Maliit. Masikip. Tahimik.
Iyan lang ang nasabi ko habang nakatayo kami sa harap ng isang payak na kubo na parang tinangay mula sa ibang siglo. Alam kong sinabi ni Tori na sa kubo raw nakatira ang kuya niya, pero hindi ko inasahan na ganito kaliit at kasimple. Alam mo 'yong tipong akala mong exaggeration lang, pero legit pala talaga?
Knowing how ridiculously rich their family is, it's honestly hard to believe her brother chose to live in a place like this. Hindi ko naman siya hinuhusgahan - okay, maybe konti... but seriously, from a whole-ass mansion... to this?
"Kuya! Are you there? It's me, Tori!" sigaw ng kaibigan ko, halos pangsampung beses na yata 'yon.
Habang paulit-ulit siyang tumatawag, naiirita na ako. Walang kumikilos sa loob, walang kumakaluskos man lang. Kahit boses o kahit anong senyales na may tao, wala.
Napapailing na lang ako sa tabi niya hanggang sa hindi ko na natiis. Lumapit ako sa pintuang kawayan at kinatok ito... medyo malakas. Actually, masyado talaga iyong malakas. Enough na halos gumalaw 'yong buong dingding at mayupi iyon. Mukhang matitibag na nga dahil sa rupok.
"Hello? Tao po? May tao ba r'yan?!" sigaw ko.
"Kassy! Baka masira mo 'yong pinto!" pigil ni Tori, halos matawa sa pagkabigla.
Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "Are you really sure dito siya nakatira? Baka naman may ibang kubo kang tinutukoy?"
Honestly, it wasn't her I was trying to convince. It was me. Siguro kasi hindi ko pa rin matanggap na may taong kayang talikuran ang marangyang buhay para lang tumira sa ganito. Sino ba'ng gumagawa niyan?
"Trust me, Kassy," sagot ni Tori, sabay buntong-hininga. "Ilang beses na akong nakakapunta rito. Kahit ilang ulit pa niya akong paalisin, bumabalik pa rin ako."
Tahimik akong napatitig sa paligid habang siya ay patuloy sa pagtawag. Nakapuwesto ang kubo sa gitna ng palayan, napapalibutan ng mga puno. May maliit na kusina sa gilid, na tila gamit sa lahat... lutuan, hugasan, tambakan. Sa kabilang bahagi naman, may palikuran na halos yero lang ang nagsisilbing tabing nito.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa boots kong halos hindi na makilala dahil puno ng putik.
Bigla, may narinig kaming tinig mula sa likod.
"Ma'am Tori? Kayo ho ba 'yan?"
Isang lalaking nasa late 50s ang lumapit. May lubid sa balikat at bitbit ang isang sako. Pinagpag niya ito at saka tuluyang humarap sa amin.
"Mang Ambo!" Ngumiti si Tori. "Binisita ko lang po si Kuya. Kanina pa kami rito pero wala naman pong sumasagot."
Napakamot ang matanda sa batok sabay tawa. "Aba'y wala ho talaga r'yan. Kaninang madaling-araw pa 'yon umalis. Sumama kina Fred sa tubuhan para magkamada ng tubó. Baka mamayang hapon pa ho ang uwi no'n."
Ah. That explains it. Kaya pala kahit magsusumigaw kami rito sa labas ng kubo ng buong araw, walang lalabas.
Kita ko sa mukha ni Tori ang pagkadismaya. Sino ba namang hindi? Inaasahan niyang makakausap niya ngayon ang kapatid niya pero wala man lang kaming naabutan.
"Gano'n po ba? Sige ho, babalik na lang kami. Alam niyo po ba kung hanggang kailan sila magtatagal doon?" tanong niya, medyo mahinahon.
Nagkibit-balikat si Mang Ambo. "Hindi ko sigurado. Kakasimula pa lang nila. Pero sasabihan ko na lang si Lorenzo na dumalaw kayo."
Tumango si Tori. "Maraming salamat po, Mang Ambo."
Tumalikod na si Mang Ambo at naglakad palayo, habang kami naman ay nagsimulang bumalik pabalik sa mansyon. Tahimik. Mabigat. At halatang may mga tanong pa rin sa isip naming dalawa.
Napatingin ako kay Tori habang naglalakad kami. Kitang-kita sa mukha niya ang frustration at iyong konting guilt na parang siya pa ang may kasalanan kung bakit walang naabutan.
"Hindi ko talaga maintindihan, Kassy," mahinang sambit niya. "Ayaw niyang bumalik sa bahay, ayaw niyang makausap kami, at para bang sinasadya niyang huwag talaga magpakita."
Napatingin ako sa malayo. "Maybe that's how he's coping. He's not ready to face anyone — sa ngayon."
She nodded, slowly. "I hope I can talk to him again. Lalo na't sabi ni Mommy, pauwi na si Abuelo kasama si Ate Tammy. Our old man shouldn't see him like this. He's expecting Kuya Zero to take over the business."
"Do you think he still wants that?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin, malungkot ang mga mata.
"Honestly? I'm not even sure he wants anything anymore."
Sabagay. Kung ako rin, kapag ganoon ang nangyari sa akin ay baka mawalan ako ng gana at iwan rin ang lahat. Kalimutan ang lahat ng puwedeng magpaalala. Kasi ‘pag masyado nang malalim ang sugat, kahit anong gamutan, may maiiwan at maiiwan pa ring peklat.
At minsan, mas madali pang takasan ang sakit kaysa harapin ito araw-araw. At kahit hindi ko siya kilala nang lubusan, hindi ko maiwasang makisimpatya. Kasi sa totoo lang, hindi mo kailangang maranasan ang parehong sakit para maintindihan kung gaano kabigat dalhin ang isang sugat.
