*** Kapansin-pansin ang bilog na bilog na buwan na nakabantay mula sa kalangitan. Sakay ng van, kanina pa nag-aabang ang grupo nina Mia sa pagsasara ng Chelsea Vandeau Restaurant. Naroon ang core members maliban kay Bogs-- na 'di kinaya ang napanood kanina at kay Rachel na pinagpahinga na ng boyfriend. Nakahanda na rin ang lahat. Kanina rin, sumimple sa paglabas si Calvin para makuha ang ilang kagamitan gaya ng smart watch, ear piece na may communication device at ang pinakabago nila; ang eyeglass na may hi-tech na spy camera. Sa unang tingin, isa lamang itong simpleng salamin sa mata, pero may built-in features ito na connected sa system nila. Binigyan din nila si Calvin ng device detector upang malaman nila kung may camera at iba pang surveilance devices sa naka-locked

