"Sila ba?” Excited na wika nang isang Dalaga. Agad namang napatingin si Samantha sa pinanggagalingan nang Boses. Nakita niya ang isang grupo nang mga dalaga na nakatingin sa kinaroroonan nila at mukhang ang tinitingnan nang mga ito ay sina Nancy at Drake. “Sila nga. Ang ganda at gwapo pala nila sa personal.” Tila kinikilig na wika nang isang dalaga habang nakatingin sa dalawa. Sang-ayon naman si Samantha sa sinabi nang mga ito. Si Nancy at Drake ang itinuturing na King and queen nang University. Sila ang Face of the University. Sila din ang mukha na nasa webpage nang social media account nang university. “Lumapit tayo mag papicture tayo sa kanila. Minsan lang tayo makapunta dito sa sa University nila.” Wika nang isa pang dalaga. “Dito na ba kayo magpapaenrol next year?” tanong nang ka

