*** Ilang araw na namang lumiban si Eric dahil sa masamang pakiramdam. Magpasahanggang ngayon, mistula pa ring binibiyak ang kaniyang ulo. Para nga siyang paulit-ulit na iniumpog sa pader. Nagkakaganito siya sa tuwing nakalilimutan niyang uminom ng gamot na inireseta ng kaniyang personal na doktor. Pinilit lang niyang makapasok ngayong araw. Nagkataon pang ngayon ang nakatakdang presentasyon para sa klase ni Professor Perez-- ang propesora na palaging masama ang dugo sa kaniya. Dahil gusto niyang makapasa, wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang lumapit sa dalawang babaeng kagrupo. Kailangan niyang makiusap. Kung kinakailangang magmakaawa ay gagawin niya. Nakaupo ang mga ito sa bandang unahan ng klase at abala sa mga papeles na nasa ibabaw ng desk. Paglapit niya, hindi

