"Pwede bang ikaw na ang umayos sa event sa main hotel? May mga ginagawa pa kasi ako at may meeting pa ko. Nagkakagulo ngayon sa main dahil sa double booking. Kapag hindi natin naayos yun baka hindi maging maganda para sa hotel natin malaking client pa naman ‘to.” Wika ni Lee kay Samantha nang tawagan nito ang dalaga. “Ako? Pero Lee----” takang wika nang dalaga saka naputol ang sasabihin nang biglang ibinaba ni Lee ang telepono. Taka siyang napatingin sa cell phone niya. Sinubukan niya ulit na tawagan si Lee pero hindi na iyon sinasagot nang binata. “Anong gagawin ko? Bakit ako?” tanong ni Samantha. Siguro nga sumasama siya kay Lee sa mga business meetings at tinuturuan din siya nang binata kaya lang hindi niya inaasahan na sa kanya ipapahandle ni Lee ang ganitong sitwasyon. Sa sinabi ni

