“I might as well later.” Wika nang binata saka naupo. Napatingin naman si Juno sa kaibigan. Saka bumaling kay Samantha na nakatingin sa binata. Mukhang napako ang tingin nito sa binata. At halatang na bigla sa Nakita. “Kanino ka ba naiinis?” Tanong ni Juno sa kaibigan. “Just shut it.” Wika ni Drake. Napailing lang si Juno. Sanay na siya sa pagiging moody nito. “Mukhang lalo pa kayong naging sikat ni Nancy ngayon. Kahit alam nang lahat na hiwalay na kayo. Iniisip parin nilang couple kayo. Umaasa sila na magkakabalikan pa rin kayo.” “It’s their delusion. Alam naman nilang impossible na mangyari yun.” Wika ni Drake. “Pero aminin mo. Hanggang ngayon nasa puso at isip mo pa rin si Nancy. Mahirap kalimutan yan. Dahil simula noong high school magkasama na kayo.” Wika nang binata. Napatingi

