*** Magkayakap sa ilalim ng kumot nang madatnan nina Timothy at Guada ang dalawang taong naroon sa kama. Kaagad niyang isinukbit sa baywang ang dalang baril. Patakbo siyang lumapit upang pulsuhan ang lalaking, sa palagay niya'y walang ano mang saplot katulad ng katabi nito. Saglit niyang inalam kung may pintig ba siyang mararamdaman sa pulso nito ngunit napailing siya. Nalingunan naman niya si Guada na nakatayo sa pinto at tila nakatitig lamang sa eksena. "Ano pang ginagawa mo? Pulsuhan mo na 'yong babae," untag niya saka naman nahagip ng kaniyang paningin ang pang-injection na naroon sa lapag. Kaagad siyang sumilip sa leeg ng mga biktima kung posibleng ito ang dahilan kaya walang malay ang mga ito. Wala siyang makitang kahit na ano. Kinuha niya rin ang radyo para agad makatawag ng amb

