***** Nick ***** [Pagpapatuloy...] * * * "Naku, Nicolas! Sinasabi ko na nga ba! Nalipasan ka na naman ba ng gutom?" bulyaw ni Francis na nakaluhod na sa tabi niya, habang siya padapang nakahiga at nakaharang sa doorway. Halos ikabingi 'yon ni Nick pero pinigilan niya ang sarili na huwag hawakan ang tainga. "Ano bang ginagawa n'yo? Umalis na nga kayo," bulalas ni Eric na halatang naalarma sa nangyari. "Pasensiya na, Sir. Hindi po kasi ito nagtanghalian. Nagtitipid po kasi ito dahil may sakit ang nanay," tugon ni Francis. "Pare, ayos ka lang ba?" Nagsimula na si Francis sa pagpapaypay sa kaniya gamit ang papel na hawak. "Sir, puwede bang makahingi ng tubig?" Makikita ang pag-aalangan sa kilos ng lalaki, pero mukhang umandar ang awa kaya kaagad din itong pumasok sa

