Dali-daling bumalik sina Mia at Francis sa kabilang silid. Pagpasok nila roon, nakatutok na ang mata nina Angel, Nick at Rachel sa isa sa mga laptop na nasa mesa. Tumakbo si Francis palapit sa namumutlang girlfriend para yakapin at takpan ang mga mata nito. Ganoon din ang ginawa ni Mia kay Angel. Naroon na sa screen ang isang nakababahalang eksena. Palagay nila, roon pa rin 'yon sa lugar kung saan nila nakitang minartilyo ang bibig ng unang biktima, at sinaksak ng ice pick ang mata ng ikalawa. Medyo may kadiliman ang silid. Mukhang ang liwanag ay nagmumula lamang sa labas, ngunit malinaw ang kuha ng livestream kaya't kitang-kita nila ang babae na nasa isang sulok at walang malay. Nakahiga ito sa lapag habang nakapiring ang mga mata, at nakatali naman ang mga paa at kamay. Ba

