"Crys.” Wika nang isang Binatang nakasuot nang jersey nang Faculty of Law at lumapit sa kanila. Kasalukuyan silang nakatayo sa entrance nang Gym. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit. “Buti at nakarating ka. Pasensya kana hindi kita nasalubong.” Wika nito at makalapit sa kanila. Bahagya itong napatingin kay Samantha. “May kasama ka?” Tanong nang nito. “Ah, Si Samantha. Kaklase ko. Nagkita lang kami dito.” Wika nito sa kasintahan. “Samantha. Si Eric, boyfriend ko. Siya ang Number one player sa college nila at miyembro din siya nang University Varsity team.” Wika nito na may halong pagmamalaki sa boses. “Ikaw naman masyado mong pinababango ang pangalan ko. Hindi naman ako ang number one player.” Wika nito saka napangiti at napakamot sa ulo. “Nice to meet you.” Wika nito saka inila

