[Continue...] Nabigla si Nick dahil ang babaeng nakahiga sa kama, nakamulat na ang mga mata at nakatingin pabalik sa kanya. ‘’Elaine?" Hindi makapaniwalang wika niya. ‘’Sino ka?" tanong nito sa kabila ng panghihina. “Nasaan ako?" Pinindot niya ang emergency button sa itaas na bahagi ng kama. ‘’Nasa ospital ka. Higit isang linggo ka na raw dito. May paparating na mga doktor, hintayin mo lang sila? Mamaya, babalik ako para makausap ka," paliwanag niya at nagmadali na rin siya palabas ng silid. Pagpasok ni Nick sa VIP room ni Rachel, halos wala siya sa sarili nang ibigay kay Francis ang bugging device. "A-ang killer..." Halos nanlalambot pa rin ang tuhod niya. “Ano bang sinasabi mo?" Laking pagtataka ni Mia na nilapitan na siya. “Ang killer...nasa kwart

