*** Patuloy ang Joint Investigation ng Cybercrime Investigation at Crime Investigation unit. Pero dahil sa utos ng hepe nila, palagay nila ay magpapatuloy pa rin ang magiging pag-iimbestiga ng Special Team kung sakaling mailipat na nga ito sa Investigation Bureau. Wala pang approval mula sa nakatataas para personal nilang matingnan ang social media accounts ni Angelica Legarda. Mabuti na lang at hindi ito naka-private kaya mula roon, nahanap nila ang mga pangalan ng ibang biktima sa video. Kailangan 'yon upang makontak ang mga magulang ng mga babae, at bakasakaling alam ng mga ito ang kinaroroonan ng mga ito sa ngayon. Ilang oras lang ang lumipas, nakatanggap sila ng mensahe mula sa ama ng isa sa biktima na si Kyle Agape. Nasa ibang bansa raw ito, habang ang an

