*** "Ilang ulit ko bang sasabihing malinis ang sini-serve namin sa Chalsea Vandeau!" Nangagalaiti ang matining na tinig ni Chef Eleanor. "Imposibleng ihain namin ang karne ng mga lalaking 'yon dahil marurumi sila, lalong-lalo na ang mga budhi nila!" Napapakalikot na lang sa tainga si Gomez--ang leader ng team one ng Crime Investigation Unit. Kaharap nito sa interogation room ang babaeng kanina lang, praktisado ang 'Rights to remain silent'. Mukhang nabuwesit na ito sa paulit-ulit niyang pagtatanong mula nang magkamalay ito kaninang umaga. "Kung hindi n'yo iniluluto ang mga 'yon, anong ginagawa ninyo sa mga nawawalang parte ng katawan nila?" usisa ng katabi niyang si Martinez. "Pinapakain ko 'yon sa mga alaga kong isda," tugon nitong saglit natigilan at napatitig sa kanila. "Wa