Pareho kaming bagsak ang mga balikat nang makarating sa mansiyon. Halos kalahating oras din kaming naglakad pabalik, mabuti na lang at hindi pa ganoon katindi ang init ng araw. Tahimik lang si Tori habang kasabay ko, pero ilang hakbang bago kami makarating sa mismong pinto ay nakatanggap siya ng tawag.
"I'll take this," aniya, sabay lakad palayo.
Tumango lang ako at tumuloy na sa loob. Tahimik sa kabuuan ng bahay. Wala masyadong tao sa paligid, at ang mga yapak ko lang ang tanging maririnig sa marmol nilang sahig. Papaakyat na sana ako sa grand staircase nang may mahagip ang mata ko sa gilid ng receiving area.
Isang malaking family portrait. Malaki't nakasabit sa gitnang bahagi ng dingding, parang sinadyang iparada ang isang perpektong imahe ng isang prominenteng pamilya. Hindi ko ito napansin kahapon, ni kanina pagkababa ko ng hagdan. Ngayon ko lang siya natitigan nang ganito katagal. Marahan akong lumapit doon.
They were all dressed to impress. Eleganteng elegante si Tita Gabriella sa suot niyang kulay gintong gown, habang si Tito Ysmael naman ay naka itim na tuxedo. Nakaupo sila sa gitna, may awtoridad ang postura, parang mga hari at reyna ng sariling kaharian. Sa kanan nila, nakaupo si Tori, nakangiti suot ang isang puting dress, pero hindi iyong tipong masaya - kundi iyong ngiti na sinanay sa harap ng kamera.
Nakatayo sa likuran nila ang dalawang mas matatandang anak. Sa kaliwa, si Ate Tamara, palaban ang tindig, naka emerald green na long dress, bakas ang pagiging elegante niya. At sa tabi niya... may isa pang lalaki.
Hindi ko maiwasang titigan nang mas matagal ang larawan niya. He looked familiar... eerily familiar. Ngunit kahit anong pilit ko, hindi ko mawari kung saan ko na siya nakita.
Lalo na iyong mga mata niya.
They were sharp...piercing, even as if they could look straight into your soul. May lalim. May kurot. Para bang kahit sa isang litrato lang siya nakaharap, may kapangyarihan siyang galawin ang nararamdaman mo. I was completely drawn in.
But what truly unsettled me was that in this portrait... he was smiling.
Hindi pilit. Hindi peke. His smile looked alive. Buo. Buong-buo. There was warmth in it, a spark. His posture was relaxed, his hand resting lightly on Tori's shoulder. Wala kahit bahid ng lungkot sa itsura niya.
Taliwas sa lahat ng sinabi ni Tori na iniwan nito ang kanilang tahanan, na tila ba wasak siya, miserable, at ayaw nang humarap sa kahit sino.
That couldn't be the same man she was talking about.
Muli ko iyong tinitigan at sa pagtitig kong iyon, parang may kumalabit sa alaala ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong pamilyar sa mukha niya. Iyong tipong hindi mo agad maipaliwanag. Hindi kilala, pero hindi rin ganap na estranghero.
Patuloy akong nakatitig sa larawan, pilit binubuo sa isip ko kung saan ko na siya nakita. Sa mata, sa hugis ng panga, sa paraan ng ngiti...may nagpupumiglas na memorya.
At bigla kong naalala.
Napakagat ako sa labi. Bahagyang lumalim ang hininga ko.
Hindi kaya... iyong lalaki kahapon!
Iyong nakita kong mag-isa sa may palayan. Nakapaa, walang suot na pang-itaas, may lumang peklat sa pisngi, at kasamang pinapakain ang kalabaw. Balot siya ng putik, pero iyong presensya niya... iyong tahimik pero matatag na presensya, hindi mo basta-basta makakalimutan.
Umiling ako. No. That can't be.
Tiningnan ko ulit ang portrait. Maayos. Malinis. Nakangiti. Ang bihis niya, pormal. Ang tindig, kagalang-galang. Parang pinanday ng marangyang buhay. Mahahalatang nababagay siya sa ganito ka-prominenteng pamilya. Animo'y lubhang mahirap abutin. Taliwas sa lalakinh nakita ko kahapon. Malayo. Sobrang layo.
Pero kahawig, e.
Mukha talagang siya.
Pumikit ako, pinilit na suwayin ang naglalaro sa utak ko.
Kassy, baka guni-guni mo lang 'to!
Baka kahawig lang. Baka trabahador lang iyon ng pamilya nila. Malay mo, may pagkakahawig lang talaga. O baka naman... baka gusto ko lang pagdugtungin ang dalawang magkaibang tao dahil sa kung anong naramdaman ko kahapon.
Tama! That idea was ridiculous! Sobrang layo ng pagkakaiba nila!
Pero... paano kung siya talaga iyon?
Napakapit ako sa likod ng pinakamalapit na upuan. Hindi ko alam kung anong bumigat... iyong dibdib ko ba o iyong damdaming hindi ko pa alam kung papaano papangalanan.
Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng tanong at duda, bumukas ang pintuan sa likod ko.
Lumingon ako.
Si Tori.
"Hindi mo pa pala iyan nakikita?" tanong niya, bahagyang nakangiti. "That was our last family portrait. 27th wedding anniversary nina Mom and Dad." Tumango lang ako, pero nanatiling naninikip ang dibdib ko habang sabay naming tahimik na tinitigan muli ang larawan.
At sa gitna ng lahat ng katahimikang iyon, isa lang ang sigurado ako.
Hindi ko pa siya kilala.
Pero parang kaya niya akong guluhin. . . lalo na ang buong sistema ko.
Kahit na. . . wala pa siyang ginagawa.