Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagkauhaw. Dahan-dahan akong dumilat saka inilibot ng tingin ang buong silid. Napansin kong wala na si Bae at tahimik na rin ang buong kuwarto. Wala rin ang ibang mga nagbabantay sa amin na sa tingin ko ay nasal abas ng pinto. Dahan-dahan at maingat akong bumangon hanggang sa makaupo ako sa kama. Agad na iniabot ko ang bottled water sa side table saka ininom iyon. Nilingon ko ang kama ni Aya at nakita na mahimbing itong natutulog. Wala sa sarili akong bumuntong-hininga saka nag-iwas ng tingin dito. Doon ay napansin ko ang tatlong crib hindi kalayuan sa kama ko. Hawak ang tiyan ko ay dahan-dahan akong bumaba sa kama at nilapitan iyon. Tipid akong napangiti nang makita na wala itong laman. Marahil ay kinuha ng mga nurse ang mga baby ko at ibin

