Chapter 28: Code 133

1012 Words

 *** "Hindi! Hindi dapat siya ang nandito."   Naririnig ni Mia ang inuusal ni Kuya Eric habang kausap nito ang sarili.   "Kotse 'yon ni Jean. Sigurado ako! Alam ko ang plate number niya. Kabisado ko 'yon. Alam ko rin kung saan siya nakatira. Hindi dapat si Mia. Hindi dapat si Mia!" bulalas nito habang kagat-kagat ang kuko.   "K-kuya Eric?" Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Mia. Sa kabila ng matapang niyang make-up at magarbong kasuotan ng isang warrior, ang totoo'y nanginginig na ang mga tuhod niya.   Nababatid niyang wala na sa katinuan ang kaibigan niya.   Napatakip siya sa kaniyang ilong nang manuot ang nakasusulasok na amoy. Napatingin siya sa kanilang kinaroroonan. Maitim ang kabuuan ng silid na mukhang tambakan ng mga lumang gamit. Maraming istante sa bawat sulok na nagla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD