"Kumusta nang pakiramdam niyo?” tanong ni Drake kay Leandro nang puntahan niya ito sa silid nang matanda. Nakahiga pa rin ito sa kama sabi ni Simone. Kailangan niyang magpahinga. “Mabuti na. Si Sky gising na ba siya?” tanong nito sa binata na unang hinanap ang apo niya. “Nasa harden at naglalaro kasama si Sam.” Wika nang binata. “Pwede mo ba akong samahan sa terace. Gusto kong makitang maglaro si Sky. Alam mo kasi, ang ngiti nang batang yun. Katulad na katulad nang mga ngiti ni Samantha bago ang aksidente noong bata pa siya.” Wika nang matanda. Napakunot naman nang noo ang binata dahil sa sinabi nang matanda. “Simula nang aksidente, hindi ko na nakita ang mga ngiting iyon mula kay Samantha. Kahit na pinipilit niyang maging masaya para hindi ako mag-alala sa kanya. Alam kong hindi toto

