*** Gustuhin mang sumama ni Timothy sa ginagawang pag-check ng grupo nina Mia, hindi naman niya magawa. May inaabangan siyang VIP at napakamailap nitong tao. Sa tuwing tumatawag siya sa opisina nito, palaging ang assistant lang nito ang kaniyang nakakausap. Abala daw ito dahil sa pagiging direktor ng ospital. Madalas din itong wala sa bansa. Kaya ngayon, inabangan na talaga niya sa airport ang pagdating ni Dr. Emilio Montalban-- isa sa mga dating katrabaho ni Dra. Fatima Angeles. Ayon sa anak ng doktora, magkaibigan ang mga ito ngunit matagal nang 'di nagkikita. Dahil daw 'yon sa alitan ng mga ito. Ngunit ang nakapagtataka, isang buwan bago pumanaw ang doktora, saka naman ito biglang nagpunta sa recreation center. Iyon ang gusto niyang itanong kung bakit. Gusto rin niya

