Babala: Sensitibo ang mga susunod na eksena. [Pagpapatuloy] "Mga loko-loko, anak ito ni Ms. Quintana. Huwag kayong magulo," babala ng lalaki saka lumingon sa kaniya. "Huwag mo silang intindihin. Maupo ka muna. Hahanapin ko lang sa drawer ang kailangan mo." Bigla namang may humarang sa kanila; isang lalaking may bitbit na dalawang baso ng alak. "Bawal dumaan hangga't 'di umiinom. Shot muna kayo," pang-uudyok nito sa kanila. "Ano? Puro kayo kalokohan, tumigil nga kayo!" saway ng lalaki na pabirong itinulak ang kaibigan. Saka nito hinila ang braso niya. "Pagpasensiyahan mo na, medyo lasing na kasi 'yang mga 'yan." "Naku, balak mo lang yatang solohin 'yan, eh. Share naman diyan!" panunukso ng isa. "Sige na, Miss. Mix drink lang naman 'yan. Hindi ka mala

