kapatid kooo!!!! Pero hindi ko ikinahihiyaaa!!!! Mahal ko kapatid kooo!!! Mahal ko kapatid kooo!!! Anong paki ninyooo!!! Putang Ina ninyooo!!!!!.”  Ang sigaw ni Timothy. Nabigla si Dave sa kanyang narinig mula kay Timothy, tila may kung anong lamig ang bumalot sa kanyang pagkatao. Hindi niya sukat akalain na matatangap siya nito na ganun kadali. Luhaan na nilapitan ni Timothy at mahigpit itong niyakap, isang yakap ng pagkalinga at pag-unawa dahil alam niya sa sa oras na iyon ay kailangan ito ni Dave. Kailangan nito ng isang taong sa katulad niya nauunawa, isang pag-unawa na inaasahan sana ni Dave  na maiibibigay ni Carlo, ang taong una niyang minahal.  Hindi ng sasalita si Timothy habang patuloy na mahigpit na niyayakap ang kapatid samantalang parang batang umaatungal si Dave habang yapos-yapos niya ang kanyang kapatid sa siyang unang taong tumangap at nakaka alam sa totoo niyang pagkatao.Ilang minuto din silang nagyayapusan na hindi nagsasalita hanggang tila natuyuan na ng mga luha ni Dave. “O ano ayos ka na?” nakangiting tanong ni Timothy. “ Uwi na tayo.” Dagdag pa nito. Pagkadating nila sa bahay, tahimik at tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Dave. Sinundan ito ni Timothy hanggang nakarating sila swimming pool. Agad hinubad ni Dave ang suot na sapatos at damit, suot lang ang boxer brief tumalon ito sa napakalinaw na tubig. Pinagmamasdan lang ito ni Timothy at hinayaan lang upang sa ganun mahimas masan ito sa mga nangyayari sa kanya. Sumisid ito ng sumisid at sa tuwing pumaibabaw ito sumisigaw ito ng napalakas sa tila nilalabas ang lahat na hangin sa kanyang baga. Sumandal ito sa gilid ng swimming pool at sumulyap kay Timothy. Biglang na buhayan ito ng loob ng makita niya na ngumiti si Dave sa kanya. “Ay salamat nahimasmasan na rin.” Sa loob-loob ni Timothy. “Magaling ka palang lumangoy?” Tanong ni Timothy. “Nakita mo ba yon?” Sabi ni Dave sabay turo nito sa kalawan. Tumingala si Timothy upang tingnan kung ano ang itinuturo ni Dave ng bigla na lang naramdaman niya ang malamig sa tubig na tumama sa kanyang katawan. Sadyang binasa siya ni Dave upang mapipilitan itong samahan siyang magtampisaw sa swimming pool. “Maligo ka na rin!” sabi ni Dave habang binabasa ang kapatid. Wala na nagawa si Timothy at pinagbigyan ang gusto ni Dave. Para silang mga batang naglalaro sa swimming  pool. Mababanaag ang saya sa mukha ni Dave sa mga oras na iyon dahil sa unang pagkakataon nakasama ang kapatid na maligo. Tawanan at harutan ang dalawa at naging masaya naman si Timothy dahil kahit papano nakalimutan ni Dave sa Carlo sa oras na iyon.   Dahil semestral break naman, halos iginugol ni Carlo ang kanyang oras sa burger shop at ilang araw na ring  hindi ito nagparamdam kay Dave. Samantala si Dave ay abala sa unang linggo sa kompanya ng kanyang lolo. Pariho ang dalawa nangungulila sa isat-isat pero ni isa sa kanila ay walang nagkakaroon ng lakas ng loob upang tumawag o mag txt man lang. Napapansin ng mga katrabaho ni Carlo ang pagiging matamlay nito sa nakaraan araw lalo-lalo na si Elah, na  nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito kung ano ang nangyayari. “Pansin ko ilang araw na ngayon hindi ka nagsasalita at matamlay? May problima ka ba Carlo?” Tanong ni Ellah. “Hindi ko alam kung problima ito, pero pwede ko bang ma share sa inyo?” Tanong ni Carlo. “Ellah hindi naman ligid sa lahat na noon pa may gusto ako sa iyo, pero alam mo naman na ipinapangko ko na saka lang kita liligawan kung tapos na ako, tanong ko lang pwede na ba kitang liwagan ngayon?” Tanong si Carlo. “So, yan pala problima mo, ako pala ang dahilan kung bakit ka matamlay?” nakangiting tanong ni Ellah. “Hindi naman, kaya matamlay ako dahil may gumugulo sa aking isipan. May isang taong nagtapat sa akin ng kanyang pag-ibig at pakiramdam ko hindi ako bagay sa kanya, kaya kung pwede hayaan mo akong ligawan kita upang sa ganun malaman niya na may gusto din akong iba.” Sabi ni Carlo. “Pakiramdam mo na hindi  kayo bagay? Bakit?  ano naman naging basihan mo bakit ako ang liligawan mo? Bakit tayo bagay? Sa pagmamahal Carlo hindi mo basta masasabi sa isang tinggin lang na bagay ang dalawang tao. Paano kung ang naramdaman mo sa taong nagtapat sa iyo ay naramdaman ko rin, yung pakiramdam na hindi rin tayo bagay sa –isat-isat, pero hindi ko sasabihin yan, dahil masyado pang napaaga diba? Nakangiting sabi ni Ellah. “Pero ikaw ang gusto ko, alam mo yun?” sabi ni Carlo. “Yes sabihin natin na gusto mo ako, but how about me? Gaano ka sigurado na ikaw ba din ang gusto ko? Well hindi natin masasabi yan, kaya nga siguro may ligawan na nangyayari para mas lalo natin makikila ang isat-isa, yes pwede mo akong ligawan, pero hindi rin kita pipiligalan na pansinin yung taong nagpaparamdam din  sa iyo nagmamahal, alam ko naman hindi natuturuan ang puso, pero marapat lang na bigyan mo ng halaga ang taong kusang lumapit at nagbigay at wag mo lang ituon ang pansin mo sa taong pinili mong lapitan upang bigyan.” Sabi ni Ellah. “So palagay mo sino ang pipiliin ko, yung taong dumating sa buhay ko, o yung taong nahanap ko na.” Tanong ni Carlo.  “Ang pag-ibig ay napaka complicated Carlo at hindi ito umuusbong na bigla-bigla na lang, bigyan mo ng panahon ang iyong sarili, pahanon para sa akin na sinasabi mong nahanap mo na, at panahon din sa taong natagpuan ka na. Panahon lang makapagsasabi Carlo.” Sabi Ellah.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD