***** Nick ***** Kaagad silang bumaba sa first floor ng condo ni Rachel dahil sa pang-iistorbo ni Calvin. Nakapagtataka ngang huminto na ang music at ang mga taong naroon sa living room, nakatuon na ang tingin sa wall TV kung saan mayroong kakaibang palabas. At ang bida-- walang iba kundi si Mia. Para lang itong nasa isang reality show habang nakatayo sa gitna ng may kalakihang kuwarto, kausap ang isang lalaki. Luhaan ang kaibigan nila at hindi niya alam kung bakit ito tila nagmamakaawa. "What is she doing there?" usal ni Rachel na hinawi ang iba nilang kagrupo para makapunta sa unahan. "Bakit niya kasama si Kuya Eric?" Kaagad sumiklab ang pag-aalala kay Nick dahil sa pangalang nabanggit. Kung ganoon, posibleng katulad ng terror na prof, nanganganib ang kaibigan nila nga

