Chapter 18: Professor Perez

1095 Words

      ***   Mag-isang tinatahak ni Professor Perez ang daan palabas ng gusali ng Business Administration. Halos tunog lamang ng takong ng kaniyang sapatos ang maririnig, sapagkat wala na ring katao-tao sa paligid. Nagsisimula na kasing lumalim ang gabi. Kapansin-pansin din ang pagguhit ng maninipis na kidlat sa mga ulap. Mukhang mayamaya rin ay bubuhos na ang ulan.   Napakarami niyang inasikaso kaya hindi na niya namalayan ang oras. Sa higit tatlumpong taon niya sa pagtuturo magmula noong assistant teacher pa lang siya, nasanay na rin siyang gabihin. Sa dinami-rami ng aralin, exams, quizzes at iba pang preparasyon para sa kaniyang mga lecture, kulang na kulang ang kaniyang oras. Mabuti nga't ilang taon na lang ay maaari na siyang magretiro.   Marami na siyang pinagdaanan bilang g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD