Chapter 31: Video

1232 Words

  *********  Timothy  ********* [Kailangan nating umalis kaagad. Sa labas na lang ako magpapaliwanag.] Nangunot man ang noo ni Timothy, kaagad niyang sinabihan ang lahat na umalis sa lugar na iyon. Dala ng medic si Eric Roxas na nakasakay sa stretcher, habang ang ibang pulis, naghihintay naman sa ipaliliwanag ng kagrupo ni Mia. "May ipinasa sa aming video kanina," panimula ni Francis na may iniabot na tablet sa kaniya.  Bumungad doon ang lalaki na sa pagkakaalam ni Timothy ay kaibigan ni Mia. Para itong baliw na tumatawa habang may hawak na tool. Napaiwas na lamang siya ng tingin sa susunod nitong gagawin. Halos mamutla naman ang iba niyang kasamahang nakasilip sa tablet. "And were sure nasa basement lang ng unit ang mga taong kasama ng lalaking 'yon sa video," dagdag ni Francis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD